Chapter 15: Model
•••••
Hinila ko si Dark paupo sa tabi ko nang marinig ang mga bulong-bulungan ng mga babaeng staffs kung gaano siya kaguwapo. Simula nung dumating si Dark, nagsimula na silang magkaganyan! At nakakainis na!
Ako lang ang may karapatang pagpantasyahan ang bebeloves ko!
"Nakakainis naman e!" Parang batang ungot ko. Humalukipkip ako sa tabi.
This maybe a childish act that I am doing but really, it's pissing me off.
"What is it?" Tumingin ako kay Dark sa naging tanong niya. Pero imbes na sabihin kung ano ang kinaiinisan ko, umayos lang ako ng upo at sumagot ng tipid na, "wala".
Sinulyapan ko ang folder na nasa tabi ko. Balak kong ipasa ang mga designs ko mamaya kasi imporma sa akin ni Dave, mamaya pa daw darating si Mrs Himenes. I want to submit my designs to her personally since I know she got something to tell me as well.
Nahigit ako sa mga iniisip ko nang makarinig ako ng mga hagikhik sa likuran. Yes and it will not take me forever to not know the reason for that. Of course it's because of the hot specie beside me!
Hindi ko na lang pinansin at nanood na lamang sa mga nagrarampa sa harap namin. Kaso maski sila pinapainit ang ulo ko dahil kahit hindi nila pinapahalata, halatadong halatado ko! Ako pa?! I can practically see their eyes lurking to the man beside me! Those lustful looks and seductive motherfucking stares are heating up my blood to a boil which is no joke!
Lalo na yung babae kanina na tingin ng tingin sa akin. Yung babaeng pamilyar ang mukha. She doesn't feel right to me. Parang may kakaiba.
And damn she just can't take her eyes off from the man beside me. Hindi pa nakalutas sa akin ang paghagod niya sa sariling binti niya habang malagkit na nakatingin kay Dark.
Bumuntong hininga ako at asar na tumingin kay Dark. Pero ang gumulat sa akin ay ang matagpuang sa akin nakatutok ang mga mata niya. "Kanina ka pa nakatingin?" Nakangiwing tanong ko.
He nodded.
Umawang ang labi ko. His eyes followed the movement. "Bakit sa akin?" Naguguluhang tanong ko. Bakit hindi sa mga modelo?
But the words that came out of his mouth curled the hairs up my eyes.
"Bakit hindi sa'yo?" Aniya sa baritonong boses.
Kumurap ako upang pigilan ang pag-iinit ng pempem ko. I even looked away because I can feel my cheeks heating up! Jusko yang bibig niya! Ikamamatay ko ng maaga, grabe!
Yung pakiramdam na pinapatay ko sa isip ko ang mga modelong malagkit na nakatingin sa kanya, na iniimagine kong tinatadtad ko ang mga laman loob nila at inaalis ang mga anit nila... pero sa akin naman nakatingin ang pinagpapantasyahan nila!
Tumikhim ako upang itago ang kilig ko. Then I smiled sweetly at him. "Nagagandahan ka sa akin ano?" Feelingerang tanong ko sa kanya but he did not answer. "Sige nga, pa-kiss nga ako!" Nakangising tanong ko at ngumuso. Hinintay kong halikan niya ako but knowing Dark for two days in a row... he just looked at my pouted lips, gulped, then looked away.
Mahina akong natawa sa inakto niya. "Masyadong conservative, daddy!" Nang-iinis na sabi ko.
His face turned to a frown. "Daddy?" He asked.
Mas natawa ako dahil sa reaksyon niya. Kung lagi ba naman kasing seryoso ang mukha niya, edi syempre nakakaganang matignan ang ganitong reaksyon niya!
Nang sumama ang tingin niya sa akin, makulit akong kumindat. "Ayaw mo ba non? Gusto mo tawagin na lang kitang Tito?" Banat ko pa, hindi pinapansin kung gaano kaseryoso ang tingin niya.
"Althea" he mumbled.
I giggled. "Yes tito?"
His lips parted. Tuluyan na akong natawa ulit. Ang gwapo niyang mainis! Nakaka-wet!
"Sige na nga mananahimik na ako! Hintayin mo ko dito, punta lang akong CR. Naiihi ako" sabi ko sa kanya tsaka na tumayo. Naiihi na talaga ako, pinigilan ko lang konti kasi busy pa rin ako sa pagmu-murder sa mga babaeng nang-aakit sa kanya! Pero dahil sa kilig, eto, hindi na kayang mapigil ang ihi ko.
I didn't wait for his response. Tinalikuran ko na siya at tumungo sa kung saan ang banyo.
Tsi-neck ko na rin ang phone ko nang maramdaman ko ang pag-vibrate nito. Iya's number registered on my screen.
Iya:
Free ka mamayang gabi? Nagyayaya si Brie. Nakita niya kasing hinalikan ng isang babae si Yro. Amper daw tayo kasi naiirita ang lukaret.
I chuckled with what I read. That Yro Qazvin is really missing a chance. Lagot ang lalaking iyon.
Bumalik sa isip ko ang mga magulang ko nang makita ko ang ilang mga notifications galing sa kanila. I didn't bother to read it. Kasi alam ko namang puro mura lang ang nakalagay roon. They also called several times.
Bumuntong hininga lamang ako. Will it be bad if I say yes to Iya? Probably not.
Ngumuso lamang ako at tinapa ang simpleng sagot ko na 'sure'. Then I pressed send. After that, I hid my phone on my clutch.
Mabilis akong pumasok sa isang cubicle para ilabas ang dapat ilabas. Ngunit ang katahimikang bumabalot sa lokasyong kinaroroonan ko, nabulabog nang marinig kong may pumasok.
"I don't wonder why Rizaa is so into the man a while ago. He's super hot, Shay!"
"Oo nga e. Maski ako, crush ko na ata ang gwapong iyon! Hindi na ako manghihinayang kung bakit bukambibig ni Rizza si Dark Kentos"
Kumunot ang noo ko sa narinig na usapan ng mga babae sa labas. I was busy zipping my pant.
"Fan na fan ni Dark si Rizza. Tingin ko nga bagay sila kasi maganda si Rizza!"
"Pero teka nga, nakita mo ba yung kasama ni Dark kanina? Wasn't that Ms. Steel?"
Oo, ako nga. I continued listening while buttoning my pant.
"Oo nga! Yung magaling na fashion designer ng mga nirarampa natin? Sila na ba ni Dark? Kasi bagay rin sila, ang ganda ni Althea tapos sexy rin"
Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang may pumasok at tinawag sila dahil sila na raw ang rarampa sa entablado. Then, I heard their heels leaving the comfort room.
I was frowning while fixing myself. At nang matapos, lumabas ako at masamang tinignan ang salamin. Inisip ko ang pinag-usapan ng mga babae kanina.
Sinong may crush kay Dark? Sinong may bukambibig kay Dark? Sinong may gustong maiginiling ko ang puwet at laman-loob niya?
Rizza? Who the hell is she?
Nababagabag akong lumabas ng CR at naglakad pabalik sa kung saan ko iniwan si Dark. Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang ako sa paglapit sa kanila, natigilan ako nang makita ang babae kaninang pasulyap-sulyap kay Dark na nakangiti habang kaharap ang bulto ng babyloves ko.
Kelan pa siya nakalapit?
Sa tabi ng babae ay si Dave.
I tried calming my nerves up. 'Kalma lang, Thea!' Sigaw ko sa isip ko.
With composed face and poise, I walked calmly towards them. Of course, I'm keenly listening to what they are talking about.
"Rizza, I told you to stay at your post" rinig kong sabi ni Dave sa babae. I frowned again. So she's Rizza? Yung pinag-uusapan ng babae kanina na may gusto kay Dark?
Tinitigan ko siyang mabuti, only side view. Matangkad. Morena. Mahaba ang biyas. Mahaba ang buhok.
I heard the girl chuckle softly. "I'm sorry Dave. Saglit lang naman. I just want to meet the man I adore so much and say hi" mala-anghel na saad niya.
Kita ko naman ang bakas ng inis sa mukha ni Dave pero alam kong pinipigilan niya. Bumaling si Rizza kay Dark na seryoso lang ang mukha. Pansin ko na hawak ni Dark ang folder na iniwan ko sa tabi ng upuan ko. Nagpatuloy ako sa paglapit sa kanila.
"I'm really a big fan, Dark. I'm Rizza by the way" Huminga ako ng malalim nang kausapin niya si Dark. "Rizza Vivien Sanches" I halted the moment I heard the name.
Vivien?
I swallowed the lump in my throat. Agad pumasok sa isip ko ang mukha ni ate Vivien nung bata kami.
No.. it can't be. What am I even thinking?
Ibinalik ko ang tingin ko kila Dark. Hindi ko inalintana ang naalala ko at muling naglakad palapit sa kanila. Hindi nagtagal ay nahanap ni Dark ang tingin ko. "Are you okay?" Kunot noong tanong niya. Siguro dahil mukha akong naguguluhan.
Agad kong binura ang emosyong iyon at ngumiti sa kanya. He encircled his hand around my small waist the moment I got closer to where he is. "I am fine" mahinang sabi ko.
"I'm sorry, Thea" bigla ay saad ni Dave kaya tumingin ako sa kanya. "She didn't know that Dark is with you" alam ko agad kung ano ang pinupunto ni Dave.
Really? I think she does. Kasi kanina pa niya mukhang hinuhubaran si Dark sa tingin niya e. Tsaka nakita niya akong katabi si Dark maupo kanina. So it's impossible she doesn't.
Hindi ako ngumiti o sumagot. I just looked at the girl with my signature look. "Hi" she said softly. Iniwas niya ang tingin niya sa nakapulupot na kamay ni Dark sa akin.
"It's nice to meet you Ms. Steel" Malumanay na saad niya pero nakatutok ang atensyon ko sa mga mata niyang pamilyar na pamilyar. And the way she said my surname stunned me... may diin.
I gripped my clutch tightly. Since I am Thea, I disregarded the meaning in her eyes and voice. Tumango lang ako at tumingin kay Dark. "Let's go" tanging sabi ko at hinila na siya.