10: Ally

1507 Words
"T-teka, saan ba tayo pupunta huy? Ba't naman natin iniwan si Gayle sa bahay?" nagtatakang tanong ni Alondra kay Knight habang hayun na naman at hila na naman siya nito sa pulsuhan niya't tangay siya sa kung saan na naman nang hindi man lang sinasabi sa kaniya kung saan. "Umayos ka at huwag ka na lang magreklamo. Besides, ikaw naman ang may gusto nito," masungit nitong tugon. "Ano?! Hoy! Bakit ako ha?! E, ikaw 'tong nagdala sa 'kin sa sitwasyon na 'to!" "Excuse me, binigyan kita ng option pero pumirma ka pa rin sa agreement natin. Agreement na ito na, gagawin na natin dahil hindi ka na makapaghintay, pakakasalan na kita," anito, na hindi niya maiwasan na maisip na sa lahat ng nagdedeklara ng kasal, ito talaga ang kakaiba sa lahat! "A-Ano?" So, seryoso pala 'to sa sinabi kanina na magla- Las Vegas sila ngayon na, ora mismo? "Huwag kang pumiglas na parang akala mo naman ay mayroon akong hindi magandang gagawin sa 'yo, puwede ba," sambit pa nito sa pabulong at mariin na paraan. HIndi makapaniwalang napanganga siya sa sinabi ng kabalyero. Magpo-protesta sana siya ngunit hindi na 'yon natuloy nang magsalita ulit 'to. "Kilala ko si Gayle. Hindi 'yon basta maniniwala sa sinabi ko unless gagawin ko ngayon 'yon, Isa pa, what's wrong with this? Ito naman ang nasa agreement natin. Sa Las Vegas din naman ang plano kong kunwariang kasal natin at do'n lang mabilis tayong maikakasal na mabilis din tayong makakaayaw 'pag ginusto natin." Mas napaamang na lang siya at napanganga. HIndi niya mapaniwalaan na may mga taong katulad nito na basta na lang gagawing laro ang pagpunta sa ibang bansa na animo ay babyahe lang'to mula QC papunta sa Manila. At mas lalo na ang gawing biro ang kasal! Ang inaasahan pa naman niyang kunwaring kasal ay kunwari lang talaga na kung haharap man sila sa magkakasal sa kanila ay mga litrato lang ang magsasabi na kasal sila at walang involved na totoo kahit pa ba sabihin nang sa Las Vegas pa 'yon maganap. Okay, siguro nga ay puwede na niyang aminin ngayon sa sarili niya na medyo napahiya siya. Hindi man niya direktang gusto na lokohin kasi si Knight, parang gano'n na rin lumalabas 'yon at pumayag siya sa agreement nila na ang nasa utak niya ay hindi naman gano'n kadali na mag-prepare ng kasal. Na sabi pa nga niya sa sarili ay gagawin niya ang lahat upang mapagselos na si Gayle nang maaga para balikan na nito si Knight bago pa matuloy ang kunwariang kasal nila na napagkasunduan nila ng huli. S'yempre pa ay si Gayle naman ang nais nitong pakasalan talaga, bakit pa ba mag-aaksaya 'to ng panahon sa kaniya kung naroon na 'to at nagbalik na sa piling nito? "Again, kasalanan mo naman 'to. Hindi ka dapat nagde-decide nang hindi ko alam." "Ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Kanina ka pa ah!" napipikon na niyang sabi, eksaktong nasa harap na sila nito ng elevator at hinihintay na nilang bumukas 'yon. Matalim siyang sinulyapan nito. Hindi na siya nagawang sagutin nito dahil bumukas na ang elevator, Hinila na siya nito papasok doon. Sa gulat niya, imbes na pababa ay paakyat ang button na pinindot nito. At mas nagulat pa siya nang masulyapan niya si Gayle, nakalabas na 'to sa bahay ni Knight at kasalukuyang nasa tapat na ng pinto ng sariling unit nito ngunit nananatiling nakasulyap pa sa kanila at hindi pa pumapasok. Kahit hindi niya lingunin ang katabi ay alam niyang nakatingin din 'to kay Gayle. "Pinakamabilis na ang eroplano papunta sa Vegas," untag ni Knight sa pagkakatulala niya kay Gayle hanggang sa sumara ang pinto ng elevatoor at naglaho na ang huli sa paningin nila, "Nakasakay ka na ba sa eroplano?" tanong pa sa kaniya ng kabalyero. Awtomatiko naman ang pamimilog ng mga mata niya nang maunawaan niya ang sinabi nito. "E-ropla...no..." "Yep, airplane. Giant bird, 'yon ang sasakyan natin pa- Vegas, unless gusto mong maglakad papunta sa Las Vegas." Inirapan niya 'to. "Haha, daddy jokes," buska niya. Inirapan niya 'to at hinila niya ang pulsuhan niyang nananatiling hawak nito. Bahala na nga, Las Vegas kung Las Vegas, eroplano kung eroplano. Kahit first time niyang sasakay ro'n ay hindi naman niya aaminin 'yon sa kabalyero at siguradong pagtatawanan siya nito. "Baki bigla kang tumahimik yata?" puna nito sa kaniya. "W-Wala naman na 'kong sasabihin sa 'yo," pautal na sagot niya. Sa totoo lang, naisip niya kasi bigla ang implikasyon ng mga nagawa niya kaya natahimik siya. Oo nga naman, ngayon lang niya na-realize na normal nga na magalit kanina si Gayle at magpasaring dahil hindi pa nga naman halos 'to nahihiwalay kay Knight ay hayun na at sa ginawa niya ay iisipin nitong niloko 'to ng kabalyerong damuho. Na pinagsabay sila nito. Kaya normal din ganito na lang kainis sa kaniya si Knight ngayon-- agh! Bakit ba inaatake siya ng katangahan madalas? "Wala ka nang sasabihin o mas accurate na dapat kang humingi ng sorry sa 'kin?" Sorry? Ano siya, bale? Ito ngang nang-blackmail sa kaniya dahil sa singsing na 'yon na hanggang ngayon ay nasa daliri niya pa, hindi nito nagawang humingi ng tawad sa kaniya e! "Hah! Sorry?" sarkastikong wika niya. "Yes," kaswal na tugon nito. Kumilos 'to upang lapitan siya. Parang bigla na lang sumikip ang elevator sa pagkakalapit nito sa kaniya, hindi niya alam kung saan galing ang biglaang pakiramdam na 'yon. "At bakit ko naman gagawin 'yon, Knight Zachary Winters?" matapang niyang sambit, matapang niya rin na sinalubong ang naninindak nitong mga tingin habang lumalapit 'to sa kaniya. "Alondra Palma, alam mo bang naniniwala akong hindi ka tanga?" "HIndi naman talaga." "Of course, para pagkatiwalaan ka ng isang mayaman na Intsik sa pera na hindi nito ginawa sa ibang tauhan nito, kaya nga bitter ang Intsik na negosyante sa biglaan na pag-alis mo sa kaniya dahil malaki kang kawalan sa kaniya, mas lalo na sa negosyo niya." Namilog ng mga mata niyang muli sa implikasyon ng sinabi nito. "Wow lang ha, inalam mo pa talaga ang mga tungkol sa 'kin!" "But of course. Hindi mo naman siguro gugustuhin na magpatira ng kung sino sa bahay mo nang hindi mo alam ang pagkakakilanlan nito." Sabagay. Hindi siya dapat na masaktan sa realidad na 'yon. 'Yon ang tama at nararapat na gawin ng isang individual lalo na ang mga tulad ng kabalyerong 'to na basta na lang nagde-desisyon na animo lahat ng maisip yata na nais na mangyari ay dapat na mangyari nang naaayon sa nais nito. Na animo wala pa man ay nape-predict na nitong mangyayari dahil hindi rin naman kasi 'to papayag na hindi 'yon mangyari. "At? Sige lang, aliwin mo 'ko, Knight Winters habang wala na yatang planong tumigil ang elevator na 'to." Napakataas ng gusaling 'yon, putsa. Kaya yata pakiramdam niya ay ang bagal ng sinasakyan nilang elevator. Ngumisi si Knight. "Nasa isip lang naman ng tao na mabagal ang akyat niya 'pag mataas ang hagdan na tinatahak nila." Amen to that. "Tulad nang nasa isip mo lang din na hindi ka kailan man maipagpapalit ng boyfriend mo dahil lang sa binibigay mo ang lahat ng gusto niya." Nagkiskisan ang mga ngipin niya sa pagkainis. Lihim na naikuyom niya rin ang mga palad niya. "Correction— ex boyfriend." "Alright, ex boyfriend." "Tulad mo kay Gayle, ex girlfriend mo na siya, Knight." Ang lagay ay siya lang ba ang aasarin nito? Lintik lang ang walang ganti! Sa sinabi niya yata ay nainis ang kabalyero, tumiim kasi ang pagkakatitig nito sa kaniya.Titig na titig 'to sa eyeballs niya na tila may inaapuhap na kung ano ro'n. Tapos ay bumaba ang mga mata nito sa labi niya, 'sakto pa naman na nakagat niya ang sariling labi at dinilaan dahil tila parang kahit ang laway niya ay hindi na niya maramdaman kung intact pa ba sa sobrang pagkakalapit nila ng binatang kabalyero ang pangalan. Naramdaman na lang niyang napalunok na lang siya at napapikit nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya... "A-ano ang... gagawin mo...? Sisigaw ako," kulang sa kombiksyon na wika niya. "E, 'di sumigaw ka. Wala namang umaawat sa 'yo," paghamon naman ni Knight sa kaniya. Nararamdaman na niya ang mainit na hininga nito, sobrang lapit na talaga ng mukha nito sa kaniya, wala naman siyang nagawa kung hindi ang pumikit na lang sa mariin na paraan. Dama niya rin kasi na mas sumikip pa ang paligid kahit hindi naman sia claustrophobic, at dahil 'yon kay Knight, peste! "Si-sigaw talaga ako, may CCTV naman dito..." aniya pa, "Kahit ikaw ang may-ari nito... irereklamo kita, sa salang pangha-harass at panggagahasa—" malakas na singhap ang sumunod niyang pinakawalan! Unti-unting napadilat na rin siya... Paanong hindi? Hinipan lang naman siya ni Knight sa bandang leeg niya! Matapos siyang hipan nito ay dumapo naman ang mainit nitong palad sa nanlalamig niyang katawan! "Kanina pa naglalakbay sa damit mo 'tong baby spider, Ally," ani Knight, tukoy ang gagamba nga, na ngayon ay nakaipit na sa mga daliri nito! "Gagam...ba nga..." "Bakit? Ano ba ang akala mo?" "Ally..." "Huh?" "Ali...taptap— oo, akala ko alitaptap!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD