AN: Dahil sinapag ako ay sinundan ko na agad ito at sa mga comment niyo huwag po kayong mag-alala dahil mangyayari 'yan. -------------- "Lia!" "Lia!" Ilang beses na kinalampag niya ang mababang gate dahil sa gusto na agad niya makita si Lia. "Duke." Si Aireen na nagulat na makita siya sa ganitong oras ng gabi. "Si Lia? Nasaan siya? Nandiyan ba siya?" Sunod-sunod na tanong niya at pilit na sinisilip sa loob. Lumapit naman ito sa kanya. "Wala dito si Lia, umattend ng birthday ni Mr. Chavez." Nanlaki naman mata niya at tumalikod agad kay Aireen. "Sandali saan ka pupunta?" Natigil siya sa paglalakad at nilingon ito, tagaktak ang pawis niya. "Kailangan ko siyang puntahan baka kung ano ang gawin sa kan'ya ni, Rina. Dapat hindi na siya nagpunta doon." Natatarantang muli siya

