--------
CHLOE'S P.O.V
Nakauwi narin kami sa wakas, jusko grabe talaga kapag kasama mo tong mga toh! Pero medyo na awkwardan narin ako kanina, hindi ko alam kung bakit pero parang may gustong sabihin sakin si Dave pero hindi niya masabi sabi, sinubukan ko siyang kausapin kaso hindi siya umiimik.
"Dave? may gusto ka bang sabihin sakin?" takang tanong ko ng mag-stop kami sa harap ng bahay, hinatid na kasi namin lahat at ako talaga ang nilast nilang ihatid.
Hindi ko talaga kasi alam kung anong meron, may gusto rin silang sabihin saakin kaso hindi nila sinasabi, may nararamdaman din ako kaso hindi ko rin alam kung ano, manhid na ba ako?
"Dave" tawag ko sakaniya pero nasa baba lang ang tingin niya.
"Baks" tawag ko sakaniya sabay tapik kaya bigla siyang bumalik sa diwa niya at takang tumingin sakin.
"I'm sorry, anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong niya kaya ngumiti nalang ako at umiling, baka hindi pa siya nakakarecover sa iniisip niya kaya wag muna nating guluhin.
Ngumiti naman siya at hinalikan ang noo ko, luh nangnanakaw amputek! pero bakit iba yung naramdaman ko dun?
"Sleep well, I'll see you tomorrow" sabi niya kaya nagpaalam narin ako at bumaba na sa kotse niya, hinintay ko muna siyang umalis bago ako pumasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob binati ko na sila Mommy at dahil wala pa si ate nagpaalam na muna ako at pumasok muna sa kwarto.
"Ay shemay!" gulat na sabi ko ng buksan ko ang kwarto at nakita si Tristan sa higaan habang nanonood.
Ba't andito toh?
"Hi Ate! How's your day?" medyo inaantok na sabi niya kaya nilapag ko muna ang gamit ko sa study table at umupo sa tabi niya.
"Anong pinapanood mo?" sabi ko habang sumisilip sa phone na hawak niya, teka! ba't may hawak tong phone? diba dapat tulog na to? sesermonan ko pa sana kaso pagod din ako kaya wag na.
"Cocomelon" pagsabay niya sa entrance ng panood niya, na curious tuloy ako kaya nakipanood na ako. Takte puro pambata! ng makita ko kung anong pinapanood niya, agad akong tumayo at kumuha ng pampalit ko.
"Wait me here Tristan, I'll just take a shower" pagpapaalam ko sakaniya at pumasok na sa CR.
Pagkalabas ko ng CR, nakadapa na si Tristan sa kama, baka tulog na siya? lumapit ako sakaniya para tignan kung tama ang hinala ko. Napatigil ako sa paglapit ng bigla siyang magsalita.
"Yes kuya he's at the comfort room po" magalang na sabi niya sa kinakausap niya kaya kumunot ang noo ko, imbis na patigilin ko siya, umupo muna ako sa baba ng kama at pinakinggan ang pag-uusapan nila.
"Hindi pa po siya tapos kuya" muntik na akong matawa ng sabihin yun ni Tristan, buti nalang at agad kong tinakpan ang bibig ko para hindi ako marinig.
"Kelan ka po babalik dito?" nagulat ako sa narinig ko, babalik? weyt teka...s-sinong kausap ni Tristan...magsasalita na sana ako ng biglang magpaalam si Tristan sa kausap niya.
Marami pa siyang kinalikot sa phone na hawak niya bago tumingin sa gawi ko, gulat na gulat siya ng makita niya ako sa tabi niya.
"Sinong kausap mo Tristan?" takang tanong ko habang kalmado lang siyang nakatingin sakin habang hawak hawak ang phone, umupo siya mula sa pagkakadapa at bumaba ng kama at direderetsong naglakad palabas.
"Tristan! Kinakausap pa kita!" saway ko sakaniya kaya napatingin siya sakin, sinuri ko ang mga mata niya pero wala akong makuhang clue!
"Sinong kausap mo?" seryosong tanong ko sakaniya, kaya napatingin siya sa phone na hawak niya sabay tingin saakin.
"Kuya" sabi niya at binuksan na ang pinto at lumabas. I was left dumbfounded, sino yun? biglang sumakit yung ulo ko kaya dahan dahan akong humiga sa kama, wala naman akong ginawa para sumakit ang ulo ko ha?! ay baka napagod lang.
"Are you tired?" iminulat ko ang mga mata ko at.....asan ako? ibang kwarto ata napasukan ko? sa pagkakaalam ko hindi grey ang kulay ng kwarto ko.
"Hindi naman masyado, ikaw ok ka na ba?" nagulat ako ng biglang akong magsalita at inilagay ang likod ng palad ko sa noo ng lalakeng katabi ko, luh katabi ko?
Panaginip to eh!
Ang g**o kasi.
Ikaw yung nagsasalita pero parang nanonood ka lang.
Huh?
Basta ganun.
Agad naman niyang tinanggal ang kamay ko sa noo niya at inilapag sa pagitan namin, takang tingin naman ang binigay ko sakaniya. "It's ok...I'm ok" medyo nahihirapan na sabi niya kaya inulit ko ulit yung ginawa ko kanina sakaniya.
"Iche-check ko lang" sabi ko ng balakin niyang tanggalin ulit yung kamay ko sa noo niya kaya hinayaan nalang niya akong gawin yun at nakatingin lang sakin, medyo nailang ako kaya pagkatapos kong i-check kung ok na siya agad kong inalis yung kamay ko at umayos ng upo sa kama at humarap sakaniya.
"Medyo mainit ka pa, gusto mo na bang kumain?" tanong ko sakaniya, medyo kinakabahan ako ngayon, sino ba kasi to? ba't siya nagkasakit? ang gwapo pa naman niya, malabo kasi kaya hindi ko ma explain ang mukha niya pero gwapo siya.
"No it's ok-"
"Kumain ka kahit konti lang, paano ka gagaling kung hindi ka kumakain ha? aber?!" panenermon ko sakaniya, napatitig ako sa kanya ng bigla siyang ngumiti, biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng hilain niya ako kaya napasubsub ako sa dibdib niya, niyakap niya ako kaya naramdaman ko ang init ng katawan niya.
Kala mo naman true.
"H-hoy l-lalake! kumain ka na! para makainom ka na ng gamot" sabi ko habang yakap yakap niya parin ako, I heard him chuckle kaya napatingin ako sakaniya, tumingin din siya sakin habang nakangiti.
"No need" proud na sabi niya kaya kumunot ang noo ko.
"Anong no need ka jan!" inis na sabi ko sakaniya, no need daw?! may sakit tapos hindi kailangan ng gamot? aba magaleng!
"You're my medicine" biglaang sabi niya ng aalis na sana ako mula sa pagkakayakap niya para abutin ang gamot niya sa bedside table, napangiti siya ng makita akong natigilan dahil sa sinabi niya, agad naman siyang bumangon ng kaunti at bigla akong hinila kaya napahiga ako ulit sa dibdib niya.
"See, I don't need medicine just to cure my illness as long as you're here love" biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko yun, seryoso ba to? Love? yiee kenekeleg ako. Pero wait sino ba to? kung panaginip to pwede bang hindi na ako magising?
Landi 101
Kahit sa panaginip lang ako kiligin flesss
Tapos pag-gising ko naka ihi na pala ako noh?
hakhak jokiee.
"Ate wake up!! Ateee!" idinilat ko ng kaonti ang mga mata ko ng gungunin ako ng bwisit kong kapatid, jusko naman Tristan!.
"Anong kelangan mo! Inaantok pa ako!" inis na sabi ko at tumalikod sakaniya, inaantok pa ako ih! problema ba nito?!
"Tawag ka ni Ate Cristel! bilisan mo daw Ate!" dumilat ako at bumaliktad para tignan siya.
"Anong oras na ba?" kinakabahang tanong ko.
"It's already 5:00 ate!" agad akong tumayo at dumeretso sa CR, natigilan akong pumasok sa CR ng maalala na hindi ko pa pala nakukuha yung pamalit ko at twalya kaya bumalik ulit ako para kunin yung gamit ko at nag flying kiss kay Tristan bago ako pumasok sa CR.
Teka teka...
Isasarado ko na sana ang pinto ng CR ng may maalala ako, dahan dahan akong lumabas at nakita ko si Tristan na takang nakatingin sakin...naisip ko lang
"Diba bukas pa yung awarding namin?" gulong g**o na tanong ko at tumingin kay Tristan, tumango naman siya kaya napapikit nalang ako dahil sa katangahan ko.
Bukas pa!
Kalma, kalma
"Lord kapatid ko po siya! Kapatid ko po siya" pagpapakalma ko sa sarili ko dahil baka kung anong magawa ko dito sa tukmol kong kapatid na ginising ako na parang ang importante ng kelangan.
"Lord kapa-"
"Wake up ATEEEE!!!!" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sobrang inis at agad namang nag-iba ang itsura niya at biglang tumakbo kaya hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa sala.
"Humanda ka sakin Tristan!!!" sigaw ko habang hinahabol siya.
"Daddy!" sigaw ni Tristan ng umikot siya papunta sa kusina kaya napatigil si Daddy at binuhat si Tristan ng makalapit na sakaniya .
"Ang aga aga, anong trip niyong dalawa?" tanong ni Daddy habang paupo ako sa dining chair at inis na nakatingin kay Tristan habang siya, ayun nakangiti bwisit!
"Si Tristan kasi Daddy kung mang-gising kala mo naman may sunog!" parang batang sumbong ko kay Daddy kaya napangiti naman si Daddy at rinig ko ang mahinang tawa ni Ate mula sa tabi ni Mommy na busy sa naghahain ng pagkain.
Tawa tawa mo diyan!
"Ba't ka daw ba ginising?" tanong ni Daddy na halata namang nagpipigil ng tawa.
"Sabi niya kasi tawag daw ako ni ATE!" inis na sabi ko kaya napatawa naman si Tristan.
"Goodjob Sweetie" proud naman na sabi ni ate ng umupo na siya sa Tabi ko, gayundin si Mommy na umupo narin sa tabi ni Daddy.
Andaya! may kampihan!
Di na nila ako lab!
Hindi nila ako binibigyan ng sapat na tulog.
Hindi na nila ako mahal.
Char lang.
Imbis na mainis sakanila, hindi ko na nagawa ng makita ko ang pagkain. Nays one ampalaya with egg! pasalamat kayo at sinave kayo ng pagkain for today.
"Mameh did you babad babad this in asin?" masiglang tanong ko habang kumukuha ng ulam si Ate.
"Oo syempre para hindi masyadong mapait" sabi ni Mommy sabay kindat sakin kaya napangiti ako.
Tip 101
Kung kakain kayo ng ampalaya with egg pero ayaw niyo ng ganun ka pait na ampalaya, ibabad niyo lang siya sa tubig na may asin depende na sainyo kung ilang minutes para lang mabawasan ang pait niya.
Thank me later!
Wow HAHAHAH kala mo naman nakatulong amputek.
Kukuha na sana ako ng ulam ko ng biglang paluin ni Ate yung kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay.
Sabi ko nga talo ako.
"Naghilamos ka na?" napangiti ako ng maalala na hindi pa pala ako naghilamos, kasalanan yun ni Tristan.
"Hehe kelangan pa ba?" ano ba yan! kakain na sana ako eh!
"Ikaw, kung dugyot ka" sabi ni ate at nag-umpisa ng kumain, nag pout naman ako at dumeretso sa sink para magmumog.
Pagkarating ko sa upuan ko, napatingin ako kay Tristan na sana hindi ko nalang ginawa, nginitian niya ako na halos hindi na makita ang mga mata niya kaya insimiran ko nalang siya.
Pagkatapos kumain, nagpaalam narin samin si ate dahil may gagawin daw sila sa office kaya ang ending ako yung pinag-hugas. Habang nag-huhugas, pilit kong inaalala yung napaginipan ko.
"Ay shemay" gulat na sabi ko ng bigla akong sundutin ni Ate sa tagiliran, tumingin naman ako sa kanya na nasa gilid ko.
"Oh kala ko ba umalis ka na?" tanong ko ng makita siyang nag hugas ng kamay niya.
"Jowa mo nasa labas" sabi ni kaya napakurap ako, iniisip kung may jowa ba ako? meron ba? napangiti naman siya ng makita niya ang reaction ko, napapunas nalang ako ng mukha ko ng bigla akong ispreyan ni ate ng tubig gamit ang kamay niya.
YAKS DUGYOT!
"Kadiri ka teh!" sabi ko habang pinupunasan ang mukha ko.
"Mas kadiri ka ah! Yaks sa dinami rami ng pwedeng malimutan, yung pagmumog at paghilamos pa tagala sa umaga yung napili yaks kadiri!" diring diring sabi ni Ate sakin habang papalayo na.
"Ay wow hindi ba pwedeng nakalimutan lang dahil sa pisting kapatid naten?" inis na tanong ko sakaniya.
"Ahh wala wala! basta kase" pang-iinis niya kaya hindi ko na pinatulan, baka masira pa yung ayos ng buhok niya kapag pinatulan ko pa.
"Bye to all of you" rinig kong sabi ni Ate kaya kahit papaano ay nakahinga rin ako ng maluwag.
Habang naghuhugas may naramdaman akong humihila ng damit ko kaya napatingin ako sa gilid. "Ate andiyan sila Ate Kate" pabulong na sabi ni Tristan kaya hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?" takang tanong ko sakaniya habang nagpupunas ng kamay dahil tapos na akong maghugas sa wakas.
"Sila ate Kate-"
"Eyow ghurl sipag ah!" napatingin naman ako sa gawi ng nagsalita at nakita sila Kate na nakaupo na sa dining table, ay wow kakapal ng mukha!
--------