Chapter 014

881 Words

-Katrina’s POV- Paglapag pa lamang ng eroplano sa Australia, parang gusto ko na agad bumalik sa Pilipinas. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng airport, ramdam ko na agad ang bigat ng desisyon kong ginawa. Wala pa ring patid ang pag-iyak ko habang hinihila ang maleta ko palabas ng arrival area. Ilang beses ko nang pinunasan ang mga luha ko, pero parang may sariling isip ang mga ito at patuloy lamang sa pag-agos. Huminga ako nang malalim. This is for Kayden. Paulit-ulit kong iyon sinasabi sa sarili ko. Kailangan kong maging matatag. Kailangan kong tiisin ang ilang taon na malayo sa anak ko. At kailangan kong magtrabaho nang mabuti para magkaroon siya ng magandang kinabukasan. Pero kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko, hindi pa rin nito mabura ang sakit na nararamdaman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD