CHAPTER 67

1146 Words
"Kapatawaran lang naman ang sagot sa tanong mo anak" malambing niyang sagot na lalong nagpaluha sakin. "Hindi gagaan ang buhay mo kung meron kang binibitbit na galit sa dibdib mo. Hindi mo malalagpasan ang lahat ng problema mo kung hindi ka marunong magpatawad. Alam mo bang ang pagpapatawad ang pinaka dabest na paraan upang makahinga ka ng maluwang?" Tanong niya na hindi ko sinagot. "Alam mo bang ang nakakaiwas sa stress ang pagpapatawad?" Batid kong nakangiti ito habang nagpapangaral, bagay na madalas niyang gawin non mga bata pa lamang kami ni Ate. "Naranasan niyo na po bang magpatawad?" Tanong ko bago nagpunas ng luha at umupo paharap sa kanya. Nakangiti siyang umupo sa kama ko at agad na pinunasan ng thumb ang pisngi ko. "I was young way back then when I meet Myra, your Mom" panimula niya na nagpaayos sakin sa pagkakaupo. "She loves to eat sweets gaya ko. Kaya kami nagkalapit dahil lang sa simpleng chocolate" natatawa niyang dagdag na tipid na nagoangisi sakin. 'Oops pasensya na' "She was absolutely pretty that time kaya nakuha niya kaagad ang atensyon ko" nangingiti niyang kwento. "And yon lang ang way ko upang mapansin niya ako, ang sadyaing banggain siya" 'Look what you've done!' Angil niya kasabay ng pagpunas ng panyo sa kulay brown na nitong uniporme. 'I'm sorry. Hindi ko sinasadya' sinubukan ko siyang lapitan that time pero paulit ulit lang siyang umiiwas sakin. 'Sinadya mo toh ! Ipapa-expell kita !' Sigaw niya bago ako tinalikuran. "Bata pa lang ay istrikta na siya sa lahat ng bagay. Sopistikada, maldita pero mabait at caring yan" nagniningning nitong ani habang nakatulala sa kawalan ng may ngiti sa labi. "Some of our schoolmates secretly hates her. Halos lahat nakakaaway nyang Mommy mo. Pero hindi siya yung tipo ng tao na nakikipagrambulan ng basta basta" 'Give me that thing then papakawalan na kita' saad nya habang kaharap ang estudyanteng madalas niyang hingian at saktan. "Dahil nga sa pabibo ang Daddy mo, sinubukan ko siyang harangan para magpakabayani lang" tatawa tawa nyang dagdag na nagpatawa rin sakin. 'Lumayas ka dyan' asik niya bago inilahad ang kamay sa kawawang estudyante. 'Ako na ang manlilibre sayo. Basta pauwiin mo na siya' pakikipagnegosasyon ko. Isang matalim na titig lang ang ibinigay nito sakin bago ngumuso at tumango sa offer ko. "Then after that, pinakawalan niya na ang kawawang estudyante" kwento niya. Ni hindi ko na rin namalayan ang pagkatuyo ng luha ko sa sobrang tagal naming nagkwentuhan. "Nang dahil sa estudyanteng iyon, naging kaibigan ko ang Mommy mo hanggang sa naging kame. Ang simpleng chocolate na nauwi sa kasalan di kalaunan" buntong hininga niya. "What happened sa estudyanteng yon after that?" Tanong ko na tipid niyang nginitian. "Successful na siya sa buhay ngayon" tawa niya na ikinangiwi ko. "That girl was Carina Ochoa- Sarmiento. Ang Biological Mother ng Ate mo" ngiti niya na nagpalaki sa mata ko. Si Mommy Carina?! "Ma'am" tawag sakin ni Chessa habang nagpipirma ako ng mga dokumentong pinapapirmahan sakin kanina. Dahil sa ilang linggo kong pagleave ay unti unting napuno ang desk ko sa sobrang dami ng mga papel na naimbak sa pag alis ko. Taas kilay ko siyang binalingan ng tingin bago dumapo ang paningin ko sa sobrang hawak nito. "Ano yon?" Seryoso kong tanong sa kanya na nagpaayos pa muna sa pagtayo nito bago inabot sa desk ko ang puting sobre. "Resignation letter ko po" tipid nitong sagot nang mahawakan at mabasa ko ang laman niyon. "Maayos naman ang trabaho mo Chessa. Bakit ka aalis?" Dismayado kong tanong. "Naging masama ba ang pagtrato ko sayo--" "Lah hindi ah" kamot ulo niyang depensa. "Naging maayos naman ang pamamalakad mo sa kumpanya ng halos ilang buwan.." "Pero bakit aalis ka?" Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago nag iwas ng tingin. "Gusto ko sana ng bagong workplace--" "Pwede ka namang pansamantalang lumipat sa finance department o kung mapilit ka.. pwede kang magpahinga na lang muna. Hindi sapat ang dahilan mong iyan Chessa. Maraming paraan. Alam mo namang kailangan ng karagdagang tao sa kumpanya ngayon di ba?" "Y-yes Ma'am" napapatungo nitong sagot. "Then don't leave" "Pero k-kasi.." "Dahil ba ito sa pagpalit ko sa posisyon ni Thalia?" Tanong ko bago sumandal sa upuan at nakahalukipkip na pinagmasdan ang mukha niyang namutla dahil sa sinabi ko. "Tell me. Sabihin mo sakin kung kailangan ko siyang ibalik para manatili ka.." "Lah. Wala pong kinalaman rito ang personal na bagay Ma'am" muli niyang depensa. "Hindi sapat ang rason mo Chessa" "K-kasi.." nangangapa niyang sagot. "Last month, nagpasa po ako ng papel sa Altamirano's Head Office. Hindi ko naman inaasahang matatanggap ako kaya naman.." "Pumayag ka" dagdag ko na tinanguan niya. "Ask my Dad's permission besides, empleyado ka niya" seryoso kong saad bago bumalik sa pagpirma sa mga dokumento. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya naman taka ko siyang tinitigan. "Any concerns?" "Hindi po ba kayo magagalit sakin?" Ramdam ko ang pagtaas ng kilay ko sa sinabi niya. Segundo pa ang lumipas bago ko naintindihan iyon at natawa bagay na ikinagulat niya. "May karapatan ba akong magalit kung kagustuhan mo naman iyon?" Sagot ko. "Sana ay maging maganda ang experience na makukuha mo sa kumpanyang papasukan mo. I wish you the best" ngiti ko dahilan upang tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako mula sa pagkakaupo. Bagay na ngayon niya lang ginawa sakin. "Pasensya na Ma'am kung naging harsh ako sayo nitong nagdaang taon. Sorry sa lahat ng kamalian ko. Sorry talaga" hikbi niya na tinawanan ko kasabay ng paghagod sa likod niya. "Past is past Chessa. Hindi mo kailangang humingi ng tawad dahil deserve ko lahat ng iyon--" "No" atungal niya na parang bata. "Pasensya na talaga" Inabot ng ilang minuto ang pag iyak niya sa balikat ko bago umalis sa pagkakayakap at hinarap ako. Wala naman akong nagawa kundi nakatingala siyang titigan habang walang sawang nagpunas ng luha. "Wag kang mag alala Ma'am. Boto ako sa relasyon niyo ni Kuya magmula ngayon" pangako niya sabay cross heart. "Tsh" natatawa kong singhal kasabay ng pagngiwi. "Sinasabi mo lang iyan dahil wala na si Thalia sa tabi mo-" "Seryoso ako" pagtaas niya ng boses bago ngumuso. "Thalia is better. Pero ikaw ang pinaka-dabest sa puso ni Kuya" "Sinungaling ka" natatawa kong pang aasar dahilan upang magpapadyak ito sa sahig bilang reklamo. "Laah !" Muling atungal nanaman nito. Nag resign ka dahil wala na dito ang kaibigan mo. Hinding hindi niyo ako maloloko lalo na kung sa simula pa lang ng istorya sa kanya na kayo lahat nakaboto. Si Coby pa lamang ang kaisa isang tao na pumili sakin despite of my awful acts. "Elise" tawag nya ngunit nanatili lamang akong nakatingin sa kawalan. Kanina pa siyang nakaluhod sa harap ko. Kanina pa rin kami nakatayo rito sa lobby at pinag uusapan ng mga empleyado. "Please forgive me Sweetie" pakiusap niya. Halata sa boses nito ang paghihirap na lalong nagpapasikip sa dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD