Agad kong inilibot ang paningin ko sa counter upang maghanap ng manager na rumoronda sa loob pero agad rin akong natigil nang magsalita si Aubrey.
"Talagang kilala mo huh?" Singhal nya na nagpagitla sakin.
"She's my Lolo's partner sa business, Aubrey" paliwanag ko sa kanya na inirapan nya.
"The hell I care" singhal nya bago ko naramdaman ang paglalakad palabas ni Thalia sa gilid namin.
"Sweetie naman. Baka marinig ka" nakanguso kong pakiusap pero inirapan nya lang ako.
"Di mo nakita? Nakalabas na? Di ka maka move on eh. Type mo ba yon?" Taas kilay niyang singhal dahilan upang matawa ako.
"Of course not. Ipagpapalit ba kita?" Pang aaro ko pero inirapan lang ako nito. "Tagal naman ng order natin. Nagta tantrums na ang mahal ko eh--"
"Ano?" Singhal nya na tinawanan ko.
"Ang sabi ko mahal kita" nakangiti kong ani bago kinurot ang malambot nyang pisngi.
Nakangiti siyang suminghal kaya naman bahagya pa akong natawa.
Dahil nga sa pakikipagnegosasyon ng business namin sa kumpanya nila. Napapadalas na rin ang pagkikita namin ni Thalia.
"Sana hindi mo ako iniiwasan Thalia" bulong ko bago tumalikod sa kanya. Hindi naman ako sigurado na narinig nya ang sinabi ko kaya naman nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Pero agad rin akong nagitla nang makita ko si Aubrey na kunot na kunot ang noo habang nakahalukipkip. Wala pa man ay nangingiti na ako habang papalapit sa kinatatayuan nya.
"Anong ginagawa mo dito sweetie?" Nakalabi kong tanong kasabay ng pagyakap sa bewang at paghalik sa sintido nya.
Singhal muna ang iginawad nya sa tagilirang kasalungat ko bago bumaling sakin ang titig nitong napakasama. "I really hate Chessa" singhal nya bago umirap dahil nakita nya nanaman ang mapanukso kong mga tingin.
"Magkapatid kami. Wag mo siyang pagselosan--"
"Hindi ko siya pinagseselosan" angil nya na nagpatahimik sakin. Ang galit nyang titig kanina ay unti unting lumambot hanggang sa ang galit na nanunuot ron ay napalitan ng lungkot. "Hindi nya ba alam na ako ang fiancé mo?"
"Bakit?" Natutuwa kong tanong habang nakatingin sa napakasama nyang mukha.
"Ang kapal ng mukha nyang ikwento sakin ang pagkakahumaling raw ni Thalia sayo" nakamangol nyang sagot na tinawanan ko. "So? Type mo talaga si Thalia ano?" Dagdag nya bago ako kinurot sa tagiliran.
"Asa. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko Aubrey" pang aaro ko pero inirapan lamang ako nito at tinalikuran.
Hindi naman kami kadalasang nag aaway ni Aubrey. Sa halos lahat nga ng bagay ay napagkakasunduan naming dalawa-- maliban na lang siguro sa selos.
Pero kahit na mag away kami, hindi pa rin naman iyon tumatagal ng isang araw. Madali lamang suyuin si Aubrey at iyon ang bagay na pinakaiingatan at kinahuhumalingan ko sa kanya.
"Anong sinabi mo kay Aubrey?" Malumanay ang boses ko upang hindi nya mamis-interpret ang sasabihin ko.
"Ang sabi ko, mahal ka ng bestfriend at boss ko. Malay ko bang fiancé mo siya?" Angil ni Chessa bago uminom sa juice na nasa baso nya. "Ramdam mo namang gusto ka ni Thalia di ba?" Taas kilay nyang tanong na hindi ko sinagot.
Sa halip ay isang ngisi ang iginawad ko sa kanya. "Nako Kuya. Yung mga galawang ganyan--"
"Tsh. Hindi ako tulad ng iniisip mo noh" angil ko na tinawanan nya. "And besides, mahal ko si Aubrey.."
"Yung inggrata na yon?" Nagugulat nyang sagot na sinamaan ko ng titig. "Whew. Hindi tatagal ang panahon at magsasawa kayo sa isa't isa. Syempre kapag dumating ang panahon na yon, ikaw na mismo ang hahabol kay Thalia" tatango tango nyang dagdag.
"Tsh. Hindi ko siya type at kapatid lang ang turing ko sa kanya--"
"Pwe" nanunuya nyang ani na ikinasama ng mukha ko. "Sasaksakin talaga kita ng tinidor kapag kinain mo yang mga kataga mo" saad nya.
That's impossible, right? Hinding hindi ako mahuhulog kay Thalia dahil may Aubrey na ako
Hinding hindi ako gagaya sa tatay ko.
"You're blushing. Bakit namumutla ka? Are you okay?" Sunod sunod kong tanong kay Thalia. Binalak kong hawakan siya sa noo pero umiwas lamang ito at umatras.
"I'm okay Coby" iwas tingin nyang sagot ngunit hindi non napalis ang pag aalala ko.
"Tara punta tayo sa clinic" yaya ko bago siya hinigit sa pulsuhan at hinila palabas ng elevator.
"Mayroon siyang Gastric Ulcer" sagot ng nurse nang sandaling tanungin ko si Thalia kung may iba pa siyang sakit. "Bukod kasi sa nagpapalipas ng gutom, puro kape lang ang laman ng sikmura" dagdag nya pa.
"I need to work kasi Jasper" angil nya.
"That doesn't mean papabayaan mo na ang sarili mo" sabat ko. Kita ko ang pagkagitla nya dahilan upang lihim pa akong mapairap sa kawalan. "Tara kain tayo sa labas" yaya ko sa kanya bago siya hinila palabas ng parking lot.
Lunch na kaya paniguradong magpapalipas nanaman siya ng gutom gaya ng sinabi ng nurse kanina.
Sinubukan nyang manlaban at tumanggi ngunit mas lamang ang pagpupumilit ko kaya naman wala siyang nagawa kundi sumama na sakin.
"Karinderya?" Mahina nyang bulong habang nakatingala sa signage na nasa taas.
Tuloy ay tatawa tawa akong nagtungo sa kanya.
"Ang galing nung owner di ba? Pinag isipan talaga yung business name" biro ko na tinawanan nya lang.
Nakita ko si Elise na naglalapag ng order sa kabilang mesa kaya naman tinawag ko siya. Nung una ay natuwa ito nang makita ako pero nang lumipat ang paningin nya kay Thalia ay nagtaas na ito ng kilay.
"Taray. Panibagong girlfriend Kuya?" Nangaasar nyang sambit na tinawanan ko.
"She's my friend" I said.
Ang pananatili namin doon ay napuno ng kwentuhan at asaran. Natigil lamang kami sa tawanan ni Elise nang tumayo si Thalia at magpaalam.
"Thank you for approving my request" nakangiti kong pasasalamat na tinanguan. Nandito na kami sa parking lot ng condo'ng tinutuluyan nya ngayon. "Drink your meds okie?" Bilin ko pa.
Nang makalabas siya ay doon ko lang nahagilap ang cellphone ko sa dashboard at binasa ang mga text ni Aubrey na hindi ko namalayang nagkasunod sunod nanaman.
From Sweetie:
I saw you with Thalia.
Dahil sa text nyang iyon ay nagmadali na akong nagtungo sa bahay nila upang daanan siya at magpaliwanag.
"She's nothing" ulit ko muli na tinawanan nya.
"Paulit ulit ka Coby"
"Maniwala ka sakin--"
"Oo na nga" putol nya na naimong naiirita na sakin. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga dahil tila ba may namumuong bukol sa lalamunan ko nang makita ko ang text niya. "Anyways, you can go. Gabi na.." pananaboy nya sakin.
"A-aubrey--"
"I'm fine Coby, ano ba? Hindi ako nagseselos. Okay?"
"N-no--"
"May ginawa ka ba?" Tanong nya na nagpagitla sakin.
"Anong tanong naman yan?" hindi ko makapaniwalang tanong dahil ang pagtawa nya kanina ay animong peke at tila ba may itinatagong selos.
Dapat nga ay matuwa ako dahil pakiramdam ko ay ayaw nya akong maagaw sa iba pero this time, pakiramdam ko nasasaktan ko siya.
"Okay let me rephrase ito, though. May ginagawa ka ba?" Tanong nya bago humalukipkip.
"Nothing Aubrey. Ano ba. Can't you trust me instead?" Ani ko bago siya niyakap. "Ikaw lang ang mahal ko" nakanguso kong dagdag na tinawanan nya. Ramdam ko ang palad nya na dumapo sa dibdib ko at bahagya akong inilalayo kaya naman ako na ang kusang umalis sa pagkakayakap sa kanya. "Wala kang tiwala?" Nanghihina kong tanong na nginitian nya.
"I trust you. I love you.."
"Pero bakit pinapauwi mo na ako?" Pagmamaktol ko na tinawanan nya nanaman. "Wala kang tiwala. Hindi mo na ako mahal.." animong nagtatampo kong sambit.
"Pinapauwi kita dahil may tiwala ako sayo. Ngayon kung ayaw mong umuwi, paniguradong may--"
"Goodnight sweetie. I love you" ani ko na tinawanan nya bago humalik sa labi at noo nito.
Sa mga araw na dumaan, nagpatuloy ang pagkikita namin ni Thalia. May minsan pang ako ang bumibisita sa condo nya upang dalhan siya ng pagkain dahil sa nagkasakit siya.