Chapter 2

1906 Words
Richard | Kings & Queens   May boys night out kami ngayong gabi sa usual na tambayan namin pag umuuwi ako ng Pilipinas. Sinundo ako ni Hunter gamit ang sasakyan ng asawa nya na paboritong paborito nya - Koenigsegg Agera RS. Talagang hanggang ngayon hindi pa rin nya mahawakan ang GT ni Nikki. Halos magkasabayan kaming dumating nina Dom at Lucas. Si Oliver ay sa makalawa pa ang uwi kasama ni Liv. May tinatapos pa silang drawing pero hindi papayag si Liv na hindi mawitness ang kasal ng bestfriend nya. Lahat ng kasama ko ngayon mapwera kay Hunter ay puro may mga girlfriend na. At ako? I don't do girlfriends. I f*ck and leave. Bachelor forever! I thought about what happened with Raven the other night in the balcony. I don't regret it, but it was stupid of me to -- take advantage of the kid.  Stop -- she's no longer a kid. She's 21 and finishing school soon. Pilit kong iwinaglit sa isip ko ang mukha nya. She's too young for me.I can’t date her. "Rich, what the f*ck man -- tulala ka." That's Lucas talking. Napakatabil talaga ng lalakeng ito at napakaukit pa. Sinamaan ko sya ng tingin. "Shut up Guevarra. Get our drinks." "Eh? Why me?" umasim ang mukha nito. Sumabat na si Hunter at ngumisi  "Mas matanda kami ni Rich sa inyo." Nangatwiran pa. "Aba, magkasing edad lang kami ni Dom." Bumaling ito kay Dom at nagtanong "Hoy, anong buwan ang birthday mo?" Ngumisi si Dom. "January." At naghagalpakan kami nina Hunter. "F*ck me!" napamura ito. Sya ang mas bata sa buwan. "Anong order nyo at kukunin ko sa bar." "Beer lang ako." sabi ko at gumaya naman itong dalawa. "Stella Artois sa akin." sabi ni Dom, he likes Belgian beer. Canadian beer ang siguradong oorderin nito. "Alexander Keiths sa akin para kapangalan ko." tatawa tawang sabi ni Hunter. Alexander ang second name nya. Ang parents nya at magulang ni Nikki -- Alex ang tawag sa kanya. Pero ang asawa at kaming mga kaibigan nya, Hunt or Hunter. "Ikaw, ano ang sa 'yo?" tanong ni Lucas sa akin. "Corona." sagot ko "Virus?" tudyo nito "Tang*ina ka Guevarra, lumayas ka na nga at kunin mo ang inumin natin. Nasosobrahan ka na sa pagduty sa hospital. Ikaw na rin ang magbayad ng iinumin natin. Taya ka ngayong gabi." Sabi ko sa kanya "Ang gugulang nyong mga gurang kayo." Kakamot kamot itong umalis at nagtungo sa bar. Napansin kong may nakaset up na mga instrumento. Hindi ko nabasa ang pangalan ng banda sa lobby kanina. Kapag ganitong Byernes ng gabi ay may tugtugan. Ang alam ko ay iba't ibang banda every week pero meron din mga regulars. Mayamaya ay nakita kong may mga lalakeng nagtotono ng mga instrumento nila. Sa bilang ko ay apat sila at mukhang mga nasa kolehiyo pa. Buti pa itong mga ito--  ako ay kahit isang instrumento hindi ko alam tugtugin at huwag na nating pag-usapan pa ang pagkanta -- tunay na sintunado ang boses ko. Bumalik si Lucas dala ang tray ng beer namin. Tig dadalawa ang inorder nya. Kinuha namin ang mga order namin. Wala kaming balak maglasing ngayong gabi. Itinaas ni Lucas ang bote nya at sinabing "Cheers assholes!" Si Lucas na walang filter ang bibig. Itinaas namin ang mga bote namin at inumpog sa bote nya saka uminom. Habang naghihintay kami ng tugtugan ay may dumaang babae na mukhang modelo. Maiksi ang suot at hapit na hapit at nakaheels. May tatlo pang kasama at parehas nyang pumorma. "Wow." sabi ko. Si Hunter ay umiling lang at uminom ng beer nya katulad ni Dom. Tiningnan ni Lucas ang tinutunton ng mata ko at muntik na itong mapasipol ng samaan ng tingin ni Dom. "Hoy Guevarra, umayos ka isusumbong kita kay Heather." Girlfriend ni Dom si Hailey na kakambal ni Heather. Agad naman dumepensa ito. "Wala naman akong sinasabi. Masabi bang tumingin?" "Gusto mong itanong ko kay Heather yan? Teka at tatawagan ko, nakakahiya naman sa 'yo." Inilabas nito ang cellphone at tinawagan nga si Heather. "Dom, what's up?" "Heather, may itatanong ako sa --" bumunghalit ito ng tawa ng agawin ni Lucas ang cellphone at pinatay. "Ang laki laki mong tao takot ka kay Heather." "Tarantado, mahigit dalawampung taon ko ng sinisinta ang babaeng yun at sobrang ilap. Buti nga at sinagot na ako akala ko ay kasinggurang na ako ng dalawang ito bago maging kami." "Kaya nga, huwag ka ng tumingin sa iba." sabi ni Hunter "Oo na. Iba talaga ang nagagawa ng PNP sa asawa.." "What's PNP?" Tanong ko kay Lucas "Patay na patay!" Nasamid ako sa beer na ininom ko at inubo ako. Nagtawanan silang tatlo at sa kalaunan ay nahawa ako sa kanila. Ang mga punchline ni Lucas ay talagang bentang benta sa amin. Bagay nga sa kanya si Heather -- kabaligtaran nya ang ugali. Kaya nahirapan sa panunuyo ang hudas na ito. Nang biglang lumapit ang apat na babae sa table namin ay parang tanga si Lucas. Magkatabi sila ni Dom at sa kaliwa ni Dom ay katabi nya si Hunter, nasa dulo ako. L-shaped ang sofa dito at medyo malapit sa stage kung nasaan nakaset-up ang banda. "Hey guys, can we join you?" nakangiting sabi ng babaeng nakapula. Litaw na litaw ang hubog ng katawan nito at may kalakihan ang dibdib. Si Lucas ay nakatungo at hindi nag-aangat ng tingin. Si Dom ay nagpipigil ng tawa. I was about to say something when Hunter started talking. "I'm sorry ma'am but tonight is our boy's night out -- no girls allowed." Inayos pa kunyari ang buhok para ipakita ang singsing sa palasingsingan ng kaliwang kamay nya. Nahalata naman ito ng babae. "Oh my apologies, I understand. Have a good evening." "Huy wala na! Nakaalis na bakit nakatungo ka pa dyan?" tudyo ni Dom "Ah wala na ba? Good." Nakahinga ito ng maluwag Nang nagsalita ang lalake sa entablado ay may pumalo ng snare at pinaikot ang stick sa daliri. Medyo natatabingan ito ng gitarista kaya hindi ko makita ang mukha. Mukhang payat, nakaside view. "Good evening everyone! Our first song is Just A Girl by No Doubt." Nagtaka pa ako dahil puro sila lalake. Sinong kakanta? Pangbabae yung kanta na yun ah. Nagbilang ang drummer gamit ang stick at pumailanlang ang tunog ng gitara.  Nagsimulang pumalo ang drums at pagkatapos ng ilan ay nagsimulang kumanta. Kaboses na kaboses ito ni Gwen. Nagsimulang humiyaw ang mga tao. Astig na drummer magaling pang kumanta. Nang gumalaw ang gitarista ay nakita ko kung sino ang drummer sa likod at nanlaki ang mata ko. What the f*ck?! It's Raven! Kumakanta at nakaheadset habang pumapalo ng drums.   Walang kapaguran ito sa pagpalo at sayang saya sa pagkanta. Walang mintis! Mahirap ang pyesang ito at kahit hindi ako marunong tumugtog ng kahit anong instrumento ay walang mali sa tugtugan nila.  Take this pink ribbon off my eyes I'm exposed, and it's no big surprise Don't you think I know exactly where I stand? This world is forcing me to hold your hand Lumingon sya sa gawi namin at kumindat! 'Cause I'm just a girl, a little ol' me Well, don't let me out of your sight Oh, I'm just a girl, all pretty and petite So don't let me have any rights Oh, I've had it up to here Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Para akong nahipnotismo. The moment that I step outside So many reasons for me to run and hide I can't do the little things I hold so dear 'Cause it's all those little things that I fear At ito namang si Hunter, nahalata ang pagnganga ko ay isinara gamit ang hintuturo nya. "Baka pasukan ka ng langaw." Sinamaan ko sya ng tingin at napailing iling ito. 'Cause I'm just a girl, I'd rather not be 'Cause they won't let me drive late at night Oh, I'm just a girl, guess I'm some kind of freak 'Cause they all sit and stare with their eyes She's f*cking amazing! I could listen to her all night. Her raspy voice.. under the sheets.. naked.. What the f*ck Sanz! Umayos ka nga. F*ck! She's giving me a hard on just by listening to her sing. What the hell is wrong with me? Oh, I'm just a girl, take a good look at me Just your typical prototype Oh, I've had it up to here Nang matapos ang unang kanta ay nagpalakpakan ang mga tao. Nakita kong tumayo si Raven, nakaitim ito ng sandong crop bahagyang litaw ang bukana ng flat na flat na tyan  at nakamaong, pinaresan ng itim din na Chuck Taylor's. She reminds me of Nikki when I saw her here four years ago. Both of them are bad ass women. Nakipagpalitan ito ng pwesto sa gitarista. Isinabit ang gitara sa kanya at ang kaninang gitarista naman ang umupo sa drums. "Kings and Queens! My name is Raven Sawyer. How are you all doing tonight?" Parang sanay na sanay syang mag-entertain ng crowd at kilala sya dito. They said "great" in unison. "Good to hear that. I see new and familiar faces . This one's for you -- it's called I Want You To Want Me." Nang sabihin nya ang This one's for you ay nakatingin sya sa akin. Para sa akin ang kanta nya? Nagsimula nitong tipain ang gitara nya at kumanta. Iba ang boses nya ngayon na bagay na bagay sa kanta. Ilang boses ba ang kayang gayahin ng babaeng ito?     I want you to want me I need you to need me I love you to love me I'm begging you to beg me I want you to want me I need you to need me I love you to love me Nakita ko syang tumitingin sa akin. Tipid syang tumawa at parang nanunudyo. It's like letting me know those lines she's singing is for me. Shine up my high heel shoes Put on a brand new shirt Get home early from work If you say that you love me Didn't I, didn't I, didn't I see you crying Didn't I, didn't I, didn't I see you crying Feeling all alone without a friend you feel like dying Didn't I, didn't I, didn't I see you crying I want you to want me I need you to need me I love you to love me I'm begging you to beg me Hindi pa nakuntento na magaling sa drums at pagkanta. At hindi lang sya marunong mag gitara -- sobrang galing nya! She leads it like there's no tomorrow, she's f*cking great!! Ano nga ang tawag dun? Riff? Umubo si Hunter, si Lucas ay nakangisi at si Dom ay -- nakakunot ang noo at pinagsalikop ang braso. "Do you like her?" tanong nya sa akin. Nag iwas ako ng tingin at uminom ng beer. "Don't be ridiculous, she's a baby." "Hmm.. why do I feel you're smitten?" ngumisi ito at sinamaan ko sya ng tingin. "Smitten my ass! What am I -- a girl? Give me a break." "I actually noticed her looking at you and if I am not mistaken -- she even winked!" Tatawa tawang sabi ni Lucas. "Shut up Guevarra, you're imagining things." Tumikhim si Dom. "If you think Ate Nikki is bad ass.. combine Ate Nikki with Heather, Hailey, and Liv -- and you get Raven. She's the baby in the family at lahat ng alam ng apat na babaeng iyon ay ipinasa sa kanya."  Napaamang ako sa sinabi nya. "Hindi ko alam kung maaawa ako sa iyo o matatawa, it takes a special man to take her down." dagdag pa ni Dom at umiling iling. "Psh.. dami mong sinasabi. She's a kid. She's not my type." "Deny it all you want, I think you're finished Sanz. Your bachelor days forever  just ended." sabi ni Hunter at nakipag cheers ito kay Dom at Lucas. Totoo yun. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at para akong hindi mapakali. Nang matapos ang kanta nya at kumindat sya sa akin ay tapos na ang laban ko. I'm f*cked. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD