HINDI SIYA makatulog kaya naisipan niyang bumaba at magpunta sa patio. Naabutan niya roon sina Estong at Embong na umiinom, may tig iisang bote ng beer.
Napalingon ang mga ito sa kanya.
"Ma'm Amber–" sabay pang bigkas ng dalawa at akma tatayo para umalis.
Tinaas niya ang isang kamay upang pigilan ang mga ito.
"No, it's okay– dito lang kayo," pigil niya sa dalawa. Naupo naman uli ang mga ito habang nagtatakang nakatingin.
"Uhm, 'di kasi ako makatulog–"
Paano siya makakatulog kung nakatulog ba naman siya ng hapon? At saka, hindi rin mawaglit sa isipan niya na may ibang kasamang babae si Cross sa kwarto nito kahit bagong kasal lang nila. Hmmp ! Piece of shiit !
"Shot, Ma'm?" alok ni Embong.
Napangiti siya saka tumango. Well, umiinom naman talaga siya pag di makatulog. Mas okay na sigurong lasingin niya ang sarili para 'di kung ano-ano ang naiisip niya.
Inabutan siya ni Estong ng isang bote ng beer. Naupo siya sa katapat na sofa, dumako ang mga mata niya sa guitarang hawak ni Embong.
"Bonding namin 'to, Ma'm. Inom na may konting tugtog," paliwanag ni Embong.
"That's nice. Sige lang, gawin nyo lang anong gusto nyo. Dito lang ako sa tabi – magpapaantok lang talaga ako," mahinahon na sabi niya sa dalawa.
"May request ka bang kanta, Ma'm?" tanong naman ni Embong. "Tutugtugin ko at kakantahin naman ni Estong–" nakangising turan ni Embong, bigla siyang napaisip.
Hindi niya napigilan ang mapangiti.
"Uhm, My Happy Ending by Avril Lavigne."
Sa nakalipas na taon nalilibang din siya makinig ng mga rock or alternative music. Tumatak sa isip niya ang kantang iyon. Aasa pa ba ang isang Amber Blackwood sa sariling Happy Ending?
Nag-thumbs up si Embong sa kanya sabay tingin kay Estong. Mayamaya ay nagsimula na itong tumipa sa guitara.
"Let's talk this over...
It's not like we're dead...
Was it something I did?...
Was it something you said?.."
Hindi niya inakalang may tinatagong talento ang magkambal na ito. Maganda ang boses ni Estong parang itong si Pierre Bouvier, vocalist ng bandang Simple Plan.
"You were all the things I thought I knew
And I thought we could be ....
You were everything, everything
That I wanted .... We were meant to be, supposed to be
But we lost it ... All of our memories so close to me
Just fade away....
All this time, you were pretending
So much for my happy ending ....."
Tahimik lang siya nagmamasid habang sumisimsim ng bote ng alak na hawak niya. Yeah, so much for my happy ending..
Napabuntong hininga siya pakiramdam niya malabong malabo na ang isipin magkakaroon pa sya ng masayang ending, kahit hindi na happy basta matinong ending na lang sana.
Nang matapos ang kanta ni Estong at huminto si Embong sa pagtipa ng guitara, marahan siyang pumalakpak.
"Wow, ang galing naman," puri niya sa dalawa. "In fairness, bigla kayong naging pogi sa mata ko--" pabiro niyang hirit na ikinatawa naman nilang tatlo.
"Kasing level na po ba ni Boss?"banat ni Embong sabay hinimas pa ang baba nito.
Bumunghalit siya ng tawa, di niya inasahan ang banat nito. Tumayo pa si Estong para gayahin ang lakad ni Cross habang kagat labi at pinasingkit pa ang mga mata. Malakas siyang natawa dahil gayang gaya nito ang lakad ni Cross na nakapamulsa ang isang kamay sa pantalon.
"Pinagkakaisahan nyo yata ako--"
Dagli siya napalingon sa pinangalingan ng boses. Naroon nakatayo sa hamba ng sliding door ng patio si Cross, nakapamulsa ang gago.
Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Estong at Embong pagkakita kay Cross. Napaayos ang upo ang dalawa, tikom ang bibig at di makatingin ng diretso kay Cross. Napailing na lang siya. Epal tsk !
"Oh, bat natahimik kayo?" malamig na untag ni Cross.
Umasim ang mukha. "Dumating ka kasi," bulong niya pero mukhang narinig yata ni Cross dahil tumikwas ang kilay nito at matalim na tumingin sa kanya.
"What did you say?" masungit na sita ni Cross
Hinawi niya ang buhok. "Sabi ko istorbo ka, nag e-enjoy kami dito habang umiinom," madiin niyang sagot.
Dumilim ang mukha ni Cross, bumaling ito sa dalawa. "Makakaalis na kayo. Mula ngayon, bawal niyong kausapin ang asawa ko, naiintindihan nyo?"
"Yes, boss," sabay na sagot ng dalawa at nagmamadaling umalis bibit ang mga bote ng alak at guitara.
Napaawang ang labi at lukot ang noo. "Seryoso ka? Bat mo sila pinagbawalan kausapin ako?" pakiwari'y umakyat yata sa bumbunan niya ang dugo niya.
Nagkibit balikat ito. Tumingin sa bote ng beer na nasa tabi niya. "Gusto mo palang uminom, sana niyaya mo na lang sako."
"Kaya nga ako iinom dahil badtrip ako sa'yo tapos gusto mo ayain pa kita? kakain na lang ako ng bubug--" singhal niya at pinandilatan pa ito ng mata.
Ngumisi lang ito ng nakakaloko. "Patingin ng badtrip?"
Aba't hinahamon pa siya ng gagong 'to !
"Moron !" inis na bulyaw niya, tumayo siya at akmang lalagpasan na ito subalit mabilis nito nahagip ang isang braso niya dahilan para mapalingon siya sa binata.
Hinaklit nito ang katawan niya palapit sa katawan nito. Dama niya ang pagdikit ng mainit nito labi sa pisngi niya.
"I'm f*cking serious, Amore -- bat ka badtrip sa'kin?" inilapit nito ang bibig sa may tenga sabay mariin kinagat iyon. Napasinghap naman siya sa ginawa nito.
"What's with the question?" tumutok ang kanya mata sa mukha nito. Gusto niyang salubungin ang mga mata nito. "Di ba 'yon ang gusto mo kaya mo ko dinala dito, ang ma-badtrip ako? kaya ka nga nagdala ng babae mo rito--"
"She's not my woman," tanggi nito.
"Yeah, when pigs fly!" Pinaikot pa niya ang mga mata. Tinabig niya ang kamay nito nakahawak sa braso niya. Nagmamadaling tinalikuran ito para tunguhin ang elevator.
"Nikita is not my woman ! Damn it, stop --" napagilan na naman nito ang isang braso niya. Nakatiim bagang na nakatitig lang ito sa kanya. "Nagseselos ka ba?" tila nang-aasar na tanong nito.
Pagak siyang natawa. "Patawa ka?"
"Pag nag-joke ako, aamin ka?"
She gave him a 'duh' looked. Hindi niya nagustuhan ang sarkastikong sinabi nito. Napapailing siya.
"Sige nga. Give me your 'best' joke," she's totally annoyed now. Sarcastic at it finest !
"It makes me a little uncomfortable when you flirt," anito na seryosong seryoso ang mukha. Nanlaki ang mga mata niya. Did he said flirt? Kailan 'yon? What the--
"And .. I don't like how you look at other men. You know, I get jealous easily," dugtong pa nito na lalo niyang ikinagulat.
Umiling-iling siya habang nakaawang pa rin ang mga labi. "Tsk ! You're impossible !"
"Hindi ka naniniwala?"
"Oo, hindi ako naniniwala sa joke mo!"
Mayamaya kumislap ang mga mata nito sa pagkaaliw. "Sabi mo e." Bahagyang lumayo na ito sa kanya at ito na ang nauna nagtungo pasakay ng elevator. Sumulyap pa ito uli sa kanya. Nakangisi. "Sa susunod na gusto mong maglasing, magsabi ka.. May alam akong bagay na tiyak malalasing ka ... sa sarap," anito sabay kumindat pa bago tuluyan iniwanan siya.
Napabuga na lamang siya ng malalim na hininga. Bat ba biglang nag-cartwheel ang puso niya dahil sa kindat na yon? Tsk ! hinayupak ka talaga, Cross !