Chapter 6 - Huling gabi

1668 Words
Handa nang matulog at nakahiga na sina Magayon, Amir at Datu Akbhari. Gustong tumabi ni Amir sa kan'yang ama, at ina na kinatuwa naman nila dahil naglalambing ang nag-iisang anak nila. Tahimik na rin ang buong tribo na tulad nila ay nagpapahinga na rin. "Matulog ka na, anak," bulong ni Magayon sa tenga ni Amir. "Opo, kayo rin po matulog na. Ama, bukas po ay sasama akong muli upang makapagsanay ah?" Napangiti naman si Datu dahil talagang nais na matuto ng anak. "Sige anak, matulog ka na upang maaga kang magising bukas. Basta lagi mo'ng tatandaan ang mga payo namin sa 'yo ha? Mahal na mahal ko namin ng iyong ina. Palagi ka'ng magpakabait at 'wag ka'ng papayag na may umapi sa iyo o kahit kanino sa mga mahal mo at mahalaga sa 'yo. Isapuso mo ang tama, tandaan mo anak," madamdaming sinabi iyon ni Datu kay Amir. Hindi niya alam, ngunit basta na lamang binalot ng lungkot ang puso niya at takot. Tanging ngiti at tango na lamang ang naitugon ni Amir hanggang sa unti-unting pumikit na ang mga mata dahil sa antok. Lingid sa kaalaman nilang lahat sa tribo ay sa gabing ito mismo ang pagbabalik ni Don Ignacio at isasagawa ang masamang balak. "Kumusta? Gising pa ba sila?" tanong nito sa isang tauhan na nagmanman na muna sa tribo. "Tahimik na Boss, mukhang tulog na po silang lahat," anito. "Mabuti naman kung gano'n, hindi tayo nahihirapan sa pagpapatahimik sa kanila nang tuluyan. Sabihan mo ang mga tao nating umpisahan na, at gusto kong iharap nila sa akin ang pinuno nila." "Masusunod po." Agad namang sumunod si Don Ignacio ng kan'yang tauhan. Malapit na lang siya sa kinaruroonan ng tribo, tanaw kung ano man ang mangyayari at gagawin ng kan'yang mga tauhan. At doon na hinagisanan ng mga granada ang bawat sulok na kinatitirikan ng mga bahay doon. Biglang nagulantang ang lahat sa pagsabog kasabay ang sunod-sunod na putukan mula sa pagpapaulan ng mga bala sa kagagawan ng tauhan ni Don Ignacio. Agad na nanlaban ang mga kalalakihan sa tribo gamit ang kanilang mga siba, pana palaso, at ang iba naman ay gamit ay itak. Marami rin ang sugatan nang dahil sa granada na hinagis ng mga tauhan ni Don Ignacio at ang mga kabataan at ibang kababaihan ay nag-iiyakan na rin habang tinutulungan ang mga kasamahang sugatan. Marami na rin sa tauhan ni Don Ignacio ang napatumba ng tribo, nagising na rin si Amir nang dahil sa mga putok na naririnig. "Ama, Ina. Ano po ang nangyayari?" Naguguluhan at may bahid ng takot ang boses ni Amir nang magtanong ito sa mga magulang. "Irog, dito lang kayo ha? Ikaw na muna ang bahala sa anak natin," bilin ni Datu kay Magayon na bakas naman ang pag-aalala. "Anak, 'wag ka'ng aalis sa tabi ng iyong ina, maliwanag?" "Opo, Ama. Mag-iingat po kayo." Yumakap muna si Datu sa kan'yang mag-ina bago iwan ang mga ito. Umiiyak naman si Magayon dahil nagkatotoo nga ang kinakatakutan niya, at ito na nga ang gabing iyon. "Ina, ano po, ba ang mangyayari?" "Anak, nilusob tayo nang mga taong gustong angkinin ang lugar at tirahan ng ating tribo kaya kailangan na ipaglaban ng iyong Amang Datu ang ating karapatan," paliwanag ni Magayon sa anak. Alam niyang maintindihan siya ni Amir. "Po? Paano na po roon si Ama! Kailangan nating tulungan si Ama..." Hindi agad napigilan ni Magayon si Amir sa pagmamadaling paglabas nito sa kanilang buhay. Agad itong hinabol ni Magayon at mabuti na lamang ay naabutan niya ito at hinala pabalik sa loob ng kanilang bahay. "Anak, delikado sa labas. Maraming kalaban ang may mga baril. Dito na lang, makinig ka sa iyong ama!" "Pero Ina!" Ang tumatangis na si Amir at nagsusumamo kay Magayon kaya nagdisiyon na siyang sundan si Datu Akbhari. "Halika Amir! Makinig ka sa akin ha?" Lumabas silang dalawa ng kanilang bahay, hawak nito sa palapulsuhan si Amir. Dinala ni Magayon si Amir sa mga batang nagtatago sa madilim na parte at inihabilin niya ito kay Maya. "Maya, mga bata. 'Wag kayong aalis dito kahit na anong mangyari ha? At kung sakaling kinakailangan man ay sa likod kayo dumaan," saad at bilin ni Magayon muling binalingan nito si Maya. "Maya, ikaw na muna ang bahala kay Amir ha? Kailangan ko lang silang tulungan, kailangan kong sundan ang Datu," aniya. "Sige po, pero mag-iingat po kayo Dayang Magayon. Sana ay walang mangyaring masama sa in'yong lahat, Nag-aalala rin po ako kina ama at ina." "Sana nga! Manalig lang tayo, sige na... Amir, makinig kay Maya ha? Mahal na mahal kita anak, mahal na mahal na namin ng iyong ama." Tumayo na si Magayon at hinalikan pa muna si Amir sa noo. "Ina..." sigaw ni Amir habang tumatangis, tanaw ang papalayong si Magayon. Pumasok na siyang muli sa kanilang bahay at kumuha rin ng itak, susundan nito si Datu Akbhari. Samantala, habang nakikipaglaban si Datu Akbhari ay hindi nito namalayan ang mga tauhan ni Don Ignacio na papalapit sa gawi niya. Pinalibutan siya ng mga ito, kayang-kaya naman sana nitong labanan ang mga lalaking iyon kung hindi lamang siya kinuryente ng isa at dalawang beses pa. "Aacckk..." hiyaw ni Datu Akbhari sa pagkakakuryente sa kan'ya. Bigla siyang namaluktot at nanghina at iyon ang pagkakataon ng mga tauhan ni Don Ignacio upang dakpin siya. Halos mawalan ng ulirat si Datu Akbhari ngunit ramdam niya ang paghila sa kan'ya ng mga tauhan ni Don Ignacio sa kung saan. Nang minulat ni Datu ang kan'yang mga mata ay ang dalawang pares ng sapatos agad ang bumungad sa kan'yang paningin, unti-unti nitong tiningala ang nagmamay-ari ng mga sapatos na iyon at muli nga nitong nakita ang pagmumukha ni Don Ignacio na mataman ang titig kay Datu Akbhari. "Ikinagagalak kong makita ka'ng muli, aking kaibigan," ang nakakalokong ngisi nito ang agad na bumungad kay Datu. Kahit na hinang-hina ay pinilit ni Datu Akbhari na makapagsalita. "Hayop ka! Napakasama mo!" galit na tugon nito kay Don Ignacio ngunit baliwala lamang dito ang galit niya. "Kung pumayag ka lamang sana sa alok ko sa iyo noon at hindi tayo aabot sa ganito. Tingnan mo ang paligid mo ngayon at ang mga kawawa mo'ng mga kasama, hindi ka ba naaawa?" pag-uusig pa ni Don Ignacio kay Datu Akbhari. Nagtatagis ang bagang nito sa galit dahil sa sinapit ng kan'yang mga ka-tribo. Gustong-gusto niyang patayin si Don Ignacio kung hindi lamang ito napapalibutan ng kan'yang mga tauhan ay malamang kanina niya pa ito ginilitan sa leeg. "Bibigyan pa kita ng isa pa'ng pagkakataon kaibigan. Maliligtas mo pa ang mga natira mo pa'ng mga kasamahan at bibigyan ko kayo ng panimulang muli," huling alok ni Don Ignacio kay Datu sumabit ito naman ang tumawa nang nakakaloko kay Don Ignacio. "Sa tingin mo ay gugustuhin ko? Namin? Na, mabuhay gamit ang perang galing sa maruming gawain mo? Kahit ganito lang kami sa aming tribo ay may dignidad kami at paninindigan. At higit sa lahat, hindi kami sakim tulad mo!" may diing at walang takot na sinabi iyon ni Datu kay Don Ignacio na ikinagalit na nito. "Talagang matapang ka ha! Hindi bale, katapusan mo na naman ito. Kayong lahat ng mga ka-tribo mo!" Ngunit hindi man lang nakitaan ng takot sa mga mata si Datu Akbhari kaya't pakiramdam ni Don Ignacio ay ini-insulto pa siya ni Datu. "Ayos lang sa 'kin ang mamatay, mamamatay akong lumaban, binuwis ang buhay para sa aking nasasakupan. Magtagumpay ka man sa plano mo ay nasisiguro kong babalik din sa 'yo balang araw ang mga pinaggagawa mo! Sisingilin ka sa mga kasalanan mo!" "Ang dami mo'ng satsat." Biglang kinuha ni Don Ignacio ang baril na hawak ng kan'yang tauhan at agad na tumutol iyon sa sintido ni Datu Akbhari at agad na kinalabit ang gatilyo nito, sa isang putok ay tumba na si Datu Akbhari. "Walang hiya ka! Papatayin kita!" Biglang sumugod si Dayang Magayon hawak ang itak na itataga nito kay Don Ignacio ngunit tulad ni Datu Akbhari ay binaril din lamang ito ni Don Ignacio ng dalawang beses hanggang sa unti-unting natumba sa tabi ng kan'yang asawa. Kitang-kita ni Amir, nina Maya at ng iba pa'ng mga bata ang sinapit ng kanilang Amang Datu at Dayang Magayayon. Tinakpan ni Maya ang bibig ni Amir upang hindi na ito magsanhi ng ingay. Walang pagdadalawang-isip na inakay na ni Maya ang mga bata at si Amir, sumunod nito ang sinabi ni Magayon kung saan sila dadaan. Mabigat ang loob ni Maya na lisanin ang lugar ngunit kailangan na nilang umalis, kung hindi ay sila rin ang mapapahamak. "Sandali..." Pigil ni Amir habang tumatangis. Hila-hila ito sa kamay ng isang dalaga, nasa sampo silang kabataan na nakaligtas. Nagkubli sila sa mga puno at ang lahat ay nasaksihan nila. "Sina Ama at Ina, bababalikan ko lang sila," pagsusumamo nito kay Maya. "Amir, hindi na puwede. Kapag bumalik pa tayo ro'n ay paniguradong hindi rin nila tayo bubuhayin!" Lahat naman sila ay umiiyak, parehong nawalan ng pamilya. Sa musmos na edad ay nawalan ng mga magulang, ni hindi nila alam kung saan sila patungo at basta na lamang naglakad sa masukal na kagubatan. "Ina... Ama..." Lumingon pa'ng muli si Amir na animo'y susundan siya ng mga mga magulang sa kan'yang pagtawag. "Amir, mga bata, bilisan na natin at baka abutan nila tayo," ani ni Maya. Kapareho lamang niya ang mga batang ito na nawalan na ng mga magulang, ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa mga kasama. Pinapangako nitong aalagaan ang mga ito lalong-lalo na si Amir, ang nag-iisang anak nina Datu Akbhari at Magayon. Ang kanilang pinuno at naging ama ng lahat. "Saan po ba tayo pupunta?" tanong ng isang bata na nasa siyam na taong gulang. "Sa ngayon ay hindi ko pa alam, pero ang importante ay makalayo na tayo dito mga bata," mahinahong paliwanag ni Maya sa mga bata. 'Diyos ko! Gabayan niyo po sana kami. Hindi po namin alam kung saan kami pupunta, patnubayan niyo po kami lalong-lalo na ang mga batang kasama ko. Kayo na rin po ang bahala mga napaslang naming mga ka-tribo.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD