Hindi ko alam kung matutuwa or maiinis ako sa nangyari ngayong araw na ito.
Pag tapos ng pag uusap namin ni Sir Luis ay agad narin itong umalis para tignan ang contruction site kung saan ginagawa ang ipapatayo nyang bagong condominium building.
Tinuruan naman ako ng dating sekretarya nya kung anu ano ang mga gagawin at kung ano ang gustong timpla ng kape ng bagong boss ko.
Hindi ko mai magine na mag kikita pa kami after ng gabing may mangyare samin, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko lalo na't sya ang lalaking naka una sakin sa kanya ko naibigay ang pinaka iingat ingatan kong virginity.
Kahit kay Jess isinikreto ko ang bagay na yon.
Napaka awkward lang kasi nakakayanan nyang humarap sakin na para bang walang nangyare.
"Ang lalaking yon nakakainis!"
bulong ko sa sarili."
"Nasaulo mo na ba lahat ang mga naituro ko sayo Ms. Larrie? Tanong sa kanta ng sekretarya ni sir Luis."
Bahagya pa akong nagulat dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Opo maam Linda." Medyo nasasaulo ko na po lahat," salamat po sa tulong nyo at pag tuturo sakin." Ngiting sabi nya dito.
"Ano ka bang bata ka wag mo na kong ma ma'am dyan para na kitang anak ikaw naman," tawagin mo nalang akong ate Linda.
"Okay po ate Linda," Salamat po ulit."
"Osya iha!" pag aralan mo muna itong mga files na ito at basahin para pag may kailangan dyan si sir mo ay agad mong maibibigay kanya," pati narin ang mga schedule ng meetings nya inote mo lagi at laging ipaalala sa kanya kung anong oras at date ng mga meetings nya para alam nya rin.
Mahabang lintanya nito sa kanya.
"Yes na yes ate Linda ako na pong bahala sa lahat." Pag iigihan ko po ang trabaho ko para hindi rin po masayang ang pag tuturo nyo sakin."
"Salamat iha! Makakapag pahinga narin ako sa kaka trabaho at maaalagaan ko na ang mga apo ko."
Osya mauna na ko sayo ha!" tawagan mo lang ako kapag may nga katanungan ka."
"Opo! mag iingat po kayo."
Nag yakapan pa sila bago tuluyang umalis ang matanda.
Natapos ang buong araw nya ng di nakikita ang kanyang boss," sumapit na ang 5pm ng hapon hudyat ng uwian nila kaya hindi na nya hinintay pa ang bagong boss nya't umuwi na sya.
Tutal mag kikita naman sila bukas, bukas nya na sasabihin ang mga schedule nito.
Naging abala si Matthew sa kanyang business dahil naka ilang meeting sila kung ano ang mas magandang Blue Frint ang pipiliin nya para sa bago nyang pinapagawa na condominium building.
Naging utos din sya sa tao nya na mag punta sa ama ni Larrie para mag invest sa naluluging kompanya nito. Hindi sya nag pakilala sa ama ng babae dahil baka makarating ang bagay na iyon kay Larrie.
Halos inuumaga na rin sya ng uwi sa bahay nya dahil pinipilit nyang tapusin lahat ng trabaho nya para makapag pahinga at relaks naman sya.
Balak nyang mag bakasyon sa San Vicente sa kanyang pinsan para makapag relaks at makapag beach dahil gusto nyang enjoyin ang summer ngayong taon hindi yung puro nalang trabaho.
Lumipas ang araw halos hindi na makasama ni Larrie ang boss nya sa opisina. Papasok lang ito saglit at aalis din dahil aattend sa mga meeting with his clients at pupuntahan ang construction site ng kanyang pinagagawang building.
Kahit subsob ito sa trabaho mababakas parin sa mukha nito ang kagwapuhan kahit may mga maliliit ng balbas at bigote ng tumutubo sa mukha nito. Mas nagiging hot ang boss nya sa pabingin nito.
Nag tataka din sya kung bakit hindi nito kinatatagpo ang girlfriend nito na pabalik balik dito sa opisina ng boss nya, maka ilang beses na syang natarayan nito dahil kada balik ng babae ay wala parati ang boss nya.
Dahil sa confidencial ang mga meetings ng boss ko ay di ko sinasabe kung sino at san ang meeting nito kapag hindi ako kasama kaya sobrang inis sakin ang nobya niya.
Di naman makakaila na napaka ganda ng nobya nito papasa itong isang modelo or kung sasali ito sa mga beauty pageant ay tiyak na mananalo ito. Kaso sa kabila maamo nyang mukha kabakigtaran naman ang ugali nito saksakan ng pangit ng ugali kung maka utos utos sakin pag nandito sya sa opisina ng boss ko ay akala mo sya ang nag papasahod sakin.
Inabot si Larrie ng 7pm sa opisina dahil tinatapos nya ang mga files na gagamitin para sa meeting ng boss nya bukas, inisa isa nyang i-summarize ang mga ito dahil deadline nya na talaga ngayon baka ma pagalitan sya ng bongga ng boss nya kaya kahit sya nalang ang natitira dahil nag si uwian na ang ibang mga ka-trabaho nya.
Habang abala sya sa pag titipa sa Monitor ng laptop nya ng biglang dumating ang boss nya.
"Nandito ka pa pala. Tanong sa kanya ni Matthew halata sa boses at mukha nito ang labis na pagod at puyat.
"Opo sir," Kailangan ko po kasi itong matapos ngayon sir. Konti nalang naman po ay matatapos ko na ito. Mahinhin nyang paliwanag, napansin nyang nag titipa si Matthew sa cellphone nya kaya tinuon nya ba ang paningin sa ginagawa nya para matapos nya na ito ng maka uwi na sya.
"I'll go to my office. Pag dating ng mga inorder kong pagkaen paki receive nalang at dalhin mo sa office ko."
"Noted sir. Pahabol nyang sagot dito ng di lumingon. Maya maya lang ay dumating narin ang mga pagkaen na inorder ni Sir Matthew sa mamahaling restaurant. Agad nya itong kinuha, buti nalang tapos na sya sa kanyang report kaya makakauwi na sya. Habang nag lalakad papunta sa office ng boss nya kinatok nya ito pero walang sumasagot sa loob. Sinubukan nyang pihitin ang seradura at agad naman itong nag bukas dahan dahan syang pumasok sa loob at nag pa linga linga para hanapin kung nasan ang boss nya. Nakita nya itong nakahiga na sa couch at ma himbing ng natutulog. Ibinaba nya ang nga pagkaen sa lamesa katapat ng couch kung san natutulog ang boss nya. Bakas sa mukha nito ang pagod at makikita narin ang eyebag sa ilalim ng mga mata nito. Kumuha narin sya ng plato at iba pang gagamitin sa pag kaen ng boss nya. Nakaramdam tuloy sya ng awa nakaka kaen pa ba ito ng maayos? Nakaka tikim pa ng lutong bahay? Mukang umaasa nalang ito sa pag order online ng pagkaen nya. Nang maihanda nya na ang lahat ay hinapik nya ng marahan sa balikat ang boss nya, marahan naman itong nag mulat ng mata at umayos na sa pag upo.
"Naka tulog pala ako. Anyway nag dinner kana ba? Get your plate sabayan mo na ko." Ani nya kay Larrie ng makitang isa lang ang plato na naka lagay sa lamesa.
"Nako sir hindi na po. Sa bahay nalang po ako kakain." Tanggi nya kay matthew.
"Sabayan mo na ko. Gusto ko ng may kasabay kumaen." Hindi na sya nakipag talo pa dahil alam nya naman na sa sarili nya na di sya papayagang umalis nito kapag di sya sumabay kumaen dito.
Kumuha narin sya ng sarili nyang plato at kutsara't tinidor pati narin ng baso. Halos mag laway din sya sa mga pagkaen na naka hain sa harap nya dahil mukhang masasarap ang mga ito at ang babango ng amoy.
"Umupo kana. Let's eat."
"Thank you sir." Tango lang ang isinagot nito dito. Tahimik lang silang kumakaen hanggang sa matapos sila. Inisa isa nya naring ligpitin ang kalat sa lamesa halos maubos nya ang mga pagkaeng inorder nito dahil napaka sasarap naman kasi. Lumabas ang pagka masiba nya kahit nag di-diet sya sira ang dyeta nya nito.
"Para ka palang lalaki kumaen ang takaw mo." Ngiting turan sa kanya ni Mattew.
"Nako sir ang sasarap naman kasi ng inorder mo lalo na yung beef steak napaka lambot ng memelt sa bibig ko."
"Yeah masarap talaga yon dahil masusing pinag aralan kung pano lutuin yon."
"Kaya pala. Boss natapos ko na po pala yung report ko isend ko nalang sa email nyo pag uwi ko ng bahay."
"Okay sige." Sagot ng boss nya sa kanya habang hinihilot ang sintido nito.
"Ayos lang po ba kayo sir?" Alalang tanong nya kay Matthew.
"Yeah. Medyo masakit lang ang ulo ko." Nakaramdam sya ng awa rito dahil sa sobrang ka tatrabaho kaya eto sumasakit ang ulo nito.