-Katrina’s POV- Sinundo ulit ako ni Jackie sa ospital, at habang pauwi kami, panay ang paghingi niya ng tawad dahil hindi man lang daw niya ako nasamahan noong manganganak ako. “Ano ka ba, Jackie? Okay lang,” sabi ko habang karga-karga ang anak ko. “May tumulong naman sa akin.” Napatingin ako sa baby kong mahimbing na natutulog sa mga bisig ko. Napakagwapo niya. Namumula ang maputing kutis niya, at napakatangos ng maliit niyang ilong. Sa tuwing tinititigan ko ang mukha niya, hindi ko maiwasang isipin kung kanino niya namana ang mga katangiang iyon. Sigurado akong gwapo ang ama niya. Ang problema, hindi ko alam kung sino siya, at wala rin akong ideya kung paano ko siya mahahanap. Ang tanging palatandaan ko lang ay ang tattoo sa dibdib ng lalaking iyon. Pero paano kung maraming lalaki

