Chapter 12

1341 Words
PUTANG ÍNA ! Maghapon siyang di nakatulog dahil sa Lucian na 'yon. Paano kaya nito nalaman ang numero niya? For sure, alam na rin nito kung saan siya nakatira pati kung saan siya pumapasok. Hapon pa lang gumayak na siya. Nilagay niya si Luna sa kanyang transparent cat bagpack. Mawala na ang lahat, wag lang ang pusa niya. Kaya dadalhin niya si Luna, kailangan niyang makahanap ng pansamantalang tutuluyan. Pagkababa ng hagdan, tahimik lang ang mga kasama niya sa bahay. Nakaupo ang mga ito sa lumang sofa na nanggigitata na sa itim at nanunuod ng palabas sa telebisyon. Sumulyap siya kay Mang Edgar. Nag abot siya ng twenty thousand. Halatang nagulat ito sa perang inabot niya. "Bayad ko. Aalis na ako. Mamátay na sana kayong lahat," kalmadong wika niya saka dire-diretsong lumabas ng bahay. Walang kwenta ang pamilya ni Mang Edgar kasama ang mga batugan nitong mga anak, subalit aminado siyang malaking tulong din sa kanya ang pagtira niya roon ng ilan taon. Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa Solaire Resort and Casino. Magpapahinga siya sa sleeping quarters don bago siya pumasok sa duty mamayang gabi. Wala naman siyang ibang alam na pupuntahan kun'di doon lang. Kailangan niya munang matulog bago tumakas, mag iisip siya kung saan siya pupunta. Tulog is life muna. Pagkagising niya saktong alas-otso na ng gabi. Isang oras na lang duty na siya, iniwan muna niya si Luna sa kama ng sleeping quarter at nakiligo sa gym saka dumiretso duty na sa casino area ng hotel. Pinaikot niya ang kanya mga mata, ino-obserbahan lahat ng tao sa paligid. So far, wala pa naman siya napapansin na kakaiba. Ni-ready na niya ang magandang ngiti niya at tinungo na ang kanyang table game. Out of nowhere, biglang sumulpot ang apat na lalaki. Matatangkad at magagandang lalaki. As in ! kabilang na si Hunter na nakilala niya kagabi. "Hey, Aimee !" nakangiting bati ni Hunter sa kanya. Kiming ngumiti siya. Umandar bigla ang alert mode ng katawan niya dahil sa mga kasama nito. "Good evening, Mr. Salvatore–" bumati rin siya. "Tsk ! Just Hunter. Call me Hunter," wika nito saka umupo na, ganon din ang ginawa ng mga kasama nito. "I'll told you, babalik ako 'di ba? By the way, these are my not so handsome friends–" Matalim na tumingin ang isang lalaki na may berdeng mata. "Fudge ! Tumagas na naman ang hangin sa ulo mo," iritadong sambit nito saka tumingin sa kanya. "I'm Ryzen Moretti, Miss." Sumunod naman nagpakilala sa kanya ang dalawa lalaki na mukhang mga Amerikano, ang isa ay blonde ang buhok habang ang isa naman ay brown. "I'm Zehpyr White–" anang ng lalaking blonde. "And... I'm Theron Rugger, Miss beautiful," pakilala ng lalaking brown ang buhok. Napakunot ang noo niya. White and Rugger, pamilyar sa kanya ang dalawang apelyido na 'yon. Kalmadong ngumiti siya, mukhang may hinala na siya kung kanino nalaman ni Lucian ang numero niya. "Nice to meet you, guys. All of you are great looking men. Good luck in the game. So, kindly place your bets, so we can get started," nakangiting bigkas niya bago inumuwestra ang pagsisimula ng laro. "Wait– may kasama pa kami. Parating na 'yon," pahabol na sabi ni Hunter. Lumingon pa muna ito sa paligid bago pumalatak. "Geez ! Ayan na pala siya–" Umingos si Ryzen. "Pa-VIP talaga ang gagó na 'yan." Nahigit ang kanyang paghinga ng sundan niya ng tingin ang taong tinatanaw ni Hunter. Naglalakad ang lalaki palapit sa table game nila. Napalunok siya ng laway. Bakit gano'n? Ilan taon na ang lumipas subalit malakas pa rin ang epekto nito sa kanya? Ramdam niya ang pagbilis ng tíbok ng puso niya. Huminga siya ng malalim upang kalmahin ang dibdib. Mukhang hindi niya kinakaya ang presensiya nito. Nang makalapit na si Cross o Lucian o kung ano man ang trip nito pangalan. Naupo na agad ito. Bahagyang sumulyap lang ito sa kanya at nag iwas din ng tingin. Napataas ang kilay niya. Ano 'yon? Inirapan ba siya ni Cross? Like what the? Muling humarap si Hunter sa kanya. "Okay, game na. Kumpleto na kami." "A-Alright. Place your bets and–" "Hep !" sumenyas si Hunter sa kanya. Tinapik nito ang bagong dating na si Cross. "Magpakilala ka sa magandang Casino dealer natin–" Pinukol siya ng blankong tingin ni Cross. "Cross Madrigal," walang buhay na pakilala nito. Tumango lang siya. "Nice meeting you, Mr. Madrigal. Please, place your bets now." Nagsimula na ang mga ito tumaya hanggang sa nagsalita siya uli. "No more bets!" Nagtuloy tuloy ang laro ng mga ito. Halatang walang mga pakialam ito kung matalo ang mga ito ng milyon-milyon. Sabagay sanay na siya makakita ng ganon tao lalo na sa mga pulitiko. Malalakas magwaldas ng pera sa sugal. Hanggang mag umaga 'di umalis ang limang lalaki sa table game niya. Siya na lang ang kusang nagpaalam sa mga ito na tapos na ang oras ng trabaho niya. Sa gulat niya, nagtayuan na rin ang limang kalalakihan. Nag inat-inat pa ang mga ito ng mga braso at humikab. "Paldo si Zephyr ah !" kantiyaw ni Hunter. Hindi kumibo ang lalaking blonde ang buhok. Abalang abala ito sa hawak nito cellphone na para bang nando'n ang buhay nito sa taong ka-chat nito. Isa-isa nang umalis ang mga ito. Ang weird lang kasi, di tumingin sa kanya si Cross o pinilit na kausapin siya. So weird. Nagbago na ba ito ng isip nang makita siya? Napahawak siya sa mukha niya habang naglalakad pabalik sa sleeping quarters. Aminado siyang ang laki ng pinayat niya. Hindi siya sobrang puti, saktong puti na lang pero makinis pa rin naman siya. Walang bahid na pimple ang mukha niya. Iyon nga lang, hindi na siya nahilig sa make up. Subalit alam niyang maganda pa rin siya kahit walang suot na make up. Pagdating sa sleeping quarters. Nilagay niya uli si Luna sa transparent cat bagpack niya. Nagbihis siya ng simpleng jeans at white tshirt at nagsuot ng baseball cap saka mabilis na tumalilis ng alis. Nasa labasan na siya ng hotel ng may huminto sa harapan niya. Isang itim na Toyota Hilux Revo. Bumaba ang bintana at bumungad si Cross na nasa driver seat na nakasuot pa ng black shades. "Hop in, Amber. Don't even think about running away. It's just nonsense," maawtoridad na bigkas nito. Napailing siya at napangisi. Parang kailan lang siya ang nag uutos sa binata ng ganon klaseng tono. Ngayon, siya na ngayon ang inuutusan nito? Tsk ! Tinapunan niya ito ng isang nakakamatáy na tingin. "Excuse me, are you scaring me? Do you think you can put me through that?" nang-uuyam na sita niya na nakataas ang kilay. "Don't test me, Amber. I don't have patience to spare !" singhal ni Cross. Pero imbes kabahan o matakot, tinaas niya ang gitnang daliri saka tinalikuran ito. Anong akala nito, manginginig siya sa takot? Tatakas siya. Tatakasan niya ito kahit anong mangyari. Lalayo siya. Pumara agad siya ng taxi. Hindi niya alam kung nakasunod ba si Cross o hindi basta nagpahatid siya sa isang Mall. At mula sa Mall, ginawa niya ang lahat para iligaw kung mayroon man sumusunod sa kanya. Sumabay siya sa dami ng mga tao hanggang makalabas siya sa kabilang panig na exit ng Mall. Sumakay siya ng MRT station hanggang sa huminto sa pinakadulong istasyon at mula roon pumasok siya sa isang hotel na may nakalagay na Eurotel na pangalan. Nagbook siya ng isang kwarto. Pansamantala lang, gusto lang niyang magpahinga ng ilan oras dahil puyat siya. Napasulyap siya kay Luna na humilata agad sa lambot na kama. "Parang ikaw pa ang pagod, Luna. Tsk ! Wala ka naman ginawa kun'di matulog at kumain," kausap niya sa alagang pusa. Pahiga na sana siya ng makarinig ng katok sa pinto. Akala niya iyon na ang pagkain at tubig na inorder niya kanina bago siya umakyat. Kaya naman nang buksan niya ang pinto. Ang pawisan na mukha ni Cross ang nabungaran niya. "S-Sa tingin mo, makakatakas ka talaga sa'kin?" hinihingal na sabi ni Cross.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD