Chapter 04

1375 Words
-Katrina’s POV- “Raffy, napatawag ka?” agad kong sinagot ang tawag niya. “Congrats, ate! Sabi nina nanay at tatay, nakapasa ka daw sa board exam at saka sa apply mo sa Australia. Masaya ako para sa’yo, ate.” masaya niyang pagbati sa akin. “Salamat, Rafraf.” nakangiti ko namang sagot. Dito din nagtatrabaho ang kapatid ko sa Maynila, at tumutulong din siya sa pagpapadala ng pera sa bahay. Pero dahil lalaki siya, hindi ito regular. Pero naiintindihan ko naman siya dahil kakaumpisa lang niya sa trabaho. Isa naman siyang Data Analyst sa Torres Industries, isa sa pinakamalaking kumpanya sa bansa. Bagong pasok lang siya doon kaya maliit pa ang sweldo niya, at naiintindihan ko naman ang sitwasyon niya lalo’t tatlong buwan pa lang siyang sumusuweldo. At kailangan niya din ng panggastos sa sarili niya at pambayad ng bahay na nirerentahan niya kaya hindi ko din siya pinipilit magpadala kina nanay. Kung pwede lang sana siya dito sa boarding house namin ay dinala ko na siya para makatipid kami, kaya lang pareho kaming babae dito ni Jackie. Isa pa, iisa lang ang kwarto at saka malayo din sa pinagtatrabahuhan ni Rafraf itong lugar namin. “Rafraf, nasaan ka?” nagsalubong ang mga kilay ko nang marinig ang malakas na music sa kabilang linya. “Bakit ang ingay diyan? Nag-iinom ka ba?” “Kaunti lang, ate. Ikakasal na kasi ‘yung boss namin bukas at inimbita niya kami para sa bachelor party niya. Nandito kami sa isang bar ngayon.” sabi niya, at napabuga ako ng hangin nang makarinig ako ng malakas na tawanan. “Sige, pero huwag kang masyadong magpapagabi ha, at hinay-hinay lang sa pag-inom. Huwag kang kukuha ng kung sinong babae lang diyan at baka mamaya bigla mong mabuntis. Hindi pa tayo pwedeng mag-asawa, Rafraf. Kailangan pa tayo nina nanay at tatay.” Natahimik naman siya sa sinabi ko. Hindi ko naman siya pinipigilang mag-girlfriend. Pinag-iingat ko lang siya at baka mamaya biglang makabuntis. Kulang pa nga yung sahod niya para sa sarili niya, pano pa kaya kapag nagkapamilya na siya. “Oo ate. Mamaya na lang ulit kita tatawagan. Tinatawag na kami ng boss namin.” sabi nito. “Mag-iingat ka diyan, ate. Bisitahin na lang kita sa day-off ko.” “Okay. Mag-iingat ka rin.” sabi ko sa kanya bago ko ibinaba ang tawag. “Alam mo, baka biglang magrebelde yang kapatid mo sa dami ng ipinagbabawal mo sa kanya.” biglang komento ni Jackie sa tabi ko na nakikinig pala sa usapan namin. “Hindi ganun ‘yung kapatid ko, Jackie. Mabait siyang bata at alam kong susunod siya sa mga bilin ko sa kanya.” sabi ko nang nakangiti, at saka isinilid ang phone ko sa loob ng bag nang dumating ang isang taxi na binook ni Jackie. Agad kaming sumakay dito, at ilang minuto lang ay huminto ito sa harap ng Heaven’s bar. Pagkabigay ni Jackie ng bayad sa driver, bumaba na kami at pumasok sa loob. Mabilis naman siyang sinalubong ng kanyang mga katrabaho na agad kaming nakita pagpasok pa lang namin sa entrance ng bar. “Jackie! Akala ko hindi na makakapunta. Sino ‘yang kasama mo?” tanong ng babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng pulang dress. Sa tingin ko ay siya ang birthday celebrant. “Happy birthday, Dina! Si Katrina nga pala, kasama ko sa boarding house. Katrina, si Dina. Siya ‘yung may birthday ngayon.” pagpapakilala sa amin ni Jackie. “Happy birthday, Dina.” nakangiti kong bati sa kanya. “Salamat, Katrina. Tara dito sa mesa namin.” niyaya niya kami sa mesa kung san may mga nakaupo doon na dalawang babae at dalawang lalake. “Mga kaibigan ko nga pala, sina Jake at Dave. Tapos sina Riza at Lily. Mga kasamahan din namin sila ni Jackie sa fastfood. Guys, si Katrina. Roommate ni Jackie.” “Hi, Katrina!” sabay-sabay na bati nila sa akin at binati ko din sila pabalik. Pagkaupong-pagkaupo namin ni Jackie sa harap nila ay binigyan na agad nila kami ng tig-iisang baso. “Jackie…” siniko ko siya sa tagiliran. “Ayokong uminom.” “Kaunti lang.” bulong naman niya sa akin at napairap na lang ako. Nagsimulang magkuwentuhan sina Jake at Dina, at ang tatlo nama’y nagkakayayaang sumayaw sa dance floor kaya kaming tatlo na lang ang naiwan sa mesa. “Gusto mo bang sumayaw?” tanong sa akin ni Jackie habang naglalagay siya ng yelo sa baso niya. “Ayoko, Jackie.” mariing pagtanggi ko bago ako pumulot ng fries sa plato at isinubo ito. “Sige, dito na lang muna ako para may kausap ka. Pero pagbalik nina Dave, sasayaw din ako ha.” sabi niya bago niya tinungga ang laman ng baso niya. May barrel ng beer sa ibabaw ng mesa at dito sila kumukuha ng iniinom nila. Maya-maya lang ay bumalik sina Jake at ang dalawa pang babae sa mesa namin na mga pawisan at pagod na sa kasasayaw. Itinuloy nila ang pag-iinuman, at ako naman ay nawili lang sa pagkain nng pulutan nang mapansin ako ni Dina na hindi umiinom. “Katrina…” medyo marami na siyang naiinom dahil namumungay na ang mga mata niya at panay ang tawa niya at hampas kay Jake. Ang sabi ni Jackie sa akin, single mom daw si Dina at wala daw boyfriend, pero parang may gusto ito kay Jake. Maya’t maya kasi itong dumidikit sa lalaki, at napapansin ko ding nagiging malikot ang kamay niya at panay ang hawak sa hita ni Jake. “Uminom ka naman. Birthday ko ngayon eh. Pagbigyan mo naman ang birthday celebrant, please!” inabutan niya ako ng isang baso na may lamang beer. Napatingin naman ako kay Jackie at nagkibit lang siya ng mga balikat na para bang sinasabi niyang nasa akin ang desisyon. Dahil ayoko namang mapahiya si Dina, kinuha ko ang baso sa kamay niya at saka tinungga ang laman nito. Napangiwi ako nang malasahan ang mapait na beer. Nagpalakpakan naman ang lahat. Yung isang basong ininom ko ay nasundan ng pangalawa, pangatlo, hanggang sa hindi ko na mabilang kung nakailang baso ako ng beer. Sumama na din ako kay Jackie sa dance floor at tawa kami nang tawa habang gumigiling at sumasabay sa pagsayaw sa mga kasamahan namin. “Jackie, pagod na ako…” hinihingal kong sambit. Nahihilo na din ako dahil sa pinaghalo-halong amoy ng mga tao sa dance floor. “Pahinga muna tayo.” Dahil uhaw na uhaw ako, dinampot ko ang isang baso na may lamang brown na likido sa ibabaw ng mesa, at hindi na ako nagtanong pa kung kanino ito. Nang dumaloy ito sa aking lalamunan, sandali akong natigilan bago ako napaupo. Ipinikit ko ang aking mga mata at saka ako sumandal sa upuan. Parang mas lalong umikot ang paningin ko, at pakiramdam ko’y biglang uminit ang buo kong katawan. Kami pa lang ni Jackie ang nasa mesa dahil sumasayaw pa ang iba naming kasamahan. Hindi rin ako napapansin ni Jackie dahil may katext siya sa phone niya. Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik sa mesa sina Dave at Lily. “Nasaan ‘yung alak dito?” tanong agad ni Dave, pero hindi ako nagmulat ng mga mata dahil nagsisimula na akong makaramdam ng kakaiba. “Hey! Sinong uminom ng alak dito?” Hindi ko alam kung naiimagine ko lang na narinig ko ang bahagyang kaba sa boses ni Dave. “Bakit? Ano bang meron sa alak na ‘yon?” tanong naman ni Jackie. “May gamot ‘yun. Ibibigay ko sa kabilang table dahil kursunada ko ‘yong isang babae dun!” sabi ni Dave at bigla akong napamulat ng mga mata. Pero hindi ako makapagsalita. Bumibilis na ang t***k ng puso ko at tumataas-baba na ang dibdib ko. “Oh my God!” napatakip naman sa bibig si Jackie. “Ininom ni Katrina!” “What?” hindi naman makapaniwalang bulalas ni Dave. “s**t! Dalhin natin siya sa kwarto sa taas para makapagpahinga muna. Kakaiba ang epekto ng gamot na nilagay ko diyan!” Hindi ko na narinig pa ang sumunod nilang pinag-uusapan. Ang huli kong namalayan ay nakahiga na ako sa loob ng isang kuwarto at isang lalaki na ang humahalik sa akin at niror0mansa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD