KINUHA NI KING ang phone niya at tinext nito si Ela, kaagad naman din napansin ni Ela na may message siya kaya napatingin siya sa phone niya. Nakita niyang galing kay King ito kaya nagtaka siya at tingin rito sa gilid niya. Nginusuan naman siya ni King bilang senyales na basahin niya ang text nito.
(Bakit parang ang tahimik niyo ni kuya?)
Saad ni King sa text nito. Napatingin naman si Ela sa kung saan na tila iniisip kung anong ire-reply kay King.
(Wala naman.)
Maikling sagot lang nito.
(Baka nagseselos na yan kaya nananahimik)
(Parang hindi naman? Busy nga siya kay Nhiki eh.)
(Syempre baka mangagat ng ibang tao kapag hindi nabantayan.)
Reply ni King kay Ela na hindi naman na naitago ni Ela na mangiti dahil sa pagpipigil ng tawa. Napahawak siya sa bibig niya habang binabasa ang messages mula kay King. Natawa na rin si King pero pasimple lang ito at hindi rin nag-iingay.
Napansin naman kaagad ni Eli ang paghagikgik nila Ela at King at napatingin siya sa mga ito. Sa totoo lang, pakiramdam niya may kakaiba sa dalawang ito na hindi niya lubos maisip na ganito sila magiging ka-sweet sa harapan niya. Tila mali yata ang pagsama niya sa date ng dalawa dahil nakikita niya ngayon kung gaano ito ka-close na sa isa’t isa.
Lalong napatahimik na lang si Eli at bumalik sa pagkain niya.
SUNOD ay nagtungo sila sa huling museo ng mga artifacts na gustong puntahan ni Ela. Iba’t ibang artifacts at national treasures ang nadoon at doon din nagustuhan ni Eli ang mga naroon.
“Girl, kasya si Nhiki dyan.” saad ni King ng makakita ng malaking banga malapit sa kanila ni Ela.
“Shh! Baka marinig ka nila.” pagsuway pa ni Ela rito pero natatawa na rin.
“Ay sila kuya!” saad naman ni King at kaagad na umakbay kay Ela. Alam ni Ela na ginagawa ito ni King para pagselosin ang kuya niya kay Ela dahil naniniwala itong may gusto ito kay Ela ngunit hindi niya maamin pa dahil na rin kay Nhiki. Ayaw naman din umasa ni Ela rito dahil alam niyang hindi siya pipiliin ni Eli.
“Baby, dun oh! May malaking jar! Pwede kaya tayong bumili dito tapos display natin sa bahay?” rinig pa nilang saad ni Nhiki habang nakakapit pa rin kay Eli habang naglalakad sila sa likuran nila Ela at King.
“We can’t buy these jars.”
“Aww, too bad. I want those ones oh!”
Nagpipigil na naman ng tawa sina Ela at King pero patay malisya sila sa mga ito. Ngunit si Ela ay lumingon sa gawing kaliwa niya kung saan naroon sina Eli at kaagad ring pabalik na napatingin si Eli sa kanya habang naglalakad palayo. Nagkasalubong ang mga mata nila hanggang sa nawala sila sa paningin ng isa’t isa.
“Hala sige, bilihin mo yang mga burial jar na yan para multuhin ka ng mga patay na nasa loob niyan!” sarcastic pang saad ni King at natawa naman na si Ela sa kanya.
“Ito kaya iregalo sa kanila sa kasal noh?”
“Ay bet! Yung pinakamalaki para magkasya siya dun.” sabay irap pa ni King at napatawa na lang si Ela na naiiling.
Patuloy sa paglibot silang apat at si King ay panay nahihiwalay kay Ela dahil sa tawag na ina-accept nito.
“Baka makahalata naman ang kuya mo at panay kayo tawagan niyang – hmm jowa mo.” paglingon pa ni Ela paligid nila dahil baka nasa malapit si Eli sa kanila.
“Ihh, syempre nami-miss na naming ang isa’t isa eh. Wait lang girl.” kinikilig pang iniwan na naman ni King si Ela roon at lumabas ng kwarto sa museo.
Napansin na naman ni Eli ang paglabas ni King na tila may kausap sa phone. Napatingin siya kung saan ito nanggaling at naroon nga si Ela na nag-iisang tumitingin sa mga artifacts. Napatingin naman siya kay Nhiki na nakaupo na sa isang designated seats at nagse-selfie.
“Are you tired?” tanong pa ni Eli dito.
“Hmm, kinda. Ang boring na dito eh. Puro mga jars and whatsoever na sobrang luma naman na! Ewan ko ba kung anong nagustuhan ng mga tao dito?” saad pa nito at napailing na lang si Eli.
“I’ll be just around.”
“Sure then, just be here.”
Tila pagkakataon na naman ito kay Eli na malapitan si Ela. Hinanap ng paningin niya ito pero hindi na niya makita. Umikot at lumibot na siya sa silid ngunit wala ito roon.
Tumagos na siya sa kabilang kwarto ng museo kung saan medyo madilim at nagbakasaling makikita roon si Ela na.
Sa paglalakad ni Eli, napansin niya ang isang malaking jar na naka-display sa loob ng isang tila fully sealed glass na nasa gitna ng silid. Nilapitan niya ito at minasdan. Dahan-dahan siyang naglakad palibot sa banga para matingnan ang kakaibang ito. Dinukot niya ang phone niya at kinunan ito ng litrato ngunit sa kabila nito ay sumulpot si Ela at aksidente niyang nakunan rin ito kasama ng banga.
Napatingin na rin sa kanya si Ela na tila hindi siya inaasahang naroon. Kaagad naman niyang binulsa ang phone niya.
“Hey?” bati ni Ela sa kanya at tumungo naman siya rito.
“Where’s King again?”
Nagkibit balikat naman lang si Ela.
“Di ba dapat date niyo ito? Bakit mas madalas na siya may kausap sa phone? Tell me, is he have a –“
“I don’t think so.” pagputol na ni Eli sa tanong sa kanya. Nilapitan niya ito at ngayon ay parehas silang nagkatingin sa burial jar na nasa harapan nila.
“Did you know this Manunggul jar was found in Lipuun Point, Palawan in 1960’s? Named after the cave where it found.” saad lang ni Ela habang nakatingin sa jar.
“Hmm, and when did history interests you?”
“Kinda. This was the original burial jar that has been considered made by the master potter in the country in 710 B.C. This was the very first time I see this in person.” tila namamangha pa si Ela sa nakikita niya. “It’s amazing.”
Napatingin naman si Eli kay Ela. “Yeah, amazing.” saad nito habang nakatingin lang kay Ela ngunit napatingin rin si Ela sa kanya.
Ilang sandali silang napatingin sa mga mata ng isa’t isa na tila wala silang pakialam kung sino pang nasa paligid nila. Tila napako ang mga mata nila sa isa’t isa at hindi nila kaagad ito maialis.
Hindi malaman ni Eli kung bakit tila kusang gumalaw ang mga kamay niya at hinawakan si Ela sa pisngi nito. Lumapit ang mukha niya rito at tila wala namang palag din si Ela na napapikit na lang.