Chapter 5 - Alinlangan

1040 Words
Nang makaalis ang grupo ni Don Ignacio ay makahinga ng maluwag ang lahat sa tribo. Lalong-lalo na ang mga kababaihan, ngayon lang nangyari sa kanila ang ganito, na may mga taong naghahangad ng kanilang tirahan. Simula noon ay gagawa at tahimik lamang ang kanilang pamumuhay, subalit ngayon ay may nakaambang panganib. Nararamdaman nilang lahat na hindi pa iyon ang huling pagdayo ni Don Ignacio sa kanila. "Mga kasama! Makinig kayong lahat! Simula ngayon ay dadalasan na natin ang pagsasana. Kailangan nating paghandaan ang kanilang pagbabalik. Hindi sa tinakot ko kayo ngunit alam ko, ramdam niyo rin. Hindi maganda ang kutob ko sa mga taong iyon, kaya't mas mabuti nang maging alisto na tayo. Maliwanag ba?" ang mahabang lintaya ni Datu para sa lahat. "Masusunod, Amang Datu," sabay-sabay na tugon ng lahat. Mabuti naman kung gano'n. Makakabalik na kayo sa in'yong mga ginagawa. Pero mamaya, pagkatapos ng pananghalian ay magtipon ang lahat dahil kailangan nating magplano. Tumango naman ang mga ito ay ang mga mata ay nakipag-titigan sa mga kalalakihan na para ba'ng nag-usap ang mga ito bago pa umalis. Nang makarating na si Datu Akbhari sa kanilang tahanan ay agad na siyang sinalubong ni Magayon. "Irog, sino ang mga iyon? At bakit gusto nilang kunin itong tirahan natin?" nag-aalalang tanong ni Magayon. Natatakot ito dahil parang magkakatotoo ang minsan naramdaman na Alinlangan. "Hindi ko rin alam, ngunit kailangan nating paghandaan ang posibleng ano man ang nangyari. 'Wag kang mag-alala, Iron ko. Hindi ko hahayaan na makuha nila itong lugar natin ng gano'n lang, at hindi nila kayo masasaktan." Yumakap si Magayon kay Datu Akbhari, natatakot ito para sa kanilang anak na si Amir. "Natatakot ako para sa lahat lalo na para anak natin, Irog ko. Sana naman ay hindi na sila magbalik pa. Ipapanalangin ko iyon sa Diyos at sana ay pakinggan ako nito." Niyakap na lamang ni Datu Akbhari ang asawa dahil hindi niya alam kung ano sasabihin dito upang hindi na mag-alala pa. Sa bawat araw na dumaraan ay hindi rin tumigil ang buong tribo sa paghahanda at pagsasanay ng mga kalalakihan, maging ang mga babae ay gano'n din. Pinaghahandaan kung sakaling magbalik ang mga taong labas iyon. Mas naging tutok naman si Datu Akbhari sa isinasagawang paghahanda ng lahat maging ito ay nag-e-ensayo. Kinagabihan ay naging payapa naman ulit ang gabi nila kaya pansantalang iwinaglit ni Datu ang iniisip tungkol sa grupo ni Don Ignacio. Simula kasi nang araw na magpunta ang mga ito sa kanilang lugar ay hindi na ito nawala sa isip niya. Pinilit na pasiglahin ni Datu Akbhari ang sarili bago harapin ang kan'yang mag-ina. "Magandang gabi, mga mahal ko," agad na masiglang bungad nito nang makapasok na siya sa pinto. "Ama..." Humahangos at malapad ang ngiting tumakbong papalapit sa ama. "Kumusta? Nagpakabait ka ba ngayong araw?" Ginulo pa muna nito ang buhok ni Amir nang tanungin ito. "Siyempre naman po, Ama. Palagi naman po akong mabait 'di po ba?" Napangiti naman si Datu. Totoong napakabait naman talaga ng anak niya. "Oh, nandiyan ka na pala Irog. Tamang-tama dahil luto na ang hapunan," ani ni Magayon nang lumabas ito mula sa kusina. Lumapit naman si Datu rito at agad na kintintalan ng mabilis lamang na halik sa labi. Pinamulahan naman ng pisngi si Magayon. Ewan niya ba? Kinikilig talaga siya sa tuwing ginagawa iyon ni Datu sa kan'ya. "Sige, paniguradong masarap ang niluto mo pero mas masarap ka pa rin, Irog ko," bulong nito kay Magayon kaya napasinghap naman ito at tinampal agad si Datu sa dibdib nito na kinatawa pa nito. "Ikaw talaga! Marinig ka ng anak natin," saway nito. "Bakit? Totoo naman iyon Irog ko," hindi na tumugon pa si Magayon dahil paniguradong hindi pa hihinto itong si Datu Akbhari. "Sandali nga, naiwan ko na muna kayo at maghahanda lang ako ng hapunan. Maupo na kayo sa hapag," bilin nito sa asawa inaatake ng kapilyuhan. Naiiling siyang Nagtungo sa kusina. "Ano po ang ulam natin Ina?" tanong ni Amir na halatang gutom na. "Sinabawang manok na nilahukan ko ng papaya at malunggay. Kumain ka ng gulay upang mabilis kang lumaki anak," aniya. "Opo! Gusto ko po iyan, Ina. Paborito ko po lahat ng niluluto mo Ina kaya raramihan ko ang kain," masayang sabi pa ni Amir na inikatuwa nilang mag-asawa. Napapawi ang pagod ni Datu Akbhari sa maghapon ng dahil sa kaisa-isang anak nila. Nagkatinginan naman silang mag-asawa at ngumiti sa isa't isa. Masayang ang hapunan nilang ng gabing iyon na para ba'ng Walang pag-aalinlangan na nadarama. Natuwa naman si Datu dahil masaya ang pamilya niya, pinakatitigan niya ang kan'yang mag-ina. Pinapangakong walang pakakapanakit sa mga ito hangga't nabubuhay pa siya. Poprotekhan niya ang mga ito kahit buhay pa niya ang kapalit, mahal na mahal niya ang kan'yang pamilya at ito ang nagsisilbing buhay niya. "Anak, pagkatapos mo riyan ay maglinis ka na ng katawan mo bago ka matulog ha," bilin ni Magayon sa anak. "Opo, Ina," magalang na tugon ni Amir sa ina. Napakabait na bata ni Amir dahil maganda ang pagpapalaki nina Datu Magayon rito. Paharap nitong maging kasing tapang at kakisig ng kan'yang Amang Datu. Palagi niyang isina-saisip ang mga pangaral ng kan'yang ama at ina. Balang araw ay siya naman ang magiging pinuno ng kanilang tribo, at poprotekta sa kanilang buong angkan. "Ina, Ama. Akyat na po ako sa aking silid," paalam nito sa mga magulang. "Sige na Anak, natutulog na rin kami maya-maya. Mauna ka na," ani naman ni Datu rito na agad namang tumango at tumalima na. "Kumusta ka na naman dito, Irog ko?" malambing na tanong ni Datu at lumapit na ito kay Magayon. Niyapos nito ang mga matitipunong bisig bewang ni Magayon. Napangiti naman si Magayon at hinarap ang asawa. "Hmmn...ayos naman ako rito. Hinihintay sa pag-uwi mo," parang lumundag naman ang puso ni Datu sa sinabi ni Magayon, malaki ang epekto nito sa kan'ya. Walang anu-ano'y agad na sinunggaban ang labi ng asawa. "Alam ba alam mo talaga kung paano ako pasabikin, Irog ko." Pansamantalang iniwan nito ang labi ni Magayon at ibinulong iyon. "Mahal na mahal kita, Irog ko." "Mahal na mahal rin kita, Irog ko. Ikaw lang ang mamahalin ko habang-buhay." Umaapaw ang mga puso nila sa pagmamahalan at hindi nagtagal ay pinadama nila itong pareho sa isa't isa buong magdamag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD