Chapter 12

1762 Words
Chapter 12: Sixto ••••• Tahimik ako habang mariing pinapanood is Dark na kinakausap ng manager. Medyo malayo sila sa gawi ko pero panay ang sulyap niya sa direksyon ko. Pati mga pasimpleng tingin ng mga staffs niya, ramdam ko. Even their small whispers, I can hear it. Kahit magbulungan sila, abot tenga ko yung mga bulung-bulungan na iyan! Ipakain ko sa kanila 'tong sapatos ko ng matahimik sila e! Kasalukuyan akong naka-upo ngayon sa isang silya at hinihintay ang boss nila na pinatigil ako sa ginagawa ko kanina! Too dumb Thea! How can I not guess that Dark is the owner of this bar well in fact this is the most famous club in the Philippines?! Nagkataka pa ako kung sino ang may ari e yung nangabayo lang pala sa pempem ko ang boss! Triple pakyu sa akin! Nakasimangot ako nang lumapit si Dark sa akin at hinawakan ako sa kamay. Hinila niya ako patayo tsaka mariing tinitigan. "Sayang 'yung dare. Um-oo na ako kay Savanah" bulong ko sa kanya. But he dismissed me. "Let's go" Sinunod kami ng mga mata ng madla dito sa loob hanggang makalabas kami. I saw Dark talk to one of the bodyguards he assigned to me. Pagkatapos non, muli akong hinila ni Dark papunta sa sasakyan niya. "Mukhang pera ako, uy! Sayang nga yung tatlong daang libong makukuha ko! E isang buwan lang naman akong magta-trabaho jan sa club mo" I complained. He stayed firm on his word. Matalim pa ang paraan ng pagtingin niya sa akin. "It's a f*****g no, Althea. Men are in that place. Who knows what could happen?" "E ano naman kung may mga lalaki! Bar nga diba!" "Don't push it" matigas na saad niya. "Why wouldn't I?" humalukipkip ako. Kita ko ang pag-igting ng bagang niya. "Uuwi na tayo" tanging sabi niya. Nalukot ang mukha ko. E bakit mukhang galit siya? Tumikhim ako dahil ang kapal ng tensyon. "Kain muna tayo. Magla-lunch na e nagugutom ang mga babies ko sa tiyan" pasimpleng saad ko dahil mukhang galit talaga si bebeloves. Kasi naman e! Tinawag ko pang babies ang mga alaga ko sa tiyan! Gaga na nga ata ako. I heard him sigh. "Where do you want to eat?" "I want burgers" sagot ko. He nodded and drove. Minsan napapaisip ako. Kapag kasama ko si Dark gaya ngayon, nakakalimutan ko ang mga problema ko. I tend to forget the reason why I'm with him. Why I'm staying with him. I practically forgot that my parents are like tigers waiting for an opportunity to come get me. I don't know why but Dark seems to have a different effect on me that I cannot name. The moment we reached our destination, I didn't wait for Dark to open my door like I'm a damsel in distress. Tinulak ko mismo ang pinto ng kotse at lumabas ako. Pagtingin ko sa kanya, gumuhit ang kunot sa noo niya. I just smiled at him. Mas lumawak ang ngiti ko nang makita ang simpleng burger place na nasa harap namin. I was about to take a step but I halted when I felt Dark's hand rest on my waist. "Masyadong maraming tao. Stay close" bulong niya. Napakurap ako sa init na tumama sa leeg ko. Ngumisi ako kapagkuwaan nang mag-iwas siya ng tingin. "Magce-celebrate na ba ako kasi sure na akong crush mo ako?" Binuntutan ko ng tawa ang sinabi ko sa kanya. Ako ang kinikilig sa mga simpleng galawan niyang ganito e! He should know the effect it has on me! "Huwag mong buhatin ang sarili mong bangka" his voice turned icy now. Oh really? "Excuse me mister Kentos. Hindi ko binubuhat ang sarili kong bangka! Masyado ka lang talagang halata!" Tumawa ako. "Ikaw ha! Ngayon mo lang ulit ako nakita after a long time pero ganyan-ganyan ka na! Dinedeny mo pa! A great philosopher once said, 'kapag umayaw ka kay Thea, sa kama ang bagsak mo!' " kinindatan ko siya. Hayuf ka Thea! Sinama mo pa hanggang dito ang kalandian mo! Nakita ko namang umigting ang bagang niya tsaka niya mas hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ko. "Do you talk that way to other men?" "Ano?" His lips formed a thin line. "Your mouth is going to be the death of me" May ibinulong siya pero hindi ko masyadong narinig. "Paki ulit. Di ko narinig" untag ko sa kanya kaso sa halip na magsalita ulit, isinama niya na lamang ako sa paglalakad. I chuckled. Ako na ang um-order nang makapasok kami sa loob. Kasi nga naniniwala ako na ang mga babae, dapat rin pinagsisilbihan ang mga bebeloves nila. Hindi dapat lagi na lalaki ang kumikilos. Because men will be men. They want to be pampered by their girls as well. Ganun 'yon! Pero para sa akin yon. Kung sa iba, mas gusto nilang ang mga lalaki ang bume-baby sa kanila, then that's okay. "Two large king burgers and two orders of large fries. Add another patty on one of the burgers. Not coke. Both pineapple juice. Then please give us an extra cup of ice" walang buhay na sabi ko sa staff. Nawalan ako ng gana na nginitihan siya kasi hindi nakawala sa paningin ko ang pagtaas ng kilay niya nang makita niya ako. Akala niya makakalutas sa mala-agila kong mga mata iyon?! "Yes ma'am" tanging sabi niya pero napansin ko na parang lumuwa ang mga mata niya at biglang kumislap habang nakatingin sa likod ko. And when my nose caught a very familiar manly scent, I got the reason why. I looked behind me only to find Dark looking at me ruggedly. Napatanga ako sa kanya nang maramdaman ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Then I felt him place a solid thing on it. Bumaba ang tingin ko doon. "Ako ang magbabayad, Dark" sabi ko sa kanya nang mapagtanto kong basta niya ibinigay sa akin ang wallet niya. "Yeah. Pay it. But use my money" he said nonchalantly before kissing me at the side of my head. Hindi pa ako nakakapagsalita nang iwan niya ako. I don't even know how to react. Kung kikiligin ba ako o ano! But I chuckled while looking at his back before facing the staff again. She was gaping at Dark. When she turned to me, jealousy was evident on her facial feature. I just handed her the money before taking the number. Wala kaya siyang karapatang pagpantasyahan ang bebeloves ko! Pero ginagawa niya! Nakakainis. I was halfway towards Dark when someone held my hand. "Thea" Pagtingin ko sa taong nangahas hawakan ako, napataas ang kilay ko nang mamukhaan ko si Sixto. "Hey" kunot noong bati ko. Lagi ko siyang nakikita sa set ng fashion show. Isa siyang videographer sa RT agency. "Anong ginagawa mo dito?" Takhang tanong ko. He smiled. Oh that sweet boyish smile! Gwapo itong si Sixto. He got tattoos on his body pero bagay sa kanya. Nagka-crush nga ako minsan dito e! "Just here to grab some snack. Ikaw?" Pati boses, gwapo! Medyo close kami kaya hindi ako naiilang. Nginitihan ko siya ng matamis. "Kakain lang kasi gutom ako" malamang Thea! Ang obvious ng sagot mo. Wala na bang mas matino pa don? I mentally face palmed. Tumango siya at ngumisi. "You're with someone?" Tumango ako sa tanong niya. "Actually, yeah. He's waiting" "He?" I nodded. Something changed in his eyes. Pero pinagwalang-bahala ko lamang iyon. "Diba may shooting ang agency niyo mamaya?" Kasi naalala kong nabanggit sa akin ni Delia ang tungkol sa preparations ng mga modelo para sa fashion show next month. And I would want to watch. Tsaka tatapusin ko na rin ang designs after nmaing kumian ni Dark para mai-submit ko na sa agency. Akin ang desenyo sa Pink Seduction na theme na irarampa nila. He showed me that perfect smile again. "Yeah. Pupunta ka ba?" I felt a squeeze at my hand. Don ko napagtanto na hindi pa pala niya binibitawan ang kamay ko. "Oo sana. Bibisita lang" Naglakad palapit sa akin si Sixto ngunit kasabay ng aktong ginawa niya ang paghigit ng matitipunong braso sa akin palikod. I felt my back hit a hard chest. "You were supposed to order and come back. What took you so long, baby?" Nahigit ko ang hininga ko sa baritonong boses na aking narinig. Baby? Baby daw! The organ inside my chest started beating faster than before. Pakiramdam ko nga magkaka-epilepsi ako sa biglang pag-init ng katawan ko sa di ko malamang dahilan! My gosh pempem! Kalma lang! Napalunok ako nang magtama ang paningin namin. His eyes are ruthlessly staring soulfully at me. I grimaced. "Sorry. May kakilala kasi akong nandito. Si Sixto" ani ko at nginuso ang kaharap namin. For formalities, I introduced them to one another. But Dark's face is passive. He didn't even glance at the guy. Rather, his stare on me just got even more serious. O anong ginawa ko? Ba't mukhang galit na naman? Namumuro na siya aber! Di porket makalaglag panty ang ka-guwapuhan niya at dalawang beses akong bumigay sa kanya dala ng sariling kalandian ko, e basta na lang siya mgagalit! I am not just Althea Steel for no reason. Bumitaw ako sa maririing titig niya tsaka muling hinarap si Sixto. His eyes got darker. O baka namamalik-mata lang ako ngayon. "I'll visit later. See you there" Simpleng sabi ko sa kaharap ko tsaka bumitaw kay Dark at lumapit kay Sixto. Then I gave him a friendly kiss at the cheek. Pumorma ang isang ngisi sa labi niya. "Certain it is. I'll expect you to be there" kumindat pa ang kumag tsaka siya sumaludo at umalis na. Pasalamat siya guwapo siya. "What the f**k was that kiss for huh?" Napalingon ako kay Dark sa narinig kong sinabi niya. Never will I miss the danger in his eyes. That emotion is present in his eyes, usually. Kumunot ang noo ko dahil mas dumoble ang kaseryosohan niya. Kung di lang ako matapang, tumindig na ang balahibo ko! It is my turn now to frown. "Bakit ka naiinis?" Takhang tanong ko kaso nawala sa kanya ang atensyon ko nang may kumalabit sa akin na lalaki. Hawak niya ang tray kung saan meron nag orders namin. Nang magtama ang paningin namin ng lalaking waiter, iniwas ko ang tingin ko. Kumati ang kamay ko. Pasalamat siya, wala akong hawak na tinidor ngayon kundi itinurok ko na sa leeg niya iyon. Nag-uusap pa kami ni bebeloves ko e sumingit siya! Nakakainis. Gusto ko tuloy itali si Dark sa kama at pumatong sa katawan niya. Tsaka ko ikakanta ang let it go! Tapos gagapangin ko siya ulit. Pisti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD