CHAPTER 71

1200 Words
Yan lamang ang mga salitang mailalarawan ko kapag binanggit ang pangalang Thalia. I love her. I treat her like my real sister. She's my friend, partner in crime and my lifetime bestfriend. "Oh? Mag isa ka?" Tanong ko sa kanya nang makita ko itong tulala at nakatitig sa mga halaman sa bakuran. Dahan dahan akong lumuhod at ginaya ang ginagawa nya. Paulit ulit nyang sinisinghot ang mga petals ng bulaklak although wala itong amoy para sakin. "After 14 years.. ganito pa rin kaya tayo?" Tanong nya dahilan upang balingan ko siya ng tingin. Namumula ang mukha nya kaya naman agad rin siyang nag iwas ng tingin sakin. "I mean.. magkasama pa rin kaya tayo kapag nagkataon?" "Oo naman" nakangiti kong sagot bago muling itinuon ang atensyon sa bulaklak na nasa harapan namin. "Bakit mo naman naisip yan? Natatakot ka no?" Natutuwa kong dagdag na inirapan nya. "Narinig ko kasi si Sister Esme. May gustong mag adopt ng bata dito sa ampunan" ani nya na tinaasan ko lamang ng kilay. Nagpatuloy sya sa pagsasalita habang ako naman ay mataman lang siyang tinitigan. "At ako ang napili nila" dagdag nya. Ibig sabihin.. "Ibig sabihin.. aalis ka rin?" Malungkot kong tanong na tinanguan nya. "Maiiwan nanaman akong mag isa sa ampunan na ito--" "Wag ka ngang magsalita ng ganyan Coby. Nandyan pa si Remon. Si Cass. Si Emerton nandyan rin.." "Pero hindi nila mapapantayan ang tulad mo Thalia. Ikaw lang ang tinuring kong kapatid sa bahay na to" ani ko. Kita ko ang pamumula ng pisngi nya kaya naman nag iwas ako ng tingin. Namamasa na rin ang mga mata ko kaya naman pinilit ko nang tumayo at naglakad pabalik sa ampunan. At dumating na nga ang araw na pinaka hihintay naming lahat. Ang pagbabalik nung mag asawang mag aampon kay Thalia. "She's so gorgeous" puri nung babae sa kanya. Wala naman akong nagawa kundi humilig sa gilid ng sofa at panoorin siyang makipagplastikan sa mag asawa. "Aalis na po kami" paalam ni Thalia kila Sister Esme kasabay ng pagyayakap. Sinadya kong magpahuli para makipag chitchat pa kay Thalia. "Wag mo akong kakalimutan" nakasimangot kong ani na ginantihan nya ng isang pilit na ngiti bago inilahad ang hinliit na ginagawa namin sa twing nangangako kami sa isa't isa. "Cross my heart, deep inside, hindi kita kakalimutan" matamis ang ngiti nya na ginantihan ko rin ng isang tipid na ngiti. "Cross my heart, deep inside, ikaw lang" ganti ko bago ipinulupot ang mga daliri namin tanda na nangangako kami sa isat isa. Lumipas ang ilang araw at hindi nga nagtagal ay may dalawang matandang nagtungo sa ampunan upang mag ampon ng bata. "I like you" ani ng matandang babae sabay turo sakin. Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagduro sa sarili ko. Natatawa naman siyang tumango sa reaksyon ko. "Bakit ako?" Gulat kong tanong na tinawanan nilang lahat. "Aayusin lamang po namin ang mga dokumento, Gov at ipa-process na namin ang legal adoptation ni Coby" sambit ni Sister Esme habang matamis na nakikipagpalitan ng ngiti sa mag asawa. "Welcome sa Yullenco, Totoy" ani nung Governador na nagpanguso sakin. Natatawa naman nyang ginulo ang buhok ko na animong tuwang tuwa sa reaksyon ko. "Welcome home Steven Yullenco" dagdag pa nya na nagpangiwi sakin. "Oh? Hindi mo nagustuhan ang pangalan mo?" Tanong nung ginang na tiyak kong asawa ni Gov. "Coby po ang ibinigay na pangalan sa akin ng magulang ko. Coby ako nung isinilang, Coby rin ang pangalang gusto kong makita sa lapida kapag binawian na ako ng buhay" "I like you" napapapalakpak na ani nung matandang babae na tuwang tuwa sakin kanina pa. "May paninindigan ka. I like you" saad nya pa kasabay ng malakas na pagtawa. "Nako Lola. Hindi po kita type" simangot ko dahilan upang umalulong sa kakatawa ang Gobernador. And that's how my life started as a Yullenco. Coby Yullenco to be exact. As I grow up. Palagi kong binibisita sila Sister Esme. Sinasadya kong tumakas sa school upang makapunta lang rito. Hindi naman napapansin nila Lolo ang pagkawala ko dahil medyo busy sila sa business na pinapatakbo nila. "Taray Coby ah? Na buang ka na oy?" Tatawa tawang pang aasar ni Cass na tinatawanan ko na lang. "Sakto ang dating mo. May mga panibagong dating dito" "Meron?" Kunot noo kong tanong na tinatawanan nya pa. "Hilig mong mag second demotion ah?" "Demotion raw" natatawa kong pang aasar na inirapan nya. Panay ang tsismis nya tungkol kay Remon na ngayon ay nalululong sa pagdo-droga-- "Drugs nya na ang pagbabasa ng libro" dagdag nya na tinawanan ko na lang. As I step my foot sa pamilyar na carpet naroon na rin ang mga mata ng mga batang bago lamang sa paningin ko. "Sino siya Ate Cass?" Tanong ng batang lalaki. "Ah. Siya ang donor mo ng bituka--" isang dagok ang iginawad ko kay Cass dahilan upang matigil sya sa pananakot. "Hindi ka na nagbago Cassandra" angil ko pero nagpatuloy lamang sya sa pananakot sa batang kausap nya. "Nasan si Sister Esme?" Tanong ko kay Remon na ngayon ay kaharap ang libro. "Nandon sa opisina nya-- kausap yung bago" ani nito bago bumaling sa totoy na katabi nya. "Niccolo. Pakitawag naman si Sister Esme" utos nya na tinanguan nung bata at nagmamadaling nagtungo sa opisina nito. Di pa man nagtagal ay lumabas na si Sister Esme kasama ang isang bata. Isang mahigpit na yakap at batian ang iginawad ko sa kanya bago itinuon ang atensyon sa bubwit na kasama nya. "Sino siya?" Interesado kong tanong. That time, nakilala ko si Maria na nasa katauhan na ngayon ni Aubrey Grace Sarmiento-- ang babaeng unang nakapagpatibok ng puso ko. "Ano?" Natatawang tanong ni Emerton habang naroon kami sa living room ng ampunan. Gaya ng nakagawian ay tumakas nanaman ako sa Lolo at Lola ko. "Pedophile ka na pala ngayon pre?" Tanong nya dahilan upang sikuhin ko siya. "Tumigil ka nga. Baka may makarinig sayo" "Totoo naman ah" angil nya na tinawanan ko. "Attracted ka sa babaeng kalahati ng edad mo. Anong tawag mo ron?" "Masama ba?" Nakokonsensya kong tanong na tinawanan nya. "Hindi naman. Ang weird nga lang" komento nya. Walong taong gulang pa lang si Aubrey non at apat na taon na siyang namamalagi sa puder ng mga Sarmiento. Habang ako naman ay kinse anyos at kasalukuyang nasa second level pa lang ng sekondarya. Nakakatawa lang isipin na ang isang second year high school student ay nahulog sa isang grade 4 na elementarya. Child abuse ika nga ni Emerton. "Paano si Thalia?" Tanong nya na nagpalingon sakin sa kanya. "Anong meron kay Thalia?" Inosente kong tanong. "Dude. She's with you from the very start pa lang. Nangako pa nga kayo sa isat isa na magpapakasal--" "Dude. Bata pa kami that time. And I guess, nakalimutan nya na ako" bakas ang pait sa boses ko na ikinatawa nya. "Sino naman ang maniniwala sa mga pangakong ganon. Pambata lang ang mga ganon" angil ko pa na inilingan nya. "Psh. Kung nandito nga lang si Thalia baka niligawan ko na yon" he confessed that't why I punch him sa balikat nya. "Aray haaa" Nagbiruan pa kami that time about kay Thalia. But the main reason why I always smile is because of Aubrey nothing more.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD