12: Mother Knows Best

1387 Words
MAY pagmamadali sa mga hakbang ni Knight nang pumasok na siya elevator na maghahatid sa kaniya sa kaniyang unit. Nakatanggap kasi siya ng text mula kay Alondra kanina na naroon sa bahay niya ang mommy niya kasama si Selina. Malamang, nakarating na sa mommy niya ang balita na nag-asawa siya sa Las Vegas kaya naroon 'to ngayon. Kung bakit kasi hindi siya agad nakatakas sa trabaho kanina kahit ilang beses niyang tinangka. Ang ending ay heto, alas otso na ng gabi pa rin siya nakauwi. Mahirap pakibagayan ang ugali ng mommy niya kaya inaagapan niya 'to na makasama ni Alondra nang matagal. Kaya lang ay hindi rin naman nangyari ang nais niyang pagmamadali. Pasado alas tres ng hapon ng matanggap niya ang text mula sa babaeng maligalig, alas singko na ng hapon niya 'yon nabasa nang mag- coffee break siya. Hindi rin kasi niya hinahawakan ang phone niya sa oras ng trabaho. Hindi niya pa nakakalimutan ang araw na kung ano-ano ang pinagawa ng mommy niya kay Gayle. Burger patty sana ang inabutan nitong niluluto ng huli no'n pero pina-espesyal pa ng mommy niya. Masyado namang maldita rin ang ex girlfriend niya, kahit ginawa nito ang gusto ng mommy niya, sobrang reklamo naman ang narinig niya mula rito. Sa kaniya nagreklamo, na s'yempre ay hindi naman nito magagawa sa mommy niya. His mom, Contessa Winters is very known in the business industry for being a condescending. Halos lahat na lang ng mga galaw sa paligid nito ay nais nitong kontrolin din. At sa sandaling pagkakakilala niya kay Alondra, alam niyang kung ito ang pakikialaman ng nanay niya ay baka magkagulo ang dalawa. Besides, hindi naman niya tunay na girlfriend 'to para pagpasensyahan nito ang mommy niya. Well, not that iniisip niya nga na hindi kayang magpasensya ni Alondra, but the fact na walang mawawala rito kung hindi nito pagpasensyahan ang mommy niya, aaminin niyang natuturete na siyang isipin. Nang makasampa na siya sa elevator ay hindi niya maiwasan na maalala ang eksena nila ni Alondra no'ng nakaraan do'n. Hindi niya na yata makakalimutan ang itsura nito na pikit na pikit ang mga mata at tila ayaw dumilat nang ilapit niya ang mukha niya rito pero mababanaag naman na ina- anticipate rin nito ang halik na inakala nitong igagawad niya no'n dito. Natigilan pa 'to nang tawagin niya sa pet name na 'Ally'. Wala lang, nahahabaan lang siya sa Alondra kaya naisipan niyang tawagin 'to ng gano'n. Dahil sa naging reaksyon nito ro'n, gusto na nga niyang tawagin 'to ng gano'n palagi para lagi 'tong natitigilan at para palagi naman 'tong cute. Knight, kahit cute siya ay nakakainis pa rin siya, baka lang makalimutan mo, paalala sa kaniya ng sarili niyang utak. Tsk, ang pagsuka nito sa eroplano ay hindi rin nakakatuwa talaga. Naka-ilang ulit niya 'tong tinanong kung first time nito 'yon sa eroplano pero wala siyang matinong sagot na nakuha mula rito tapos ay susuka pala! Kung sana ay matino 'tong kausap, naagapan sana nila ang pagsuka nito. 'Yon na nga mismo ang sinasabi niya— walang katinuan si Alondra! The moment na tumunog na ang elevator, indikasyon na nakarating na siya sa destinasyon na floor, hinubad na niya ang coat niya, sa pagmamadali niya kasi na makauwi ay hindi na niya napuna na hindi niya pala 'yon nahubad. Sinabay na rin niya ang neck tie niya na nakasuot pa rin sa leeg niya habang straight lang ang tingin niya at malalaki ang hakbang niyang tinatahak ang sarili niyang unit. "Knight." Nagulat pa siya nang hawakan siya sa braso ng kung sino. Si Gayle. "G—Gayle... ahm, nagmamadali kasi ako, may sasabihin ka ba?" at least, nakapagsalita siya. "Knight, ah, wala— wala naman. Nakita kong dumating kasi ang mommy mo, and... yeah, 'yon lang, sasabihin ko lang naman sa 'yo 'yon," pautal nitong tugon sa kaniya. Tinanguan lang niya 'to. Saka hinayon niya ng tingin ang palad nitong nananatiling nakahawak sa kaniya. "S—Sorry," tila napahiya at nakakaunawa naman na binitiwan siya nito. "Sige," simpleng paalam niya rito. Tumalikod na siya. Dama niyang nakasunod ang mga tingin nito sa likod niya. "GANITO po?" nanantyang tanong ni Alondra sa mommy ni Knight na kanina pa naroon at kasama niya pero hindi niya pa rin alam ang pangalan. "Oo, sige, lamasin mo ang tokwa sa itlog, huwag kang matakot," ani nito, masungit pa rin naman ang boses. Nilapitan siya nito sa may kusina nang maulinigan na nagluluto siya. Gaya ng ibang ina, nakialam 'to, oo. Wala naman siyang problema ro'n. Sabi nga niya, tanggap niyang normal sa mga inang katulad nito ang ginagawa na pangingialam. "Sige po," magalang na sagot niya naman. Sinunod niya ang mga sinasabi nito at instructions kahit lihis pa 'yon sa napanood siya sa tutorial online. Kahit ang sungit-sungit nito habang tinurturuan siya. Sa katunayan, humagikgik pa nga siya sa tuwing namamali siya sa ginagawa. Iniirapan lang naman siya nito. "O, 'yan, ano 'yan?" "Ah, mango graham sana, Mamsh, panghimagas," sagot niya. Tinawag na niya 'tong 'mamsh' talaga, nang hindi naman 'to nagreklamo ay natuwa naman siya. "Dami mong pagkain na gagawin pala, dadalawa lang kayo rito. 'Pag 'yan at nasayang..." "Imposible po na masayang 'to, Mamsh, malakas kumain ang anak niyo." Umingos 'to. "Walang lalaki na mahina kumain, Alondra, tandaan mo 'yan." Napangiti siya. "Gusto ko po sanang tandaan kaya lang ay iisa lang naman ang asawa ko, Mamsh, wala naman na 'kong pakialam sa ibang lalaki." Natigil sa pagpaypay ang b'yenan niya. Napatda 'to saglit sa kaniya, suguro dahil sa sinabi niya, na ewan niya nga rin kung saan galing. Nanulas na lang 'yon bigla sa bibig niya e. "Ay, siya, madali mo na, gawin na ang gawin at baka pauwi na si Kabalyero." Napangiti siya sa itinawag nito sa anak. 'Yon ang nakasanayan na niyang itawag kay Knight sa isipan niya. Hindi niya akalain na sa rami ng tao na tatawag din dito niyon bukod sa kaniya ay ang mommy pa nito. Basta may init lang sa puso niya na malaman. Kahit hindi niya pa malaman ang sagot sa bakit kaya, masarap lang sa pakiramdam. Pero alam niyang malaking parte kasi na ang puso niya ay naghahanap naman talaga ng mga magulang. "GUSTO ko po sanang tandaan kaya lang ay iisa lang naman ang asawa ko, Mamsh, wala naman na 'kong pakialam sa ibang lalaki." Ang mga hakbang ni Knight ay natigil sa narinig niya mula kay Alondra. Ewan ba naman niya, basta bigla na lang tila may kung anong humaplos na mainit sa puso niya sa narinig mula rito. Pagkapasok niya sa sariling bahay ay nagsuot kaagad siya ng apron pagkatapos niyang maghugas ng mga palad niya sa banyo. Hindi siya napupuna ng mommy niya at ni Alondra kahit pa ba sa dining area rin naman ng bahay ang banyo na pinasukan niya at sa fridge naman na nasa tagiliran lang ng dalawa nakasabit ang mga aprons na kinuha niya at sinuot sa sarili. Ang mabilisan na kilos niya upang makaentra niya sa mommy niya at kay Alondra sa kusina ay naudlot nang dahil sa narinig niyang tugon ni Alondra sa mommy niya. He frozed for a while, wala pa naman kasing babae na nakapagsabi sa kaniya niyon. To think na hindi naman normal ang mayroon na kasalan sa kanila nito. Bakit ang genuine ng mga sinabi nito sa pandinig niya? Saka, bakit kasundo yata 'to ng mommy niya? In fact, Alondra giggled while his mom instructed her, sa masungit pa na paraan! Kung naibang babae 'yon hindi ba at dapat ay mainis 'to? Sino ba ang gugustuhin na mapakialaman? Even him, ayaw na ayaw niya at nasisira lang ang diskarte niya. Pero si Alondra... "M—Mom," bati niya sa kaniyang ina na bigla na lang sumulpot sa harap niya at winasiwas sa mukha niya ang tangan nitong pamaypay. "Napuna na kita kaya nilapitan kita," mahina nitong sabi sa kaniya. Sabay nilang sinulyapan si Alondra na nakangiting nag-aasikaso pa rin ng mga lutuin at tila hindi sila napapansin. "Ganyan ang tamang pagluluto, Kabalyero, like love, 'yong nakangiti ka na para kang tanga dahil nga in love ka at ang ipinagluluto mo kasi ay ang taong mahal mo." "M—Mom—" "Mother knows best, believe me, sa kilos mula pa kanina ni Alondra ay alam ko nang magiging mabuting may bahay siya sa 'yo." Er...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD