Hindi ko inaasahan na magiging mahirap para sakin ang magpaalam ng ganito sa sarili kong Ama di katulad nung nasa puder pa ako ng mga Sarmiento.
"I just want to relax Dad. Masyado na kasi akong exhausted sa trabaho. I need a break" depensa ko. Kita ko ang pagtutol sa mukha niya kaya naman bago pa siya makapagsalita ay inunahan ko na siya. "One week lang naman yon. At saka don't worry. Dadalhin ko ang trabaho ko--"
"Sige Anak" banat niya na nagpatikom sakin. "Nitong mga nakaraang buwan ay napahirapan yata kita sa biglaang paghandle ng paper works dito sa kumpanya. Hindi mo na kailangang magdala ng trabaho Anak. Pumapayag naman ako" natatawa niyang dagdag.
Lumapit siya sakin at ginawaran ako ng isang magaang yakap na nagpataba sa puso ko.
Isang genuine smile ang ibinigay niya sakin nang iharap ako at agad na ginulo ang buhok ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ko.
"Hindi ko alam kung paanong magpapasalamat kay Carina dahil napalaki ka niya ng maayos, Anak" ngiti niya. Hindi ko rin napigilan ang pag usbong ng tuwa at ang pangingilid ng luha.
Napansin niya yon kaya naman bago pa man ito tumulo ay pinunasan niya na iyon.
"Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko, bilang kabayaran na rin sa kakulangan ng Mommy mo.."
"Ni minsan hindi kayo nagkulang Dad" sambit ko na ikinatigil niya at seryoso akong binalingan ng tingin. Bahagya pa siyang yumuko upang magtama ang paningin namin na ikinatawa ko pa. "Panahon ang nagkulang sakin, ako ang nagkulang sa inyo Dad. Lalong lalo na kay Mommy" natatawa ngunit naiiyak kong tugon.
Ganon naman talaga di ba?
Sa kaso ko ay ako ang nagkulang. Nagkulang ako dahil sa pagpapabaya ko. Kung nung umpisa pa lang ay humanap na ako ng paraan upang hanapin sila.. kaso naging busy ako sa pamilya ng iba.
Tama lang bang isisi ko kay Ate ang lahat gayong maging ako ay may kasalanan rin?
Tama ba ang desisyon kong ilayo ang anak nila?
O hayaan ko na lang ang sarili kong malugmok sa kalungkutan habang nagpapakasaya at kumpleto sila?
Minsan ay hindi masamang maging makasarili. Lalo na kung ngayon mo na lamang mararanasan ang magkaroon ng kakampi sa buhay.
God knows how much I love Coby.
Siya ang naging kasangkapan upang muli kong maranasan ang ganda ng buhay.
Siya ang tumabi sakin nung mga panahong nag iisa ako.. nagluluksa sa pagkawala ng mga taong naging sandalan ko.
Siya lang.
Pero sa tuwing maiisip ko si Archer na nasa malayo at wala sa tabi ni Thalia, naaalala ko ang sarili ko.
Kung paano akong umiyak at naghanap ng taong hindi ko maalala.
Mapunta sa mga taong hindi kagustuhan ang presensya mo.
Ipagsiksikan ang sarili mo sa mga taong hindi tanggap ang pagkatao mo.
Tao rin ako na naghahanap ng pamilya.
Tao rin ako na naghahanap ng kakampi.
Tao rin ako na gustong makaranas ng simpleng pagmamahal.
Tao rin ako na may karapatang mamili.
"Where are you going?" Tanong ni Jameson kasabay ng pag alis ng sunglasses na suot nito.
Siya ang nagpresintang maghatid sakin sa airport dahil masyadong hectic ang schedule ni Coby gayong sunod sunod rin ang meeting na kailangan nitong daluhan.
Masyado nang matanda sila Senyora upang i-handle ang business nila kaya naman si Coby lang ang inaasahan ng mga ito.
Nakahilig siya sa kotse at halos mapabalikwas sa pagkakatayo nang balingan ko ito ng matalim na titig.
"Para bang parati kang bago sa mga lakad ko noh?" Reklamo ko bago pumasok sa passenger seat. Rinig ko ang halakhak nito sa labas dahilan upang mapailing ako.
"I'm just kidding" ani niya nang makapasok at imaniobra niya ang kotse. "Seriously.. sa Cagayan De Oro ka talaga pupunta?"
"Yeah" singhap ko bago bumaling sa bintana.
"Anong gagawin mo roon?"
"Bakasyon."
"With?"
"With myself?" Patanong at sarkastiko kong sagot dahilan upang marinig ko ang munti nitong hagikgik. "I'm planning to leave my freaking work at bakit ba panay ang tanong mo?" Reklamo ko pa.
Ngisi ang isinagot nito dahilan upang lihim pa akong mapairap. "Dahil sasama ako sayo.."
"Ano?" Pasinghal kong sagot na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Anong gagawin mo ron? May duties ka rito--"
"Duties ko ang bantayan ka Elise. At saka hindi naman kawalan ang isang linggo kong leave sa trabaho basta makasama lang kita.."
"Mga rason mo" singhal ko.
Panay ang kuda niya na tinatanguan ko na lang. Hindi naging boring ang biyahe namin hanggang sa airport. Sa eroplano ay walang tigil ang kakaduda niya dahilan upang manatiling dilat ang mga mata ko.
"And then I meet him.." patungkol niya kay Emerton. Ito lang yung kwento niya na pumukaw sa interes ko. "Sobrang swerte ni Thalia kung sakaling magkatuluyan sila. Halata naman kay Emerton na gustong gusto niya ang kaibigan ko" pagkibit niya ng balikat.
"Why don't you try Ate Thalia?" Suhestiyon ko na sininghalan niya.
"Why? Are you selling me?"
"Hoy hindi kita binebenta. Suhestiyon yon. Tanga" angil ko dahilan upang umarko at humaba ang nguso nito.
"Isn't it obvious? I like you Elise. Kung pwede lang kitang nakawin sa pinsan ko. Baka ginawa ko na" pagdadrama nito na inilingan ko.
"Hindi mangyayari yon--"
"Dahil hindi mo ako binibigyan ng pagkakataon" ngiti niya na hindi ko na sinagot.
Kahit na hindi ko makilala si Coby.. malabo ang gusto mong mangyari, Jameson.
Gaya ng inaasahan ay tinotoo nito ang pagsama sakin sa CDO. Panay ang kuha niya ng litrato dahil ito nga naman ang kauna unahan niyang pag apak sa probinsya.
Dumaan rin kami sa isang sikat na mall upang mamili ng pang isang linggo niyang gamit at sinamantala na rin namin ang pagkakataong iyon upang kumain.
Isang suite ang kinuha namin sa hotel na pagmamay ari ng kaibigan ko.
"Pasensya na sa abala Lannie" ani ko nang daluhan ako nito sa lobby.
Isang halik sa cheeks ang ibinigay niya sakin bago inilahad ang sofa na inupuan namin kanina ni Jameson upang hintayin siya. "It's okay Aubrey. Hindi ka naman bago sakin" matamis ang ngiti nito bago nakipagkamay kay Jameson. "This is Justine. Boyfriend ko" pakilala niya sa lalaking kasama nito. Simpleng ngitian at tango ang iginawad ko hanggang sa tanungin na ni Lannie ang presensya ni Jameson. "Siya na ba yung sinasabi mong.. knight in shining armour mo?" Ngiti nito.
"Yes ako nga" halakhak ni Jameson dahilan upang umismid ako at siniko siya sa tagiliran.
"He's my friend" irap ko na nginiwian nilang tatlo.
Naging abala sa pag uusap sila Jameson at Justine habang kami naman ni Lannie ay nagkaroon ng sariling mundo.
"Anong pakay mo rito Elise?" Bulong ni Lannie sabay sulyap sa dalawang lalaking iniwan namin sa mesa. Sinadya ko siyang hilahin palayo sa dalawa upang magkaroon kami ng seryosong usapan. "Don't tell me.."
"Si Archer ang ipinunta ko rito" irap ko na tinawanan niya.
Lannie Kim Garcia is my childhood friend. Nagkakilala kami sa Europe nung napapadalas ang punta ng pamilya namin doon upang makipagkilala sa naglalakihang investor ng bansang iyon.
Ang Yoichi ang pinakasikat na clothing brand sa buong Pilipinas. Pero tila ba naging pulbos ang clothing brand nito nang mawalan ng gana ang mga kapatid ni Lannie na pamunuan ang sarili nilang kumpanya.
Ang pamilyang ito lang ang may kakayahang tumanggi sa napakalaking responsibilidad. Depensa nila'y ayaw nila sa responsibilidad na inaatang sa kanila.
Gusto nila ng simpleng buhay. Napakawalang kwentang rason.
"Bakit kasi hindi mo na lang ibalik sa kapatid mo?" Natatawa niyang asik dahilan upang mapalingon ako kay Jameson na ngayon ay nakikipagtawanan pa rin kay Justine.
"Hinaan mo ang boses mo Lannie" bulong ko.
Si Lannie ang naging daan upang mailayo ko si Archer. Siya rin ang nagpresintang ipaalaga kay Kristina si Archer dahil siya ang nagsuhestiyon sa malaking kasalanang ito.
"Kinakain ka na ba ng konsensya mo?" Taas kilay niyang tanong kasabay ng paghalukipkip.
"Ikaw ang nagsuhestiyon nito. Demonyo ka talaga" reklamo ko dahilan upang mapahalakhak ito.