MABILIS na sinarado niya ang pinto ng hotel room subalit binalibag ni Cross pabukas ang pinto kaya napaatras siya.
Bakas sa pawisan mukha nito at madilim na mga mata na hindi na ito natutuwa. Well, siya rin naman. Hindi na siya natutuwa dahil kanina pa malakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa presensiya nito.
"Habulan pa gusto mo, Amber?" himutok ni Cross sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Siguro. Nasaan na ang Lady Amber na tawag mo sa'kin? Oh, I forgot– you were just pretending nga lang pala. So, what should I call you? Cross or Lucian? Can't even pick–" sarkastikong sabi niya na nakangisi.
Bumuga ng hangin si Cross bago matiim na tumitig sa kanya.
"Call me whatever your heart wants–"
"Alright, Morón. What do you want?" nakataas ang kilay na putol niya sa sinabi nito.
That's my heart want to call him !
Nakita niya ang pagtatagis ng bagang nito. Mayamaya pa ay naglabas ito ng baril na may silencer pero imbes itutok sa kanya ... kay Luna nito tinutok.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Don't you dare !–"
"Try me."
Dahil sa galit at inis na naramdaman, sinunggaban niya ito ng tadyak. Isang turning kick sabay hook kick ang ginawa niya na maliksi nitong nailagan.
Kahit papaano nagagamit pa rin naman niya ang kaalaman sa taekwondo at kick boxing na itinuro sa kanya noon ni Daddy. Tinaas niya ang dalawang kamao upang atakehin ito ng suntok subalit atras lang ito ng atras paraw iwasan siya.
Ang nakakabadtrip hindi siya makasuntok sa gago na to !
"Kung ako sa'yo... magsasanay pa ako ng husto kulang ka pa sa bilis at–"
Nasapul niya ito sa baba. Isang upper cut na suntok kasabay ang kanyang knee strike na tumama sa tiyan nito. Napaigik ito saka humawak sa tinamaan na tiyan.
Hindi ito natumba pero sapat na sa kanya na matamaan man lang ito. At least, nakasuntok siya !
"What did you say again? Kulang ako sa–?" nakangising asar niya rito.
Ngunit imbes sagutin ang tanong niya ito naman ang umatake sa kanya. Medyo hindi niya inasahan ang mabilis na pagsugod nito. Walang kahirap-hirap nito nahawakan ang dalawang braso niya sabay ipit sa likod niya gamit ang isang kamay lang nito habang ang isang kamay nito ay nakapulupot sa beywang niya.
"Argh ! Let me go– di ako sasama sayo! Tang ína ka !" gigil na singhal niya.
Naramdaman niya ang paglapit ng hininga nito sa gilid ng tenga niya. Para itong nakayapos sa likuran niya, 'yon nga lang ipit ipit nito ang mga braso niya.
"Nope. Ilan taon na kitang pinagbigyan sa trip mo. Sasama ka sakin sa ayaw at gusto mo," matigas nito sabi.
Late na niya napansin ang puting panyong hawak nito. Walang kahirap-hirap nito tinakpan ang ilong niya ng puting panyo. Fûck ! Chloroform !
"S-Si... L-Luna..." paanas na sambit niya hanggang sa dumilim na ang paligid.
NANG magmulat siya ng mga mata, nasa isang pamilyar na kwarto na siya. Napabalikwas siya ng upo sa kama, sabay lumingon sa paligid. Kumunot ang noo niya ng mapagtanto kung nasaan siya.
Nandon siya sa dati niyang kwarto sa Villa Blackwood. Mabilis pa sa alas-kwatro ay bumangon siya at lumabas ng kwarto. Tama nga ang hinala niya nasa Villa nga siya, subalit may iba sa paligid. Nag iba ang disenyo ng Villa, ang kulay ng pader, ang mga muwebles ay ibang iba na.
Maging ang disenyo ng elevator ay nag iba rin. Modern steel glass na silver and gold ang disenyo. Bumaba siya. Wala siyang nakitang kahit isang katulong o bantay ng Villa, hindi rin niya alam kung nasaan si Cross. Tsk !
Tinungo niya ang kitchen area, napabuga siya ng paghinga. Ngayon lang niya naramdaman ang pagkalam ng sikmura niya. Ilan oras din siguro siyang walang malay kaya nadala siya kaagad ni Cross sa Palawan. Sirauló talaga !
Sumilip siya sa dining area pati na rin sa living room. Ang daming nagbago. Napailing na lamang siya. Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon na angkinin at baguhin ang Villa !
Napasalampak siya ng upo sa malambot at magarang sofa. Ano 'to? Iniwan siyang mag isa sa Villa? Walang kahit isang bantay?
Ilan sandali pa nakarinig siya ng tunog ng sasakyan. Mabilis siyang napatayo at dumiretso sa main door. Naabutan niyang pababa na sa isang kulay itim na Dodge Ram Van ang binata. May dalawang lalaking nakasunod rito. Di nya sure kung bodyguard ni Cross yon dahil parang mga teenager ang bulto ng katawan ng dalawang lalaki.
"Gising na siya, Boss Lucian–" wika ng isang payatot na lalaki ng makita siya.
"Mukhang manika ang asawa ni Boss," pahayag naman ng isang lalaki.
Sumimangot siya. Mukhang manika? Nasaan ang mukhang manika? Pakiramdam niya nanggigitata na ang mukha niya sa sobrang oily.
"Magpapaluto pa ko ng hapunan natin. For sure gutom ka na, mamaya ka na tumalak pag busog ka na–" anang ni Cross ng makalapit sa kanya at walang habas na nilagpasan siya.
Kumaway naman sa kanya ang dalawang lalaking payat.
"Hi, Ma'm Amber. Ako pala si Estong at–" tinapik nito ang katabi. "– ito naman pala ang kakambal ko na si Embong," pakilala ng mga ito sa kanya.
Ahmm, kaya pala may pagkahawig ang mga ito. Kambal tuko. Tinanguan lang niya ang dalawa. Wala siya sa mood, hindi siya naka friendly mode.
Sinundan niya kaagad si Cross na paakyat na sana gamit ang elevator.
"Wait– nasaan ang pusa ko?" tanong niya rito.
Binalewala nito ang tanong niya. Diretsong pumasok ito sa loob ng elevator pero mabilis niyang naiharang ang katawan upang di magsara.
"Nasaan si Luna ?!" singhal niya.
Nagpamulsa lang ito at tila tinatamad na tinignan siya.
"Nasa kwarto ko."
Nalukot ang buong mukha niya.
"Bakit nasa kwarto mo? Akin na ang pusa ko!"
Nagkibit balikat lamang si Cross.
"Kunin mo sa kwarto ko, kung gusto mo–"
Napangisi siya. Tsk ! Its a trick ! Anong akala nito bobó siya?
"Nope. Di ako pupunta sa kwarto mo. Ibalik mo sakin ang pusa ko," mariin niyang sabi.
Nagtagisan sila ng tingin ni Cross. Mayamaya ang binata na ang kusang umiwas ng tingin sa kanya.
"Fine. Ibabalik ko mamaya. Bukas mag-ready ka."
"Ready saan?"
"Sa kasal natin."
"Ay wow. Nagplano ka mag isa. Bat dinadamay mo ko?"
Marahan siyang tinulak ni Cross para magsara na ang pinto ng elevator.
"Like I said, whether you like or not– akin ka, Amber Blackwood. At ikakasal ka sakin bukas," may awtoridad na sabi nito.
Hindi na siya nakasagot pa dahil tuluyan ng nagsara ang elevator at umandar paakyat. Napabuntong hininga siya. So, kapalaran na talaga niya to? Ang ikasal sa taong labis niyang kinamumuhian.