AN: Salamat po sa mga dumadagdag readers ng You Are The Reason ❤ Salamat guys sa inyong lahat kaya ako nagkakaroon ng lakas at gana para mag-update. --------- "Ano 'yang hawak mo, Lia?" Nagulat naman siya sa biglang pagpasok ni, Aireen. Napalingon siya sa kuwarto baka gising na ang mga anak niya. "Ikaw pala, Aireen. Ang aga mo yatang nandito?" Tanong niya dito at inayos ang mga nagkalat sa lamesa, ininom naman niya ang kape at naupo si. Aireen. "Imbitasyon 'to kay, Mr. Chavez. Birthday niya kasi." Sagot lamang niya at pinasok na ang card sa lagayan nito. Nakita niya ito sa pagbukas niya ng pinto nahulog. "Ganon ba? Kailan ba saka pupunta ka ba?" Tanong agad nito at nagtimpla ng kape niya, hinayaan lang niya ito at saglit na nag-isip. Linggo ngayon kaya pahinga niya. "Hindi,

