“She’s the one.” Hindi ako nag-angat agad ng tingin mula sa tablet ko. Hinayaan kong matapos ang sentence bago ko ibinaba ang hawak ko. “Clarify,” sagot ko, kalmado. “Cattleya Sanchez,” sabi ng assistant ko. “Junior designer. Pero mabilis ang rise. Direct access kay Rafael sa project.” Napangisi ako nang bahagya. Direct access. Interesting. “At hindi mo nabanggit ‘to kahapon?” tanong ko. “Wala pang solid na data noon,” sagot niya. Tumango ako nang marahan. Hindi ako nagalit. Hindi ko kailangan. Mas mahalaga sa’kin ang impormasyon kaysa sa delay. “Show me,” sabi ko. Lumapit siya at inilatag ang files. Portfolio. Reports. Meeting attendance. Notes. At habang tinitingnan ko, mas lumilinaw ang picture. Consistent ang output. Clean ang feedback. At higit sa lahat… Hindi

