Chapter 14

2083 Words
Chapter 14: Familiar ••••• My own v****a is a traitor. No matter how much I want to keep my legs closed, Dark seems to have his own way of dealing with my body. Kasi kusang bumubukaka ang pempem ko kapag si Dark ang may hawak sa katawan ko. Kaya dear pempem, eto ang masasabi ko sa'yo. "f**k you ka. Hindi ka na nahiya sa akin! Ang landi mo! Marupok ka! Tandaan mo 'to, hindi ka na kailan pa magiging virgin!" Gigil kong bulyaw sa sarili ko. Ginulo ko ang buhok ko at tumitig sa repleksyon ko sa salamin. Natural na namumula ang mga pisngi ko. Blooming rin ang mukha ko. I look so stressed free and... happy? Napailing na lang ako bago tumungo sa loob ng shower para maligo. Of course binilisan ko. Ayaw ko namang pinaghihintay si bebeloves! Di natin alam baka pag-awayan pa namin ang pagiging matagal ko sa pag-aayos at maging dahilan iyon ng pag-iwan niya sa akin. Masaket 'yon. "Sure ka bang sasama ka? Wala ka bang trabaho? Hindi ka ba busy sa opisina mo? Baka may mas importante kang aatupagin. O baka naman ma-bore ka lang kapag sumama ka sa akin" Sa dinami-dami ng sinabi ko, wala akong natanggap na sagot. Imbis na sagutin niya ako, inalalayan niya lang ako palabas ng elevator. Kanina pa siya. Magmula nang pumasok kami sa lift kasabay ang dalawang lalake na mukhang ka-edad ko lang, ikinandado na niya sa baywang ko ang kamay niya. Grabe ang kilig ko pero hindi ko lang ipinahalata dahil marahil nawiwindang ako sa sarili ko kasi ilang araw ko pa lang siyang nakikilala, ganito na kami umakto sa isa't-isa. Mabilis akong naging kumportable sa piling niya. It's like the true me is showing when he's around. Wala yung supladang Thea. Yung masungit na Thea. Yung bruhang Thea. Yung tunay na ugali ko, mabilis kong naipakita sa kanya. The weak one. Yung iyaking Thea. Yung makulit na Thea. Lalo na yung pilyong ako. He has seen it all. With only a day or two. Well this is new. Yes because I don't usually get to get attached with anything or anyone. Even to my parents, palaging ibang ako yung pinapakita ko. Lagi kong tinatakpan yung tunay kong nararamdaman kapag sila ang kaharap ko. But to my friends, often times I show the hidden side of me. Sometimes I don't. And when Dark came out of the picture, f**k me. f**k you Thea! He easily crumbled the wall I created. "Althea!" Tuliryong natigilan ang batag babae nang marinig ang malakas na sigaw ng papa niya. Gabi na at kasalukuyan siyang nagbabasa ng libro sa kuwarto niya nang marinig niya ang pangalan niya mula sa baba na umabot sa kuwarto niya. Binalot ng kaba at takot ang puso niya. Her fist clenched. Hinanda niya ang sarili at pinilit ang mga paa na humakbang palabas ng sariling silid. This happens everytime so this is not new to her anymore. Trying to calm herself, she failed to do so when she came face to face with her parents. "Bakit po papa?" Magalang na tanong niya ngunit mahina siyang napasinghap at napangiwi nang higitin ng mama niya ang buhok niya at tinulak siya nito. "Hindi ka na nahiya Althea! Ano itong nabalitaan namin na pumunta ka sa isang bar?! Hindi ba't sinabi ko sa iyo na pagkatapos ng klase, umuwi ka kaagad!" Napadaing ang bata nang maramdaman niya ang pagsampal sa kanya ng mama niya. "M-mama!" Paos na bulong niya at sinapo ang pisngi niya. Masakit pero mas masakit ang pakiramdam na kaya ng mama niyan na saktan siya. "Huwag mo akong tawaging mama!" Umiling ang kolehiyanang babae. "M-mama. Hindi po ako pumasok sa loob. Sumaglit lang po ako sa labas ng bar dahil kailangan kong ibigay ang document sa ka-klase ko bago ako umuwi. Sinabi ko kay Freya na sa classroom niya akong hintayin pero umalis siya at pumunta sa bar. Hindi po ako pumasok. Matapos ko pong binigay, umuwi po agad ako. Sorry po kung hindi ako nakapagpaalam" paghihinging tawad niya sa mga magulang na walang ibang ginawa kundi titigan lang siya na tila ba walang saysay ang lahat ng mga salitang lumabas sa bibig niya. Ngunit ang bawat salita ay may bahid ng katotohanan. "Hindi ka namin tinuruan para magsinungaling. Go back to your room now, Althea" matigas na utos sa kanya ng papa niya. Amoy na amoy ni Althea ang tama ng alak mula sa papa niya. Kaya napapikit siya. She just nodded and was about to kiss them good night but they ignored her and moved away from her like they are disgusted. Nag-iwas ng tingin si Althea upang itago ang nararamdaman. Nanubig ang mga mata niya. Sumilay ang isang mapait na ngiti sa labi niya. 'You are strong, Althea. You are strong' Mahinang saad lamang niya sa isip bago tumalikod at tinahak ang daan pabalik sa kuwarto niya Napabuntong hininga ako nang maalala bigla ang nakaraan. Matagal na akong napapatanong kung bakit... kung bakit parang hindi nila ako tinuturing na anak. Kumurap lamang ako. "You okay?" Bumaling ako kay Dark na siyang nagmamaneho ngayon. He glanced at me. Ngumiti lamang ako at di na sumagot. Isa-submit ko lang naman ang mga designs na natapos ko at manonood lang kami ni Dark ng praktis ng mga modelo pero bakit para akong nababalisa bigla? Malala na ata ako. Ito ba ang epekto ng isang Dark Kentos sa systema ko? If it is, then he's driving me nuts. Mabilis ang pagpapatakbo ni Dark sa kotse niya kaya agad kaming nakarating doon sa venue. "Mauna ka na sa loob. Susunod ako" he whispered after he opened the door for me. Ngumiti ako ng matamis tsaka siya hinalikan sa pisngi. His lips parted sexily as he looked at me. Nagulat siguro. "Sorry. Mukhang inaano ka ng labi ko e" tumawa ako at kinindatan siya tsaka na ako tumalikod. Ang gwapo gwapo talaga ng bebeloves ko! Tsaka ang landi ko! Gosh, tumino ka nga, Thea! Sigaw ko sa isip ko. I was smiling the whole time until I got inside the main location. Bumungad sa akin ang mga hubat barong modelo na rumarampa sa stage. Busy ang lahat lalo na ang mga organizers. "Althea mamang!" Bumaling ako sa bandang gilid ko sa narinig. And there, I saw Dave waving his hand. Lumapit siya sa akin. He's wearing a classy scarf with his signature glasses and bald head. But over all, he looks like a strict manager and a respected person. "Buti dumating ka!" I rolled my eyes. "E ano pa nga ba? Ako ang designer niyo bakla!" He giggled and hugged me tightly. Mahina naman akong natawa sa inakto niya. Lalaki ang pisikal na katawan ni Dave pero ang puso't-isip niya, babae. "Oo nga. Supladang designer" Napairap ako sa sinabi niya. Kung tutuusin, malaki ang responsibilidad ko sa ahensyang pinasukan ko. Yes because I believe the fact that designers like me have one of the most significant job in fashion industry. We make the designs. Without us, without our sketches and drawings of fashion styles, there cannot be a fashion show. Well that is how I perceive it. "Sa totoo lang nakita ko lahat ng designs and b***h, yours is the best! Maganda rin naman yung disenyo ni Leila pero iba yung sipa ng sa'yo!" Malakas na bulong niya sa akin kaya ngumisi ako ng pilyo. "Talaga ba? Hindi ka nagsisinungaling? O baka naman nagpapalakas ka lang sa akin para malibre kita?" Natatawang sagot ko sa kanya. Sumama ang timpla ng mukha niya. "Bakla naman!" Mala-babaeng tinig na ungot niya. I chuckled. Pero hindi nagtagal, sumulyap ako sa mga model na rumarampa sa entablado. I saw one girl staring at me while she's walking. Kumunot ang noo ko nang ngumiti siya. But because I am Thea, yung walang hiya, hindi ako ngumiti pabalik. E sa di ko alam kung ako ang nginingitihan! Baka naman kasi iba. And I don't do smiling when I don't know the person. "Althea!" "Aba-aba ! Bakit nandito ka aber?! Diba sabi ko walang lalabas na modelo kasi kayo na ang susunod?!" Galit na bulyaw ni Dave sa kadarating lang na si Sixto. But instead of answering, Sixto remained looking at me with his boyish smile. Lumapit pa siya lalo sa akin. "Ang presko natin a" Komento ko sa kanya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan sa pisngi. "I'm glad you came" I nodded. Kaso napawi ang ngiti ko at napalitan ng tawa nang batukan ni Dave si Sixto. "So ganon?! Kinakausap kita pero na kay Thea ang atensyon mo? Umiiskor ka pang buwiset ka! Layas nga! Bumalik ka doon sa dressing room!" Muli niyang binatukan si Sixto na napangiwi. Sixto just looked at me and smiled. "I'll find you later. I have something to tell you" pahabol na sabi niya nang itulak siya ni Dave paalis. "Layas sabi!" Asar na sabi ni Dave. Nailing na lang ako nang tuluyan nang makaalis si Sixto. And Dave? Humalukipkip siya sa harap ko. "Nililigawan ka ba ng batang 'yon, T?" Ginalaw ko ang panga ko. Gwapo talaga si Sixto. Naging crush ko nga diba. Pero dahil may mas gwapo akong babyloves, sa kanya lang ako! "Hindi" Simpleng tugon ko kahit sa totoo lang ay nagpaparamdam siya. I was waiting for Dave to speak again pero tila ba nawalan siya ng ulirat. He's staring at the direction past me. Umawang pa ang bibig. Pati mga mata niya ay nagningning bigla. Kaya naman sinundan ko ang tinitignan niya. My eyes spotted a manly figure. I scowled. So eto ang dahilan ng pagtulo ng laway ni bakla? E kung hampasin ko kaya ulo netong si Dave! Ngumuso ako at tinitigan ulit ang lalaking kumain ng hilaw na petchay ko. Naglalakad siya palapit sa direksyon ko suot ang seryosong ekspresyon. I smiled when I caught him staring at me. Nanatili naman akong nakatayo habang hinihintay siya. Almost immediately, his hand snaked around my waist protectively afer he closed the distance between us. "Natagalan ka" komento ko. "I had to take some calls" Kumurap ako. "Trabaho?" He nodded. Ayan tayo e! "Sabi ko naman kasi sa'yo, huwag ka nang sumama kasi baka marami kang aatupagin. Ayan tuloy, bebeloves! Paano kung bumagsak yung business mo? Edi wala na tayong ipapakain sa mga anak natin. Hindi na nila matatamasa ang kagandahan at tagumpay ng buhay!" Drama ko sa kanya. Humagikhik ako nang makitang huminga siya ng malalim. Mukhang nagtitimpi. Pero sobrang gwapo pa din! Sarap hubaran at itali sa kama with matching tugtog ng careless whisper! Talagang halatang nagpipigil siya. Marahan akong natawa tsaka bumaling sa harap. Okay na sana e kaso pagharap ko kay Dave, umismid ako nang makita siyang nakatitig sa lalaking katabi ko. Nakaawang pa din ang bibig niya. So kailan titikom iyan? "Dave sa akin ka tumingin" I frowned. Tinaas ko naman ang kilay ko nang tumingin nga siya sa akin. Yung tingin na badtrip dahil hinila ko siya sa madamdaming huwisyo niya. Kung di ko lang kilala itong si Dave, kanina ko pa sinipa ang bato niya! Kasi naman tumitig ulit kay Dark. "Aren't you one of the most sought billionaire in Asia?" He asked curiously. Yes he is. Dark didn't answer nor did he nod. Tumingin lang siya sa akin. "Wag kang mean" pasimpleng bulong ko nang humigpit ang paghawak niya sa baywang ko. Dark looks like he suck at socializing with others outside of business. Kasi sa trabaho, ang galing niya sa interaksyon. But if it's not for formalities sake or for his business' reputation, wala ka talagang mapapala sa kanya. I blinked. Pero hindi pa rin siya nagsalita. He just stared at me like how he usually does since the day I lived with him. "Yes he is, Dave" ako na ang sumagot. Sigurado kasing hindi bubuka ang bibig ni bebeloves. Umawang ang labi ni Dave at nakita kong bumaba ang tingin niya sa kamay ni Dark na nakapatong sa baywang ko. The look on his face translated what he already wants to ask me. Ngumito lang ako tsaka muling sumulyap sa ramp stage. Nakalinya lahat ng mga modelo. Sinusubukan kong hanapin ang pagbibigyan ko ng design pero iba ang napansin ko. The girl who smiled at me a while ago... she's looking straight at the man beside me. And there was a playful smile on her lips. Kumurap ako at tinitigang mabuti ang mukha niya. I tilted my head sidewards when I noticed something. Bakit parang pamilyar siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD