?
Hindi agad ako bumangon at kinuha lang ang aking selpon na nakapatong sa side table.
Sana naman magkatotoo mga panaginip ko.
Napabuntong-hininga ako ng malalim sa isiping iyon, na hindi naman nakaligtas sa mga kasama ko sa kwarto.
"Krizza, ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Mari.
"Oo nga" Sang-ayon naman ni Tita Shan, lumapit pa ito sa akin at dinampi ang palad sa noo ko. "Hindi ka naman mainit. Anyare?"
"Wala." Walang buhay kong sagot sa kanila.
"May problema ka ba? Lalim nun ah!" Tukoy ni Mari sa pagbuntonghininga ko kanina.
Natawa ako sa kanila. "Girls relax wala akong sakit or problema."
"Oh, eh para saan naman yung malalim na buntong hininga? We know na you have one, so spill it." Kumbinsi pa sa akin ni Tita Shan. Kilalang-kilala talaga ko ng dalawang to.
"Baka nanaginip na naman yan." Bulalas ni Mari habang nakatutok sa sariling selpon. Panigurado nagbabasa na naman yan ng w*****d.
"Eh, ano kasi...about sa kpop. Napanaginipan ko si J-hope." Mahina kong kwento sa kanila.
"Jusmiyo, Krizza!" Padabog na umupo sa dating pwesto niya si Tita Shan nang marinig ang aking sinabi.
"See, told yah!" Sabi ni Mari kay Tita Shan nang tumama ang hula niya kanina.
"Kakagising mo palang kpop na naman!" Halata sa boses ni Tita Shan ang pagkairita habang sinasabihan ako. "Kpop nalang inatupag Krizza. Ano bang nangyayari sa'yo at sobrang adik mo sa kpop?"
"Sabi ko naman kasi sa'yo dear pinsan na h'wag masyadong panuurin ng paulit ulit mv's ng bts pati picture nila at iba pang kpop eh." Tinabi ni Mari ang selpon niya at tumingin sa'kin. May ngiti sa labi at tinaas baba pa ang dalawang kilay.
"Naku! malala na to Krizza. Isusumbong kita kay ate." Anyo na sanang lalabas ng kwarto si tita Shan nang pigilan ko siya.
"Uy tita Shan walang ganyanan! H'wag mo ko isumbong kukunin ni mommy phone ko." Pakiusap ko sa kanya. Bumalik naman ito sa pagkakaupo sa kama.
"Ok hindi na. Basta tumigil ka sa kabaliwan mong yan. Ayokong dumating sa puntong pupunta ako sa mental hospital para bisitahin ka." Natatawang saad ni Tita Shan.
"Me too hahahaha" sigunda rin ni Mari.
Grabe'ng mga 'to, eh sila nga rin adik din sa kpop, kalamangan ko lang, loyal ako sa mga asawa kong koreano.
"I won't. Hindi ko sila ia-unbias." Hindi sangayon kong sagot kay Tita Shan. Para matapos ang usapan nagtalukbong nalang ako ng kumot.
Never in my wildest dream, I'll unbias my husbands. Hmp!.
"Naku, naku talaga Krizza! Kapag natuluyan ka dyan, sinasabi ko sa'yo hindi ka matutulungan ng mga kinababaliwan mong kpop, kpop na yan." Pahabol pang sabi ni Tita Shan sa akin. Narinig ko pa ang nakakagigil na tawa ni Mari.
Pag umpugin ko sila eh basta di ko ititigil pagkahumaling ko sa kpop. Mahal ko sila nohhh.
I just ignored them para tapos ang usapan.
After few days...
As usual wala na namang magawa dito sa bahay. Umuwi na kasi sila Mari at Tita Shan.
Hays! Napaka-boring naman oh.
Maya-maya habang nakahiga sa kama at nagsa-soundtrip, tinawag ako ni mommy.
"Krizza, aalis kami ng daddy mo." Bungad ni mommy pagkabukas ko ng kwarto.
"San punta nyo my?" Takang tanong ko kay mommy.
"Sa lola't lolo nyo, may gusto daw sabihin. Pinapapunta kami" Yung tinutukoy ni mommy 'yong parents niya, ito namang kasama namin dito sa bahay na tinitirhan ay parents ni daddy.
"Ahh sige po my. Ingat po kayo."
"Bantayan mo yang mga kapatid mo ha!" Bilin pa niya sa akin.
"Opo, ako nang bahala sa kanila." Tumatango kong sagot.
"Siguraduhin mo Krizza! Kapag yang selpon na naman inatupag mo at puro kpop babasagin ko yan." Tukoy ni mommy sa selpon ko.
"Opo."
"H'wag kang puro opo, opo dyan. Malilintikan ka sa'kin kapag pinalabas mo yung dalawa."
"Wag naman my. Sige na alis na po kayo, babantayan ko sila."
"Sige na. Aalis na kami." Tanging tango na lang ang sinagot ko kay mommy nang umalis na sila. Bumalik naman ako sa pagkakahiga at ipinagpatuloy ang pagsa-soundtrip. Nasa labas naman si lolo baka kasama yung dalawa kong kapatid.
Pagkaraan ng ilang minuto lumabas ako para tawagin ang mga kapatid.
"Ken-Ken! Trisha! Dito lang kayo magtv ha?! H'wag kayong lalabas magagalit si mommy." Nakita ko naman yung dalawa sa may sala nanunuod ng tv. Tumango naman sila ng sabay.
"Asan sila lolo saka lola?"
"Umalis si lola, hindi ko alam kung saan pupunta ate. Si lolo naman nasa likod kumukuha ng panggatong." Sagot ng kapatid kong si Trisha.
"Ok. Dyan lang kayo ha! Lagot kayo sa'kin kapag umalis kayo dyan." Pananakot ko sa dalawa at bumalik ulit sa kwarto.
Hindi ko namalayan ang oras dahil nabusy ako kakapanuod ng bagong release na mv ng BTS. Kapag kasi may mga bagong release inulit ulit ko ito at sinasaulo ang mga steps. Nakalimutan ko yung dalawang kapatid na nasa labas na pala ng bahay.
Nagulat ako pagkalabas ng kwarto dahil dumating na pala sila daddy.
"Krizza? Asan yong dalawa?" Bungad sa'kin ni daddy.
"Hala! Nandito lang yun ah!" Napaigtad ako nang makitang wala na sa sala yung mga kapatid ko.
"Ayan kasi Krizza, selpon pa ang atupagin mo! Ano yong ibinilin ko sa'yo ha?" Galit na saad ni mommy sa akin.
"My, baka nasa balkonahe lang."
'Eh wala nga dun! Tawagin mo na nga!"
Lalabas na sana ako ng sumalubong sa'kin si Trisha kasunod ang bunso naming kapatid, umiiyak at paika-ikang naglalakad.
"Mommy si Ken-Ken umakyat dun sa bayabas nahulog." Sumbong ng kapatid ko.
Naglakad ng paika-ika si Ken-Ken palapit kila mommy.
"Sino ba kasi nagsabi sa inyo Trisha na lumabas kayo!" Galit na bulyaw ni mommy.
Lumapit si daddy kay Ken-Ken at tinanong kung saan ang masakit. Tinuro naman ng kapatid ko ang hawak hawak na paa.
"Kailangan na 'tong ipahilot, baka nabalian na. Tsk." Nakakunot noong sambit ni daddy at sumulyap sa akin.
"Tarantada ka kasi Krizza! Sinabi ko diba sa'yo na bantayan mo ang dalawa. Anong ginawa mo?" Pagalit akong kinurot ni mommy sa braso.
"Aray ko my!" Daing ko sa kanya habang pilit lumalayo pero nakahawak siya sa akin ng mahigpit.
"Akin na nga yang selpon mo! Iyan ang problema. Laging selpon na lang inatupag mo! Akin na yan." Inabot ni mommy sa akin ang hawak kong selpon. "Mula ngayon hindi mo na to magagamit!"
"Mommy h'wag!" Pilit kong inaabot sa kanya ang selpon ko. "Hindi ko na nyan makikita mga kpop ko." Naiiyak kong sambit kay mommy.
"Dyan ka magaling na bata ka, sa mga kpop, kpop mo na yan! Pwede ba Krizza tigil tigilan mo ko dyan ha! Hindi yan nakakatulong pati mga utos ko dimo masunod-sunod dahil sa lintik na selpon na to." Nagpupuyos sa galit na litanya ni mommy sa akin. Nagsimula na ring pumatak ang mga luha ko.
Pa'no na ko kung di'ko makikita mga bias ko!
"My, h'wag mo na po kunin selpon ko please." Nagmamakaawa kong saad kay mommy na binibihisan si Ken-Ken para maipagamot.
"Tumigil ka Krizza! Hindi mo ako madadala sa paiyak iyak mo!"
Hindi na ako pinansin ni mommy at nilagay na sa bag nya yung selpon ko. Umalis na rin sila para ipahilot ang napilay na paa ng kapatid ko.