-Katrina’s POV-
Nagpapahinga pa ako sa kama habang nakahiga nang biglang dumating si Jackie.
“Kat, naasikaso mo ba ang lahat ng mga papeles mo?” tanong niya bago niya sinimulang hubarin ang suot na uniform ng isang sikat na fastfood restaurant.
“Oo, Jackie. Mabuti na lang talaga at natapos ko na.” sagot ko sa kanya, at saka ako nag-scroll sa phone ko.
Pati ang bra niya ay hinubad niya rin at ako na lang ang nahiyang umiwas ng tingin. Malaki ang mga dyoga ni Jackie kumpara sa akin, pero hindi naman kaliitan itong mga sus0 ko dahil bilogan siya at tayong-tayo. Sa kanya kasi ay cup D at medyo bagsak, pero maganda pa rin namang tignan dahil wala pa siyang anak.
Nang makita kong hindi pambahay ang isinuot niya, hindi ko na napigilang magtanong. “Saan ka pupunta?” napatingin ako sa wall clock sa dingding. Alas-sais na ng gabi.
“Birthday ng katrabaho ko, Nag-aayang mag-bar. Sama ka?” pagyaya niya sa akin habang hinihila pababa ang suot niyang maiksing palda.
“Ay, ayoko! Wala akong hilig diyan, saka alam mo namang hindi ako mahilig uminom.” noong college, niyaya na akong makipag-inuman ng isa kong kaklase sa bahay nila, at halos isumpa ko noon ang alak dahil sobrang sakit ng ulo ko kinabukasan.
Isa pa, hindi ko alam ang ginagawa ko kapag nasaniban na ako ng masamang espiritu ng alak. Sabi ng kaklase ko, may hinalikan daw akong lalaki noon dahil sa kalasingan ko, pero wala naman akong maalala. At iyon din ang naging dahilan kung bakit nakipag-break sa akin si Jax.
Ay hindi pala. Ginawa lang pala niya iyong rason para makipaghiwalay sa akin, pero ang totoo, nabuntis niya ‘yung ex-girlfriend niya. Mula noon, isinumpa ko nang hindi na ako muli pang titikim ng alak.
“Ayaw mo bang magcelebrate muna bago ka umalis papuntang Australia? Walang ganito doon, sige ka. Last time mo nang maeenjoy ang buhay mo dito sa pinas dahil siguradong puro trabaho lang ang gagawin mo doon at saka magiging busy ka ding maghanap ng afam natin.” pangungumbinsi pa ni Jackie sa akin, at sandali akong nag-isip.
May punto naman siya, kaya lang wala sa budget ko ang pagcecelebrate ngayon dahil hindi pa ako nakakapagpadala kina nanay at tatay ng pera.
“Huwag ka nang mag-isip diyan. Sagot na kita.” hinila ni Jackie ang kamay ko at saka ako itinulak papasok sa banyo. “Maligo ka na. Pahihiramin din kita ng maisusuot mo.”
Wala na akong nagawa pa nang bigla na lamang niyang damputin ang tabo na may tubig at ibuhos ito sa ulo ko.
“Jackie!” malakas kong pagtili dahil sobrang lamig ng tubig. “Ano ba!”
“Bilisan mo na diyan! Hihintayin kita dito sa labas.” natatawa niyang sabi bago niya hinila pasara ang pinto ng banyo.
Napailing na lang ako sa kalokohan niya bago ko hinubad ang basa kong damit at itinuloy na ang pagligo. Nang matapos ako, naalala kong wala nga pala akong towel kaya naman binuksan ko ang pinto at sumilip sa labas.
Nakita kong nasa harap ng salamin si Jackie at kasalukuyang nagpapahid ng lipstick sa mga labi.
“Jackie!” malakas kong tawag sa kanya. “Pasuyo ng towel ko, please!”
“Wait!” sigaw naman nito bago siya tumayo at kinuha ang towel kong nakasabit sa likod ng pinto. Paglapit niya sa akin, napatingin siya sa mga ded3 ko. “Ang ganda talaga ng mga sus0 mo, Katrina! Sana all!”
At pinisil niya pa ang isa bago natatawang bumalik sa harap ng salamin pagkaabot ng towel ko sa akin.
“Swerte ng unang makakatikim niyan.” dagdag niya pa, at napailing na lang ako. “Ito ang isuot mo ngayon ha. Dapat maganda ka sa celebration ng pag-alis mo.”
Paglabas ko ng banyo, iniabot niya sa akin ang isang maikling itim na palda at sleeveless na puting blouse. “Ay ano ‘to?” salubong ang kilay na tanong ko. “Sobrang sexy naman nito, Jackie! Ayokong magsuot niyan!”
“Ano ka ba! Minsan na nga lang tayo lalabas, ayaw mo pang magpaganda. I mean, ang ganda-ganda mo, Katrina. Pero mas magiging diyosa ka kung mag-aayos ka. Sige na, pagbigyan mo na ako bago mo ako iwanan.” nakalabing saad niya, at napabuntong-hininga na lang ako dahil talo na naman ako sa paglalambing niya.
Nagsimula akong mag-lotion sa buong katawan at saka isinuot ang pinahiram niyang damit sa akin.
“Oh my God! See? Bagay na bagay sa’yo! Dapat ganyan lagi ang isusuot mo sa Australia para makahanap ka ng afam!” sabi ni Jackie nang mapalingon siya sa akin.
“Ano ka ba? Malamig kaya dun, tapos pagsusuotin mo ako ng ganito? Baka pagtawanan nila ako dun Jackie, ikaw talaga!”
Ay, oo nga pala. Sorry naman.” natatawang saad niya bago niya ako hinila sa kamay at saka pinaupo sa harap ng salamin. “Halika, aayusan kita.”
Dahil hindi nga ako palaayos ng mukha, tinulungan ako ni Jackie na pinturahan ang mukha ko. At hindi ko inaasahang lalabas ang ganda ko sa ginawa niya sa akin.
“Grabe, Katrina! Pwedeng-pwede ka talagang mag-artista.” komento niya habang tinititigan ang mukha ko sa harap ng salamin. “Alam mo, nagtataka din ako sa’yo kung bakit wala kang boyfriend, eh ang ganda-ganda mo.”
“Alam mo namang mas priority kong iahon sa kahirapan ang mga magulang ko, Jackie.” sabi ko habang sinusuklay ang mahaba kong buhok. “Ayoko munang magboyfriend hangga’t hindi ko sila naipagpapatayo ng bahay.”
“Pero pwede mo namang pagsabayin, di ba?” sabi niya habang ibinabalik sa loob ng drawer ang mga gamit niya. “At saka maiintindihan ka naman siguro ng magiging boyfriend mo kung uunahin mo muna ang pamilya mo.”
“Ayoko, Jackie. Saka ko na iisipin ‘yang pagboboyfriend na ‘yan kapag natupad ko na ang mga ipinangako ko sa kanila.” sabi ko, at hindi na siya nagkomento pa.
Mag-aalas siyete na ng gabi kami nakalabas ng boarding house, at habang naghihintay ng masasakyan, biglang nag-ring ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makitang tumatawag si Raffy, ang kapatid kong sumunod sa akin.