1. SEDUCING MY BILLIONAIRE BOSS FONTANILLA EMPIRE- Matthew Luis Fontanilla
CHAPTER 1
Naalimpungatan si Larrie ng tumunog
ang kanyang cellphone. Agad nya itong
sinagot ng di tinitignan kung sino ang
tumatawag.
" Hello. Sagot nya sabay hikab dahil 2am
na ng madaling araw.
" Larrie!!! This is me Jess. Nasan ka? I
need you. Puntahan mo naman ako
please. Gumagaralgal pa ang boses nito
na halatang umiiyak dahil sa hikbi nito.
" Jess!! What happened? Bat ka umiiyak?
" Puntahan mo ko dito sa condo ko
please!!! masakit ang puso ko ngayon
kailangan kita gurl. Sagot sa kabilang
linya habang umiiyak halatang nakainom
na rin ito dahil sa boses nito.
" Omg! okay mag bibihis lang ako.
Nakapag tataka pano naging broken
tong bestfriend ko eh wala naman akong
nakikilalang jowa nito. Pag tataka nya.
Jessica is her bestfriend since collage.
Eto lang ang naging kaibigan nya dahil
halos lahat doon ay mayayaman.
Si Jessica lang ang mayaman na naging
kaibigan nya. Go lang ito sa mga
kalokohan nila ng walang arte sa
katawan. Minsan nga para syang natitibo
dahil sa taglay nitong ganda. Mestisa at
balingkinitang katawan.
Kaya laking pag tataka nya kung bakit
nakukuha pa itong saktan at iwan ng
nga nagiging nobyo nito.
Habang nag dadrive papunta sa condo ni
Jessica sa Makati hindi mawala sa
isip nya ang lalaking nakita nya nung
napadaan sya sa Bar ni Marco kung san
sya uminom mag isa para mag palipas
ng sama ng loob sa mga magulang nya.
Mapipilantik na pilik mata, kulay brown
ito na parang nakaka hipnotismo pag
tinitigan ka nito. Matangkad at napaka
kisig nitong tignan sa office attire nya
ng mga sandaling yon. Hindi nya
maiwasan titigan ito habang lumalagok
ng alak. Mabuti na lamang at hindi ito
nakatingin sa gawi nya para itong may
malalim na iniisip ng mga sandaling yon.
Nang malarating sya sa condo ni Jess
agad syang nag doorbell at pinag buksan
naman sya nito.
" Larrie.. Nakanguso nitong tawag sa
pangalan nya.
Agad nya itong niyakap ni Larrie
at tinanong sa kung anong nangyari
dito.
" Sino bang lalaki yan ha at ng masapak
ko!! My God Jess, sa ganda mong yan
sila pa talaga ang nang iiwan sayo? Nga
pala kelan ka nag ka boyfriend aber?
wala akong nababalitaan na may
boyfriend ka.
" Ahmm.. Actually wala talaga akong
boyfriend hehe. Sagot nito sa tanong
nya.
Hays ano ba yan mukang napaparami
na ang nainom nito. Mabuti pa bukas
ko nalang sya tatanungin.
" Outch! Ang sakit ng ulo ko. Larrie wake
up.
" Jess. Good Morning! Ano kamusta
na pakiramdam mo? Marami kang
ikukwento sakin ngayon.
" Naaa! Okay gurl shower lang ako.
Grabe napaka rami ko atang nainom ang
sakit ng ulo ko.
Habang nasa bathroom si Jess nag
asikaso na syang mag luto ng breakfast
nila. Nag luto sya ng fried egg and
hotdogs. Nag luto din sya ng French
toast. Nag timpla ng coffee para
mahimasmasan ang kaibigan nya.
" Breakfast is ready na gurl. Kaen na
tayo! Sigaw nya habang nag lalagay ng
plato sa lamesa.
" Thank you Larrie. The best ka talagang
bestfriend.
" You're welcome Jess. Nga pala sinong
lalaki ang sinasabi mong nanakit sa puso
mo aber? Ikaw ha naturingang bestfriend
mo ko pero di ka nag kukwento sakin
kung sino ba yang lalaki na yan.
" Ganito kasi yan Larrie. Humigop muna
sya ng kape bago mag salita.
Meron akong nagustuhan na business
partner ng Dad ko. As in sobrang gwapo
nya matangkad, maputi, mahaba ang
mata, maliit ang labi my God gurl
makalaglag panty talaga.
Kwento ng kaibigan habang kinikilig.
" Wow! Oh eh bakit iiyak iyak ka kagabi?
Anyare sa inyo? Niligawan ka ba?
Tanong nya habang ngumunguya ng
hotdog.
" Yun ang ang problema gurl hindi nya
ko gusto! Nag pakita naman ako ng
motibo na gusto ko sya. Actually nga
nag pupunta pa ko sa kanila pero
kulang nalang ipag tabuyan nya ko kasi
hindi nya manlang ako hinaharap at
sinabihang hindi nya ko type. At kagabi
ng mag punta ako sa kanila i saw him
kissing with the other girl.
Biglang lumungkot ang magandang
mukha nito.
" Aray! Ang sakit nga nyan. Baka naman
girlfriend nya yung kahalikan nya?
" Ang alam ko wala syang girlfriend kaya
nga nag papansin ako sa kanya.
Malungkot na sabi nito.
" Alam mo gurl napaka ganda mo para
mag habol sa lalaking yon! Payo nya
sa kaibigan.
" Iba kasi sya gurl pag nakita mo di mo
talaga mapipigilang ma inlove sa kanya.
" Talaga ba? Hmm. Ano bang pangalan
nyan? Tanong nya sa kaibigan dahil
nacucucurious sya sa kwento nito.
" His name is Matthew Luis Fontanilla.
Grabe gurl name palang ulam na.
Natawa naman sya sa tinuran ng
kaibigan pero di nga makakailang
maganda ang pangalan. Mas lalo tuloy
syang nacucurious lalaking tinutukoy
nito.
" Nga pala Larrie kamusta ka naman?
Pinipilit ka parin ba ng parents mo na
ipakasal sa matandang hukluban na yon?
Tanong sa kanya ng kaibigan nya.
Napatigil sya sa pag subo ng marinig nya
ang tanong nito. Iniiwasan nya itong
isipin dahil nasusuka sya.
" Oo gurl, Dahil mag iinvest sa kumpanya
ni dad ang matandang yon para maisalba
sa pagka lugi ng negosyo nya. Kaya ako
ang pinipilit nilang ipakasal dahil may
gusto sakin ang matandang yon.
Gusto kong tumakas sa araw ng kasal
namin pero di ko alam kung san naman
ako pupunta dahil panigurado
ipapahanap nila ako at babagsak ang
kumpanya ng daddy ko pag di ako
nag pakasal.
Awang awa sya sa magulang kaya
napilitang sya umoo sa gustong
mangyare ng mga ito kahit tutol ang loob
nya sa gusto ng mga ito.
" I have a plan gurl. Ngising sabi ni Jess
sa kanya.
" Ano naman yan? Siguraduhin mo lang
na maganda yan ah!
" I will talk to my dad na mag invest sa
company ng daddy mo para maisalba
ito pero may ipapagawa ako sayo. Hehe
" At ano naman yon? Taas kilay nyang
tanong sa kaibigan na takang taka
sa mga pinag sasabi nito.
" Seduce Matthew Luis Fontanilla.
Do your best girl na makuha ang loob
nya. Agawin mo sya sa girlfriend nya
gurl. Bilib ako sa alindog mo kaya alam
kong kaya mo yan.
Napanganga nalang si Larrie sa sinabe
ng kaibigan. Aakitin ko ang lalaking
gusto nya? Nababaliw na ata ito.
" Nababaliw kana ba? Bakit ko naman
aakitin ang lalaking gusto mo? Baka
mamaya mainlove sakin yon no ikaw
din. Tinuran nya dito.
" That's exactly what i want gurl. Mas
gusto kong sayo sya mapunta kesa sa
iba. Kinikilig na sabi nito habang
hinahanpas sya sa braso.
" Aray! Makahampas ka naman. Alam mo
nababaliw kana hindi maaakit sakin yon.
Pano pag di naakit sakin? Pano na
company namin?
" Larrie, Pipilitin ko si dad na mag invest
sa company ng daddy mo maakit mo
man si Mr. Fontanilla or hindi atleast
nag try ka parin. Hindi ka pa nakasal sa
matandang hukluban na yon diba?
Ano gurl ayaw mo ba?
" Pano ko naman sya maaakit? Pano ako
makakalapit sa kanya?
" Napaka gandang tanong haha. Ganito
gagawin mo mag papanggap kang all
around maid sa kanila. Kasi nabalitaan
ko nung last na nag punta ako sa Pent
House nya na mag babakasyon ang maid
nya dahil may sakit ang anak nito.
Ngayon ikaw ang papalit sa maid na yon.
" Seryoso ka? As in maid talaga? Hindi
nga ako marunong mag laba eh. Oo
marunong ako mag luto pero iilan lang
ang kaya kong lutuin. Nako po! Wala
bang ibang paraan?
" Eh gurl yun lang ang alam kong mabilis
na paraan para makalapit ka sa kanya.
Alam mo yun malapit na malapit kaya
mas mabilis mo syang maaakit.
Pag isipan mong mabuti gurl next week
na aalis yung maid nya sa pent house
nya kaya mag go kana. Para makatakas
kana rin sa kasal mo. Next month
ikakasal kana so pag nag go ka sa
inaalok ko sayo edi solve na ang problem
mo. About naman sa gawaing bahay
kayang kaya mo yan.
Hindi alam ni Larrie kung san napupulot
ni Jess ang mga nasasabi nyang to.
Pero tama nga naman sya pag pumayag
ako sa Deal nya sakin hindi na ako
makakasal sa matandang yon at
maisasalba pa ang kumpanya namin.
Pasalamat nalang ako at mayaman tong
kaibigan ko na to.
Tumayo na ako para ligpitin ang kinainan namin at hugasan.
" Okay pumapayag na ako. Deal na!
" Talaga gurl? Yes. Don't worry you will
thank me after that. Pero kung nainlove
sya sayo at di mo naman sya
magustuhan iwan mo gurl para naman
ganti narin sa pang babalewala nya
sakin.
" Sure ka ba sa mga balak mo Jess?
" Oo naman Larrie! At ikaw lang ang
alam kong makakagawa nyan. Akitin mo
si Mr. Fontanilla para mag break sila ng
kung sinong babae na humalik sa kanya
nung nakita ako. Galingan mo gurl ah
kasi mukang model yung babae pero
syempre di ka naman papakabog dun.
Ngisi ni Jess sa kaibigan.
" Don't worry larrie maakit mo man sya
or hindi i will help your dad and his
company. At dahil pumayag kana sa deal
natin papauwiin ko ng probinsya ang
maid nya ora mismo. Syempre lalagyan
natin ng konting lagay yan para
makapag umpisa kana agad.
Hindi makapaniwala si Larrie sa mga
sinasambit ng kaibigan nya pero alang
alang sa dad nya at sa kumpanya nito ay
agad na pumayag sya. Atleast di naman
sya talo. Bonus na lang na gwapo ang
mayamang aakitin nya.
Isang linggo makalipas at nakalipat na
nga si Larrie sa bahay ng bago nyang
amo. Napaka ganda ng bahay nito
kumpleto sa kagamitan at napaka
manly sa kulay palang nito na Gray at
black. Bumagay ang pag kaka pintura sa
disenyo ng bahay. Hindi sya kalakihan
dahil nalaman nya sa dating katulong
na isa lamang ito sa mga bahay ng amo
nya at dito ito umuuwi dahil malapit sa
trabaho nito. May dalawang kwarto at
medyo kalakihang sala at kusina. Hindi
sya gaanong mahihirapang mag linis
kahit mag isa lamang sya. Nalaman nya
rin na nasa business trip ang boss nya
kaya sya lamang ang nasa bahay nito.
2 months mawawala ang katulong nito
para alagaan ang anak na may sakit.