-Katrina’s POV- Humahagulgol ako habang yakap siya nang mahigpit. “Kayden, anak…” Hinalikan ko ang noo niya nang paulit-ulit. “Kailangan kong umalis ha. Kailangan ka munang iwanan ni mama.” Humigpit ang yakap ko sa kanya habang hindi ko mapigilan ang pag-agos ng mga luha ko. “Tandaan mong mahal na mahal kita, anak. Aalis ako para mabigyan ka ng magandang kinabukasan at para matulungan ko din sina Lolo at Lola. At balang araw, magkakasama na tayo na hindi na natin kailangang mag-alala sa pera. Mahal na mahal kita, anak ko.” At umiyak ako nang umiyak habang yakap-yakap ko siya. Nasa ganoon akong kalagayan nang biglang pumasok si Jackie sa kuwarto galing trabaho. “Kat? Anong nangyari?” Agad siyang lumapit sa akin nang makita niya ang mga luha ko. “Bakit ka umiiyak?” Hindi ko na kinaila

