Chapter 6

1542 Words
Chapter 6: Kalandian ••••• Pilit akong ngumiti. "Sige na nga, mamaya ka na kumain!" O ayan, sumuko rin lang ako. Akala ko ba di ka patitibag? Sumbat ng isip ko kaya minura ko ito. Kung tao ka lang na pesteng isip ka, kanina pa kita kinurot at pinagsasampal! E ikaw kaya ang titigan ng ganun? Akala mo ba madaling umarte na matatag at di naaapektuhan?! E nag-iinit na nga itong katawan ko! Para na akong baliw na nakikipag-debate sa sarili kong isip. Mamaya kapag hindi pa ako nag-iwas ng tingin, ako mismo ang tatakbo papunta sa kanya at magpapa-Dawn Zulueta! Yung tipong isisigaw ko ang, 'Dark my babyloves! I-Dawn Zulueta mo 'ko!' Ganun! Sabay kiss ko sa kanya sa labi. Nai-imagine ko pa lang, ang sarap sarap na! Pasimple akong tumingin sa gawi niya. But he's busy watching like nothing just happened. Kita niyo ang lalaking iyan, minsan nakakabad-trip din. Ngumuso ako tsaka sinimulan na ang pagkain. Napuno ng pagningning ang mga mata ko matapos buksan ang lahat ng servings. Bago sa paningin ko ang mga ulam. So I ended up with the conclusion that these food are very expensive. Ang ganda ng pagkaka-plating tapos ang taray ng hitsura! I grinned devilishly. Kunin niyo na ang lahat sa akin, basta bigyan niyo lang ako ng pagkain araw-araw, okay na ako! Dumekwatro ako sa inuupuan ko tsaka na nilagyan ng ulam at kanin ang pinggan ko. "Papak na this!" Masayang sambit ko bago sumubo. Oh yes delicious! Hindi pa man ako nakakalahati sa kinakain ko nang marinig ko ang pagring ng phone ko doon sa gawi ni Dark. Pagtingin ko sa direksyon niya, nakita kong inabot niya ang phone ko na nasa tabi niya tsaka niya ako nilingon. I smiled. Tapos tinuro ko ang bunganga ko na puno ng pagkain. Hindi ako makapagsalita dahil punong puno talaga ang bunganga ko. He frowned while looking at me. "Eat f*****g slowly. Baka mabulunan ka" tumigas ulit ang ekspresyon niya. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay kumindat ako. I motioned him to answer the call using my hand. Tinitigan na naman niya ako. Pero sa huli ay pumalakpak ako at ngumuya nang sagutin niya ang tawag. He answered but he didn't speak. He just waited for the caller to speak. "Althea Steel, where the hell are you?! Kanina pa ako tawag ng tawag pero sa kabastusan mo, hindi mo inaangat! You're not in your office! Wala ka rin sa condo mo! Blane was looking for you kanina pa but you are nowhere to be found!" Dark placed it on speaker that's why I heard it. Natigilan ako nang marinig ang boses ni mama. I looked at Dark but his eyes just bore to mine with that soulful look. "Talaga bang ginagalit mo kami Thea ha?!" Mapait akong ngumiti pagkarinig ko sa galit na galit na boses ni Mama. "Sumagot ka!" Nag-iwas ako ng tingin para itago ang nanunubig kong mga mata. Lintik naman Thea e! Huwag kang iiyak! Iuuntog talaga kita sa pader! Sigaw ko sa isip ko. "This is Dark Kentos, Mrs. Steel" Mabilis pa sa pagpatak ng ulan ako bumaling kay Dark nang marinig ang malamig niyang tinig. He was looking at me directly. His jaw clenched. "Your daughter is with me" Namutla ako sa sinabi ni Dark. Nanlalaki ang mga mata ko. Lalo na nang marinig ko ang malakas na pagsinghap ni Mama tsaka ang tunog ng pagpatay niya sa tawag. "What did you just do?" Mahinang tanong ko. Nalunok ko na lahat ng nasa bunganga ko. Pati ata ngipin ko sumabay na rin pababa sa tiyan ko. "You're not leaving. You're staying here with me" matigas na saad niya na ikinabigla ko. "Hindi puwede! May trabaho akong kailangang asikasuhin mamaya! Tsaka kay Caileen na lang ako titira" Kumunot ang noo niya. "Caileen Kavanagh?" Pumorma rin ang gatla sa noo ko. Kilala niya? Tumango ako. "Doon na lang muna ako panandaliang makikitira. Tsaka hindi naman ako habang buhay na magtatago" Oo kasi kahit magtago ako, hahanapin nila ako dahil sa pesteng kasal na iyon. Bakit ba nila pinagpipilitang maikasal ako kay Blane? Dahil ba sa pera nito o dahil baon sila ng utang sa mga magulang ni Blane? Kaya ba ako ang kapalit? Ganun ba? His cold eyes didn't falter. "You're safer with me" Nailing ako sa sinabi niya. Mas delikado kapag kasama ko siya kasi ang libog libog ng body ko kapag malapit siya sa akin! Kaya nga naninibago ako sa katawan ko e! Nagiging malandi ngayong kasama ko siya sa iisang kuwarto. Nakaramdam ako ng tensyon kaya tumikhim ako. "Bakit parang concerned na concerned ka sa akin? Konti na lang masasabi ko na talagang crush mo 'ko!" biro ko tsaka sumubo sa kinakain ko. Ngayon ko lang ulit siya nakita at hindi ko pa siya masyadong kilala pero pakiramdam ko ang kumportable ko na sa kanya. "Caileen is with my friend Czero. He stays there day and night when he got time. If not, they go to his place.." binitin niya ang sinasabi niya tsaka tinignan ako ng may determinasyon. So kaibigan niya ang lalaking kasama ni Cail? "You stay with me" he said it like a boss. Lihim akong ngumisi. Crush nga niya ako! Yes magiging mommy na ako ng may magagandang lahi! Ilan kaya magiging anak namin? Depende siguro kung ilang beses kaming gagawa. Malademonyo akong napahalakhak sa naisip ko. "Dito rin ako matutulog?" I asked him without hesitation. His eyes darkened while eyeing me. Puwedeng puwede talaga akong mag-hotel kaso wala talaga akong pera e. Huwag nang pakipot! Suwerte na nga ang lumalapit e! "Tabi ba tayo?" Hindi talaga ako titigil. "Tayong dalawa lang sa kama mo?" Pa-inosente kong tanong. Nakita ko ang paglunok niya. "f**k" mahinang mura niya at nag-iwas ng tingin. Minumurahan ba niya ako? Ay gago! E kung gapangin ko kaya siya mamayang gabi! Mygod Cassie! Good Idea! "Shut up and eat, Thea" saad niya kalaunan. I chuckled before eating up again. Mage-njoy ata ako dito. Masayang naglalarong ang batang babae habang kasama ang isang ginang. "Mommy! When I grow up, I want to be like you! Very pretty and verrrrry intelligent" tuwang tuwa na sabi ng tatlong taong gulang na bata sa mommy nito. Sunod na natawa ng mahina ang ginang nang dambahin siya nito ng yakap. Her tiny hands wrapped around her to hug her. Mabilis namang sinuportahan ng ginang ang bata at niyakap ito ng mahigpit. Hinagkan niya ito sa pisngi. "Mommy loves you so much, princess. Mommy and daddy loves you so so so so much" nakangiting saad nito sa batang nakangiti sa kanya. Hindi nga ako sinabayan ni Dark na kumain. Lahat ng atensyon niya ay nasa basketball na pinapanood niya. Malapit nang matapos dahil fourth quarter na at manga tatlong minuto na lang ang natitirang oras. Habang nanonood, napaawang ang labi ko nang may mapagtanto ako. Wala akong dalang damit! Tsaka bumalik ang isip ko kila mama. Si Dark ang sumagot sa tawag niya kanina. Akala ko kasi si Caileen ang tumatawag kaya pinasagot ko sa kanya. I didn't know that it was Mama. Gulo na naman ito. Paniguradong iba na naman ang iniisip nila sa ngayon. Sinabi na naman niya kay papa ang tungkol doon. Hindi ko na alam. Tangina talaga this! Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa mga isip nila sa ngayon. Ang alam ko lang, takot sila kay Dark. Pero bakit? "Uy Cassie" tawag ko sa kanya at napalabi. "Este Dark pala. Huy" Mahinang tawag ko sa kanya. Binalingan niya ako. Sumayaw ang pang-upo ko dahil sa kagandahang lalaki niya. Ang seryoso ng mukha niya pero ang hot niya. Mas nadedepina ang kaguwapuhan niya sa seryoso niyang mukha. Kung naka t-back lang ako ngayon, malamang napunit na! Pero hindi naman ako nag ti-T-back e! Hindi kaya yun panty kasi walang natatakpan iyon! Parang maliit lang na tela na kinabitan ng tali! "Alis muna ako saglit. Wala akong damit" pagpapaalam ko sa kanya. O diba nagsasabi pa ako kapag aalis ako! Magiging mabuti talaga akong asawa in the future! Nagsalubong ang kilay niya. At dahil hindi siya sumagot, tumayo na ako. "Who's going with you?" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis. Napatingin naman siya sa ngiti ko. "Boyfriend ko" masayang sabi ko. Gaga! Ni hindi ka nga tumatanggap ng mga manliligaw tsaka ilang beses ka nang nambasted, ngayon may boyfriend ka?! I ignored my mind and smiled cheekily. Kita ko ang biglang pagdidilim ng bughaw niyang mga mata. "Boyfriend?" Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Ngumisi ako. "Oo. Ikaw" kindat ko at tumawa nang matigilan siya. Ang harot ko, buwiset! Ilang saglit niya akong tinitigan bago siya nag-iwas ng tingin at tumayo. "I'll drive you there. Hindi pa humuhupa ang malakas na ulan" seryosong sabi niya. See? Concerned talaga siya sa akin! "Hindi na" sige pakipot ka pa Thea. "I wasn't asking" sagot niya at kinuha ang susi ng kotse niya na nakapatong sa lamesa. "Let's go" walang buhay na saad niya kaya itinagilid ko ang ulo ko at tinitigan siya ng husto. Kapag siguro magpapa-lahi ako sa kanya, maganda ang resulta. Ano? Ang hot e! Sarap gapangin mamayang gabi! I grinned. Ngumisi ako ng maloko sa naisip tsaka siya nilapitan. Magawa nga iyon mamayang gabi. Gapang plan 1.0, activated!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD