CHAPTER 70

1093 Words
I can feel the sudden burn inside my stomach na tila ba sinusunog ang lamang loob ko dahil sa excitement na makaharap sya. White veil covers her face as she start to walk down the aisle with her biological father. Smile starts to form on my lips. The butterfly inside my stomach starts to fly. "The most awaited wedding of all time, Apo" nakangiting ani ni Lolo sa gilid ko na lalong nagpakabog sa dibdib ko. "Congratulations" dagdag nya pa bago ako tinapik sa balikat. After Lolo, Jameson also tapped my shoulder dahilan upang nakangiti akong lumingon sa kanya. "She's the girl I want and admired the most.." panimula nya na nginisihan ko lang. Binigyan nya ako ng isang tingin na tiyak kong babaunin ko sa buong buhay ko. "Kapag pumatak ang luha nya nang dahil sayo.. I will lead you to death" banta nya na halatang bitter. "Hindi mo na kailangang sabihin yan Jameson. Hindi ko siya hahayaang masaktan nang dahil sakin" sagot ko na ikinanguso nya na lang. "Shana ol" ani nya na tinawanan ko. Wedding hymn ang pumuno sa simbahan. Rinig ko ang kabi kabilang ungol ng mga bisita na tila ba attracted sa mapapangasawa ko. Nagsimula silang maglakad ng Daddy nya patungo sa kung nasaan ako-- which is nasa harap ng aisle. Tears began to fall down to her cheeks. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya upang punasan iyon pero naunahan nya na ako. She smiled while staring at me. "Ingatan mo ang Anak ko" ani ni Tito na nakangiti kong tinanguan bago nya inilahad sakin ang kamay ng kaisa isa nyang Anak. Nanginginig at malamig ang palad nya na tila ba ninenerbiyos sa mangyayaring kasalan kaya naman bahagya pa akong natawa. Isang matalim na titig ang ibinigay nya sakin kaya naman huminto ako sa pagtawa. The ceremony went on and on.. "Cheers to the love we can't have" natatawang biro ni Jameson habang may hawak na wine glass at bread knife. Pinatunog nya yon dahilan upang magtaasan rin kami ng wine glass. "The most awaited wedding is finally done" dagdag nya pa. "Cheers !" Ani nya bago ko narinig ang kalansingan ng mga baso namin. Dahan dahan akong lumingon sa dream girl ko, ganon rin siya. "Bitter ang Ex mo" pang aasar ko dahilan upang ngumiwi ito. "He's not my Ex" singhal nya na ikinatawa ko. "I know Aubrey" ani ko bago hinawakan ang batok nya at siniil siya ng halik na ginantihan nya rin naman. *** "Anong ginagawa natin dito Mama?" Tanong ko kay Mama dahilan upang namumugto ang mata nitong lumuhod sa harapan ko. Patuloy sa pag ampyas ang tubig ulan sa katawan namin. Ang tanging bubong lang ng gusaling hindi ganon kalakihan ang nagiging proteksyon namin sa ulang bumabagsak. "Magpapakabait ka Coby" aniya bago hinaplos ang ulo ko pababa sa pisngi hanggang sa tumigil iyon sa leeg ko. "Iiwanan nyo po ako?" Tanong ko na unti unting nyang inilingan. "Babalikan kita Anak. Pangako" aniya. "Saan ka ba pupunta Mama?" "Hindi kita kayang buhayin sa ngayon Anak. Pero nangangako akong babawiin kita. Pangako yan Coby" nagsimula na ring tumulo ang luha nya sa pisngi na halos humahalo na lamang sa basa nyang mukha. Magulo ang buhok nya at naroon ang mga bangas sa mukha. Niyakap nya ako ng mahigpit. Pinilit kong magtanong sa kanya ngunit hindi nya na ako sinagot. "Diyos ko po!" Isang sigaw ang gumising sa diwa ko. Dahan dahan akong umalis sa pagkakahiga sa hagdan bago kinusot ang mga mata upang maging maliwanag ang paningin ko. Marami nang bata ang nakatingin sakin. May ilang nakangiti at meron rin namang mga nagtatanong ang reaksyon. Tila ba palaisipan ang presensya ko rito sa harapan nila. Dahan dahan kong niyakap ang bag na inabot sakin ni Mama kagabi. Basa pa ito di tulad ng suot ko na ngayon ay natuyo na rin. "Anong ginagawa mo dito?" Isang ginang ang lumapit sakin at iginiya ako papasok. Gaya ng inaasahan ay nagsunuran rin ang mga batang katulad ko. "Iho. Sino ang nag iwan sayo sa labas?" Nangungunsumi nyang ani sabay haplos sa pisngi ko. "Ang Mama ko po" Nagdaan ang mga araw at linggo na hindi na muling nagpakita sakin si Mama. Ni bakas nya ay hindi siya nag iwan. I wonder if nakahanap na ba siya ng matutuluyan o bagong pamilya pa yan. "Coby. May bago tayong kasama" ani ni Remon dahilan upang mapatayo ako sa kama at nagtatakbo palabas sa kwarto ng mga kapwa ko ulilang bata. "Wala nang mag aasikaso sa kanya dahil nawala sa aksidente ang mga magulang nya" paliwanag nung lalaking nakaupo at kausap ni Sister Esme sa sala. Sa tabi ng lalaki ay yung batang babae na kaedad ko lamang. Maputi ang kutis nito. Sumasayaw rin sa hangin ang buhaghag at kulot nitong buhok. Nakatulala ito at animong wala sa sarili. Sa tabi ng kinauupuan nya ay naroon ang isang treasure box at iilan nyang damit na nakasilid sa isang bag. Marami pang ipinaliwanag ang lalaki kay Sister Esme na hindi ko na nasundan dahil napako na sa batang babae ang atensyon ko. Nakasuot ito ng puting bistida at mukhang takot sa tao. "Coby. Tawagin mo na sila at kakain na tayo ng hapunan" utos ni Ate Joy sakin na tinanguan ko. Gaya ng utos nya ay nagtungo ako sa silid ng mga batang babae at marahang kumatok. "Kakain na" tawag ko sa kanila. Kumaripas sa takbo palabas ang mga batang babae. Naiwan naman ang bago sa kama nito. "Ading kakain na" tawag ko pa pero tinaasan lang ako nito ng kilay. I can't help but to smile. Ang cute nya. Hindi siya kumilos kaya naman pumasok na ako at nagtungo sa pwesto nya. "Kakain na tayo" yaya ko muli. "Wala po akong gana" maliit ang boses nito ngunit rinig na rinig ko pa rin naman. "Kailangan mong kumain Bata. Baka pumayat ka" pang uuto ko pa. "Hindi po Bata ang pangalan ko" nakanguso nyang angil na ikinatawa ko. "Ano ang pangalan mo kung ganon?" "Thalia" aniya. Bahagya akong napangiti dahil sa sinabi nya at agad na naglahad ng kamay. "Ako nga pala si Coby" pakilala ko. Inabot pa ng ilang segundo nyang tinitigan ang kamay kong nasa ere bago nya ito tinanggap. Thalia. Thalia. Thalia. Simula nang makilala ko si Thalia, hindi ako nakaramdam ng pag iisa. Palagi siyang nandyan para sakin. Kapag nilalagnat ako ay siya ang nag aalaga. Kapag nasusugat siya ay ako ang gumagamot. Kapag nahihirapan ako ay nandyan siya para tulungan ako. Kapag naman umiiyak siya ay ako ang nariyan para sa kanya. Friend? Bestfriend? Partner in Crime?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD