Chapter 010

857 Words

-Katrina’s POV- “Hoy! Ano pang ginagawa mo?! Tulungan mo na akong manganak!” halos maiyak kong sigaw habang buong lakas akong umiire. “Ummmmppp! Aaahhh!” Pakiramdam ko ay mabibiyak na ang katawan ko sa sobrang sakit. Hindi ko na alam kung paano ko pa kakayanin ang bawat contraction na sunod-sunod na dumadagundong sa katawan ko. Nanginginig na ang mga kamay ko, basa ng pawis ang noo ko, at halos wala na akong lakas para magsalita. “Wait! I’m going to call my doctor friend!” tarantang sabi ng lalaki habang mabilis na inilalabas ang cellphone niya. “Wala na tayong time!” agad ko siyang sinigawan. “Please! Tulungan mo na ako!” Hindi ko na napigilang tumulo ang mga luha ko. Manganganak na ako, pero wala kami sa ospital. Nasa gilid lang kami ng kalsada, at ilang minuto pa lang ang nakalili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD