19: Baby

1568 Words
HINDI maiwasan ni Knight na malawak na mapangiti sa pinadala sa kaniyang litrato ng mommy niya. Sa litrato kasi ay magkasama 'to at si Alondra, parehong nakangiti ang mga 'to at magkayakap na animo ang mga 'to ang mag-ina. Kuha 'yon sa 'date' ng dalawa kahapon. Hindi niya pa nache-check kung magkano ang nakaltas ng mga 'to sa savings niya, pero mahalaga pa ba na malaman niya pa 'yon? Gayong ang saya ng mga 'to sa mga litrato, halatang nag-enjoy ang dalawa sa ni-request ni Alondra sa kaniya na ilabas nito ang mommy niya. Para raw may makasama naman 'tong ibang tao at may mapuntahan na iba bukod sa bahay nito at may magawang iba bukod sa gawaing pagpa-plantita, pagluluto at pagmamando. Base sa mga litratong tinutunghayan niya ngayon ay masasabi niyang ang pangungulit ng misis niya sa kaniya ay worth it. Ah, saan ba galing ang pakiramdam na parang ang saya lang sa pakiramdam na banggitin ang salitang 'misis' lalo at ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Alondra... Muli siyang napangiti nang ang kakapasok lang na mensahe mula kay Arkin ang tinignan naman niya. Litrato rin 'yon. Mabuti naman at kahit naglaho na naman ang pinsan niyang 'to ay ginagawa pa rin nito ang trabaho na pinag-uutos niya. Well, gagawin naman talaga nito kung ayaw nitong masibak niya. Na s'yempre ay biro niya lang naman parati rito. Sanay na siya sa maloko niyang pinsan. Besides, aside sa negosyo nila na minana nila pareho sa magkapatid nilang mga ama na pareho nang sumakabilang buhay, may sarili rin naman 'tong construction firm. Kaya na babaero 'to, engineer na, negosyante pa. Maraming pang-chicks. Biro niya nga na huwag lang sanang dumating ang araw na magkasakit 'to. Sinasagot naman siya na na-practice na raw nito ang safe s'x. Which is very good. Ang uunahin naman ng isang tao na active ang s'x life ay ang sarili nito. Isa rin 'yon sa form ng pangangalaga at pagmamahal sa sarili. Speaking of pangangalaga at pagmamahal, gano'n ang ginagawa niya sa misis niya lately. Recently kasi ay masama ang gising nito sa umaga. Kung hindi nilalagnat ay masungit naman. Hindi naman siya nagrereklamo, kaya nga heto, maaga na naman siyang gumising para igawa 'to ng agahan bago siya pumasok sa trabaho. "Hmp! Ang baho naman niyan, Knight!" nalingunan niyang lukot ang mukha at nakaipit ang dalawang daliri ni Alondra sa ilong niya. "Ano ba 'yan? Nagising ako sa amoy!" pagpapatuloy na reklamo nito. "Hey, good morning." Nakangiti niyang bati rito. Kakabanggit lang niya na masungit nga 'to lately at mukhang kasama ang araw na 'to sa sungit days nito. "Sinangag lang naman 'to at eggs. Sayang kasi ang tira nating kanina kagabi, hindi ka pala kumain last night?" "Wala akong gana. Hindi masarap ang ulam kagabi." Lukot pa rin ang mukha na tugon nito sa kaniya. "Hindi ko rin kakainin ngayon 'yan. Ikaw na lang ang kumain, hindi ko gusto ang amoy." "Ha? Sayang naman..." nagulat man siya sa reaksyon nito ay hindi na niya tinuloy ang sasabihin sana niyang maaga siyang gumising para makapagluto nang malaman niyang hindi 'to kumaim kagabi. Kagabi kasi ay dinatnan niyang himbing na 'to na natutulog. Siya na nga lang ang kumain sa inorder niyang foods para sa kanilang dalawa sana. Lately rin kasi ay hindi nakakapagluto 'to at laging tulog. Hindi naman din niya gusto na obligahin 'to sa pagluluto mula't simula. Hindi nila napag-usapan ang mga bagay na 'yon, wala pa sila talagang pinal na napag-uusapan nito. Gustuhin man niya ay hayun nga, nagsusungit ang 'misis' niya kaya hinahayaan niya na muna. May nabasa siya sa isang article online na may mga panahon na gano'n talaga ang mga babae, baka gano'n ang nararanasan nito kaya 'to gano'n. "Knight, ano ba 'yan?! Ang baho naman!" untag sa kaniya ng 'misis' niya. Nalingunan niya 'to ba lukot ang mukha at nakaipit ang dalawang daliri ssa ilong. "'Morning, 'aga mo naman yatang nagising." Nakangiti niyang bati, sinulyapan lang niya 'to dahil nagsimula na siyang magsalang sa kawali ng bawang at baka masunog. "Papaano ba naman na hindi ako magigising, amoy n amoy ko 'yang niluluto mo. Nagising ako sa baho niyan," reklamo pa nito. Pagak siyang natawa. "Ha? E, bawang lang naman 'to," simpleng turan niya. Dati naman ay gustong-gusto nito ang amoy ng bawang. "Hmp! Ang baho! Masyadong matapang ang amoy. Ano ba kasi 'yan?" "Sinangag. Hindi mo pala kasi nakain ang sinaing mong kanin kagabi. Sayang naman kaya isasangag ko." Kaya nga rin maaga siyang gumising ngayon ay para mapagluto nga 'to dahil pag-uwi niya kagabi'y napuna niyang nagsaing 'to pero hindi naman kumain. Pambawi niya rin sana at late na siyang nakauwi kagabi. Iniisip niyang kung sana ay napaaga siya ng uwi, napagsaluhan sana nila ang inorder niyang ulam para sa dinner nila. Tinawagan kasi siya nito kahapon na wala raw sa mood magluto ng ulam kaya umorder na lang siya na 'yon nga, hindi rin naman kinain nito. "Kumusta na ba ang pakiramdam mo?" "Hindi ako okay. Naamoy ko pa 'yang niluluto mo kaya mas hindi ako okay ngayon." Lukot pa rin ang mukha na saad nito. HIndi na niya nagawang tugunin 'to dahil nagmamadali n 'tong tumuloy sa bayo at do'n ay dumuwal. Oo, dumuwal. In-off na muna niya ang stove at sinadya na niya 'to sa loob ng banyo. Inabutan niya 'tong hirap na hirap na sumusuka dahil wala namang laman ang sikmura nito kaya wala ring maisuka kundi madilaw na likido. Dinunggol ang dibdib niya ng kaba. Pero 'yon na yata ang kaba na weird for him dahil may umuusbong na excitement sa kaba niyang 'yon. "In-off ko na ang stove," imporma niya rito. Hinawi niya ang buhok nito para mas hindi 'yon mabasa ng likidong isinusuka nito. "I'm sorry, naduwal ka yata sa anoy ng bawang." Dahl sa patuloy na pagpupumilit nito na maska ay hindi 'to makatugon sa kaniya. "Did you check your period lately?" Naramdaman niyang nanigas 'to sa tanong niya. Humarap 'to sa kaniya kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na punasan ng mga palad niya ang butil ng pawis nito. "C—Check my p—period?" "Yes, I mean, Baby, mukhang pregnant ka." TWO red lines. Kahit na 99.9 percent sure na sila ni Knight sa magiging result ng test niya ay hindi pa rin talaga mapaniwalaan ni Alondra ang katotohanan na buntis nga siya. Hindi pa rin mapuknat sa balintataw niya ang dalawang pulang linyang 'yon. Napakasaya niya. Hindi niya akalain na gano'n na lang kasaya ang magiging reaksyon niya sa nakumpirma. Kaya pala ang sungit niya sa kabalyero, kaya pala ayaw niya 'tong makatabi at naiinis siyang makita at maamoy ang matapang na pabango nito. Sa mga inasta niya rito nitong mga nakaraan ay naisip niyang kailangan niyang bumawi sa kaniyang 'mister' kaya pagkagaling niya sa clinic kung saan siya nagpa-test ay dumiretso siya sa paborito nitong pizza house— ayaw kasi ni Knight na siya lang mag-isa ang mag-check sa sarili niya through pregnancy test strip para raw makasiguro sila na walang kakaiba sa nararamdaman niya. Sobrang dami niyang pagkukulang dito nitong mga nakaraan, alam niyang kulang pa ang pizza na naisip niyang ipasalubong dito pero alam din niyang sobrang worth it niyon kung bitbit niya ang magandang balita na magkaka-baby na sila. Sa hinaba rin naman ng pagsasama nila, kabisado na niya ang kabalyero at ang pagkain na hindi nito kayang tanggihan ay ang pizza— pizza and beer, na siyang pinaiwasan niya rito, hindi naman healthy kasi kung parati na lang nitong inilalagay 'yon sa katawan nito. Sinunod naman siya ng asawa niya kaya alam niyang ngayon na pasasalubungan niya 'to ng favorite nitong combination na kinakain at iniinom ay matutuwa 'to. Excited na rin nga siya kaya nang bumukas ang elevator ay may pagmamadali na niyang tinungo ang pintuan ng unit nila. Alam niyang naroon na 'to dahil nag-text 'to kanina sa kaniya na nakauwi na 'to at nasaan na nga raw siya, nag-reply lang siya na may bibilhin lang sandali. Sinaglit din kasi niya ang kaibigan niyang si Poks kanina kaya medyo nagtagal din siya, may problema kasi ang huli na mas seryoso ngayon kaya kinailangan nila na magkita. Wala pang pinal na pag-uusap na namagitan sa kanila ni Knight kaya hindi pa niya maipakilala ang kaibigan niyang si Poks dito pero inilagay na niya sa isip niya na babanggitin na niya 'yon dito dahil kailangan ng matalik niyang kaibigan ng tulong na alam niyang ang kabalyero ang mas may kakayahan na makapag-provide. Hmn, nakabukas? pagtataka at kunot noo niyang tanong sa sarili bigla, nang gagamitan niya sana ng duplicate key ang pinto ng unit para ma-surprise niya si Knight ay nakabukas na 'yon nang pihitin niya. Never na maiiwan nito ang pintuan nang nakabukas. Sobrang OC nito pagdating sa security. Kaya bakit naka-open ngayon ang pinto nila? Hindi niya alam kung saan galing ang kaba na tumambol sa dibdib niya, gustuhin man niyang magmadali sa pagpasok sa loob ay napatigil na siya nang may maulinigan siyang parang tunog na nagmumula sa dalawang tao... Dalawang tao na... maingay na naghahalikan! Knight! Gayle! ➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖ Hello! Isang chapter na lang at magtatapos na ang story nina Knight at Alondra, thank youuuu po sa nagbasa, naghintay ng update nito rito sa Dreame. Please wait for the stories of Poks, Arkin and Ailah. Thanks again! ~LM ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD