Chapter 1
?
Kasalukuyan akong nasa aming kwarto, nakahiga at walang ginagawa.
"Hayss, ang boring naman!" Bulong ko sa aking sarili.
Kinuha ko na lamang ang cellphone ko na nagchacharge pa. Pinindot ang application na gallery at isa-isang tiningnan ang mga pictures na nakasave dun, pero hindi ang mga pictures ko kundi ang mga photos na dinownload ko pa sa internet, mga pictures ng bias ko mula sa iba't ibang sikat na gropo. Andito si Xiumin, J-hope, Taehyung, Wonwoo, mga exo, buong bts at marami pang iba.
Para akong timang o naaaning dahil lagi ko silang kinakausap isa isa kapag wala akong magawa.
"Hi, J-hope mylabs! Ang galing mo talaga sumayaw kaya idol na idol kita e..." (slide to the left) "Kamusta Xiumin ko? Sorry ha! Medyo napapabayaan na kita dahil sa BTS pero di pa rin kita kakalimutan, ako pa rin napakaganda mong fan here sa Pilipinas hehe." Kausap ko sa mga litrato sa selpon ko.
Iniscoll ko din kay Taehyung.
"Taena! Ang pogi pogi mo talaga V. Sana ikaw nalang mapangasawa ko huhu I purple you! Borahae."
Inilipat ko din sa Seventeen, kay Wonwoo. May mga kanya-kanya kasing albums mga bias ko.
"Hey, Wonwoo! Grabe isa ka ding gwapo na magaling mag-rap. Sana mameet kita, kayong lahat."
Hay!! Ang hirap umasa lalo na kung impossibleng mangyari.
I connect my phone in our small speaker. Magpapatugtog na nga lang ako. I begun to play my most favorite soundtrack which are mga kanta ng ini-stan kong kboy groups. Nakaplaylist na mga yan.
Pina-praktis ko yung sayaw na 'Shut down' ng blackpink nang dumating ang aking pinsan, si Mari. Siya ang dahilan kung bakit ako na adik sa kpop. Aba! Pasahan ba naman ako ng mga videos, mv's ng mga iba't ibang kgroups at pictures nila. Kaya hindi nagtagal na adik na sa mga koreano.
"Krizza, turuan mo nga rin akong sumayaw." Sabi sa akin ni Mari.
"Tara! Yong mic drop ng BTS ang sayawin natin!" Masaya kong yaya sa kanya.
"Gaga! Hindi nga ako marunong sumayaw tapos pipiliin mo pa iyang mahirap ang steps. Wag na nga lang!" Nakairap nya sa'king sagot.
Tumawa lang ako bilang sagot at plinay na yung mic drop sa YouTube with full volume.
?Did you see my bag, Did you see my bag ?
"Pakihinaan nga ng tugtog, Krizza! Puro kpop, kpop na lang inatupag mo, araw araw!" Naiiritang sabi ni mommy pagkapasok ng kwarto, dala dala yung mga nalabhan ng damit.
Ito kasing si mommy inis na inis. Lagi akong napapagalitan kapag narinig nang nagpapatugtog ako ng kpop, para bang against siya sa pagkahumaling ko sa mga koreano.
"Syempre mommy." Natatawang sagot ko habang sumasayaw pa.
"Pati tong kwarto hindi man lang malinis, ang kalat!" Sigaw niya pa.
"Oo my, mamaya aayusin ko yan."
Lumabas na ng kwarto si mommy, samantala narinig kong tumawa bigla si Mari na animo'y kinikiliti.
Luhh panigurado nagbabasa na naman to ng w*****d.
Kung hindi kpop ang pinagkakaabalahan ng pinsan ko, kinakaadikan din nitong magbasa sa w*****d.
Tumigil na ako sa pagsayaw, nakakapagod din kaya. Hininaan ko na rin ang tugtog at nag ayos ng mga kalat sa kwarto.
"Mari, ano binabasa mo?" Curious lang ako sa binabasa netong pinsan ko kasi napakaseryuso masyado.
"Knock, knock Professor." Tipid nyang sagot sa akin na hindi man lang nag angat ng tingin.
"Maganda?" Tanong ko habang nagtutupi na ng mga damit na pinasok ni mommy kanina.
"Sobra sis. Basahin mo to." Sagot niya at ipinakita pa ang cover ng binabasa niyang kwento.
"Wala na kong w*****d app. Dinelete ko na, nafull storage ako eh." Dina-download ko kasi yung mga funny videos nila V kahapon kaya lang nagfull storage kaya dinelete ko na ibang mga apps kong hindi naman masyadong ginagamit.
Aba! Mas mahalaga sa'kin ang kpop.
"Aguy! Sayang." Tanging sagot ng pinsan ko at ipinagpatuloy na ang pagbabasa. Ako naman isinilid na sa kabinet mga natiklop kong damit namin.