Chapter 2

1017 Words
WALA PANG ala-sais ng umaga nakaabang na si Ela sa tapat ng café shop. Mula pa kahapon ay hindi na siya mapakali dahil hindi na maalis si Eli sa isip niya. "Grabe, ang gwapo niya. Ang hot niya. Hot pa sa kape niya." pagmumuni-muni nito. Nakapangalungbaba pa ito sa isa sa mga upuan at table sa labas ng café habang iniintay kung sino man ang mabubukas ng shop. "Kanina ka pa?" Halos mapabalikwas ito ng marinig ang pamilyar na boses. "Ah? Hindi naman. Ilang minuto lang." hinahanap ng paningin niya si Shay. "Kung si Shay ang hanap mo, mamaya pa siyang 6:30. Ako talaga ang nagbubukas at nagsasara nito." dire-diretso naman nitong binuksan ang café at pumasok. Sumunod naman na sa kanya si Ela. "Here's the kitchen. Kompleto naman ako ng mga gamit dito, pero since ikaw ang mas may nakakaalam sa ganitong bagay, you can tell me anything that you need." paliwanag pa ni Eli na napatingin kay Ela na naglilibot ng paningin nito sa loob ng kitchen. Namangha naman ang dalaga dahil isang mala-state of the art ang mga kagamitan nito sa pagluluto. Kompleto ito mula sa baking table, tools and equipment and even pastry decors. "Hmm ano po bang usually na sine-serve niyo tuwing umaga?" Nag-lean ito sa table at pinaikot ang braso sa harapan na nagpalabas sa firm nitong biceps. "The usual na bini-bake ko is pandesal, French toast at pancakes." "Okay sir, I got it." nginitian niya ito. Tila nagpapa-impress naman ito sa binata at hindi maitanggi ni Eli na napamangha siya kay Ela lalo na sa mga ngiti nito. Matapos niyang mapamilyar ang buong kusina at kung saan nakalagay ang mga kagamitan at mga sangkap, sinimulan na ni Ela ang paggawa ng mga pagkain. Seryoso ito sa kanyang ginagawa kahit pa alam niyang pinagmamasdan siya ni Eli, hanggat maaari ay hindi niya ito nililingon. At sa tuwing nagkakatagpo ang kanilang paningin, kaagad na nilalayo ni Eli ang paningin sa dalaga dahil nginingitian siya nito. Pasimple naman niyang tinitingnan ang magandang mukha nito na seryoso sa ginagawa. "Ahh, if you need some help, I can offer my hands to you." nahihiya pang saad ni Eli. "No need. I can do this sir, thanks." seryosong sagot lang nito ng hindi man lang tinitingnan ang binata. Iniwan naman na siya ni Eli para makapaghanda na ito sa shop. ILANG sandali pa ay may pumasok sa café at inaakala ni Eli na si Shay na ito. "Kuya?" "Oh King? Ang aga mo ah?" takang tanong sa kapatid. "Maaga kasi ang flight ko pa-Cebu." "Cebu? King? Ilang araw ka palang dito aalis ka na naman." "Ikaw ng bahala kina mommy at daddy. Keri -- I mean, kayang-kaya mo na yan." sabay ngiti nito. "Ano pa nga bang magagawa ko? Ah, by the way, kumain ka na ba? Let's have a breakfast first." pag-aya pa niya sa kapatid. "Okay, pero tapos ka na ba sa ginagawa mo? May gusto lang din sana akong pagusapan natin. You know, brothers to brothers. (baka sister!)" "Hmm, may bagong hired na kong pastry chef. Kaya hindi na ako ang gumagawa nun." "Really?" natutuwang hindi makapaniwala naman si King. "Yeap." "Is he hot like you and Shay?" pagusisa pa nito sa kapatid. "Like me? Hahaha. I don't think she is." She's not hot, she's gorgeous. Wait? What? "So, a girl? Where is she?" nangingting tanong pa nito. "At the kitchen, where women truly belong?" "But that's where the knives are kept, right?" pagsingit ni Ela sa usapan at parehong napatingin ang magkapatid sa kanya. "I thought it was Shay. I'm almost done, sir." sabay ngiti ng matamis. "Hi! I'm King. I'm -- his younger brother." lumapit ito kay Ela at nakipagkamay. "Ela. The new pastry chef." nakipagkamay rin ito kay King at napansin ni Eli na may kakaibang ngiti sa bawat isa sa dalawang kaharap. Ngunit hindi niya mapaliwanag kung bakit may naramdaman siyang hindi niya nagustuhan pero binalewala na lamang niya ito. "Okay sweet tooth, let's have a breakfast for a while before I'll open the shop." pag-interrupt naman ni Eli sa dalawa. "Join us, Ela." Nginitian naman ni Ela si Eli at nagtungo na sa kitchen para ilabas ang mga ginawa niya. NAGALMUSAL magkakasabay ang tatlo at napagalaman na ni Eli na hindi makakapasok si Shay kaya dalawa lamang sila nito sa café shop. "This one is really good Ela. I've never tasted any pancakes like this. Mukhang mas mapapadalas na ko dito kuya ah." natutuwa namang compliment ni King kay Ela. "I agreed. This French Toasts is definitely world class. You gotta teach me these recipes" puri din ni Eli na mas kinatuwa ng dalaga. "Sure." "And if you could make my brother stay longer by your pastries, I won't really let you go." biro pa ni Eli. "Haha how I wish kuya!?" pagtuon niya kay Eli. "Hmm we’ll, see?" Ihh.. Forever na kaya ako dito? "I'll clean this up, sanay din naman ako." pag-volunteer na ni Ela matapos nilang kumain. "Thanks Ela. Susunod na rin ako." "Nice meeting you Ela!" pagpapaalam pa ni King rito na may matamis na ngiti. Ginantihan naman siya ng dalaga ng ngiti. "BRO, ingat ka ah. Dalahan mo ko ng Lechong Cebu." pagtapik pa ni Eli sa likuran ng kapatid habang sila ay naglalakad palabas ng shop. "Haha sige kuya." "Ano nga pala yung gusto mong pagusapan?" pag-iiba ni Eli ng usapan at natahimik naman si King. "Ahh.. Ano kasi.. About sa gusto ni daddy na magpakasal na din daw ako sa pinsan Nhiki." tila sumeryoso naman ang itsura ni King. Natawa lang ng bahagya si Eli sa narinig. Kondisyon na kasi ng kanilang ama na maaari nilang gawin o makuha ang anumang gusto nila ngunit ang ama nila ang pipili ng kanilang mapapangasawa. Kagaya ni Eli na pinagkasundo na sa anak ng kumpare ng kanilang ama na si Nhiki. Naupo naman sila ng magkaharap sa bakanteng table sa labas ng shop. "Well, what about that?" "Kuya, I - I have something to tell you." mas lalong naging seryoso ang itsura ni King at tila na-curious naman si Eli rito.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD