Chapter 3

2733 Words
Raven | The Esplanade Condominium  Phew! That was intense. When I came here tonight at Kings & Queens, I was not expecting to see Rich. Alam kong tumatambay dito sina Kuya Dom once in awhile. It's probably their boys night out tonight. Hindi sana ako pupunta ngayon pero absent ang isang member ng grupo kaya pinakiusapan nila ako. Wala talaga akong banda na akin, sa sobrang dami ng ginagawa ko sa school at extra curricular activities sa labas ay wala na akong oras mag ensayo. Kapag naglalamay ako sa gabi sa pagdodrawing ay hindi ako sa kwarto ko tumitigil. Kaya ang drawing board ko sa bahay ay nakalagay sa music room ko. Nabibingi na yata ang magulang ko kaya pinasound proof lahat ang kwarto. Sala sa palo ng drums ay malakas akong magpatugtog. Maraming perks ang pagiging only child. Pero minsan nakakalungkot din pag wala kang kasama lalo na noong bata ako. Nakakalungkot pag uuwi na ang mga kalaro ko. Kaya binihasa ko ang sarili ko na mag aral ng kung ano ano. Palibhasa ay 9 na taon ang tanda sa akin ni Ate Nikki ay kung saan saan nya ako bitbit noong nag limang taong gulang na ako. Bonding time namin ang mag gitara, tinuruan nya ako. Kapag umuuwi naman si Ate Liv ay tinuturuan nya akong kumanta at dahil moderno na ang panahon, may voice lessons kami online. Nasa New York kasi sya. Yung ate kambal naman madaming talent yun. Tinuruan akong magpinta at magdrawing ni Ate Hailey, siguro kaya napatuon ang attention ko sa Architecture. Gustong gusto ko talagang gumuhit. Si Ate Heather naman magaling magsoccer at dahil mahilig akong magtatakbo, swak na swak sa akin ang bisyo nya.  Gusto mo pa ng isa pang talent ko? After a life changing event when the twins were just a baby, they have to learn to defend themselves. Black belter kasi si Tita Anne, yung mom nila. So.. I did karate, taekwondo, krav maga at jiu-jitsu. Haaaay! Napakaperfect ko talaga! Hahaha! Mabalik tayo kay Rich — he is not the first guy I kissed. Normal na estudyante ako, nakikipagdate din. Kaya lang after 1 date nawawalan na ako ng interes. Yung mga kaedad ko, I find them boring. I want a man who can stand up to me.. not be afraid of me. Lumapit ako sa table nina Kuya Dom. "Hoy! Alam ba ng mga babae sa buhay nyo na andito kayo?" Nakangiti kong bati sa kanila. At dahil yung gilid ni Rich ang bakante, natural dun ako umupo. "Mapwera pala sa 'yo." sabi ko kay Rich ng tingnan ko sya. I saw him tensed up. What's with this guy? "Aba syempre, ayokong magtantrums ang asawa ko." Nakangiting sabi ni Kuya Hunt. Oo, kasal na sila ni Ate Nikki sa huwes at buntis na ito sa pangalawa nila. I snorted. "Tantrums??" Nanlaki ang mata ni Kuya Hunt. "Don't tell her I said that!" I gave her a sly smile. "I know that smile - what do you want?" "New cleats." nakangisi kong sabi sa kanya. Nang mapatingin ako kay Rich na nananahimik at umiinom ng beer ay nasamid ito sa sinabi ko at inubo. Bakit kaya? Ano naman masama sa cleats? Kailangan ko yun sa laro ko sa makalawa. Weird din ng isang 'to? "Okay ka lang?" sabi ko sa kanya. Tumango naman ito habang nauubo. Nagtawanan sina Kuya Dom at Kuya Luc ng masamid si Rich. Ano bang meron? Nginisian muna ni Kuya Hunt si Rich saka humarap sa akin. "Consider it done." nakangiting sabi nito at uminom ng beer nya. "Kailan ang laro mo?" "Sa makalawa, last ko na yun marami akong ginagawang templates ngayon." "O eh bakit ka andito?" sabi ni Kuya Dom "Oo nga, busy busyhan ka lang yata eh.. sabagay pabor yan sa isang mama sa tabi tabi, malakas ang tama sa 'yo." "Huh? Sino naman yun? Anyway, pinakiusapan lang ako makijam ngayong gabi, absent isang kasama nila. At syempre dahil perfect ako at ubod ng galing sa maraming bagay eh pinaunlakan ko na." "Wow! Hiyang hiyang naman ako sa presensya mo mahal na prinsesa." nakangising sabi ni Lucas "Talagang dapat mahiya ka, kung hindi dahil sa akin hindi ka sasagutin ni Ate Heather. Hahaha! Minsan mahirap talagang maging perpekto, masyadong in demand! Kakapagod!" Nag-appear kami. Napabaling ang tingin ko sa katabi kong ubod ng tahimik. "Ikaw, hindi ka magsasalita? Mapapanisan ka ng laway. Walang hahalik sa 'yo nyan. Hahaha!" Sinamaan nya ako ng tingin. At mukhang nakahalata naman itong tatlong kasama nya, sabay sabay nagexcuse sa papuntang banyo o kaya naman ay may phone call. Hindi pa sana aalis si Kuya Dom pero sinenyasan ito ni Kuya Hunt. Ano bang nangyayari sa mga lalakeng ito? Nang makaalis sila ay nagsalita si Rich. "What did you just say? Hindi kita masyadong narinig kanina -- maingay." Hindi nya ako narinig? Talaga lang! Ang lapit ko na kaya sa kanya. Ah, baka naman may hearing impairment ito palibhasa matanda na. I rolled my eyes at inulit ang sinabi ko sa kanya. "Ang sabi ko, mapapanisan ka ng laway kasi hindi ka nagsasalita." "Ano pa?" "Ang alin?" "Yung kasunod." Nanuyo ang lalamunan ko ng mapatingin ako sa mata nya at mapadako sa labi nya. Napakagat ako sa ibabang labi ko ng wala sa sarili. Sh*t! Napasobra yata ang kulit ko kanina. "Uhm.. wala. Nakalimutan ko na." tatawa tawang sabi ko sa kanya. "Gusto mong ipaalala ko sa 'yo?" "Akala ko ba hindi mo narinig ang sinabi ko? Eh bakit mo ipapaalala?" sarcastic kong tanong sa kanya. Iba rin itong lalakeng ito. Minsan may Alzheimer's tas biglang exceptional ang memory. Palibhasa matanda na. Haist! 30 lang yan hindi yan hindi singkwenta, grabeng makamatanda. "Come closer." his voice, nakakaengganyo. Kinakabahan ako pag may inuutos sya sa akin. Yung sa balcony nung gabing iyon na tungkol sa comment kong hot. Ako namang si tanga, inulit ko pa nga. If I know, gusto mo rin halikan. Tsk! "Ang lapit na natin come closer pa din?" "Come closer." he looked amused "Invasion of privacy na yan." "Come closer." nawawalan na sya ng pasensya Ulit ulit talaga? Wagas makautos kahit please waley! "I don't th--" he cut me off "Come closer." mas madiin na ngayon. Ibinaba nya ang beer nya sa mesa. "Heto na, mahal na ar-- hari. Iba ka rin eh 'no?" F*ck! Nautal pa ako dun. Aksidente kasi akong napatingin sa gitna ng hita nya. Tang*na! Matangkad na ako sa 5'9', madami nga nag-aaya sa akin magmodelo, eh saan ko pa naman isisingit yun? Malaking lalaki si Rich, he's about 6ft.. kaya mukhang malaki din yung --. Ahhhhhh! Ate Hailey ikaw ang may kasalanan nito. Napatawa ito at hinaplos ang pisngi ko. "You looked spectacular out there earlier." "Hmm.. thanks! Pero hindi mo na kailangang hawakan ang pisngi ko sa sinabi mo." Hindi kasi nito tanggalin ang kamay. Nakahawak pa rin at ang hinlalaking daliri ay nilalaro ang baba ko. "But I do.. sabi mo walang hahalik sa akin pag napanisan ako ng laway. So I started talking.. to you. And now, I want..." unti unting lumalapit ang mukha nya sa akin. "to kiss you." iyon lang at lumapat ang labi nya sa labi ko. Napapikit ako sa sensasyong binibigay nya sa akin. He held my face to make sure my lips are glued to his. His kisses drive me wild. Hindi nga naman lasang panis na laway. He tasted like beer and roasted peanuts. Walang sulok sa loob ng bibig ko ang hindi nya naraanan. His tongue swirls in a sensual way kaya napakapit ako sa balikat nya para kumuha ng balanse. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako kinauupuan ko. Mayamaya ay umangat ako pero lasing na lasing ako sa mga halik nya kaya wala akong pakialam sa paligid ko. His lips left mine as he traces my jawline to the back of my ear. Napaungol ako sa sarap na nararamdaman ko. Now he's kissing my neck at nagtagal doon. Ang mga kamay nya ay naging mapaghanap at dahil medyo maiksi ang sando ko ay ramdam ko agad ang kamay nya sa baywang ko. Balat sa balat. Humahaplos pataas pababa ng paulit ulit. Then he stopped and buried his face on my shoulders. Ang kamay nyang nasa baywang ko ay nasa mukha ko na rin. Using both his hands, he cupped my face and gave me a kiss on the tip of my nose. "We have to stop. There's a lot of people here at ayaw kong maeskandalo ka." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nya at narealize ko rin na nakaupo ako sa kandungan nya. F*ck! Ganun sya kabilis? Mukhang sanay na sanay. Ay malamang! 30 na yan, marami ng nagdaan sa mga kamay nyan. Pang ilan ka na? At mukhang hindi ikaw ang huli. Haist! Tumayo ako at umupo pabalik sa couch. "Why did you do that?" "Alin?" tanong nito. Uminom ng beer nya. "Kailangan ba talaga lagi kong uulitin ang sarili ko?" nakasimangot na sabi ko sa kanya Napatawa naman ito. "Your question is vague." "Vague?? Baka dense ka lang." napabuga ako ng hangin. Hirap palang kausapin nito. "Get straight to the point." Heto na naman kami sa mga utos nya. Naaawa ako sa mapapangasawa ng taong ito. Hindi nya kailangan ng asawa eh --- kasambahay! Wagas makautos! Nakakairita. Eh bakit ka sumusunod? "Why did you kiss me?" Ngiting tagumpay naman sya. "Hindi ba mas madaling magtanong pag diretso?" Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang ito. He's different from the guys I dated. Kahit nga paghalik, hindi worth ikumpara. "You're not answering my questions. Why did you kiss me?" ulit ko "Why wouldn't I? I like kissing you." nakakaloko ang ngiti nito. Napahalukipkip ako at napamura sa isip ko. Hustong dating naman ng tatlo, sabay sabay umalis sabay sabay din bumalik. Choreographed?? "O, napanisan ba ng laway?" tanong ni Kuya Luc sa akin na malawak ang ngiti Sinamaan ko sya ng tingin. "At paano ko naman malalaman kung panis nga?" mataray na sagot ko sa kanya. "Parang pagkain... titikman mo, hindi ba?" sabi ni Kuya Hunt. Nanlaki ang mata ko. Dumagdag pa si Kuya Dom. "Tama, baka sakitan ng puson -- I mean tiyan kaya dapat tikman muna bago kainin." Pinagbabato ko silang tatlo ng balat ng pistachio. "Dyan na kayo mga wala kayong kwentang kausap." Tumayo ako at nagpunta na sa mga kabanda ko. Tapos na ang break namin at isang set na lang ay uuwi na ako. Nagtawanan silang tatlo at si Rich ng sulyapan ko ay nakakaloko ang ngiti. Nang marating ko ang mga kabanda ko ay automatic na umakbay sa akin si Nate at inabutan ako ng isang bote ng beer -- sya yung kapalitan ko sa drums kanina, vocalist at guitarist din sya. Matalik ko syang kaibigan at kaklase rin sa Architecture. Kaya nga hindi ako makatanggi sa tugtugan ngayong gabi dahil nya. Akala nyo walang kapalit ito? Hahaha! Meron kaya -- sya ang gagawa ng plates ko dahil inabala nya ako ngayong gabi. Am I smart or am I smart? Uminom ako ng beer at napatingin ako sa table nina Rich malapit sa akin at madilim ang mukha nya. What's wrong with him now? Lampas ang tingin nya sa akin kaya napalingon ako at sinundan ang tinitingnan ng mata nya. Si Nate? Ano naman ang problema nya kay Nate? Mukhang bumulagta na ito sa isip ni Rich. Ibinalik ko ang attention ko sa mga kasama ko at nakipaghuntahan, tawanan. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumugtog na uli kami. After the last set, I went to the washroom and emptied my bladder. Nagpaalam na ako kila Nate na mauuna na. Tumayo na rin sina Kuya Hunt at mukhang uuwi na pero ihing ihi na talaga ako kaya hindi ko na sila nilapitan.  Pag ganitong pasado alas dose na ay hindi ako umuuwi sa bahay ng mga magulang ko. I have my own pad para hindi ko sila magising. Pero tinetext ko sila pagdating ko dito kahit anong oras pa iyon. Routine namin yun.          Lumabas ako ng club at sumagap ng sariwang hangin. Hindi ko ipagpapalit ang Batangas sa Maynila. Nakakailang hakbang pa lang ako ay may nagsalita sa likod ko. "Who was that boy?" Kilala ko ang boses na yun. Pumihit ako paharap sa kanya. "Rich, bakit andito ka pa? Nasaan sina Kuya Hunt?" "They left. Now, answer my question. Who was that boy?" "Sino?" "The one whose arm I'm about to break para habambuhay na siyang hindi makapag gitara at makapag drums." His eyes are cold. Napatawa naman ako. "Oh, you mean Nate." Tumigil ako sa pagtawa ng isang hibla na lang ang layo nya sa akin. Nanuyo ang lalamunan ko. "Nate. What's his last name?" "Geez! I didn't know you like m--" He cut me off. I was going to say men. "Raven." he gave me a warning tone. "I am not telling you." "Why not?" "He's a good friend of mine so forget it. You're not getting his last name from me." nagliwanag naman ang mukha nito. Bipolar pa yata ang gurang na ito. "Talagang kaibigan lang?" paniniyak nito. "Oo nga, kulit mo." Tumango tango ito. "O sige na, mauna na ako sa 'yo. Pasado alas dose na." "Where's your car?" "Malamang nasa parking.." "Don't use that tone on me. Tinatanong kita ng maayos." Eye roll. "Nasa parking nga.. teka, may dala ka bang sasakyan?" umiling ito. "Eh paano ka uuwi?" "You're giving me a ride." "What? You must be dreaming." Wala akong pinapasakay sa kotse ko. KAHIT SINO. "So iiwan mo ako dito?" "May mga taxi naman.." katwiran ko. Tumaas naman ang kilay nya at humalukipkip. "Fine. Pero hindi ako uuwi sa amin ngayon. Saan ba kita ihahatid?" Sinabi naman nito ang address. "Ano ang layo nun sa tutuluyan ko!" Maktol ko. Out of the way talaga as in at super pagod na ako at nangangalay ang braso ko sa pagpalo ng drums kanina. Niyakyak ko pa yung gitara. "Magpasundo ka na lang kaya kina Kuya Hunt?" "Gigisingin ko pa sina Nikki?" nakakunot noong tanong nito sa akin I am losing it. "Fine. You can crash for the night." Ang lawak ng ngiti. "You're sleeping in the couch. My place is not that big." Nakangiti pa rin sya. "I am serious Richard Sanz!" His smile even widened. Malala na talaga ang lalakeng ito. "Follow me." Naglakad kami papunta sa kotse ko sa parking. May bantay iyon pag nasa tugtugan ako. Kilala na ako dito sa club pero ayoko pa rin mapagtripan ang kotse ko. Bread and butter ko yan. Napasipol ito. I know why. My car is a Hennessey Venom GT. It's not the latest model  but it's not old either. Give or take 2 years old. "Get in." "Let me drive." "No." "Why not?" He's really getting on my nerves. Hinarap ko sya dahil katabi ko sya dito sa may pinto ng driver's seat. "No one gets inside my car but me. No one drives my car but me. Pero ngayon, papasakayin kita. Ikaw ang una. Kaya wag ka ng mag-ambisyon na madadrive mo yan. Now, walk around the car and get in the shotgun seat. I'm tired. Let's go home." Ngiting tagumpay pa rin ang hudas sa sinabi ko. Bakit kaya? After 20 minutes ay nakarating ako sa condo ko at sumakay ng elevator. Nasa 11th floor ang unit ko. Pagkapasok ay tinext ko agad ang parents ko. Regalo ito ng mga magulang ko sa akin noong debut ko. Hindi kasi ako nagpa cotillion. Hindi bagay sa akin at wala akong hilig sa mga ganoong bagay. "Isa lang ang kwarto dito kaya dyan ka sa couch. Ikukuha kita ng blanket at unan. May spare toothbrush dun sa banyo, buksan mo lang yung cupboard."         Naligo ako at nagbihis — ang walk in closet nito ay nasa loob rin ng banyo. Tinuyo ko ang maiksi kong buhok at saka lumabas. Paglabas ko ay may nakahiga sa kama ko at tulog na. What the f*ck?! Ang sabi ko sa couch... nasa salas ang couch.. hindi sa kwarto ko. Wala akong choice kung hindi mahiga sa tabi nya. Queen bed naman ito kaya may sapat na espasyo. Isa pa antok na antok na ako. The warm shower helped. Naalimpungatan ako ng may yumakap sa akin at isiniksik ang mukha sa likod ko. Pantay ang hinga at mukhang tulog pa rin. Sh*t! Mukhang nahanap ko na ang katapat ko. I hate to say it but... I'm f*cked.. big time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD