Chapter 5: His hunger
•••••
Hinihingal ako paghinto ko sa tapat ng kuwarto ni Caileen. Even in my abnormal state of breathing, I abruptly rang her doorbell.
Naghintay ako pero walang nagbukas.
I pressed it again. No one answered.
Then I pressed it again.
Wala pa rin.
Kaya naman nalukot ang mukha ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko tsaka pinindot ang numero ng kaibigan kong baliw.
Siguraduhin lang niyang sasagot siya. Maiinis na talaga ako.
It didn't take long when she answered it. "Gaga asan ka?!" Agad kong bungad sa kanya.
She hissed. "Thea! Ang lakas ng boses mo!" Singhal niya pabalik kaya umirap lang ako. "Nasan ka ba? Kanina ko pa pinipindot ang doorbell mo pero bingi ka ata. Wala kang naririnig! Nasa labas ako ng pintuan mo"
There was silence.
Tumaas ang isang kilay ko nang bigla ay makarinig ako ng ungol. Followed by another moan. And then a man's groan. Then a loud shriek coming from my best f*****g friend.
Umusok ang ilong ko sa narinig. "IMPAKTA KA! Nakikipag-s*x ka naman pala pero sinagot mo pa ang tawag ko! Nakakadiri ka!" Gigil kong sigaw sa phone ko tsaka asar na pinatay ito.
Mygod Cassie!
Nasa kalagitnaan naman pala ng s*x, sinagot pa ang tawag ko?! I even heard her moan. Tapos narinig ko pa ang mala-animal na pagdaing ng lalake niya!
Nangilabot ako.
Humanda talaga ang babang iyon sa akin kapag nagkita kami. At hindi ako nagbibiro sa lagay na ito ha.
"Nakaka-asar" mahinang sabi ko habang sinasamaan ng tingin ang pintuan ni Caileen. Magarbo din itong hotel ng lalaking ka-s*x niya ha. Talagang sound proof tapos pangmayaman talaga na pangmayaman ang datingan.
Nandidiri kong tinignan ang pinto bago nag-iwas ng tingin. Now, I know what they're doing inside that damn room.
Ako dito, may problema pero si Caileen nakikipagtalik. Ang saya nga naman!
"You're fond of running away" nagpapantistakuhang lumingon ako nang marinig ang baritonong boses na iyon.
All the colors of my face got drained. "Bakit ka nandito ulit? Sinusundan mo talaga ako 'no?" Humalukipkip ako at tinapatan ang malalalim na pagtitig niya.
Ni hindi ako nahiya na tinaasan ko siya ng gitnang daliri kanina.
"What if I am?" Nanghahamong untag niya.
Nalukot ang mukha ko. "E ano kita? Stalker? Crush mo 'ko ano?" Bawi ko pero umatras ako agad nang lumapit siya.
Namutla ako. "I'm serious about what I said earlier! Try touching me again, I'm not going to think twice on cutting of your precious d**k" pabalang kong sabi. Ni wala akong pakialam sa mga salitang binitawan ko.
He looked away. "Malakas ang ulan sa labas" he said, ignoring my threat.
"Umuulan?" Ang wrong timing naman ata! Wala na nga akong uuwian kasi paniguradong hinahanap ako ng mga magulang ko sa kung saang lupalop ako laging pumupunta! Di rin ako puwedeng pumunta sa office kasi baka nandun sila. No way! I'm not going to get myself trapped in their hands again.
Wala na akong matutuluyan. Sad truth.
Puwede rin naman akong mag-book sa hotel pero wala akong pera. Idagdag pa na malakas raw ang ulan kaya hindi ako makakalabas dahil mababasa lang ako.
Nagmunimuni ako kaya naman nabigla ako nang maramdaman ang paghawak ng lalaking manyak sa kamay ko. Lalo akong natameme nang higitin niya ako. "H-hoy!" Singhal ko sa kanya nang ipasok niya ako sa isang kuwartong binuksan niya matapos naming lampasan ang apat na kuwarto.
Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya.
"Don't shout. I'm not gonna rape you" matigas niyang sabi tsaka ako tinalikuran.
Natahimik naman ako. Saglit kong kinalma ang puso kong nabigla bago inikot ang tingin sa kabuuan ng kuwartong binuksan niya.
Malinis at puro dark ang kulay tulad ng pangalan niya. I like dark colors.
My eyes got filled with admiration. "Gondo gondo!" Pagak na komento ko at sinimulan ang paglalakad. Pero natigilan ulit ako nang mapagtanto na dinala niya ako dito sa sariling unit niya. Hindi malabo dahil may keycard siya.
I saw him eyeing me the whole time.
Pinaningkitan ko siya. "Bakit mo 'ko dinala dito?" Takhang tanong ko. Yes because since I saw him again, he did nothing but help me.
"You can't go home"
Alam niya siguro dahil narinig niya ang inutos ni papa kay Blane na isama ako. At umayaw ako. Kaya dahil sa galing niya at sa logic niya, na-gets niya ang rason kung bakit nandito ako.
Ngumuso ako. "Tama ka" muli kong sinalubong ang tingin niya. "Pero magho-hotel na lang ako"
Feelingera ako e wala nga akong perang pambayad. Ayaw rin talagang patalo 'tong pride ko.
"Umuulan" malamig niyang untag.
"So kabusilakan ng puso ba ito? You let me inside your condo para dito muna ako?" I said straightforwardly at him without hesitation.
Nag-iwas naman siya ng tingin at di na sumagot.
Dahil 'don, napangiti ako. "Thank you!" Maligayang sabi ko at ngumisi. Tignan mo nga naman, grasya pa nag lumalapit sa akin! Isama pa ang napakaguwapong nilalang na kasama kong bonus. Rawr!
Tignan mo nga naman Thea, hindi mo siya kilala pero nagtitiwala ka agad sa kanya biglang sabi ng isip ko. I mentally raised a finger at my mind.
"Don't flatter yourself. Panandalian ka lang dito. Until your friend is done on what she's doing"
Muling nalukot ang mukha ko nang maalala ang mga ungol ni Caileen. Pesteng bruha talaga iyon!
Narinig kaya ni Dark ang usapaan namin. Maybe? Sa lakas ba naman ng sigaw ko kanina.
Tumikhim ako. "Huwag kang feeling! I'm not flattering myself. Buti nga at alam kong magpasalamat e" ganti ko tsaka naglakad palayo sa kanya. Mahirap na, isa pa naman siyang malaking tukso.
Baka tuklawin ko lang.
Kita kong lumalim ang gatla ng noo niya nang mapansin ang ginawa ko.
He just shook his head before turning his back on me again.
Habang wala sa akin ang atensyon niya, tahimik kong tinungo ang kusina niya. I smiled weirdly before sneakily pulled the fridge open.
My smile disappeared. Puro bote ng beer ang tumambad sa paningin ko.
Anong klaseng ref ang puro beer lang ang laman?! Pagkain ba iyan? Nakakain ba ang alak?!
Dahil nga jan sa pesteng alak na iyan, nalasing ako, tapos pinakain ko ang pempem ko, tapos pinabayo ko pa!
Lahat ng alak na nakakarinig sa akin, "putangina niyo!"
Asar kong sinara ang ref niya tsaka nagmartsa pabalik sa sala niya para lang makita siyang nakaupo sa sofa habang nanonood ng basketball.
Tinitigan ko ang likod niya. "Ang sarap" mahinang bulong ko. Batok pa lang at konting balikat ang nakikita ko pero lalaking-lalaki na ang dating. Iba ang dating e.
O eto na lang ba ang gagawin ko? Pagpapantasyahan ang lalaking naka-una sa akin?! Hindi Thea ang galawang ganon!
Kaya naman huminga ako ng malalim tsaka naglakad palapit sa kanya at naupo sa pinaka-dulo ng magarang sofa na kinauupuan niya. Syempre, lumayo ako sa kanya!
Para safe.
Tumikhim ako matapos ang ilang minutong katahimikan. "Sa pagkakaalam ko, isa kang sikat na businessman. Wala ka bang trabaho ngayon?" Maingat na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Kaya naman tumingin ako sa gawi niya para lang matignan siyang nakatingin ng diretso sa tv na parang balewala lang ako.
I sulked. "Nagbibingi-bingihan ka. Di ko alam na talent mo pala iyan?" Kibit balikat kong tanong kaso sunod akong natigilan nang salubungin ako ng madidilim niyang mga tingin.
Huwag kang patitibag Thea!
"Why did you leave?"
"Ano?"
Leave?
His jaw clenched. "The day after I took you. Why did you run away?" Malamig niyang tanong habang titig na titig sa akin.
Tinutukoy niya yung araw pagkatapos niyang ipasok ang long jan niya sa akin? Nung tinakbuhan ko siya matapos akong magising at natagpuang nakayapos sa baywang ko ang matipuno niyang braso at nakabaon sa leeg ko ang maamo niyang tulog na mukha? Iyun ba?
O ano ngayon thea? Ikaw naman ang nabingi? Napipi ka pa!
Mahina akong tumikhim.
"You were a virgin when I took you"
Nawalan ng dugo ng mukha ko. "Huwag mo nang ipaalala!" Pagak kong sigaw. "Pinapaalala pa e!"
His eyes darkened even more. "Answer me why you left" ma-awtoridad ang mariing boses niya.
Huwag ka sabing papatibag Thea e!
Sumandal ako sa inuupuan ko tsaka pilit pinatapang ang mukha ko. "Kasi nahiya ako. Sinagot ko na, change topic na. Hindi ako kompurtable sa topic" pag-aamin ko sa kanya bago binalik ang tingin sa palabas.
I heard him exhale sharply.
Pero natigilan muli ako nang tumunog ang doorbell niya. Tinignan ko si Dark pero wala siyang kibo. Nanonood lang siya.
Gusto kong mapairap pero pinigilan ko ang sarili ko. Ako itong nakikitira ng panandalian kaya kalma kalma din pag may time.
"Bubuksan ko ang pintuan mo ha" imporma ko sa kanya. Kagaya ng lagi niyang ginagawa, hindi siya sumagot.
Suplado!
Tumungo ako sa pintuan tsaka iyon binuksan pero nagulat ako nang makitang may lalaking may dalang maraming pagkain. "Good afternoon ma'am. Saan ko po ito ilalagay?" Magalang na tanong niya.
Nagningning ang mga mata ko habang nakatingin sa dala niya. Limang servings na natatakpan ng malaking cover.
Lumingon ako sa gawi ni Dark pero nakatuon pa rin ang atensyon niya sa tv.
"Good afternoon din. Sige ipasok mo na at ilagay roon sa lamesa sa gilid" masaya ako ngayon kasi may pagkain. Hindi ko namalayan na lunch na pala. Kaya pala gutom ako tsaka sigaw ng sigaw itong mga alaga ko sa tiyan!
Sinunod naman ng lalaki ang sinabi ko. Inilapag niya ang mga pagkain sa lamesa dito sa sala. After that. He turned to me and smiled cheekily. Ang cute pala nitong staff na 'to. "Ma'am paki-pirmahan na lang po itong papel"
Binigay niya sa akin ang ballpen at inilahad sa tapat ko ang bill na hawak niya. I got stunned when I found my name written on it as the one who ordered. Bayad na rin. Mabilis ko itong pinirmahan at hinintay na makaalis yung lalaki tsaka binalingan si Dark.
I remained silent.
Hanggang sa makita kong tumingin siya sa gawi ko. "I know you're hungry. Eat up and stop staring"
"Libre mo?" Pakipot pa ako, leche!
"Kumain ka na" saad niya.
Ngumiti ako. This time, hindi na peke. Yung totoo talaga. "Samahan mo 'ko. Mas masayang kumain kapag may kasama. Tsaka ikaw ang nagbayad neto" sa totoo lang, sanay na akong kumain mag-isa kasi lagi akong mag-isa. Kaya nga gusto ko ng kasama ngayon habang meron siya. Tapos ang hot niya pa diba? Sarap kumain!
"I'll eat later"
Hindi talaga ako papatalo. "Hindi ka ba nagugutom?" Nanghahamon kong tanong.
Natigilan siya at tumitig sa akin.
"I am hungry," he said seriously. Then his eyes raked my body. I bit my lip because of that but his eyes caught the movement. Mas lalong dumilim ang mga mata niya. "pero iba ang gusto kong kainin" saad niya sa malalim na baritonong boses niya.
My breathing hitched.
Napalunok naman ako nang makitang umigting ang panga niya matapos bumaba ulit ang tingin niya sa katawan ko.
Anakan mo na ako! Tanginang libog 'to!