CHAPTER 8

2500 Words
-------- SHAUN'S P.O.V "Oh anong balak niyo?" barumbadong tanong saamin ni Chloe habang inilapag ang isang supot ng Chippy na green at Oishi na maanghang. Not Sponsored. Charot. Agad namang inopen yun ni Kate na katabi niya sa upuan, kasalukuyan kaming nasa dining table, nagbabakasakaling pakainin kami. Nagbabakasakali lang naman. "Actually hindi rin namin alam, binisita ka lang naman namin teh" sabi ni Arianne habang kumakain ng chippy kaya tumango naman kamin, napangiwi nalang si Chloe dahil sa inasta namin. Nasa labas kasi si Tita kasama niya si Tristan nagdidilig ng halaman. Sabi ko nga kay Tita tulungan ko na siya para naman ma flex ko biceps ko kaso sabi niya sakin ang galing ko daw mag joke -___- seryoso? joke na yun para kay tita? tinawanan tuloy nila ako. "Ganun? so anong gagawin naten?" tanong ni Chloe habang kumakain ng oishi. "Nood nalang kaya tayo? yung horror ganems" suggest naman ni Kate. "Sure ka? takot ka sa multo tapos yan isusuggest mo?" sarcastic na tanong ni Sky kaya napatawa kaming lahat ng kaonti, totoo naman kasi. "Fifty Shades of Grey" mahinang sabi ko ng may mabasa sa f*******:, actually nagiiscroll lang kasi ako nagbabakasakaling may makuhang idea na pwedeng panoorin kaya napatingin saakin si Dave na katabi ko gayundin si Sky na nasa gilid ko habang sila Arianne, busy kumakain. "Gago ka brad" pabulong na sabi ni Sky kaya napatingin ako sakaniya habang hindi parin pinapatay ang phone ko, ano ba yung movie na yun? di ko alam yun eh. "Bakit?" naguguluhang bulong ko sakaniya. "Hindi mo ba alam na may kasama tayong mga babae?" pabulong naman na sabi ni Dave kaya napatingin ako sakaniya na gulong g**o parin. "Alam ko bakit?" naguguluhang tanong ko sakaniya, tumingin naman ako sa banda nila Chloe at busy sila sa pag-uusap, If I'm not mistaken yung mga gwapo nanaman sa t****k yung pinag-uusapan nila...tsk! mas gwapo pa kami! Ako nalang pala. Mas gwapo pa ako sa kanila. Just call me FAFA SHAUN #FAFASHAUN Born on September 27. Kung hindi ka naniniwala. I'm born for you. Waley pft HAHAHAHA. Kita ko lang yan sa newsfeed ko eh. Tumingin muna si Dave sa mga babae na kasama namin bago tumingin ulit sakin at nagsalita "Do you have an idea of what kind of movie is that?" tanong niya sakin. "Brad! Common sense! napanood ko na ba? hindi pa diba? edi hindi" pabulong na sabi ko, ano ba kasi to? Fifty Shades of Grey o edi may Fifty na naka shades na kulay grey hayst! Relax girls, ako lang to #FAFASHAUN Napahawak siya sa sintido niya kaya takang tingin ay binigay ko sakaniya, bumaling naman ang tingin ko kay Sky na nagpipigil ng tawa, naka drugs ata toh! "Huy! naka drugs ka ba?" pabulong na tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sakin. "I swear bro, when you watch that movie, you will have a hard time" bigla akong napalunok at biglang nag-init ang pisngi ko, pakers! yun pala yun? nakaka curious naman, panoorin ko nga kapag may time ako. Napaubo ako habang inilalagay na sa bulsa ang phone ko at kumain nalang ng Oishi habang nakatingin sa mesa. "Oh anyare sayo?" tanong ni Arianne at inabot ang mukha ko sabay suri sa bawat angulo. Hinawi ko agad ang kamay niya ng magtama ang paningin namin "wala tol! grabe ang anghang pala neto" pagpapalusot ko habang tinitignan ang oishi na hawak hawak ko. "Wow himala! naanghangan ka diyan eh kakakuha mo palang" sarcastic na sabi ni Kate kaya napakamot ako sa ulo. "Hehehe ano HAHAHA ano nga palang papanoorin naten?" pag-iiba ko ng usapan, bigla namang inopen ni Chloe ang phone niya at sa tingin ko ay naghanap ng papanoorin, ramdam ko na natatawa na si Sky dahil sa inasta ko gayundin si Dave pero mas pinili ko nalang kumain. "Ano bang gusto niyo?" tanong ni Chloe habang nag-iiscroll parin sa phone niya. "Korean ba o-" "Korean? jusko nakakaumay puro gwapo lang naman tinitignan niyo dun" pagrereklamo ni Sky habang kumakain ng Chippy, sinamaan siya ng tingin ni Kate pero tinapunan lang niya yun ng tingin. "Let's try Thai series" suggest ni Dave kaya napangiti kaming lahat at nag agree. "Snacks? anong kakainin naten habang nanonood?" tanong ni Kate habang kumakain ng Oishi na halos siya na makakaubos. "Wow Kate, just wow" panloloko sakaniya ni Sky, inirapan lang naman niya ito. "Yung dalawa bumili na sa labas yung masarap dapat" sabi ni Arianne habang umiinom ng tubig na binigay kanina ni Chloe. "Kami nalang ni Kate ang bibili, tutal siya naman nag suggest" sabi ni Sky kaya napatango nalang kaming lahat habang si Kate, ayun inubos na ng tuluyan ang oishi. "Just a minute.....and I'm done" sabi niya ng kanin niya ang last piece ng oishi, umiling nalang si Sky habang si Kate ay uminom na ng tubig pagkatapos ay bumaba na siya sa upuan niya at pumunta kay Sky na nasa pader nakasandal at hinihintay nalang talaga si Kate. KATE'S P.O.V "See? kumain ka lang pinagpawisan ka pa" panenermon sakin ni Sky habang pinupunasan ang pawis ko. "It's ok atleast busog" sabi ko at niyaya na si Sky na pumunta. "Kami na ba bahala sa pagkain?" excited na tanong ko ng maalala ko. "Oo kayo na bahala, pagkain ah! baka mamaya kayo magkainan diyan" panloloko ni Arianne kaya napatawa sila habang napangiwi naman ako at sumilaw naman ang nakakalokong ngiti ni Sky, Namo! "Geez! you wish" sabi ko at haharap na sana kay Sky ng biglang may bumulong saakin. "I wish" he tried to seduce me kaya walang alinlangan akong humarap sakaniya, pero syempre I made sure na hindi tatama ang mukha ko sakaniya. "Manigas ka" sabi ko at nauna ng umalis. "ATEEE KATEEEE!!" sigaw ni Tristan sabay yakap sakin kaya napatigil ako sa paglalakad, hindi kasi niya ako nakita kanina kasi busy siya naglalaro dun sa garden habang nagdidilig ng halaman si Tita. "Hi Baby how are you?" sweet na tanong ko sakaniya at pinantayan siya sabay yakap din. "Ok lang po" sabi niya ng kumawala siya sa yakap ko. "Let's go-Hi Tristan!" bati sakaniya ni Sky na nasa likod ko. "Hi Kuya Sky, san punta?" takang tanong niya kaya napatingin ako kay Sky na nakatingin din pala sakin, hinarap ko tuloy si Tristan na nagtatakang nakatingin samin. "Bibili lang kami ng food Baby" nakangiting sabi ko at ginulo ang buhok niya. "Sama po" nagmamakaawang sabi niya kaya napangiti ako, ang cute niya. "Paalam kita kay Tita you want?" tanong ko sakaniya at nakangiti naman siyan tumango kaya nginitian ko din siya, sakto namang pumasok si Tita. "Oh 'san kayo pupunta Kate?" tanong sakin ni Tita. "Bibili lang ng pagkain tita" sabi ko at tumayo na habang si Tristan ay pumunta sa harapan ko. "Ay bakit? may pagkain pa diyan" sabi ni Tita saamin. "Manonood kasi kami tita, eh nagpabili sila ng snacks kaya nag volunteer na kami ni Kate na kami nalang bibili" sabi ni Sky kaya napangiti ako. "Ah ganun ba? oh siya sige kayo na bahala, Tristan hali ka na-" "Ay tita hehe pwede po ba naming isama si Tristan?" tanong ko kaya napatingin si Tita kay Tristan. "Mommy please" panglalambing naman sakaniya ng bata kaya ngumiti naman si Tita. "Oh sige sige, basta bantayan niyo nalang makulit yan ih" sabi ni Tita kaya nag pout naman si Tristan. "Sige Tita mauna na po kami" pagpapaalam naman ni Sky kaya nauna na kami. Pagkalabas namin sa bahay nila Tita binuhat agad ni Sky si Tristan at pumunta sa nakaparada niyang kotse. "Sakay na" sabi niya ng mailagay niya si Tristan sa backseat. "Likana ate!" excited na sabi ni Tristan kaya napangiti ako at sumakay na. "San tayo bibili?" takang tanong ko kay Sky ng makaupo na ako sa shotgun seat at inilalagay ang seatbelt. "Jollibee!" excited na sabi ni Tristan kaya napatingin kami sakaniya. O-ow Yung snack naging Jollibee. Paktay! Knowing Sky... "You want Jollibee?" tanong sakaniya ni Sky kaya tumango naman yung bata, napatingin tuloy ako kay Sky na nakangiting nakatingin kay Tristan, tsk! he likes kids..ano pa bang ipagtataka ko. "Then let's go to Jollibee" sabi ni Sky at nagsimula ng magmaneho, tumingin ako sa rear view mirror ng kotse ni Sky at tumingin kay Tristan na nakangiti, mukhang excited. "Why are you smiling?" tanong sakin ni Sky kaya napatingin ako sakaniya. "Ah wala! tignan mo si Tristan, mukhang excited oh he's so cute" sabi ko habang nakatingin parin sa rear view mirror, sumulyap naman si Sky. "Tsk! you too look cute" sabi ni Sky kaya nawala ang ngiti ko at tumingin sakaniya. "Huh? anong sabi mo?" naguguluhang tanong ko sakaniya. "Tsk! I Love You" pabulong na sabi niya, tama ba narinig ko? hayst! maglilinis na nga lang ako ng tenga ko para marinig lahat ng sinasabi nila kahit pabulong pa. Pasensya na, may pagka malandi si Sky. He knows how to flirt well. CHLOE'S P.O.V "Mi, san punta?" tanong ko kay Mommy ng makasalubong namin siya ng umalis na kami sa kusina. "Hi Tita" bati naman ng mga kupal sa likod ko, nginitian lang naman sila. "I'll just meet someone" sabi niya at dere deretsong pumunta sa pinto. "Mi si Tristan?" takang tanong ko sakaniya. "Sumama kila Kate, Goodbye! know your limits kids" sabi ni Mommy at deretsong lumabas ng bahay. Hindi pa kami nakakasagot, nakalabas na siya agad. Sobrang importante naman yata nun. Sinilip ko pa siya mula sa glass window at nakitang may kausap sa phone habang binubuksan ang pinto ng kotse, sino kaya yun? "So anong papanoorin naten?" takang tanong ni Arianne ng maupo ako sa isa sa mga sofa sa sala, tumabi na ako kay Dave. "Oo nga, anong papanoorin?" tanong naman ni Shaun habang naglalaro ng ML sa phone niya. Binato agad siya ni Arianne ng mapansin niya ang ginagawa nito, gulat namang tinanggal ni Shaun ang unan at tumingin sa paligid kung sinong bumato. "Sinong bumato neto?" inis na tanong ni Shaun. "Ako? bakit may angal?!" seryosong tanong ni Arianne. "Wala hehe" parang tutang pinagalitan na sabi ni Shaun kaya napangiti ako. "Itigil mo na yan! mag suggest ka nalang" sabi ni Arianne at parang robot naman na sinunod agad ni Shaun ang sinabi niya. "Mas maganda kung may konting comedy ano?" tanong ko kay Dave at tumango naman siya habang busy kakakulikot ng phone niya isa rin to eh! "Pee Mak" sabi ni Dave kaya sabay sabay kaming napatingin sakaniya. "Pee Mak? Pinagsasasabi mo lods?" tanong sakaniya ni Shaun pero hindi niya ito tinignan at nakatingin lang sa phone niya. "Pee Mak?" tanong ko at tumingin kay Shaun at Arianne na wala ring idea kaya tumingin ako kay Dave. "Pee Mak is actually a horror-comedy film and a very entertaining one. If you want to get an idea of how popular this movie is, it is currently Thailand's highest-grossing movie of all time. There is a good chance you've heard of it before" sabi niya at tumingin saamin. Pee Mak? parang narinig ko na yan. "It has a little something for everyone: horror, romance, comedy, don't miss out on this film. It starts when a man named Mak comes back from the war and invites his comrades to meet his wife and son. But when they arrive, Mak's comrades start to realize that something is very off about his family" pagpapatuloy niya sa pagbabasa ay weyt parang si... "Mario Maurer" sabi ko at napatingin kay Arianne. "s**t seryoso?" excited na tanong saakin ni Arianne. "Oo tama! si Mario Maurer nga!" sabi ko at sabay kami na tumili ni Arianne at kitang naguguluhan tong dalawa dahil sa inasta namin. "Calm down! you two" inis na sabi ni Dave kaya napatigil kaming dalawa ni Arianne sa pagtili pero malapad parin ang ngiting nakatingin sa isa't isa. "Hoy itigil niyo nga yan para kayong tanga!" saway samin ni Shaun ng makita ang itsura namin, sabay naman kaming tumingin kay Shaun na nakangiti at bigla siyang natakot kaya natawa kami sa itsura niya. Umayos siya ng upo niya ng bigla kaming tumayo ni Arianne at dahan dahang lumapit sakaniya. "Tangina niyong dalawa tumigil kayo!" sabi niya habang nagpapalikod sa upuan niya. "Hoy tumigil nga kayo!" sabi niya ng nasa harapan na niya kami. "Ayaw niyong tumigil ah!" nagulat ako ng biglang hablutin ni Shaun si Arianne at ipinaupo sa hita niya, gulat ding napatingin si Arianne sakaniya. "Sabi ko kasi tumigil ka" pabulong na sabi ni Sky sakaniya. Umiling iling nalang ako, maglalakad na sana ako papalayo sakaniya ng bigla akong mapatid akala ko masusubsub ang mukha ko sa sahig pero bigla nalang akong hinila ni Dave kaya napaupo ako sa hita niya, anak nang! "Be Careful" sabi niya ng tumingin ako sakaniya, ang ganda ng mata- "Ahh heheh salamat" sabi ko at umalis na sa pagkakaupo sa hita niya at umupo nalang sa tabi niya gayundin ang ginawa ni Arianne at umupo na sa upuan niya kanina. "Asan na ba kasi sila Kate ang tagal tagal naman nila" pagrereklamo ni Arianne kaya napatingin ako sa orasan, oo nga noh kasama pa naman nila si Tristan. Maghahapon na pero wala pa sila. "Wag ka ng magtaka kasama nila si Tristan" saad naman sakaniya ni Shaun. "Chat mo nalang para sure" sabi ni Dave sa kanya at ganun naman ang ginawa ni Arianne. "San ba tayo manonood?" tanong ni Shaun sakin. "Dito nalang" sabi ko kaya tumango naman siya. "Tapos na, hintayin nalang natin silang magseen" sabi naman ni Arianne ng patayin niya ang phone niya. "Sa GC ko na sinabi" sabi niya kaya napa-open tuloy ako ng phone at chineck ang GC namen. THE SOLAR SYSTEM ARIANNE : Hoy Kate at Sky bilisan niya gutom na alaga ko. SHAUN : May nahanap na kaming papanoorin bilisan niyo nalang. DAVE : Yung pagkain baka makalimutan niyo. Naghintay kami na maseen ng dalawa. Ng ma seen na nila, habang nagtatype ang iba napako ang tingin ko sa isang taong nagseen. KATE : Nag oorder palang don't worry SHAUN : Yung masarap ahh! SKY : Oo! kahiya naman sa bituka mo! Sunod sunod niyang sineen lahat ng chinat nila, at nabasa niya rin lahat ng pinagchatan namin. Sineen niya Bumilis ang t***k ng puso ko ng makumprima na sineen niya nga. Halos maluha ako ng makita na sineen ni "Oh my Gum! Sineen niya!!!" sigaw na sabi ni Arianne kaya napatingin ulit sa phone sila Dave at Shaun habang ako, hindi ko alam pero bumibigat ang paghinga ko. "Ghurl Omayghad sineen niya!" gungon na sabi sakin ni Arianne pero nakatutok parin ako sa phone ko at hindi makapaniwala sa nakita ko. Agad kong naalala lahat ng PM(Private Messages) ko sakaniya kaya agad kong hinanap ang pangalan niya at binuksan ang pinagchatan namin, pumatak ang luha sa kaliwang mata ko ng makita na sineen na niya lahat ng sinabi ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung mahihiya ako o sasaya. "Sineen na niya" bulong ko sa sarili ko at nakatulala sa mga messages na sinabi ko sakaniya. Ang tagal kong hinintay 'to. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD