"Ano nanaman ba kasing sinabi mo Mr. Yullenco?" Pang aasar nya pa. Kinuwento ko sa kanya ang lahat at nauwi iyon sa paghalakhak nya. "Sabi nga nila. Accept before Asking. Lol" natatawa nyang saad na inirapan ko na lang.
Gaya ng hinihiling ni Aubrey ay ginugol ko sa kanya ang ilang bakante kong araw.
Bago pa man ako magsimula sa negosyo ay pinayagan rin ako ng grandparents ko.
Maluwag sila pagdating kay Aubrey.
Ano mang irason ko basta't si Aubrey ang involve, papayag na sila.
Binuhay ko ang kotse ko bago umupo ng maayos.
Imamaniobra ko na sana ang kotse ko ngunit agad na nakuha ng atensyon ko si Thalia na ngayon ay wala sa sariling naglalakad patungo sa food stalls nila Elise.
Kagagaling ko lang ron pero heto ako't nagmamadaling pinatay ang makina at agad na bumaba. Patungo na sana ako sa kanya pero tila ba may kalibre na pumitik sa sentido ko bago nagpasyang umatras at bumalik sa kotse. Dali dali kong dinampot ang sunglass ko at sinuot iyon. Sinuklay ko rin ang buhok ko para naman magmukhang disente.
Natatawa na lamang ako sa twing maiisip ko na nakasuot ako ng sunglass kahit na malalim na ang gabi.
Gaya ng inaasahan ay naroon nanaman ang patiling sambit ni Elise sa twing makikita ako. "Kuya Coby"
"Oh Elise. Kumain ka na ba?" Sinadya kong hindi pansin siya kahit na nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang kuryosidad nya.
Mukha siyang natatawa sa itsura ko kaya kitang kita ko ang pagbuntong hininga at iling nya.
Pakiramdam ko tuloy ay nainsulto ako sa iling nyang iyon. Ni hindi ko na naramdaman ang pakikipag usap ni Elise sakin. "Yung tornado ball" saad ko nang magtanong siya.
"Kwek kwek yon. Paulit ulit ka naman dyan. Bibili ka pa ulit Maam?" Baling nya kay Thalia dahilan upang magkaroon na ako ng pagkakataon na bumaling sa kanya.
Prente kong tinanggal ang shades ko at natutuwang bumaling sa kanya na animong ngayon ko lang napansin.
"Talitha?" Pagpeke ko sa pangalan nya.
Isang hilaw na ngisi ang pinakawalan nya bago umayos sa pagkakatayo at taas noong humarap sakin. "It's Thalia, not Talitha"
Isang walang kwentang tango ang iginawad ko. "By the way. Excuse me" pagpapaalis ko sa kanya dahilan upang nakatungo at napapahiya itong umalis sa harapan ko.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni Elise.
Nagmamadaling naglakad palayo si Thalia kaya naman hindi nya na maririnig ang sasabihin ko.
Kita ko ang galit sa aura nya at nanggigigil na pinihit ang tornado ball na nasa plastic cup.
Maging ang paghakbang nito ay animong humahanda sa labanan kaya naman natatawa akong bumaling kay Elise na ngayon ay naghihintay sa sagot ko.
"No" walang emosyon kong saad.
"Nandito na ako" bakas ang pagbubugnot sa boses ni Aubrey dahilan upang lihim akong matawa.
"Give me ten minutes nandyan na ako" sagot ko. Rinig ko ang singhal nya sa kabilang linya dahilan upang lihim pa akong matawa.
"Fine ! Basta darating ka huh?"
"Oo naman sweetie"
"Sige na. Nagmamadali ako dahil may lakad kami ni Lannie ngayon eh" paliwanag nya na nakuha ko naman agad. "Sige na. I'm out" paalam nya pa bago pinutol ang linya.
Ramdam ko ang pagtapik ni Emerton sa balikat ko dahilan upang balingan ko ito ng nakakalokong tingin. "Pedophile ka pa rin?" Natatawang pang aasar nya na nginisian ko.
"Mauna na ako Sister Esme" baling ko kay Sister Esme pero ang nakakalokong ngiti nito ang bumulaga sakin. "Bakit?" Natatawa kong tanong.
"May date kayo ni Thalia noh?" Pang aasar ni Sister Joy habang ang atensyon ay nasa paghahabi. "Ilang years na nga kayo ulet?" Baling nya sakin pero ngumiwi lang ako.
"Hindi siya ang girlfriend ko Sister Joy" asar kong sagot na tinawanan nila.
"Nako. Yung mga ganyang banat-- nauuwi sa lovestory yan" sabat ni Cass na inirapan ko.
"Well. Hindi ako naniniwala sa lovestory" sagot ko bago nakapamulsang tumayo bago nagpaalam sa kanila.
"Ikumusta mo ako kay Thalia ah?" Pahabol ni Emerton pero ni-raise ko lang ang middle finger ko sa kanya.
Sa daan ay hindi ko maiwasang mapaisip. Panay ang pangungutcha nila saming dalawa ni Thalia although alam nilang may karelasyon akong iba.
Hinding hindi ko iiwan si Aubrey para lang kay Thalia.. alam naman siguro nila yon.
"Sweetie" nakangiti kong bati kay Aubrey pero mukhang may bisita ang mahal ko ngayon dahil ang naka arko nyang kilay ang isinagot sa matamis kong bati.
"You're late.."
"Yeah. I know. Traffic eh" kibit balikat ko bago umupo sa harapan nya. Kita ko ang pagnguso nya kaya naman bahagya pa akong natawa sa reaksyon nya. "Naka order ka na ba?" Tanong ko na inilingan nya.
"Gusto ko ng crossant" nakalabi nyang ani. Hindi ko naman naiwasang mapatingin sa pinkish nyang labi kaya naman nakakagat labi ko iyong tiningnan. Alam nya naman ang ikinilos ko kaya naman mas sumigaw ang katarayan sa aura nito. "Umorder ka na Coby. Andami mong alam !" Singhal nya na tinawanan ko.
"Wait for me here" ani ko na tinanguan nya. Nakapamulsa kong tinungo ang counter at doon na umorder. Medyo natagalan pa nga dahil medyo mahaba ang linya.
"Three hundred forty five, Sir" ani nung staff dahilan upang ibigay ko ang card ko. "Let me serve it in less than two minutes, Sir" aniya na tinanguan ko.
Ibinalik nya pa muna ang card ko bago ako naglakad patungo sa mesa namin ni Aubrey.
Pero agad rin akong natigilan nang makita ko si Thalia na ngayon ay nakaupo at naghihintay sa isang mesa.
"Thalia?" Gulat kong tawag dahilan upang nagugulat nya rin akong binalingan ng tingin. "Hey. What are you doing here?" Tanong ko bago pinasadahan ng tingin ang kabuuan nya.
"May pupuntahan lang. Ikaw anong ginagawa mo dito, Coby?" Balik tanong nya na nagpanguso sakin at tila ba pinipigilan ang mangiti.
"Date lang with commander" kinikilig kong sagot bago lumingon sa banda ni Aubrey na ngayon ay matalim na nakatitig sa gawi namin ni Thalia. "Gotta go" paalam ko na tinanguan nya na lang. Nanatili ang titig ni Aubrey kay Thalia kaya naman pabagsak akong umupo sa harapan nya. "Alam kong nagseselos ka kaya naman uunahan na kita. Hindi ko siya type at ikaw lang ang mahal ko. Ikaw lang ang babae sa buhay ko maliban pa rin sa Lola ko at kay Elise. Sayo lang ako gigiling at ikaw lang ang papatong dahil nga sa mahal kita. Kaya wag ka nang magselos dahil--" agad akong natigil sa pagsasalita nang makita ko itong nakatulala pa rin sa gawi ni Thalia. "Aubrey" pagkuha ko ng atensyon nya dahilan upang taasan ako nito ng kilay at bigyan ng isang naiinis na paningin. "You look like--"
"Shut up" putol nya sa pagtatanong ko dahilan upang lihim akong mapanguso. "Sino yong kalandian mo kanina?" Tanong nya bago nilingon ang pwesto ni Thalia na ginawa ko rin.
Selos nanaman ang baby girl ko.
"Ah si Thalia" walang gana kong saad bago ginalaw galaw ang menu na nasa harap ng mesa namin.
Bakit may menu rito? May menu pala. Bakit kailangan pang pumila sa counter? Anong klaseng patakaran naman meron ang business na ito?