Chapter 1

1044 Words
"KUYA!" bati ni King pagkapasok palang niya sa Café shop ng kuyang si Eli. "Bro!" inapiran naman niya ang kapatid pagkalapit nito sa kanya sa counter pagkatapos kausapin ang isang customer. "Where have you been again bunso?" pagpunas-punas pa ng kamay nito sa hand towel bago swabeng inalis ang apron. "Diyan lang kuya, sa Coron." sagot naman sa kuya nito na napapakamot pa ng ulo. "Coron? Diyan lang pero sa Coron?" natatawa namang tanong pa sa kapatid. Si King ay inspired happy-go-lucky travel blogger. Madalas siyang nagbabyahe kung saan maisipan at magkainteres. Kabaligtaran naman siya ng kuya nitong si Eli na isang successful business man sa kanyang pinangarap lang noon na coffee shop. Kung si King ay hindi makapakali sa iisang lugar, ang kuya naman niya ay mas gustong settled lang. "Hehehe hinanap ba ako nila mommy?" "Malamang! Kung pwede lang kita kabitan ng tracking device para every time na mawawala ka, alam ko ang isasagot kay mommy kung nasaan ka." "Parang hindi naman sila nasanay. Ahh, saka nga pala kuya, may cream puffs ka ba diyan?" Nangiti na lang si Eli sa kapilyuhan ng kapatid. "Meron pa sa loob." inakbayan naman ni Eli si King at sabay silang pumasok sa pantry ng shop. "Dapat siguro mag-hired ka na ng bukod na pastry chef kaysa ikaw pa mismo ang gumagawa ng mga desserts. Napaka-hands on mo naman dito, kuya." "I was thinking of that too, but for the meantime, kakayanin ko pa naman." "ITO na ba yung nasa address?  Nakakalito naman mga streets dito." palinga-linga pang tingin ni Ela habang pabalik-balik ang tingin sa papel na hawak, sa mga streets at establisyamento sa lugar. "El Deluxe, El Deluxe.. Saan ka na bang --- Yown!" papaturo pa siya rito ng makita ang hinahanap na lugar. Kaagad siya nagtungo rito at pumasok sa loob.         "Wooow." bulong niya pa sa sarili dahil hindi napigilan ang pagkamangha sa pagkaelegante ng lugar ngunit maaliwalas ang ambiance. "Susyalin naman pala itong coffee shop na ito. Kape lang naman ang tinitinda?” dahan-dahan siyang pumasok ang nilibot ang tingin sa lugar. Mukhang maraming customers rin ang narito lalo sa ganitong oras ng hapon, kapansin-pansin din pure Mahogany staircase nito paakyat sa second-floor ng café. Inikot niya rin ang paningin sa mga muebles at furniture ng lugar at masasabi niyang hindi basta lang ang kapihan na ito, parang mahihiya ang Starbucks at Tim Burton sa interior pa lang ng café shop. At nang makalapit siya sa counter, napansin niya kaagad ang pastry displays na mukhang hindi ganoon ka-attractive. Napalihis siya ng ulo niya na tila nanghihinayang. Ang ganda nga ng café pero mukhang kulang sa pastry offers. "Welcome mam!"  bati sa kanya ng lalaking malapit sa counter. Kaagad naman niya itong nilapitan p aat nginitian. "Ah, I'm looking for Mr. Elidazar Baltazar?" "Si sir Eli po? Wait lang po mam ah, tatawagin ko po siya." Habang nasa loob ang lalaking nakausap, nilibot pa muli ni Ela ang paningin sa buong café at talagang namamangha siya sa ganda ng disenyo at ayos ng lugar.  Mukhang pinagkagastusan ang interior nito ah? "Ayun po sir yung babae." "Sige salamat Shay."   Nilapitan kaagad ni Eli si Ela pagkatanggal niya ng apron. "May I help you?" Dahan-dahang nilingon ni Ela ang boses na tumawag sa kanya at tila mahuhulog ang panga nito dahil inaakala niyang sa coffee shop lang siya magkakagusto ngunit, hindi lang pala. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkabigla at pagkamangha pa nang makita si Eli ng harapan. "Hi!" Sa pagkagulat, tanging iyan lamang ang nasabi niya. Mas mabuti na rin ito kaysa sa wala o mautal pa siya. "I'm Elidazar, Eli for short. I'm the owner of this café." inabot ni Eli kay Ela ang kamay at hindi malaman ng dalaga ang gagawin. Ilang segundo pa bago pa niya ito inabot at natauhan sa ginawa ng binata. "Ela! Elandria Yves." kinamayan naman niya si Eli pero ang paningin nito sa binata ay hindi naaalis. Binawi ng binata ang kamay at tila seryoso pa rin ang pustura. "Shay said you were looking for me?" "Ah, yes. Yes!" tiningnan ulit ang hawak na papel. "I saw some posts that you were looking for a Pastry chef? And, I am here to apply. If it still available.” sa isip-isip ng dalaga ay sana wala pang nakakakuha sa pwesto. "Oh? Yeah, I am looking for a pastry chef. Let's have a sit first." ni-lead siya ni Eli sa pinakamalapit na bakanteng table at naupo na siya doon. "Shay!” sinenyasan niya ito at mukhang alam na nito ang gagawin. Naupo sila sa magkatapat na upuan at hindi mapigilan ni Ela na hindi kabahan. "Ahm, here's my resume, sir." inabot kaagad ni Ela ang resume nito at kinuha naman ni Eli ito. Mukhang binabasa ng binata ang resume niya ngunit siya ay busy sa pagtitig dito. Susmeh? Mukhang hindi lang trabaho ang magugustuhan ko sa café na ito ah? Halata na ang pagpantasya ni Ela kay Eli ngunit pilit niya itong tinatago kapag nakatingin ito sa kanya. "You're also Business Administrative graduate before taking a two years course of pastry, and worked in some restaurants. Then why did you choose to apply in my simple café shop?" Simple? To be with you po? "Ahm, yes sir. Actually, I quit to my previous job just to try something new that may enhance my skills and interests in terms of making pastries. So, if you'd consider my application, I could make pastry recipes to practice also my skills for your café’s specialties." pormal namang sagot nito kahit nanginginig na ang kamay sa kaba. Sakto namang sinerve ni Shay ang kape nilang dalawa. Kaagad naman siyang uminom nito para makalma. "Well, wala ka rin palang balak manatili ng matagal pero gusto kitang subukan." "Po?" habang hawak pa ang tasa ng kape niya. "When can you start?" diretsong tingin naman ni Eli kay Ela. Hindi naman maipinta ang saya sa itsura ng dalaga sa narinig. "Right away sir! Kahit po ngayon, kering-keri ko na pong magsimula." Napataas naman ng isang kilay ang binata at nangiti sa pinapakitang pagkabibo ni Ela. "Maybe tomorrow. Six in the morning. The shop will be open at seven, well at least by that time we have something we could serve." "Thank you, sir."  ___________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD