Chapter 7

1888 Words
Chapter 7 : The fridge ••••• Tahimik. Sobrang tahimik. Mabibingi na ata ako sa katahimikang humabalot dito sa loob ng kotse niya. Ayoko ng ganito lalo na at bungangero ako. Kaya naman tumikhim ako at binalingan siya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makita ko kung gaano siya kaseryoso habang nagmamaneho. Napatingin ako sa braso niya. Hunky. Tapos muli kong binalikan ang mukha niyang makalaglag panty. Hmm, manly. Tinuro ko na sa kanya kanina ang daan papunta doon sa hotel na kasalukuyan kong tinitirhan. "Sigurado ka bang papayag kang makitira ako sa condo mo?" He didn't answer. "Okay lang talaga na kay Caileen ako. Tsaka hindi mo ako kilala. Baka magnanakaw ako.." napalabi ako tsaka pinuti ang hotness niya. "O baka naman manyak ako. Hindi mo alam" imporma ko sa kanya. Half truth. Half joke. Pero sa guwapo niyang iyan, baka nga ma-rape ko siya ng di oras! Tsaka kahit naman daw ganito ako na minsan walang hiha, may hiya din naman talaga akong tinatago! Lalo pa at hindi ko siya kilala ng husto. Excuse me Althea?! Ngayon mo pa talaga naisipan ang mga bagay na iyan? Ngayon ka pa nahiya matapos mong sumama sa kanya at pagnasahan siya ng husto? Duh! Hinampas ko ang sariling ulo ko gamit ang palad ko dahil sa pagsingit ulit ng pisti kong isip. Saktong tumigil ang sasakyan sa tabi. "Give me a minute" his cold tone made his voice sexier. Naramdaman kong may kinuha siya sa backseat na payong saka siya lumabas. It didn't take long when the door beside me opened up. Bumungad sa akin ang mukha ng isang dyos. Lihim akong napangiti. Gentleman! "Stop grinning and step out of the damn car" natauhan ako bigla sa sinabi niya. Ngumiwi ako. Eto namang si babyloves! Basag trip agad! Di pa nga kami kinakasal, ang sungit sungit na! Pero dahil mabait ako, sinunod ko ang sinabi niya. Kinindatan ko siya tsaka binura ang ngiti ko bago ako bumaba ng sasakyan. Grabeng pagpipigil ng ngiti ang ginawa ko hanggang sa makapasok kami sa lobby ng hotel. "Puwede bang hintayin mo na lang ako dito sa lobby? Ako na ang tataas at kukuha ng damit ko. Mabilisan lang naman" diretsong saad ko sa kanya habang pasimpleng lumilinga. Hindi ako sigurado kung nandito si Blane kaya ko iniikot ang paningin ko para makumpirma. Wala akong nakitang anino niya kaya nagpasalamat ako. When I looked back to see Dark, he c****d his head sidewards. "What's your room number?" He asked. "113" I cleared my throat. "Upo ka muna doon sa waiting area para hindi ka masyadong mainip" para na akong santita dito sa lagay na ito. Nagbabait-baitan e hindi naman talaga ako mabait, tsk. Thankfully, he nodded simply. Hindi na siya nagkomento pa o nagtanong. Madali naman palang kausap. Hinayaan ko na muna siya tsaka ako pumasok sa lift at pinindot ang floor ko. May tatlo pa akong kasabay. Dalawang babae at isang lalake na matanda na. At dahil ayokong mainip ang gwapong nilalang na iniwan ko sa lobby, 'di ko binagalan ang paggalaw. Minadali kong inayos ang mga kukunin kong gamit tsaka iyon inilagay sa bagpack na may katamtamang laki. Bago pa ako lumabas ng unit ko, tinignan ko pa ang ref ko. A sad smile formed my lips when I saw my favorite foods that filled up my fridge. "Iiwan ko muna kayo mga babies ko. Babalik agad ako pagkatapos kong ayusin itong gusot na meron" I sniffed before grabbing the wine. Binuksan ko ito at tumungga. After feeling a very light burn in my throat, I smiled happily before putting it back on the side of my fridge. Muli kong isinara ang ref tsaka na ako sumibat palabas ng condo ko. Ngumuso ako habang naiisip na baka naiinip na si Dark doon sa baba. Kaso, hindi pumasok sa isip ko ang madadatnan ko pagbaba ko. Pumorma ang gatla sa noo ko nang makitang may dalawang babae na nakikipag-usap kay Dark. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang seryosong mukha ng bebeloves ko habang nakatingin ng diretso sa akin. Nagsasalita yung dalawa pero parang hindi siya nakikinig. Tipid akong ngumiti habang naglalakad ako palapit sa kanya. When I finally got closer to him, I halted. "Can we just know your name?" "Kahit pangalan lang" Aba! Eto pa ang dinatnan ko! Hinihingi ng mga vaklang two ang numero niya! Natahimik ako at pinigilang huwag sumabad. Pero nagulat ako nang si Dark mismo ang lumapit pa lalo sa akin. "You got everything you need?" Kunot noong tanong niya. Pansin kong bumaba ang tingin niya sa bag na bitbit ko. At dahil meron ako jang mga ka-echosang dala, may kabigatan ito. Tumango ako. But what I didn't expect him to do next? He took the bag from me. "Let's go" tipid na sabi niya. Dahil don, napatingin ako sa dalawang babae na humihingi ng pangalan niya. They were looking at me with that jealous look written on their faces. Pagtingin ko kay Dark, nakatingin siya sa akin. Palihim kong kinurot ang balat ko. Kinikilig ako, pisti! Tuwang-tuwa ang pempem ko. Lalo na nang mauna siyang maglakad. Sumunod agad ako. Hindi ako nabasa ng ulan. Tanging sapatos ko lang ang nabasa dahil malakas talaga ang ulan. Parang kasing lakas ng t***k ng puso ko. Oh puso, nababagyo na ata ang kaluluwa mo. Kagaya ng kanina, pinagbuksan niya muna ako ng pinto tsaka siya pumasok sa driver's seat. He placed my bag at the backseat. Napansin ko naman na may mga marka ng patak ng ulan ang damit niya. He's wearing a gray shirt that is hugging his toned body, nice and sexy. Siya, nabasa. Ako, hinde. Hindi pa niya pinapaandar ang kotse kaya tinignan ko ang mukha niya. I hitched my breath when he turned to face me with that dark look. "How much wine did you drink?" Natigilan ako. Naamoy niya? Tapos paanong alam niyang wine ang ininom ko? Ang konti lang kaya ng nainom ko! Pero naamoy niya pa din. I bit my lower lip. "Konti lang naman" I tried to grin. "Wag kang mag-alala hindi kita magagahasa sa lagay na 'to" biro ko pero mas sumeryoso lang ang mukha niya. Nakatingin ng malayo ang batang babae habang naka-upo siya sa swing. Ang yaya niya ay nasa di kalayuan na pinagmamasdan siya. Binabantayan siya ng maigi. The kid... she looked so sad. May pinuntahan kasing business trip and mga magulang niya kaya naiwan siya sa bahay kasama ang mga kasambahay nila. And she misses them that's why she looks unhappy. Wala ring nakikipaglaro sa kanya kasi may kanya-kanyang kalaro ang mga batang kasama niya sa park. Nonetheless, she's not bothered by that because she doesn't feel like playing at the moment. Kagabi, tumawag ang mommy niya at sinabing malapit nang umuwi ang mga ito. She tried cheering up her daughter and it worked like magic. But after the call, she missed them again. "Bakit ayaw mong makipaglaro?" Bumaling ang tingin ng batang babae sa pinanggalingan ng boses. Her eyes found a girl and a boy, not far from her. "Choose another kid to play with. Not me" masungit na sabi ng batang lalaki tsaka tinalikuran ang isa pang bata. She watched him as he walked closer to where she is. Inosente ang mga mata niyang napatitig dito nang maupo ito sa tabi niyang swing. Then she trailed her eyes back to the girl who tried talking to the young boy. Umiiyak na ito. "I hate you! Di na kita like!" Sigaw nito sa katabi niya tsaka nagpapadyak na tumakbo paalis. When she looked at the boy to see his reaction, she scrunched her nose when his salty expression didn't change. The little girl has encountered kids like him but the boy is different. Like he's more scary than the other kids who snobs. Kaya naman nang bumaling ito sa kanya, nagulat siya. All she did was smile at him innocently before looking away. "Konti lang talaga ang nainom ko. Nagpaalam lang ako sa ref ko" pagtatapat ko sa kanya dahil hindi natitibag ang kaseryosohan niya. Yun naman talaga ang totoo! Tumungga ako sa wine para iparating sa bebe ref ko na uuwi din ako. Na babalikan ko sila at uubusin ko ang laman niya. Promise drink iyon! Muntik naman akong mapaindak sa tuwa nang mag-iwas siya ng tingin. He started the engine and stomped the accelerator. "May kasama ka ba sa condo mo?" Kyuryos na tanong ko sa kanya. Kasi kapag may babae siyang kasama, aalis talaga ako. Magtatampo ako kuno. Pero kapag lalaki na kasing guwapo niya, syempre wala akong interes doon. Okay na ako sa supladong bebeloves ko! "Wala" maikling tugon niya. "No girlfriends?" Yan! Ganyan nga, simplehan mo lang Thea! Ang importante malaman mo para mai-giniling mo agad ang laman ng babaeng kasama niya! Pansin kong kumunot ang noo niya. "None" simpeng tugon niya ulit. Mabuti naman! Ako lang dapat, hello! Pero syempre dapat di tayo pakakampante sa ganong sagot lang. "No flings?" Alam kong nagiging si Kuya Boy Abunda na ako dito sa pagtatanong ko pero nang-iintriga talaga ako at minsan pakialamera kapag may interes ako sa kanya– este sa isyu pala. Sumimangot ako nang wala akong narinig na sagot mula sa kanya. That gave me the answer. Sa guwapo ba naman niya! E syempre marami siyang mga babae! Dapat di na ako magulat pa. Tss, break na kami! Hindi ko na siya tinignan. Hindi ko na rin siya pinagpantasyahan. Tumitig lang ako sa bintana buong byahe. E break nga kami diba? Hanggang sa maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Agad kong inabot ang bag ko sa likod. Mabilis namang may umalalay na staff sa amin. May nagbukas sa pintuan ko na may dalang payong. "Tulungan na po nakin kayo Ma'am" magalang na sabi nito at kinuha ang hawak kong bag. Namangha ako. Magarbo nga naman ang Wolkzvok hotel. May mag-aassist agad at tutulong kapag umuulan. Nice. I muttered a small thanks to the guy that helped me. Saktong pag-angat ko ng tingin, nakita kong binigay ni Dark ang susi niya sa isang valet. May naramdaman akong presensya sa likuran ko kaya lumingon ako. But I wasn't expecting to see the man I am supposed to marry. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko sa inis na namuo bigla sa sistema ko. "Thea. Let us talk" he asked directly and walked to me. Umigting ang panga ko. "Anong ginagawa mo dito Blane" paano niya nalamang nandito ako? Natigilan ako nang bigyan niya ako ng makahulugang tingin. Galit ko siyang tinignan. So he's been spying me? Kaya niya siguro nalaman ang tungkol kay Caileen. "Umalis ka na" mariing sabi ko sa kanya pero umiling siya at hinawakan ako sa kamay. "No please. Makinig ka sa akin" he said softly while looking at me with love. Umiling ako at akmang aalisin ang kamay niya pero napaawang ang labi ko nang may pumaikot na kamay sa baywang ko at hinigit ako palikod. Nabitawan ni Blane ang kamay ko dahil 'don. But his face turned serious. I can smell the familiar manly scent lingering in my nose. Napalunok ako at dahan-dahang tumingin sa lalaking nakahawak sa akin. Sumalubong sa akin ang seryoso niyang mukha na nakatingin kay Blane. Mas seryoso. His eyes are more dangerous. More menacing. More threatening. Sa puntong 'to, mas nakaramdam ako ng kaba kesa kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD