-Katrian’s POV- Lumipas ang ilang buwan. Ganoon pa rin ang naging routine ko. Trabaho sa umaga, trabaho sa gabi, at minsan ay hanggang madaling-araw. Sa pagitan ng deadlines at architectural projects, inaalagaan ko rin ang sarili ko at ang baby ko. Pero may isang bagay akong binago. Lumipat ako ng OB-GYN. Hindi dahil may problema sa dati kong doctor, kundi dahil natatakot ako. Baka biglang bumalik ang kaibigan ni Raffy sa lugar kung saan niya ako nakita. Baka abangan niya ako at gusto niyang kumpirmahin kung ako nga ba talaga ang babaeng nakita niya. Kaya naging mas maingat ako. Ayokong magkaroon ng kahit anong bakas na magtuturo kung nasaan ako. Hanggang sa dumating ang araw na pinakakinatatakutan ko. Ang araw ng panganganak ko. Wala si Jackie sa boarding house nang araw na iyon, a

