-Katrina’s POV- “Raffy, pwede ko bang makita ang boss mo? Buksan mo ang camera mo, dali!” excited kong sabi sa kapatid ko. “Ha? Bakit, Ate?” natatawang tanong niya. “Huwag mo nang pangarapin ang boss ko dahil may asawa na ’yon. Sayang nga, eh. Kung binata lang sana siya, irereto ko talaga siya sa’yo.” Ilang segundo pa ay bigla niyang binuksan ang camera. At tumambad sa akin ang pamilyar na mukha ng pogi kong kapatid. “Pero baka hindi ka niya magustuhan,” dagdag pa niya, sabay ngisi. “Kasi maganda ’yung asawa niya. At saka mayaman.” At mas lalo pa siyang humagalpak ng tawa. “Hoy!” naiinis kong singhal sa kanya. “Sinasabi mo bang pangit ako?” “Naku, Ate! Hindi, no!” mabilis niyang depensa. “Ikaw kaya ang pinakamaganda kong ate sa balat ng lupa!” Inirapan ko lang siya kahit alam kong

