CHAPTER 68

1086 Words
"Elise" bakas rin ang pait sa bawat pagtawag nito sa pangalan ko. "I'm sorry" "Kay Ate ka humingi ng tawad dahil siya ang nasaktan mo" bulong ko na tanging kami lang ang nakakarinig. Isang walang kwentang ekspresyon ang binigay ko sa kanya bago binawi ang kamay kong mariin niyang hinahawakan kanina pa. "We're okay Coby. Nasaktan lang ako sa ginawa mo sa kapatid ko--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang hinigit ako nito at ginawaran ng isang mahigpit na yakap kasabay ng paghagulgol. "Maraming salamat Elise. Hindi ako nagkamali na ikaw ang pinili at pipiliin kong makasama sa buong buhay ko" hagulgol nya sa balikat ko. Isang tipid at ngiting may pait ang rumehistro sa labi ko nang marinig ko ang sinabi niya. 'Yan pa rin ba ang sasabihin mo kapag nalaman mong may Anak kayo ni Thalia?' Bulong ko sa sarili. Ako na siguro ang pinakamasamang tao sa mundo dahil sa mga baluktot kong desisyon sa buhay. Kasalanan ko ba ang mapagkaitan ng mga bagay na nararapat sakin? Ang atensyon ba ng magulang kong namatay na ay maibabalik pa ba sa dati kung ibabalik ko si Archer sa nanay nito? Hindi na di ba? Malalaman mo lang ang nararamdaman ng iba kung ikaw na ang nasa estado nila ngayon. Masama na kung masama, ito lamang ang tanging paraan na nalalaman ko upang mawala na ang lahat ng balakid sa pinapangarap at bubuuin kong pamilya sa hinaharap. Kahit na kapalit pa nito ang buhay na ipinagkait kay Archer ngayon. "BULAGA !" panggugulat ni Jameson habang may bitbit na karton ng pizza. Hindi naman nagbago ang reaksyon ko sa ginawa niya kaya naman bahagya pa siyang napakamot sa sintido. "Napakaseryoso mo naman" "Get in" utos ko bago naunang pumasok sa kanya sa loob ng condo ko. Nanlalata akong dumiretsyo sa sofa at ibinuhos ang atensyon ko sa panonood ng mga walang kwentang drama sa netflix. "Ikaw lang? Nasaan si Coby?" Tanong niya bago pabagsak na inilapag sa small table ang karton ng pizza. "I brought this dahil alam kong paborito mo ito kesa sa dinuguan kong puso" he chuckled but I remained silent. Napapahiya naman siyang umupo sa tabi ko at prenteng hinilig ang batok sa sandalan ng sofa. "Ang boring pala ng buhay ko kapag nagsisimula nang umedad ang batang kinahuhumalingan--" "I'm not a kid anymore. Manahimik ka na lang dyan kung walang sense ang mga sasabihin mo" iritado kong asik na ikinahagikgik niya. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" "Good news sana ang dala ko about kay Thalia but since ayaw mong malaman--" halata ang gulat sa mukha nya nang agaran ko siyang nilingon. "What about her?" I asked. He chuckled for about two and a half minutes bago sumagot sa katanungan ko. "Kapag tungkol kay Thalia ay updated ka. Pero kapag tungkol sakin.." "Shut up. Just tell me" nanggigigil kong utos na nginusuan niya. "Alam mo bang nag a-out of town sila ng bago niyang manliligaw?" Again, he chuckled a bit. Agad na napataas ang kilay ko dahil sa confusement. Hindi ko alam na may manliligaw siya? At paanong nanligaw? Sino? "Who? When? Why?" Sunod sunod kong tanong kasabay ng pag usog sa tabi niya na ikinaatras niya. "Easy" ani nito habang nakaharang sa pagitan namin ang kamay nito. "Kaibigan rin siya ni Coby, I think? Galing siya sa ampunan gaya ni Thalia--" "Is it Emerton?" Tanong ko na nagpatutop sa bibig niya. "Paano mong nalaman? Wag mong sabihing madadagdagan nanaman kaming karibal sayo--" patuloy lamang siya sa pagdada sa maraming walang kwentang bagay habang ako naman ay nanatiling nag iisip. How? Emerton? Paano at.. Kailan pa? Agad akong natigil sa pag iisip ng marinig namin ang mumunting boses ni Coby na hindi namin namalayang nakatayo na pala sa may pintuan. "Out of town?" Natatawa nitong tanong na ikinabalikwas ni Jameson sa pagkakaupo at gulat na bumaling sa kanya. "Oh dre? Kanina ka pa?" Sa halip na sumagot sa kanya ay walang ekspresyon niya akong nilingon at binigyan ng isang dismayadong tingin na animong ako ang Thalia na iniisip niya. "Talagang nagagawa niya pang lumandi sa halip na hanapin ang anak niya.." bakas ang galit na ani nito bago lumayas at naglakad patungo sa kwarto naming dalawa. 'Anak niyo' bulong ko sa isip bago bumuntong hininga. "Anong nangyari don?" Tanong ni Jameson na tiyak kong ang sarili niya mismo ang kausap niya. "Anong nangyari don?" Baling sakin ni Jameson ngunit hindi ko man lang nagawang sagutin dahil na okupa na ng ibang suliranin ang buhay ko. Ano kayang nangyari sa kanila? Simula kasi nung nagkaroon sila ng pagkakataong magkausap na dalawa sa bahay ampunan ay hindi na sila nagkapansinan. Pagkalabas pa lang nila ng pintuan ay hindi na sila nagkausap. Posible bang dahil ito doon sa anak nila ni Ate? O dahil ba sa p*******t ni Coby sa kanya? "Elise.." tawag ni Jameson sabay hawak sa kamay ko na ikinagitla ko. Dahil sa gulat ay mabilis kong nabawi ang kamay ko at napaatras sa ginawa niya. "O-okay ka lang?" Nagugulat niyang tanong na sunod sunod kong tinanguan. "Kailangan mo nang umuwi, Jameson. Gabi na" pantataboy ko kasabay ng matalim na irap. He chuckled as usual. "Labaas!" Angil ko sabay duro sa pintuan. "Grabe ka naman sakin Elise. Porket nandyan na si Coby--" "Alis sabi !" Angil ko sabay dampot ng unan at ibinato sa kanya. Maswerte niya naman itong nailagan kasabay ng pagtayo sa kinauupuan. "Jameson Trevor Amante. Get out !" "Kahit na paalisin mo ako. Hindi kayo makakabuo ng anak sa gabing ito Elise. Isinusumpa ko" saad niya na ikinatawa ko pa. Knowing Jameson, isa siyang spoiled brat na matanda. Wala akong ibang maisip na paraan upang mapaalis ang lintang ito. "Kumusta na kayo ng fiancè mo?" Tanong ni Dad kasabay ng paghigop sa kape. Masyado nakakabigla ang mabilis na recovery ni Dad. Napamahal na rin siguro sa kanya ang kumpanya kaya kahit na anong gawin niya ay toyak kong babalik at babalik siya rito upang maayos na pamunuan. Hindi sa wala siyang tiwala sa kakayahan ko, sadyang mahal niya lang ang kumpanyang itinaguyod niya ng halos dalawang dekada. "Medyo clingy siya. Pero maayos naman kami" nangingiti kong sagot pero agad rin iyong naglaho nang maalala ko ang pakay ko. "This coming weekend Dad, baka magleave ako ng ilang araw" paalam ko na ikinataas ng isa niyang kilay. "Saan ka pupunta? For business purpose? Wala akong maalalang pinapaayos sayo na kailangan mo pang magleave ah?" Taka niyang tanong. Isang hilaw na ngisi ang iginawad ko kasabay ng pagkamot ng daliri sa sintido.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD