NASA bungad pa lang si Knight ng pinto, alam niya nang may bisita ang mahusay niyang housemate na si Alondra. Nauulinigan niya kasi ang bungisngisan banda sa may balkonahe. Mukhang babae ang bisita nito. Pero kahit pa, hindi naman nito bahay 'yon para mag-decide 'to na magpapasok ng kung sino na walang pahintulot mula sa kaniya na may-ari ng unit. Sana man lang ay sinabihan siya nito o tinext, nag-iwan naman siya ng contact number niya rito. Binilin niya na kung may darating na bisita ay mag-text 'to agad sa kaniya para alam nito ang gagawin halimbawa na pumunta ang service ng laundry o ang isa sa mga kaibigan niya't relatives na bigla na lang sumusulpot do'n sa tuwing maiisipan ng mga 'to.
Hayst, isa pa ay pagod na siya masyado ngayon. Sa isipin na pagod na siya at gusto na niyang matulog pero hayun ang mahusay na si Alondra, nag-iingay, naiinis na siya. Malit lang ang unit niya para hindi niya marinig ang ingay na malilikha ng mga 'to kasehodang nasa loob na siya ng kuwarto niya. At ang mas nakakainis pa ay tila hindi nito 'yon naiisip. Hindi ginagamit ang utak.
Tumikhim siya upang kunin ang atensyon ni Alondra at maipaalam niya ritong naroon na siya, nang madaanan niya na ang bukas ang balkonahe, bago siya dumiretso sa dining.
Usually, pagkagaling niya sa trabaho ay nagkakape na lang siya at hindi na kumakain. Kaya ang target niya sa dining pagkahubad niya ng sapatos niya ay kape, gaya ng nakasanayan niya. Pero nagulat siya sa bumungad sa kaniya na mabangong amoy ng ulam at sinaing nanagmumula sa kumuulo nang rice cooker, nang makapasok siya sa dining. Awtomatiko ang pagkalam ng sikmura niya. Wala sa loob na nilapitan niya rin ang rice cooker para sipatin. Rice cooker na tila display lang do'n magmula no'ng dalhin 'yon do'n ng mommy niya.
"Nariyan ka na pala," anang sino pa ba, si Alondra, "Uy, teka, huwag mong buksan 'yan, hayaan mo lang na mainin ang kanin, ano ka ba." awat nito sa kaniya, nakalapit na rin 'to sa kaniya.
"Mukhang nagluto ka."
"Oo, paborito mong menudo s'yempre."
Nice. Nakakakain lang siya no'n 'pag dumarating sa unit niya ang mommy niya--- but wait, wala naman siyang natatandaan na sinabi niya kay Alondra ang mga paborito niya. Lalo na ang pagkain. Hindi naman din niya kasi 'to inobliga na ipagluto siya.
"Paano---"
"May 'bisita' pala ako," putol ni Alondra sa dapat ay sasabihin niya. Sadyang diniinan ang salitang 'bisita' sa sinaad habang malawak na nakangiti sa kaniya at pasimple siyang pinandilatan ng mga mata, "kapitbahay mo, si Gayle. In-invite ko siya for dinner kasi ang alam ko, mamaya pa ang uwi mo. Akala ko mag-isa na naman akong kakain ng luto ko. Siya nga rin pala ang nagsabing favorite mo ang menudo, na-meet na raw niya kasi ang mommy mo at napagkuwentuhan nila noon ang mga paborito mo. Buti nga matalas ang memory ni Gayle, e, ikaw naman kasi, hindi mo naman binabanggit sa 'kin ang mga paborito mo, baby."
Baby? fvck! Seryoso ba 'tong si Alondra? And wait, what— si Gayle?!
"A--Ahm, hi..." as if on cue, Gayle interrupted them.
Hayun na nga 'to, nasa dining area na rin. At parang gusto niyang mahilo nang bigyan siya ng makahulugan na tingin ni Gayle. Yeah, and knowing her, alam niya na kaagad na hindi 'to nagseselos-- binabantaan siya nito sa tingin na 'yon! Binabantaan siya at tila sinasabi nitong dapat siyang magpaliwanag dito kung paanong nangyari na kaagad niya 'tong napalitan!
Damn it! Ang sarap manakal bigla! Ang sarap manakal ng babae na ngayo'y nakakapit pa sa braso niya at inakay na siya na maupo sa hapag.
"Let's eat na, baby, habang mainit pa ang rice," ani Alondra, ni hindi yata talaga 'to nag-iisip, sa laki niyang 'yon at sa laki ng mga properties niya, tatawagin siya nitong 'baby'?!
Tumikhim siya para sana magsalita pero nagbago na ang isip niya nang hainan sya ni Alondra. Again, masyadong mabango ang pagkain para tanggihan niya. Maingay na rin ang sikmura niya dahil aminin man niya o hindi, iba pa rin ang may nagluluto sa bahay kaysa sa mga nakakain niya sa labas. Iba pa rin ang aroma ng lutong bahay sa kaniya. Maigi pa nga na kumain na lang siya at pagbigyan si Alondra sa ngayon, kakausapin na lang niya 'to mamaya na hindi gano'n ang gusto niyang mangyari. Imbes na balikan siya ni Gayle ay magagalit 'ton sa kaniya pa lalo sa isipin na pinagsabay niya 'to at si Alondra!
"Kain na, kami ni Gayle ang nagtulong na magluto 'yan."
Kunwa'y ngumiti siya at iniumang sa dalawang babaeng kaharap ang pagkain na nasa kutsara na niya. Nagngitian ang dalawang babae na hanggang ngayon ay palaisipan sa kaniya kung paanong nagkakilala. Wala pang isang linggo si Alondra sa bahay niya, for pete's sake!
"Wow! Alam niyo, ang sweet niyo, ganyan din kami ng hinayupak kong ex na sana ay mapaso sa kinakain niya ngayon o kaya ay mangilo." Saktong maisubo niya ang kutsara ay nagsalita si Gayle. At tila dahil sa sinabi nga nitong 'yon ay napaso nga siya!
Damn!
"O, okay ka lang ba?" to the rescue naman si Alondra na nasa tabi niya.
"Okay lang 'yan, malayo sa bituka 'yan, panigurado," sambit pa ni Gayle. Humagikgik naman si Alondra, na ewan niya kung ano ba ang nakakatawa sa pagkakapaso niya.
Ininuman na lang niya 'yon ng tubig. Sa paglagok niya ng tubig ay tinignan niya pailalim si Gayle, na nakatitig din naman sa kaniya at mataliim na inirapan siya bago nagbaba ng tingin at tinuon na ang sarili sa pagkain na nasa harap nito.
"Gayle, okay lang ba na itanong ko sa 'yo kung paano kayo nagkahiwalay ng ex mo?" Alondra asked in the middle of his eating with gusto.
Bad timing. Dapat niya talagang turuan ang babae ng bad at good timing bukod sa proper table manners and all, because obviously, hindi nito alam ang mga 'yon. Ngayon nga lang ay nag-focus 'to sa agreement nila pero basta naman sumige nang hindi nag-iisip. Gaya ng tanong nito ngayon, halatang hindi na naman pinag-isipan bago nito sambitin.
"Ah, kami? Ahm, as I've said earlier, hinayupak nga 'yon. Inalok ako ng kasal, even if he knew naman na tatanggi ako dahil hindi pa 'ko ready. Vocal naman ako sa pagsasabi sa kaniya na marami pa 'kong dapat na mapatunayan sa dad ko na tumakwil sa 'kin, na hindi lang ako hanggang sa kung ano ako ngayon. Marami pa 'kong mararating at hindi ang matrimonya ng kasal ang magpapahinto sa mga pangarap ko para sa sarili ko," tugon ni Gayle. And while she saying those words, manaka-naka s'tong sumusulyap sa mukha niya at sa singsing ni Alondra.
"Ay, ang deep naman pala," komento ni Alondra.
"Sino? 'Yong ex ko? Naku, akala ko nga rin. Na-guilty pa nga 'ko no'ng tanggihan ko, sabi ko pa sa sarili ko, tama ba ang naging desisyon ko? Kaya lang ay ilang araw lang, nalaman ko na may girlfriend na pala siya, to think na kaka-split lang namin—-oh, come to think of it, ni hindi nga namin pa napag-usapan ang split namin, imagine?"
Nakiita niyang lihim na napangiwi si Alondra sa tinuran ni Gayle, saka inilipat ang sulyap sa kaniya.
Dama niya ang bigat ng paghinga niya. He also felt his heart beat so fast, sa inis? Maybe. Kung mas kanino sa dalawang babae na kaharap niya ngayon, hindi niya pa sigurado. "May I ask you something?"
Natigil ang pagkukunwari ni Gayle na busy na sa pagkain sa tanong niya. Lumunok muna 'to at uminom ng tubig. Kung direkta niya 'tong tinititigan ngayon kahit ang sa pagkakaalam nito ay girlfriend niya si Alondra, wala na siyang pakialam. She hitted his patience button, at alam niyang alam at sinadya nito 'yon, damn her.
"About...?" maangan pang sagot nitong patanong.
"About you, of course." Titig na titig sila nito sa isa't-isa at alam niya rin na walang may balak na magbaba niyon sa kanila. Fine, hindi talaga si Gayle ang klase ng babae na masisindak sa isang tingin.
"A-Ah, bumili nga rin pala 'kong donuts, kunin ko lang para may panghimagas tayo—" naudlot ang pag-alis ni Alondra sa hapag, dahil inawat niya 'to. Hinawakan niya 'to sa pulsuhan.
Kung inaakala nito na makakatakas 'to sa kaniya ngayon, hah! Ni hindi pa nga sila nagsisimulang dalawa na magtuos!
"What about me?"
"I mean, gusto ko sanang hingin lang ang opinyon mo bilang babae ka rin naman, well, look at this diamond ring," sadyang iniangat niya sa ere ang palad ni Alondra na ano pa nga ba, mayroong diamond ring na siya mismong tinanggihan ng babaeng nasa harap nila ng huli ngayon.
Ang kaninang maaliwalas na mukha ni Gayle ay nagkulay papel bigla. Malinaw niyang nasaksihan ang pagpapalit ng ekspresyon ng mukha nito. At kung tatanungin siya kung masaya ba siya na malaman na may epekto pa rin pala siya rito—no.
Dahil damn it, hindi sna sila ganito ngayon kung tinanggap lang nito ang singsing na inalok niya. Hindi sana 'to nasasaktan ngayon sa wala naman talagang k'wentang rason na kung alam lang sana nito ay isang mlaking kalokohan lang niya.
"A--ahm, baby, ano... ka ba, nakakahiya kay... Gayle..."
"No, okay lang," Gayle said, "actually, ang ganda ng ring na 'yan, na dapat lang naman at nasisiguro kong pricey 'yan, plus, it's totally suited on you, Alondra."
"Okay, thanks," kaagad niyang tugon kay Gayle, "'Yon lang naman ang gusto kong marinig mula sa 'yo. Your opinion means a lot to us, yeah, ngayong gabi rin kasi ay magpapakasal na kami ni Alondra sa Vegas."
He heard Alondra gasped. "A-Ano...?! A—ah, I mean, agad-agad? As in, now na?!"