ISANG linggo na ang nakalipas mula nang maganap ang force marriage nila ni Cross. Akala niya pipilitin siya nito makipagtalík dahil sa 'honeymoon' pagtapos ng kasal subalit walang naganap na kahit ano, ni hindi nito pinilit ang sarili sa kanya at mas lalong di rin nito nagtangka puntahan siya sa kwarto niya.
Hindi na nga ito nagpakita sa kanya pagtapos ng kasal nila. Ang sabi lang sa kanya ng dalawang utusan nito ay umalis si Cross kasama ang mga kaibigan nito patungong Maynila.
Napailing siya. Wow, one week ? Walang uwian? Tsk ! Ang masaklap pa iniwan siyang wala man lang katulong sa Villa.
Nakabusangot na nagluto siya ng itlog at cornbeef para sa almusal nila ni Daddy. Walang tagaluto o katulong sa loob ng Villa pero maraming stocks na pagkain sa refrigerator at pantry. Sina Estong at Embong ang tumatayong bantay sa loob at labas ng Villa.
Naalala pa niya ang sinabi ni Embong nang magtanong siya kung may naluto ng hapunan.
"Ma'm Amber. Wala po tagaluto o katulong na kinuha si Boss. Kayo daw po bahala maglinis sa Villa, magluto at mag asikaso sa Daddy nyo po. Pag may kailangan po kayo ipabili magsabi na lang po kayo samin ni Estong."
Mahina siyang napamura. Damn hím ! Pinakasalan ba siya nito para alilain? Malaki ang bahay at may tatlong palapag pa tapos siya lang mag isa ang maglilinis? Tang ína !
Nang matapos magluto naghain na siya sa hapagkainan. Naroon na si Daddy, hinatid ito ni Estong kanina pagkababa niya. Nasa ibang silid kasi si Daddy, bantay sarado ito nina Estong at Embong.
"Kain na tayo, Dad–" wika niya.
Umungol lang si Daddy kaya napabuntong hininga na lang siya. Na-stroke ito at umurong na rin ang dila nito, kaya di na makapagsalita. Nakabaluktot na ang mga kamay nito kaya wala ng kakayahan humawak ng kahit ano. Wala siyang choice kun'di ang pakainin ito.
"Pasensya kana, Dad. Ito lang ang alam kong lutuin–" sabi niya habang dahan-dahan itong sinusubuan.
Sa walong taon na pagtira niya sa Maynila, mga prito lang ang natutunan niyang lutuin. Madalas sa labas siya kumakain pagkagaling sa trabaho.
Sumusubo rin siya paunti-unti, salitan para sabay sila matapos kumain ni Daddy. Siya rin ang nagpupunas sa katawan nito at papalitan ito ng damit. Pagdating sa pagpapaligo si Estong na ang gumagawa.
Napaupo siya sa malaking living room area. Malungkot ang Villa dahil iilan lang sila tao roon. Napapaisip siya kung bakit sa Villa siya dinala ni Cross.
Pina-renovate nito ang buong Villa pero bakit? Ang alam niya galit ito sa Daddy niya pero heto ..buhay pa rin si Daddy, hindi nito pinatáy, bakit? Anong plano ni Cross? Ang makita silang dalawa ni Daddy na nahihirapan ?
Nahinto ang malalim niyang pag iisip nang marinig ang pagbukas ng trangkahan ng malaking gate ng Villa at tunog ng sasakyan. Napasilip siya sa bintana.
Nakita niyang bumaba ng sasakyan si Cross. Mayamaya ay umikot ito sa kabilang side ng sasakyan at binuksan ang pinto. Kumunot ang noo niya. Isang skinny na babae ang lumabas sa kotse. Tumaas pa ang kilay niya ng makitang inalalayan pa ito ni Cross.
Tumayo siya saka tinungo ang main door sakto naman na pumasok si Cross kasabay ang matangkad pero payat na babae. Sa sobrang payat nito kitang kita na ang buto nito sa dibdib. Hmmp, walang clevagé. Flat !
Humarap si Cross sa kanya. Blanko ang tingin nito.
"This is Nikita. A friend and.. she's staying here at the Villa for the meantime. She's here for vacation," pahayag ni Cross.
"Asawa mo–?" tanong ng babae pagkasulyap sa kanya bumalik din ang tingin nito kay Cross.
Tumango si Cross. "She's Amber."
"Okay," matamis na ngumiti si Nikita saka lumingkis sa braso ni Cross.
"Napagod ako sa byahe, saan ang room mo?" maarteng tanong ng babae.
"Sa second floor–" tugon ni Cross. Bago siya lagpasan ng dalawa, nilingon siya ni Cross. "May pasalubong ako sayo, nasa likod ng sasakyan kunin mo na lang," anito at tuluyan ng nilagpasan siya.
Matalim na sinundan niya ng tingin ang mga ito. So, tama siya ng hinala. Pinakasalan siya ni Cross para pahirapan. Iniisip ba nito na maapektuhan siya dahil sa pagdala nito ng babae sa Villa? Huh ! Manigás siya ! Kahit benteng babae pa ang dalhin nito wala siyang pakialam, bwiset !
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang sasakyan ni Cross. May dalawang malaking paper bag ang nasa likod ng sasakyan. Nang silipin niya ang mga laman, nalukot ang noo niya dahil ang isang paper bag ay puro mga bagong damit habang ang isang paper bag naman ay mga gamit sa pag-paint.
Mga painting set? Paano kaya nalaman ni Cross na hilig niya ang pagpipinta? Napabuntong hininga na lamang siya at kinuha ang mga paper bags at dinala sa kwarto niya.
Hapon na siya bumaba dahil nakaramdam na siya ng gutom. Inuna niyang puntahan si Daddy sa kwarto nito. Tulog ito kaya hindi na niya ito inistorbo. Mabilis na nagtungo siya sa kitchen area para magluto ng makakain ng matigilan siya.
Naroon si Cross kasama si Nikita. Huling huli niya na mapusok na naghahalikan ang dalawa. Nakatalikod ang babae sa gawi niya kaya kitang kita niya ang pagsilay ng nakakalokong ngisi ni Cross ng makita siya. Hinahalikan nito si Nikita habang nakatingin sa kanya.
Napapailing siya sabay taas ng gitnang daliri niya. "f**k you.." she mouthed to Cross.
Tumalikod na siya at bumalik sa kwarto ng Daddy niya. Hindi niya alam pero nagpupuyos ang kalooban niya, parang gusto niyang kumuha ng baríl at pagbabarilín ang dalawang 'yon.
Napasandal siya sa saradong pinto at hinawakan ang dibdib. Hindi niya napigilan ang hindi maluha. Ewan ba niya pero parang naninikip ang dibdib niya sa galit. Nagtaas baba ang paghinga, pilit niyang pinapakalma ang sarili.
Sinasadya ni Cross ito, gusto nitong makitang nasasaktan siya? Well, hindi niya hahayaan mangyari iyon. Hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya pero hindi siya papayag na matalo sa larong inumpisahan nito.
Wala na dapat siyang maramdaman espesyal para rito... galit dapat ang mangibabaw, wala ng iba.
Humugot siya ng paghinga at pasimpleng tumabi ng higa sa Daddy niya. Si Daddy ang tanging dahilan kaya hindi siya nagtatangkang tumakas. Malabo rin na makatakas siya ng kasama si Daddy dahil sa kalagayan nito.
"It's okay, Dad– as long as you're here with me. I'll be fine. Magiging maayos ang lahat.. makakaganti rin tayo," mariin na bulong niya.
Marahan siyang pumikit. Nawala tuloy ang gutom na nararamdaman niya kanina. Aantayin na lang niya sigurong magising si Daddy saka siya lalabas ng kwarto at asikasuhin ang hapunan nito.
Lumipas ang ilan oras, naramdaman niya ang marahan pagyugyog sa balikat niya. Si Estong ang nabungaran niya pagkamulat ng mata.
"Ma'm Amber, tinatawag po kayo ni Bossing–"
Bumangon siya sabay kusot sa mga mata. Lumingon siya sa kama, wala na si Daddy sa tabi niya.
"Kanina pa po gising ang Daddy nyo, Ma'm Amber. Dinala ko na po siya sa dining area para sa hapunan."
"S-Salamat–"
Tumayo siya kaagad at lumabas. Sa dining area nando'n na si Daddy, katapat naman nito si Cross. Matiim ang mga matang nakatitig si Cross sa kanya.
Pagkalapit niya, tumabi siya agad kay Daddy. Napatingin siya sa masasarap na pagkain nakahain. Maraming pagkain na hindi niya alam ang mga tawag, basta may mga seafoods, buong manok, at kung ano ano pa.
"May fiesta?" sarkastikong tanong niya.
Nagkibit balikat lang si Cross.
"Napasobra lang ng bili–"
Tumango tango siya.
"Nasaan ang bisita mo? Di kakain?" wala lang naitanong lang niya.
"Napagod siya sa ginawa namin. Hindi makatayo," malamig na boses na sagot nito.
Parang nagpantig ang dalawang tenga niya subalit hindi niya pinahalata.
Pagak siyang natawa.
"Sa payat niya, buti 'di siya nabalian ng tadyang– pahilot mo kaya," nang uuyam na wika niya.
Dumilim lang ang anyo ni Cross pero wala ng ibang sinabi pa. Hindi na rin siya nagsalita, tahimik na lang niya pinakain si Daddy saka siya sunod na kumain. Kahit panay ang sulyap ni Cross sa kanya, never siyang tumingin rito. Kumakain siya na para bang hindi ito nakikita.