Chapter 11

2091 Words
Chapter 11: The Club ••••• Tulala ako habang niluluto ko ang sinangag. Naalimpungatan ako kanina. At talagang dinahan-dahan ko ang pagkalas sa mahigpit na kamay ni Dark na nakayapos sa baywang ko nang magising ako. I did it slowly not to disrupt him from his sleep. And I succeded. Nakaluto na ako ng itlog at prinitong bacon. Napatitig ako sa itlog. Dark's eggs are way better. "Naku Thea malala ka na!" Singhal ko sa isip ko nang mapagtanto ko kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Bakit ko kinukumpara ang itlog ni Dark sa prinitong itlog na luto ko?! E sa ang layo-layo nila sa isa't-isa! I just busied myself in finishing what I'm doing. Pero nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagluluto ay nakarinig ako ng ingay galing sa kuwarto ni Dark. "Althea!" Umalingawngaw dito sa kusina ang boses niya. I frowned because I hinted something different on his voice. Parang hindi mapakali. Inilagay ko sa bowl ang sinangag tsaka ko iyon inilapag sa lamesa. When I'm done, I felt a presence inside the kitchen. Kaya nag-angat ako ng tingin. Dark entered while looking heavily at me. Nginitihan ko siya nang makalapit siya at hinigit ako sa baywang. He rested his face on my neck. "Bakit ka nababalisa?" I asked him. Humalik siya sa leeg ko. "Akala ko umalis ka" matigas niyang sabi. Nilingon ko siya. A cheeky grin crept on my lips. "Ano ba naman 'yan! Sabi ko naman sa'yo, di ako aalis diba? Didn't you tell me not to distance myself away from you after last night?" Ayan napa-english pa ako. He smiled. "Jusko! Gusto kong mang-rape jan sa ngiti mong iyan!" Singhap ko. Nakangising nailing naman siya tsaka niya ako ninakawan ng halik sa labi. "Rape me then" he challenged. Ngumuso ako tsaka kinalas ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. "Ayoko ng morning s*x ngayon! Kaya umayos ka jan at mag-behave dahil baka hindi ako makapagpigil" I told him. Alam niyo naman, maharot ako. He chuckled softly before winking at me. Sabay kaming nag-breakfast. Tinotoo niya ang sinabi niyang may uutusan siyang mga tao niya na maging bodyguards ko. Kaya may tatlong lalaki sa labas ng opisina na nagbabantay. Aligaga ang mga empleyado ko kung bakit merong mga nagbabantay sa akin. Baka iniisip nila, kasama ako sa sindikato. Here's my imagination, running wild again. Tinotoo rin ni Dark ang sinabi niya sa akin kagabi na hahayaan niya akong kilalanin siya. Kaya tulala ako habang nakatitig sa laptop na nasa harap ko ngayon. I'm in my office but my mind is drifting to the man that took me last night. Noong kumain kaming dalawa kaninang umaga ay sinabi niya sa akin ang tungkol sa trabaho niya. He's a billionaire. May ari siya ng Stet Corporation na sakop ang ilang kilalang sikat na mga clubs sa iba't-ibang bansa. Dito sa Pilipinas, sa kanya ang pinakasikat na bar sa bansa. Nalaman ko rin na marami siyang islang nasasakupan. He told me that kaya alam ko. So imagine my shock when I heard all of that. Halos lunukin ko na ang bunganga ko. If only that is possible. Isa siya sa pinaka-maimpluwensyang tao sa Asya. And he is one of the most powerful eligible business man who has built empires after empires. Suminghap ako habang binabasa ang isang artikulo tungkol sa kanya. Napakasimpleng article. This is the only article that is about him. Halos wala akong ma-search tungkol sa kanya. Ito lang ang nag-iisang artikulo na nabuksan kong tungkol sa kanya. At napakasimple lang ang impormasyon tungkol sa kanya. Ang sabi, he is the owner of the Stet Corporation. He is 29 years old. And one of the youngest billionaire over Asia. "Yun lang?" Takhang tanong ko. He is well-known but there are no articles written about him in the web. Pinatanggal ba niya? Pinabura niya? 'I like to keep my life private' Natigilan ako nang maalala ang mga katagang binitawan niya kaninang umaga sa akin. So that explains why. Tumango-tango ako. But he told me things that aren't in the articles. He told me he doesn't like sweets. He told me about his islands. He told me that he grew up alone. That his parents died when he was 14. He was an orphan. Sabi niya sa akin, he started from scrap when he got engaged with business. But he took everything as a challenge. And his determination turned him to be one of the beasts in the world of business. Sinabi niya sa akin ang mga bagay na hindi niya sinabi sa ibang tao. Napahawak ako sa dibdib ko. I clutched my chest. "Potek bakit ang bilis naman ata ng pagtakbo mo? Hinay-hinay lang!" Singhal ko sa dibdib ko tsaka na pinatay ang laptop ko. Imbis na itutok ko ang atensyon ko sa pagtatrabaho, eto at iniisip ko ang madilim na taong iyon! Hindi lang pala sa puki siya nakakasira. Pati rin pala sa trabaho. Itinabi ko ang laptop ko at inabot ang sketch ko. I finished 19 designs already. Dalawa lang ang natapos ko ngayon. I still need to finish 4 more. And after that, puwede ko nang i-finalize overall ang output tsaka ko isa-submit sa agency. Nalalapit na ang fashion show ng Rivalry Tare at designs ko ang kinuha nila. Kahit naman daw ganito ako na bitchesa, malaki rin naman ang narating ko sa buhay. I'm a fashion designer. Kilala rin ako. Of course kasi palagi akong nakukuha na magdesenyo sa mga damit na irarampa ng mga modelo ng mga anghel ng Rivalry Tare's agency! Gaya ngayon. "Ma'am Althea?" Napabaling ang tingin ko nang may kumatok sa pintuan ko. I recognized my secretary's voice. "Come in Delia" "Ma'am may naghahanap po sa inyo" nag-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Sino?" "Poknat daw po pangalan. Long lost friend niyo daw po" isang mura ang kumawala sa labi ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Napataas naman ang isang kilay ko nang biglang may dumungaw sa pintuan. "Friendship!" Impit na sigaw nito at tuluyan nang pumasok. "Tanginang babae ka. Anong ginagawa mo dito?" Garagal kong tanong. Itong babaeng 'to ang isa rin sa naging matalik kong kaibigan noong high school aside from Caileen and Iya. Poknat ang tawag ko sa kanya kahit ang tunay na pangalan niya ay susyalin na Savanah. Pagkatapos ng dalawang taon na pagsasama namin, lumipat ang pamilya nila sa America. Kaya gulantang ako ngayong kaharap ko siya. She giggled. "Bumibisita! Halur! Alangan namang dadalo sa patay?" Sinamaan ko siy ng tingin. "Oo. Ikaw mismo ang ilalagay ko sa kabaong kapag pipilosopohin mo pa ako" sikmat ko sa kanya. She laughed. "Eto naman di na mabiro!" Natatawang saad niya. Binitawan ko ang hawak kong lapis. "Kamusta ka nang bruha ka? At talagang ngayon mo lang naisipang bumisita ha. After a long time" "Ngayon lang kasi kami umuwi. Tsaka may request akong hihilingin sa'yo kaya mas inagahan ko ang pagsadya ko sa'yo" Talagang tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. "Request? Gaga ka ba? Ngayon ka nga lang bumisita, may pabor ka na agad na hihilingin?! E hindi mo pa nga ako inaayang lumabas para kumain!" "Gaga! Calm your t**s naman! Importante rin kasi itong hihilingin ko sa'yo na pabor. Kasi may dare na binigay sa akin ang mga kaibigan ko at bawal ang tumanggi. Pero hindi ko magagawa kasi kailangan naming bisitahin ang lolo sa probinsya dahil lumala na ang sakit niya. And I cannot do it. Kaya ang sinabi nila, puwedeng ipasa ko na lang sa kakilala ko na kayang gawin iyon. And I chose you" I gave her a dead pan look. Idadamay pa ako sa kalokohan nilang magkakaibigan! "Ayoko" agarang saad ko. Umapela naman siya agad. "Thea naman! May makukuha ka dito promise!" "Ano ba kasing ka-echosan iyan?! At bakit ako pa! Puwede namang maghanap ka ng iba jan kasi marami kang kakilala!" Inis kong sabi sa kanya. Gusto kong kunin ang plantsa at plantsahin ang buhok niya sa namumuong inis sa sistema ko! "Ikaw nga ang gusto ko kasi alam kong kaya mo. Ayoko ng ibang tao kasi di sila trusted. Tsaka ang gagawin mo lang naman ay maging dyanitress sa bar na papasukan mo. But don't worry! Sikat na sikat ang bar na pagtatrabahuan mo. At isang buwan ka lang magta-trabaho doon. And after that, you'll receive three-hundred thousand pesos from my friends if you succeed. Natigilan ako sa narinig na presyo. Malaki ang sahod ko. Pero dahil mukhang pera ako, naintriga ako. Dinaan ako ni Savanah sa chikahan at sa huli ay napapayag niya ako. How come? She begged. Nag-drama pa ang luka luka na kailangan ko raw tanggapin dahil ikamamatay niya pag di ko tinanggap. Kaya heto, kasama ko siya ngayon sa isang bar. But this is not just a simple bar. Ito yung bar kung saan ko unang nakilala si Dark. Napakamamahalin ng bar na ito. Nasa labas ang mga guwardya na inatasan ni Dark na magbantay sa akin. Sinabi ko naman na umuwi na lang sila kaso nagmatigas sila. Ayaw daw nilang mawalan ng trabaho at mas lalong ayaw nilang malintikan sa boss nila. So the ending, nasa labas sila ng bar na ito. I am sure what I am doing now is being reported to the sexy civilized man I was with this morning. I shrugged my thoughts away. "Dito ako magta-trabaho?" Savanah nodded. I want to face palm. Ano na naman ba itong pinasok ko? Kinausap ko ang manager and I applied to be a dyanitress. Noong una pa ay tinaasan niya ako ng kilay pero dinaan ko din sa charms ko kaya napapayag ko siya. Now I am one of the staffs here. Hindi rin naman masama. Sayang rin ang tatlong daang libong makukuha ko bilang gantimpala kapag naka-survive ako dito ng isang buwan! Istrikto sila rito. Ang mahalaga ay respetado itong bar na pinasukan ko. Puro mayayaman rin ang dumadalo. Hindi masyadong bastos ang mga tao. The owner must be good. This club is awesome. Ano nga ulit pangalan ng club na ito? Innoxencé Club? Club Rated SSS? Ay nako nakalimutan ko na! Pesteng Savanah iyon. Matapos niya akong dalhin dito, basta na lang niya akong iniwan! Nasa kalagitnaan ako ng pagwawalis ng sahig nang tumunog ang phone ko kaya inabot ko iyon. Naks! A fashion designer turned dyanitress in an instant! Taray! Si Iya ang tumatawag. My other bestfriend! Sinagot ko ang tawag. "Where are you, Thea?" Seryoso ang boses niya. Maingay kasi dito kaya siguro napatanong siya. Napalabi ako tsaka pumasok sa staff room sa gilid para malinaw kaming makapag-usap. "Dito sa bar na pinagtatrabahuan ko" matapat kong sabi tsaka inayos ang nakalugay kong buhok. Siguro nagtataka na siya ngayon kung baki nandito ako e hapon na. "At ano naman ang inaabala mo jan aber?" I rolled my eyes. "Dyanitress" mataray kong sagot sa kanya. "A freakin what?" Di makapaniwalang tanong niya. Napansin kong napatingin sa akin ang isang kasama kong staff. Her eyes darted to my phone. Sa working hours, bawal ang hawakan ang phone, that's one of the rules. Shet. "Dyanitress nga! Sige na babay! Baka hanapin pa ako ng boss ko at ipatapon sa bermuda triangle pag nagkataon!" Sigaw ko sa kanya at mabilis itinago ang phone ko. Wala ang boss rito. Ang manager lang. Ni hindi ko pa pala natatanong kung sino ang may ari ng pinakamagandang bar na ito. Malamang din napapatanong na si Iya ngayon kung bakit ako nagtatrabaho bilang janitress e may malaking sahod na ako sa trabaho ko. Bumuntong hininga lang ako. Feeling ko puputok ang ulo ko dito sa mga pinanggagagawa ko sa buhay ko! Na-miss ko tuloy si Dark. Ang gwapong bebeloves ko! Lumabas ako at itinuloy ang pagwawalis ko pero sa kalagitnaan ng trabahong ginagawa ko, natigilan ako nang mapansing umayos ang mga kasama kong staff. Even the manager fixed himself while all of them are looking at one direction. "Boss is here" sabi ng isa. I frowned. Pero sinunod rin ng mga mata ko ang gawi ng tinitignan nila. Only to be stunned when I found myself being eyed by a dangerous man. Nakatitig siya sa akin habang naglalakad siya palapit. And there was a questioning look on his face while looking at the broom in my hand. Nahigit ko ang hininga ko. S-siya ang tinatawag nilang boss? Siya ba ang may-ari? Natigilan ako nang may mapagtanto ako. And the moment he stopped in front of me, my lips parted when he snaked a hand around my waist. "Dark.." I muttered his name softly. Rinig ko ang pagsinghap ng mga empleyado niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD