DAHIL babae rin siya, alam ni Alondra ang magiging reaksyon ni Gayle sa nalaman. At katulad nga ng inaasahan niya, nagkulay papel nga ang mukha nito nang sabihin niya sa mga security guards ng condo kung saang unit siya ro'n banda nakatira.
To added more sa sakit, napatuon pa si Gayle sa singsing na nasa daliri niya nang hindi sinasadya.
Nagulat din siya ro'n, hindi niya nga naalala na ang singsing sa totoo lang. Ang pokus niya ay nasa trabahong mapagselos si Gayle, 'yon lang.
Nagkatitigan tuloy sila nito nang mag-angat na 'to ng tingin mula sa pagkakatuon sa daliri niya. Nginitian na lang niya 'to, gayon din ang ginanti naman sa kaniya.
"N—Nice ring," komento pa nito.
"O—Oo nga e. 'Ganda 'no?" pagsakay na lamang niya.
"Yes, halatang pricey."
"Sabi nga ng boyfriend ko."
Bahala na, masaktan na 'to kung masasaktan, gaya nga ng sinabi niya kanina, trabaho lang.
Ngayon din niya mas naunawaan na okay rin pala ang ipinagawa sa kaniya ni Knight na pagpapabili ng mga mamahaling damit at gamit dahil tama naman 'to, kung sakali nga naman na damit niya ang suot niya ngayon, hindi niya maiisip ang plano niyang 'to dahil malaki ang tsansa na aakalain talaga ni Gayle na katulong siya ni Knight.
Sa ayos ng buhok niyang bagong salon ngayon na rebonded with blue color na mababanaag lang 'pag nasisinagan ng araw at sa mga mamahalin na suot nga naman niya, madali nang mag-assume ang makakakita sa kaniya sa unit ni Knight na may relasyon sila ng binata. Madali na para sa kaniya na mapagselos si Gayle, na siyang ginagawa na nga niya ngayon.
"S-Sa room 2001 ka nakatira, Alondra? A-Are you... ahm, I mean, are you sure? Kasi kilala ko ang nakatira sa unit na 'yon," pautal-utal na paninigurong tanong ni Gayle sa kaniya.
"Uh-huh," maarte niyang tugon. Nang gawin niya ang plano niyang 'yon, ginaya niya na rin kung paanong magsalita ang mga mayayamang babae na naririnig niya para ganap na ganap siya ngayon talaga bilang kapalit ni Gayle sa abuhay ni Knight. "Actually, unit talaga 'yon ng boyfriend ko, Gayle."
Ngumiti si Gayle. Kundi ka ba naman siya bumilib talaga, nagagawa pa rin nitong ngumiti kahit na nagkulay papel na nga ang mukha nito kanina sa narinig mula sa kaniya.
"S-Si Zachary ba ang boyfriend mo...?" parang nanantantya pa nitong tanong sa kaniya ulit.
May nabasa rin siyq noon na ang isang tao raw na hirap maka-digest ng mga bagong info na nalaman mula sa iba ay normal na makaranas ng pagka-delay rin na i-proseso 'yon. At hindi na maling sabihin na 'yon na nga mismo ang nangyayari kay Gayle ngayon— alam naman na nito ang obvious, nakahain na rito, ngunit mas pipiliin pa rin nito na magtanong upang makasiguro muna bago maisalpak ang mga bagong impormayon sa utak dahil 'pag na-digest na nito 'yon ay sakit na nga naman ang kasunod.
Ang taktika ng pag-delay ng sakit na mararamdaman ay mabisa para ro'n. At mukhang alam din 'yon nito.
"Yup. Si Knight Zachary Winters nga. Kilala mo pala si baby?"
"B—Baby?!" bulalas ni Gayle na may kataasan na tono ng boses. Pero saglit lang ay naitakip kaagad nito ang palad sa sariling labi. "S—Sorry, nabigla lang ako," pagkuwan ay hinging paumanhin nito.
Pagak siyang natawa kahit sa totoo lang ay gusto niyang magdiwang at humalakhak ngayon. Bakit hindi? Sa nakikita niyang mga kinikilos ni Gayle ngayon, mukha namang mapapadali ang trabaho niya kay Knight.
Sisiw, 'ika nga.
Malinaw niyang nakikita ngayon kay Gayle na mahal pa nito si Knight. Siguro nga ay nabigla lamang 'to nang tanggihan nito ang alok na kasal ng nobyo. Na ex na ngayon.
Sa nakikita niya rin kasi ay mukhang hindi pa nagkakaroon ng closure "to at si Knight. Hindi rin naman nagsabi ang kabalyero, basta na lang inatas nito sa kaniya na pagselosin ang umayaw na girlfriend at ipa-realize nga raw niya rito na hindi nito dapat iniwan at tinanggihan si Knight. Oo, gano'n ka-arogante ang huli para isipin talaga nito na ang lahat ng babae ay nakukuha sa selos.
"Why? Nasagwaan ka ba sa tawagan namin?"
"H-Ha? Ah, naku— naku, hindi ah, ano ba naman ang masagwa sa baby. Sorry, nagulat lang talaga ako."
Maarte siyang tumawa. "Okay lang 'yan, kahit ako naman no'ng una ay kinilabutan sa baby na tawagan, kaya lang ay 'yon ang gusto ng baby ko e, may magagawa ba 'ko? Saka, cute naman sa tuwing siya ang nagbabanggit, feel na feel ko pa nga!" Sinamahan niya ang sinabi ng isang hagikgik.
Pilit na ngiti naman ang tinugon ni Gayle ro'n. "Anyway, buti naman at normal na pulikat lang ang naranasan mo pala. Natakot ako kanina, grabe kasi ang pagkakasalampak mo sa semento," paglihis nito sa usapan.
Galawan din 'yon ng mga babaeng nagseselos. Ililihis kunwari ang usapan para malihis din s'yempre ang nararamdaman na pain.
"Oo nga e, salamat sa tulong mo Gayle, ah."
"Wala 'yon, sino pa ba naman ang madadamayan, tayo-tayo rin naman na magkakapitbahay." May ngiti sa labi na anito sa kaniya.
"Thanks, ang bait mo. Well, ang mabuti pa, kung wala ka namang lakad pagkatapos natin dito ay anyayahan na kita muna sa unit namin," alok niya kay Gayle. Dahil alam niyang negosyante rin 'to at busy, inaasahan na niyang tatanggi 'to.
"Naku, I'm sorry ah, pero kasi kailangan na 'ko sa office ko. Sabado pa lang kasi ngayon, may half day pang work. Uhm, some other time, maybe?" Kahit sa pagtanggi ng imbitasyon ay magiliw pa rin 'to.
Napuna rin nga niya na mahinhin din 'to, pag-uugali sa kilos na wala sa kaniya at tanging sa mayayaman na tulad lang nito makikita.
Sabi na nga ba niya ay tatanggi 'to kaya tatalon siya sa Plan B niya... "Gano'n ba? Sayang naman."
Inakay siya ni Gayle papasok sa elevator, iniisip siguro ang pulikat niyang kunwa-kunwarian lang naman. "Oo, pasensya ka na talaga, Alondra."
Pinalungkot niya ang mukha niya. "Okay lang. Sayang lang kasi gusto ko sana na mas makausap ka pa, busy ka pala. Ako lang yata ang hindi busy na tao sa mundo e, parati lang akong nasa bahay. 'Yong boyfriend ko, busy rin sa negosyo niya."
"Negosyante rin kasi si knight— Ah, I mean, ayon sa mga naririnig kong balita rito, same field nga raw kami ng nakatira sa room mo. Anyway, hindi ko pa yata nabanggit sa ' yo na same floor tayo."
"Really?" kunwari ay gulat niyang bulalas, gano'n ang mga babaeng mayayaman kung magulat hindi ba?
"Yep." Nakangiting sagot pa ni Gayle sa kaniya.
"So, kilala mo pala si Knight? There's a possibility that you two have met before, kung gano'n naman pala na ka-floor mo pala siya." Umi- English na rin talaga siya ngayon at nakakagulat na tila 'yon natural naman sa kaniya. Baka dahil half tisay nga kasi siya.
"H-Ha...?"
"Sabi kasi ng boyfriend ko, matagal na raw siya sa unit niya e. Ikaw ba?"
"Ha— ah, medyo... may katagalan rin. A year or two?" Pagak na tumawa 'to. "Hindi ko na talaga maalala rin."
"Makakalimutin ka pala."
"Oo, e, medyo nga," kiming tugon nito.
Nang huminto ang sinakyan nilang elevator sa 20th floor at tumapat na sila sa unit ni Knight. Hindi nakaligtas sa kaniya ang muling pagsulyap nito sa singsing na nasa daliri niya bago siya tignan nito sa mga mata at muling magiliw na nginitian.
"Dito ako sa tapat ng unit niyo," turan ni Gayle.
"Oh. Okay naman pala e, ang lapit pala natin sa isa't-isa."
"Kaya nga, nakakatuwa naman."
"Gusto kita sanang makakuwentuhan pa kaya lang ay busy ka. So, pa'no, ayaw mo ba talaga? Ako lang naman ang tao rito ngayon kaya hindi mo kailangan na mahiya."
"Why?!" parang nagulat na patanong na bulalas ni Gayle, "I— I mean, bakit mag-isa ka lang? Sabado kasi ngayon... ang alam ko, 'pag Sabado ay nand'yan lang naman... ang taong nakatira sa unit na 'yan."
Gayle, kung mahal mo pa pala, bakit may pagtanggi ka pa? Ngali-ngali niyang sambitin sana rito.
Sa totoo lang gusto na ngang umikot ng mga eyeballs niya kay Gayle kanina pa. Kung gani'n kasi na sarili lang ang pinasasakitan, bakit? Ang saya kayang magmahal ng taong mahal ka rin.
Jusko, 'yong peke nga na katulad ng ex niyang Gerard, e, napasaya siya. 'Yon pa kaya lng kabalyero na mukha naman mahal 'to kahit medyo may topak 'yon.
"Ang sabi kasi niya ay papasok siya." Nakangiti rin na tugon niya rito. Charaught lang niya 'yon.
Malay ba naman niya na wala palang pasok si Knight 'pag Sabado.
"Ah. S—Sige, mauna na 'ko."
"Salamat ulit, Gayle. Ano ang oras ng uwi mo mamayang gabi?"
"Again, wala 'yon. Well, I think mga six or seven...?"
"Then dito ka na mag-dinner."
"Ha? Pe—Pero—"
"Gayle, huwag mo na 'kong tanggihan, please! Ako lang naman ang mag-isa rito. Saka, sige ka, 'pag tinanggihan mo 'ko at inindyan, magtatampo ako sa 'yo."