13: His Outburst

1581 Words
"NAKAKAGULAT ang balitang nag-asawa ka na, Knight." Saglit na tinapunan muna ni Knight ng tingin ang kadarating lang niyang pinsan s***h business partner na si Arkin, bago niya pinagpatuloy ang pag-aanalisa sa mga alahas na bagong dating na nasa kaniyang harapan. "Mas nakakagulat na narito ka na, Ark. Saan ko utang ang biglaan na paglitaw mo ngayon?" pabalewala niyang tugon dito. Pagak na natawa 'to. "Grabe ka talaga sa sungit, hindi ka pa rin ba nag-lie low? Pero ang sabi naman nila ay ang pag-ibig naman daw ay nakakapagpabago ng mood ah," buska pa nito sa kaniya. Palibhasa ay kilalang womanizer 'to kaya gano'n na lang kung makapagbiro tungkol sa pag-ibig. Kaya rin gano'n na lang sa inaakala nito nakakatuwa ang gasgas na nitong joke. Mabilisan niyang sinaulado sa utak niya ang mga disenyo ng mga alahas bago niya 'yon binalik sa kahon ng mga 'yon at pindutin ang button na magdidirekta sa mesa ng sekretarya niya. Alam na ng huli ang gagawin sa mga alahas na 'yon bago nila ilabas 'yon sa market. Alam din nito kung ano ang ginawa niya sa mga 'yon kahit kung tutuusin ay wala pa namang dalawapung minuto nang ito rin mismo ang magpasok sa office niya ng mga alahas na 'yon. "Kulang pala ang bungad ko 'no, nabalitaan ko rin kasi na hindi naman pala si Gayle ang napangasawa mo." Nakangising sambit ni Arkin, naupo 'to sa dulong bahagi ng office table niya, nilaro ang sariling phone pagkuwan. "Kumusta ang bakasyon na walang paalam?" walang ngiti na ganting buska niya rito. As usual, mas lumapad ang pagkakangisi nito sa sinabi niya. "Masaya naman, nakapag-chill ako." "Well, good news 'yan." "Good news talaga, good mood nga rin ako ngayon e, actually, I'm thinking of ikaw naman ang pagbakasyunin, huwag ka na rin magpaalam sa 'kin you know." Kibit ang mga balikat nitong saad, animo napakalaking balita ang huling sinambit sa sobrang excitement na kaakibat ng tono nito. Puro kalokohan talaga. "So, sasabihin mo ba sa 'kin kung sino ang napangasawa mo o uuwi ka na? Puwede rin naman, nandito naman na 'ko, Knight, kailangan na ikaw naman ang mag-chill, hindi puwedeng ako lang, saka para naman makabuo ka na. Sigurado akong excited na rin si Tita Con sa magiging apo niya sa 'yo." "Kadarating ko lang, Arkin." "Oh." "Oo, nakakagulat na ang aga mo ngayon. Talagang 'pag inabot ka ng kahihiyan, maaga kang bumabalik at bumabalik ka na napakadaldal," ganting pambubuska niya rito, na s'yempre pa ay mas nginisian lang nito. "Grabe ka naman talaga sa 'kin!" Knight leaned on his couch, pagkaupo niya. Saka matiim niyang tinititigan ang pinsan. Gusto niyang matawa sa biglaang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Mula sa maaliwalas ay nauwi 'yon sa pagtataka. "What...?" tanong nito, hindi na nakatiis. "Nothing, naalala ko lang 'yong singsing na para sana kay Gayle." Oo, naalala niya nga na kay Arkin niya 'yon pinabili. "What about it?" "Nagkaproblema kasi ako ro'n..." Nakakaloko 'tong tumawa na naman. "I know, right? Alam kong tinanggihan ka ni Gayle. Nakarating sa 'kin ang balita." Pinukol niya 'to ng masamang tingin. Natural naman na makarating ang balita rito kahit pa nga ba nasaan 'to. Dahil sa social media ay madaling nagkaroon ng access ang mga tao sa buhay ng iba kahit pa ba ang mga taong involved ay hindi maglabas ng update patungkol sa mga sarili. "Sabi ko naman sa 'yo, wala pa sa itsura ni Gayle talaga ang mag-settle down, man." "Hindi 'yan ang ibig kong sabihin--" "Wala talaga sa hilatsa no'n ni Gayle na lalagay siya sa tahimik, saka ang mga babaeng gano'n talaga ay hindi basta mag-aasawa--" naudlot ang sinasabi nito dahil pinukol niya 'to ng fountain pen--sapul 'to sa bumbunan. "Ouch!" "Patapusin mo 'ko sa sinasabi ko, napakadaldal mo talaga!" Nakaingos niyang turan dito. "Ano ba kasing problema mo sa singsing? s**t, huwag mong sabihin na ipapasauli mo 'yon sa 'kin?! Hindi puwede uy!" Kakasabi lang niya na patapusin siya muna pero hayun at pinangungunahan naman siya nito. He rolled his eyeballs. "Ipapatanong ko sa 'yo kung ano ang mayroon sa singsing at hindi 'yon maalis sa daliri kahit anong gawin." Namilog ang mga mata nito. "So, totoo pala..." Kilay niya ang sumagot dito sa pagkakataong 'yon. "Totoo pala na ang napangasawa mo ay ang customer mo raw na hindi naalis ang singsing sa daliri..." Tumango siya. "Yep, at nagkataon pa na ang singsing na 'yon mismo ang tinanggihan ni Gayle." "Ow, shit." KANINA pa pasilip-silip si Alondra sa peephole ng pintuan ngunit talaga yatang walang tao sa katapat ng unit na 'yon. Obviously ay wala pa rin si Gayle sa bahay nito kahit dapat naman ay nakauwi na 'to ng alas singko ng hapon. Minsan nga ay alas kuwatro lang daw nakakauwi na 'to, ayon sa mga napagtanungan niya tungkol dito. Hay, makapaglakad-lakad nga muna siya sa paikot ng condo at makipag-tsismisan saglit sa mga tao sa paligid. Tutal naman ay wala ro'n si Gayle, meaning, wala siyang maaaring gawin na trabaho para kay Knight ngayon. Gustuhin man niyang manghinayang sa araw na hindi niya magagawa ang susunod na step niya para mapagselos si Gayle, hindi rin naman niya maapuhap sa kaibuturan niya ang panghihinayang na 'yon dahil sa mommy ni Knight. Nakakatuwa lang na nagawa niyang mapaamo ang ginang. Kaya malakas ang fighting spirit niya na pasasaan ba at ang kabalyero naman ang mapapaamo niya— teka, bakit naman niya 'to paaamuhin? Saan galing ang hiling niyang 'yon? "Gising, Alondra, inaantok ka pa yata!" Nailing na lang niya ang sariling ulo at kaagad na pinalis ang mga pinag-iiisip niya. Saka niya napagpasyahan na pumanaog na. Malay niya naman kung nando'n pala si Gayle sa ibaba at hindi nga ba't magiliw 'to sa mga tao ro'n. Wala namang mawawala kung magba-bakasakali siya. Gaya nang walang masama kung enjoy-in niya muna ang pananatili sa condo na 'yon. Tama, maraming amenities ang condo. Noong nakaraan niya pa nga binabalak na magbabad sa pool— oo, tama! 'Yon na nga ang destinasyon niya sa pagpanaog. Hindi siya marunong lumangoy pero ano naman, wala namang nagbabawal na bawal tumalon-talon sa pool ang hindi kayang lumangoy. Magbababad lang siya sandali. Maano ba naman ang isang oras, nakapagluto na naman siya ng hapunan ng kabalyero. ISINAMA pauwi ni Knight si Arkin dahil nagpumilit 'to na makilala si Alondra at masipat ng personal ang singsing na akala mo naman ay may nalalaman 'tong paraan upang maalis 'yon sa daliri ng huli. Parang diskumpyado pa 'to sa balita niya na hindi 'yon maalis sa daliri nga ni Alondra kaya heto, bahala na 'tong humusga mamaya. "Grabe pa rin talaga ang tao nitong KG Residences," puna ni Arkin nang makapasok na sila sa loob ng binanggit nga nitong KG Residences, kung saan siya nakatira gayon din si Gayle. KG, stands for Knight and Gayle. "Hindi naman nagbabago ang progress nito. Isa talaga 'to sa masasabi kong very good investment na pinasukan ko ng pera," kaswal niyang tugon sa pinsan. He scoffed. "Pera 'niyo' ni Gayle, 'hirap sa 'yo e, sinosolo mo." "Plano ko. Hindi ko pa nga lang alam kung paano sasabihin kay Gayle," pag-amin naman niya. "Tsk, hassle 'yan, man." Hindi na lang siya nagsalita. Kung magsasalita kasi siya ay sasabihin lang naman niya na ang hassle sa kaniya ay ang makausap ang ex girlfriend niya at hindi ang pakikipag-usap dito na hayaan sa kaniya ang negosyong 'yon. Besides, bilib naman siya sa power niya pagdating sa pangungumbinsi. Hindi siya makikilala sa larangan ng negosyo kung hindi. "Pero bakit parang nagkakagulo yata ang mga tao ngayon dito?" Nagtatakang sambit ni Arkin. Napakunot-noo siya. Oo nga, kapuna-puna ang pagbuhos ng mga tao, ang pagbubulungan ng mga 'yon, partikular ng mga lalaki na ngayon lang din niya nakita halos. Malaki ang condo para makilala niya ang lahat ng nakatira ro'n, of course. Ang ilan ay pamilyar lang sa kaniya sa mukha. "Teka, parang may pinagkakaguluhan sila sa pool area, man!" "Kung meron man, hindi na tayo dapat makisali," patiuna niyang sabi sa pinsan niya. Mulagat siyang tinignan nito. "Sira ulo ka ba? Narito na rin lang tayo, silipin na natin." Hindi pa man tapos na magsalita 'to ay kinakayag na siya sa balikat niya. Sabagay ay ano ba naman na pagbigyan niya 'to. Isa pa ay ngayon nga lang nangyari ang gano'n do'n, baka may bagong nakatira ro'n na babae, na siyang rason ng pagkakagulo ng mga kabaro nila. Nauna na sa paglalakad papunta sa pool area si Arkin, siya naman ay tamad na tamad na sumunod dito. Mas gusto niya pa kasi na umakyat na at salubungin siya ng luto ni... "A—Alondra...?" "Huh? Siya 'yan?" gulat na baling sa kaniya ni Arkin. "Oo, siya 'yan!" Si Alondra nga ang nakikita niyang pinagpipiyestahan ng mga lalaki sa pool area— ang katawan nito ang siyang partikular na pinagkakaguluhan ng mga naroon ngayon! At ang mahusay niyang fake wife, balewala lang na binabalandra ang sariling katawan sa madla! Ang akala yata ay commercial model 'to na pangiti-ngiti pa sa mga naroon habang umaahon 'to sa pool! "Huy, sa'n ka pupunta, Knight?" Hindi niya pinansin ang pinsan. Clenching his fist, inilang hakbang lang niya ang paglapit kay Alondra. "Alondra." "Knight—" naawat ang iba pang sasabihin ni Alondra nang biglaan na lang niya 'tong hilahin sa pulsuhan nito pagkatapos niyang ibalabal dito ang tuwalya na nadaanan niya sa isa sa mga bench na naroon. Tuwalya nila 'yon, kilala niya ang gamit niya, puwes, itapis nito 'yon sa halos h***d nitong katawan. Damn!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD