CHAPTER 66

1081 Words
"Nako. Sana magkaroon na kayo ng anak. Jusko Thalia, matagal ko nang pinangarap na magkatuluyan kayong dalawa" rinig kong tatawa tawang biro ni Sister Esme na nagpayukom sa mga kamao ko. "Ito na yata ang pinakamagandang regalo na matatanggap ko para sa importanteng araw na ito--" "Hindi ko siya pakakasalan" rinig kong putol ni Coby na ikinatigil ni Sister Esme. Nanatili akong nakatalikod sa kanila at abala sa pagharap sa mga taong nakasaksi ng pagkapahiya ko sa ginawa ni Sister Esme. "Anong hindi? Di ba nangako ka sa kanya?" Natatawa ngunit hindi makapaniwalang tanong nito. Nanatiling hindi nagsalita si Coby kaya naman dinugsungan na agad ito ni Sister Esme. "Nangako ka na siya ang pakakasalan mo nung mga bata pa kayo" kwento niya na lalong nagpapakurot sa puso ko. Ramdam ko na ang pamumuo ng luha sa mata ko kaya napatungo na ako sa pagkakatayo. Hanggang sa tuluyan na itong bumuhos at gumuhit sa nanginginig at mainit kong pisngi. "Ate Cass. Bakit siya umiiyak?" Rinig kong tanong ng isang batang babae kasabay ng paghawak sa kamay ni Cassandra na ngayon ay natitigilang nakatitig sa gawi ko. "Sino ang maswerteng babae na pakakasalan mo kung ganon?" Rinig kong tanong niya pa dahilan upang maglakas na ako ng loob na lumingon sa gawi nila. Kita ko ang awa sa mukha ni Emerton. Ang titig ni Coby kay Thalia. Ang walang ekspresyong tingin ni Thalia habang nakatulala sa lupa. Ang naguguluhang tingin ni Sister Esme. "Nandito. Nilagpasan mo" peke kong ngiti na ikinagulat ni Sister Esme. Binalak niyang lumapit sakin ngunit umatras na ako at nagsimulang lumakad palayo. "Wag kang mag alala Sister Esme" rinig kong saad ni Thalia na ikinakunot ng noo ko. Ramdam ko ang pagbagal ng lakad ko at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Mukhang natupad na namin ang isa sa mga kahilingan mo.." dagdag nya dahilan upang unti unti akong bumaling sa kanya. Namumugto ang mata ko habang pinagmamasdan ang walang ekspresyon niyang titig na ngayon ay ipinako niya sa gawi ko. Mata sa mata kung tumitig ngunit walang mababakas na reaksyon sa malumanay nyang mga mata na walang kabuhay buhay. "May Anak kami ni Coby. At buhay siya" ani niya dahilan upang gulat akong bumaling kay Coby na ngayon ay natitigilang tumitig kay Thalia. "Masaya ka na?" Baling niya kay Coby kasabay ng marahas na pagdaloy ng luha. Kita ko rin ang pagkuyom ng kamao nito dahil na rin siguro sa galit. "Nagsinungaling ka sakin" sagot ni Coby kasabay ng marahas na paghila sa pulsuhan ni Thalia na alam kong ikasasakit ng kapatid ko. "Anong karapatan mong ilayo sakin ang anak ko ?!" Halos umugong ang boses niya dahil sa sobrang pait at galit. Nagsimula na ring dumaloy ang luha nya mula sa nagngangalit na mga mata. "Dahil wala kang kwentang ama ! Wala kang kwentang tao !" Sigaw ni Ate dahilan upang malakas siyang sampalin ni Coby na ikimabagsak niya sa lupa. "Ate !" Sigaw ko bago lumapit sa kanya at paulit ulit na haplusin ang pisngi niyang namaga dahil sa lakas ng sampal ni Coby. "Anong karapatan mong saktan ang kapatid ko?!" Sigaw ko kasabay ng paulit ulit na kabog sa dibdib ni Coby. "Pare pareho lang kayong lahat ! Makasarili ka !" Sigaw niya kay Thalia. Halos mapadaing rin ako dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Emerton sakin palayo kay Coby at ginawaran ito ng malalakas na suntok. "Awatin niyo !" Sigaw nila Cassandra at Sister Joy. Wala namang nagawa ang mga bata kundi magtilian at magsigawan. Patuloy lamang sa paghagulgol sa tabi ko si Thalia kaya naman mabilis ko siyang niyakap. "Magiging okay lang ang lahat" bulong ko habang paulit ulit na hinahaplos ang likuran niya upang matigil siya sa paghagulgol. Kung gaano mo kinamumuhian ang kapatid mong nagpabaya sayo ng mahigit labintatlong taon, hindi inamin sayo ang tunay mong pagkatao. Hinayaan kang magpalaboy laboy sa ibang pamilya sa mahigit sampung taon. Gumamit ng pangalang hindi nararapat sayo.. kahit na gaano siyang naging kasama sakin, mahal ko pa rin siya bilang kapatid ko. Bilang Ate ko kahit na hindi niya akong tinuring na nakababatang kapatid. Kahit na minasama niya lahat ng pagkukulang ng parents ko. Masakit para sakin yung nakikita siyang nasasaktan nang dahil lamang sa lalaki. Nang dahil lang sa lalaking lubusan kong minamahal sa ngayon. Sa lalaking itinadhana sakin ngunit nagawa niya pa ring lapitan. Bakit ganito kasama ang tadhana para saming dalawa? May nagawa ba kaming kasalanan sa buhay namin at pinaparusahan kami ng ganito? "I'm sorry. I'm sorry Elise.. I'm sorry" paulit ulit nyang hikbi habang patuloy pa rin sa paghagulgol. 'I'm sorry too..' bulong ko sa isip bilang paghingi man lang ng paumanhin sa paglayo ko sa anak ninyong dalawa. Alam kong magiging masama ako sa desisyon ko, pero ito lamang ang naiisip kong paraan upang manatili sakin si Coby. Dahil bunga siya ng pagkakasala ninyong dalawa sakin. "Elise anak?" Tawag ni Dad sa kwarto ko kasabay ng mahinang pagkatok. Ilang linggo na akong nananatili sa mansion ni Daddy. Wala akong lakas ng loob na umuwi sa sarili kong condo dahil paniguradong maaabutan ko nanaman doon si Coby na paulit ulit na umiinom ng alak. Halos magpakamatay siya nung nalaman niyang nawawala si Archer. Gusto niyang makasama ang anak niya na tiyak kong hindi ko magagawang pagbigyan dahil sa pnasarili kong desisyon at may plano ako para kay Archer. Kahit na nagkaayos na kami ni Ate, nandoon pa rin ang eagerness ko upang ituloy ang paghihiganti. Gusto kong maramdaman rin niya kung ano ang pinagdaanan ni Mommy nung nawala ako sa tabi niya. Gusto kong iparamdam sa anak niya ang sakit na mawalan ng magulang na kukupkop sayo. Gusto kong ipalasap sa inyo ang pait na naranasan ko sa totoo mong pamilya. "Papasok na ako ha?" Rinig kong tanong ni Dad bago ko narinig ang pagbukas sara ng pintuan ng kwarto ko. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatalikod sa pintuan kaya naman tiyak kong hindi nakikita ni Dad ang pagdaloy ng luha ko sa lavender bedsheets at pillows ko. Anyways, lavender helps to calm my mind. "Anak. Ilang linggo ka nang nagkukulong dito sa kwarto mo" aniya bago ko naramdaman ang kamay niyang hinahagod ang braso kong nakapatong sa unan. "Nagsisimula na akong mag alala sayo anak. May problema ka ba?" Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago naglakas ng loob na magsalita. "Anong gagawin mo Dad kung, kung may nagawa kang kasalanan kahit na hindi mo naman ginusto?" Tanong ko. Pilit na iniipit ang boses upang mapigilan ang hikbing pilit na lumalabas sa bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD