PUMASOK RIN SINA Eli at Nhiki kung saang kwarto pumapasok sina Ela at King, mula kanina pa ngang pagsulyap at tingin ni Eli sa dalawa lalo na kay Ela, inaakala niya talagang nagkakamabutihan ang mga ito. Sa isip niya, marahil bagay nga ang ito dahil halos parehas sila ng interests at nagkakasundo pa sa mga maraming bagay. Ni hindi niya inaakalang malalaman niya rin ang ibang sides ni Ela at aminado siyang gusto niya rin ang mga ito.
Hindi rin maunawaan ni Eli bakit ganito na ang nararamdaman niya kay Ela na noon lamang ay balewala sa kanya kung nagkakasama sila nila ni King. Tila may pagsisisi siya kung bakit hindi pa siya mismo ang kumilala muna sa dalaga bago niya ito hingan ng pabor para sa kapatid.
“Ahh!” biglang sigaw ni Nhiki at maraming taong napatingin sa gawi nila.
“What’s wrong?” takang tanong ni Eli ng mapatingin kay Nhiki dahil napasigaw ito.
“Jaws!” saad pa nito at natawa ang ibang taong nakarinig sa kanila.
Napansin din ni Eli na napatingin sila Ela at King sa kanila at papalapit na ito sa gawi nila.
“What do you mean?”
“Look!” pagturo pa ni Nhiki sa isang malaking preserved na katawan ng buwaya. “Jaws yan di ba? Ang laki oh!”
Halos mapahilamos si Eli dahil hindi niya malaman kung papaano magpapaliwanag kay Nhiki.
“What’s up? Bakit – napasigaw ka?” tanong naman ni King kay Nhiki na hindi naaalis ang tingin sa nakikitang buwaya.
“Ahm, she was just –“
“It was the Jaws di ba? Ang laki oh! So scary! Napapanood ko ang mga yan eh, nangangain ng mga tao! Shocks!” saad pa ni Nhiki na bakas nga rito ang pagkamangha at takot.
Napatikom naman ng labi si Ela at pinipigilang matawa. Nagtakip siya ng bibig at talikod sa mga ito. Napansin iyon ni Eli at hindi naman niya malaman kung papaano magpapaliwanag.
Lumapit naman si King sa kapatid at pasimpleng bumulong rito. “May chance ka pang umatras kuya.” nagpipigil ring tawa ni King at napatingin lang din si Eli sa kanya.
Napakamot noo na lang din si Eli dahil hindi niya talaga malaman kung papaano sasabihin kay Nhiki ang totoo pero hinayaan na lang niya ito at inilayo doon si Nhiki.
Pagkaalis nila Eli at Nhiki roon ay nagkatinginan muna sina Ela at King ng seryoso.
“Hahahahahaha! Putik!” halos sumigaw si King at hindi na napigilan ang pagtawa.
“Shhh! Hahahaha baka marinig tayo – hahahahaha” halos hindi naman na makahinga si Ela sa katatawa dahil kanina pa ito nagpipigil.
“Nakakaawa tuloy si kuya, makakapangasawa siya ng medyo alam mo na? May mining-mining.”
“Hahahaha sama mo! Jaws lang naman ang tawag niya sa buwaya, maliit na bagay.”
“Yeah, like not everyone knows na ang Jaws ay pating, at hindi buwaya! Kaloka girl! Hindi ko kinakaya ang ate mong Nhiki! Pero hindi ako nagsisising isinama natin sila hahaha!”
PATULOY pa rin sina Ela at King sa pagtingin at enjoy sa mga nasa museum, habang si Eli naman ay nagpapasensya na lang kay Nhiki dahil ang dami ng reklamo nito na napapagod na sa paglalakad at nagugutom na.
Lumapit na si Eli kina King at Ela na tila kinabigla ng dalawa dahil naguusap sila at nagtitingin ng mga pictures na kinunan nila.
“Ahm, guys? Wanna come with us? Nagugutom na daw si Nhiki eh.” tila naiilang pang tanong ni Eli.
“Sure kuya, just the last room at the corner then merienda na tayo.” sagot naman ni King.
Napatingin pa si Eli kay Ela at hindi naman malaman ng dalaga kung ano bang dapat niyang ireaksyon.
Nagtungo na nga sila sa huling kwarto ng museo, lumibot mag-isa si Ela dahil kinukunan niya ng litrato ang mga preserved na underwater creatures na kinamanghaan niya talaga. Samantalang si King ay lumayo muna sa kanila para sagutan ang isang tawag. Napansin ito ni Eli kaya walang atubili siyang lumapit ulit kay Ela.
“Where are you going?” pagpigil naman ni Nhiki kay Eli at napahawak pa ito sa braso niya.
“Ahm, just looking around.” pagbabakasali pa ni Eli
Napaisip naman si Nhiki. “Hmm, okay. Don’t get farther ah, baka mawala ko, sige ka.”
Napangiti lang si Eli rito at tuluyan ng umalis. Pero noong balikan niya ng tingin kung nasaan si Ela kanina ay wala na ito roon. Napatanaw pa siya kung saan at hinanap ng paningin niya ito. Pero ang nakita ni Eli ay si King na tila masaya sa kausap nito. Napatingin rin sa gawi niya at tila nagbago kaagad ang reaksyon. Tumalikod ito sa kanya ngunit patuloy pa rin sa pagkausap sa phone nito. Pinagsawalang bahala na lamang ni Eli ito.
“Okay, one.. two.. cheese!” saad pa ni Ela habang kumukuha ng litrato ng ilang turista na nakisuyo sa kanya.
“Thank you, miss.” pagkuha ulit ng turista sa camera nila at alis na.
“Having fun?” biglang bungad ni Eli sa tabi ni Ela.
“Uh, grabe ka sir Eli, bakit ba bigla bigla kang sumusulpot dyan? Nakakapag-teleport ka ba?” nakuha pang biro ni Ela pero ang totoo ay kinakabog ang dibdib niya sa tuwing malapit sa kanya si Eli.
“Sorry. Where’s King?” pagkukunwari nitong hindi nakita si King.
“Ahm – nandyan lang yun.” pagtanaw pa ni Ela sa paligid ng hindi makita si King. “Eh si Nhiki? Bakit mo iniwan? Baka mawala yun, delikado pa naman baka mangagat.”
Hindi napigilan ni Eli matawa. “Are you making fun of her?” tila pagsita pa nito.
“Me? What? Making fun of her? Isn’t it an effort?” pagkukunwari rin ni Ela sa pagbibiro niya tungkol kay Nhiki.
“Well, kahit ganyan yan, mabait din naman yan.” saad pa ni Eli.
“Of course, she is. Kaya nga di ba pakakasalan mo?” tila hindi naman malaman ni Ela kung bakit niya nasabi ito dahil kinabigla din niya ito at napatahimik sila ni Eli ng sandali.
Tila naging awkward bigla ang sitwasyon nilang iyon.
“I’ll look for King. Excuse me, sir.” pag-alis na ni Ela na tila nagmamadaling makalayo kay Eli.
Hindi naman din makapaniwala si Eli pero tama nga si Ela, wala siyang maaaring maging depensa rito dahil kahit anong sabihin niya ay tama ang sinabi ni Ela. Kailangan niyang pakasalan na si Nhiki sa ayaw o gusto man niya.
“Oh nice, I’m starving!” saad pa ni Nhiki habang na-excite sa ma dumarating na pagkain na in-order nila.
“Bon appetite!”
Tahimik na lamang silang kumain munang apat dahil na rin siguro sa gutom. Magkatapatan sina Ela at Eli ng upuan dahil tila nagkakailangang mahuli ang tingin ng bawat isa. Pansin naman din ni King ang awkwardness sa dalawa kaya pinagsalitan niya ng tingin ang dalawa.